His Cold Cruel Heart (Complet...

By MatildaBratt

208K 8.2K 546

"Olivier Sean La Ferrante, an eligible bachelor and one of the heirs of the La Ferrante Group of Companies, i... More

1: Ano na?
2: Trapped
3: What the F*ck!
4: Job Offer
5: Harmless
7: Proposal
8: New
9: Dazed & Confused
10: Destiny
11: The Pusher
12: Pregnant
Update
13: First Date
14: Mint
15: Jacket
16: Bridge
17: Eliana
18: This Kiss
19: Birthday
21: One Year
21: Nick Noval
22: Games
23: Engaged
24: Bridesmaid
25: Poker
26: Double Date
27: Claw Machine
28: Truth & Lies
29: Need
30: Liar Liar
31: Over
32: Busina
33: Graduation
34: Until Forever
What's Next

6: Partners

6.7K 271 7
By MatildaBratt



"Ollie! What a surprise," Nick said when he saw his brother. He stood up from his chair. He's really surprised that Ollie's here.

Mula sa kanyang kinatatayuan ay nakikita ni Nick sina Lydia at Harriet sa labas na nakatingin sa kanila magkapatid. Lydia looked curious while Harriet has this look on her face that he just can't figure out. She looked surprised, confused and scared at the same time.

Ollie went inside and slammed the door behind him.

Bago tuluyang sumara ang pintuan ay nakita ni Nick na gulat na napatalon ang dalawa sa labas.

Now he's curious why his brother is here. And what is Harriet doing outside when she's supposed to be working at this time.

"Son of a bitch!" Ang sabi ng kapatid habang naglalakad papalapit sa kanya.

"May I remind you that we share the same mother. So technically, you're also the son of the bitch that you're talking about."

Ollie stopped in front of Nick's table.

"Don't give me that crap! What are you trying to do, huh?" Galit na galit ang kapatid niya.

Nagsalubong ang mga kilay ni Nick. Wala siyang kaalam-alam sa pinagsasabi nito.

"Hindi kita maintindihan."

"Seriously, Nick? Are you doing it on purpose? Pinaparusahan mo ba ako?"

Umiling siya. Hindi niya talaga alam kung ano ang pinagsasasabi nito.

"I don't really don't know what you're—"

"You placed Harri in that shitty storage room. Why?"

Tumaas ang kilay ni Nick sa narinig.

Harri.

So the two are on a nickname basis now?

"Alam mo ba kung gaano kainit sa loob ng storage room? It has no windows, no ventilation. Ano ba'ng plano mong gawin sa kanya?"

Ito pala ang dahilan kung bakit galit na galit ang kapatid. It's all about Harriet's comfort. Biglang uminit ang ulo niya. It's her first day of work and she's already complaining? At kay Ollie pa ito nagsumbong?

"Did she tell you that it's just temporary? That she will be trans—"

"Sinasadya mo ito, eh. That's how much you hate me. Hindi ba't ideya mo ang maghanap ng babaeng pakakasalan ko? Are you trying to sabotage me? You hide Harri in that awful shit hole para hindi siya makapag-concentrate sa pagtatrabaho. Para hindi siya—"

"Let me stop you there, Ollie," hindi na siya nakapagpigil. Ollie's accusations are making him angry. "I have never abused my employees. You of all people should know that. As I have said, Harriet's working place is temporary. I'm still looking for the right place for her. Sa ngayon, doon na muna sa storage room. At isa pa, we need to keep the whole thing a secret. You already sabotaged it by putting an ad in a magazine. I don't want people from the media coming in here to ask her questions. I don't want this to be a fiasco."

Hindi kaagad nakasagot si Ollie. Parang nahimasmasan ito.

"Where do you want her to conduct the interviews? Sa loob din ng mainit na lugar na 'yun?"

"She can use the boardroom for now. At isa pa, she's not going to conduct interview any time soon. She's still sorting the applicants. At matatagalan siya dahil sa dami ng umaapply."

Tinitigan siya ng kapatid. Alam ni Nick ang ibig sabihin ng mga titig nito. Ollie doesn't believe anything that he has said.

"That's bullshit, Nick!" He clenched his jaw and turned around to leave.

Napabuntong-hininga si Nick. How can he make Ollie listen?

Binuksan ni Ollie ang pintuan at lumabas na.

"Harri?" Ollie said before slamming the door again.

Nick flinched as the door closed. He let out a sigh.

"Harri, huh?" mahina niyang sabi at muling naupo sa kanyang upuan.

***

"Harri?"

Gulat na napatingin si Harri kay Ollie. Hindi na ito mukhang galit pero seryoso pa rin ito.

"Yes si-Ollie?"

Kahit hindi siya lumingon ay alam niyang nakataas ang kilay ni Lydia nang tawagin niya si Ollie sa pangalan nito.

"Come with me."

"P-po? Saan po?"

Sa halip na sumagot ay hinawakan ni Ollie ang kamay niya at hinila siya nito.

Nanlaki ang mga mata ng dalaga. Nararamdaman niya ang mahigpit na paghawak ng kamay ni Ollie sa kamay niya.

At muling nagwelga ang kanyang puso sa loob ng dibdib niya. Parang gusto rin nitong mahawakan ang kamay ni Ollie.

Walang siyang nagawa kundi ang sumunod kay Ollie. Habang papalabas sila ay muli siyang lumingon. Nakita niyang nakatingin sa kanila si Lydia. Halatang naguguluhan ito sa mga nangyayari.

Siya namang pagbukas ng pintuan sa office ni Nick at lumabas ang binata. Kitang-kita ni Harri kung paano ito makatingin sa kanila.

Nawala ang kilig na nararamdaman niya at napalitan 'yun ng takot. Natatakot siya kay Nick. Baka kung ano ang iniisip nito. Baka mapagalitan siya nito.

Paano niya ipapaliwanag kay Nick ang nangayayari? Kahit siya man ay hindi alam kung anong binabalak ni Ollie. At kung bakit hawak nito ang kamay niya.

Nasa hallway na sila ngunit hawak pa rin ni Ollie ang kamay niya kaya't naisipan niya na tanungin na ito.

"Um...Ollie? Saan ba tayo pupunta?"

Ngunit hindi ito sumagot. Determinado ito sa paglalakad. Saka lamang siya binitawan nito nang marating nila ang storage room. Mabilis nitong binuksan ang pinto at pumasok. Sumunod naman si Harri.

Pagpasok niya sa loob ay nakita niyang nililigpit ni Ollie ang mga gamit niya. Inilagay nito sa isang kahon ang laptop at tablet mula sa mesa.

"Come here," sabi nito nang makita siyang nakatayo sa likod ng pintuan. "Take this."

Nalilito siya sa sinasabi nito ngunit sinunod pa rin niya ito. Lumapit siya sa table at tinanggap ang kahon na sinasabi nito.

"Kaya mo bang dalhin 'yan?" Tanong ni Ollie habang ipinatong ang pangalawang kahon sa pangatlong kahon na nasa mesa.

Napangiti si Harri. Muli siyang kinilig sa concern na ipinakikita nito.

"Oo, kaya ko 'to," sabi niya at binuhat ang kahon. "Saan ba tayo pupunta? Anong gagawin natin?"

Bago sumagot ay binuhat ni Ollie ang pinagpatong na kahon at nauna na ito sa pintuan.

"Just follow me," sabi nito.

Sumunod naman si Ollie.

Habang naglalakad sa hallway ay muli siyang nakaramdam ng kaba. Parang alam na niya kung ano'ng ginagawa ng binata. Kinakabahan siya dahil baka makita sila ni Nick at muli na namang mag-aaway ang dalawa. Unang araw pa niya sa trabaho ngunit nasaksihan na niya kung paano magsigawan ang dalawa.

Mabuti na lang at si Lydia lang ang nakakita sa kanila. Nakahalukipkip ito habang nakatingin sa kanilang direksyon. Hindi na niya ito pinansin. Tiyak niyang magsusumbong ito kay Nick pero mamaya na niya iisipin 'yun.

"Don't worry about her," ang sabi ni Ollie habang pagsakay nila sa elevator. Tila nababasa nito ang iniisip niya. "Yes, she's going to tell Nick about what she saw but that's okay. Trabaho niya 'yun. She's Nick's assistant. In fact, naiinggit nga ako sa kapatid ko. Lydia is very loyal to him. She will die for Nick if she needs to. I wish I had someone like that."

Hindi nakasagot si Harri. Hindi niya rin naman kasi alam kung anong isasagot dito. Nagpatuloy naman si Ollie sa pagsasalita.

"You know, someone you can count on. Someone who will be there for you no matter what."

Hindi niya alam kung bakit pero naalala ni Harri ang araw na nakulong sila ni Nick sa elevator. Tahimik lang si Nick noon. Magkaiba nga sila ni Ollie na hanggang ngayon ay nagsasalita pa rin.

"Someone who would tell you things that you need to know," sabi ni Ollie. Napabuntong-hininga ito pagkatapos ay napatingin sa kanya. "Um...Harri? Can I ask you something?"

"O-opo. Kahit ano po." Napalunok siya. Ano kaya ang itatanong nito sa kanya?

"What did you say?" Tumatawang tanong nito.

Nalito siya. 'Yun ba ang gusto nitong itanong sa kanya?

"A-ano po?"

"Po? Talaga? Baka gusto mo rin akong tawaging kuya," tumatawa pa rin ito. "I'm just a few years older than you so just drop the 'po' and call me Ollie."

Napangiti si Harri. At kahit hindi siya tumingin sa salamin ay alam niyang namumula ang mga pisngi niya.

"It's...it's a sign of respect ko po sa inyo," paliwanag niya.

"I know but I told you, you don't work for me. We're partners in this, di ba?"

Sasagot sana siya ngunit bumukas ang elevator. Bumaba si Ollie at sumunod na rin siya.

Nagtaka si Harri nang makita niyang nasa 21st floor pala sila. Napansin niya na rin na konti na lang ang mga babaeng naroroon para mag-apply.

Napangiti siya nang makitang nagulat ang mga babae nang makita si Ollie. Naiintindihan niya ang mga ito. Kinikilig din kasi siya habang nakasunod kay Ollie.

Nakatunganga naman ang babaeng nasa front desk na nagsungit sa kanya kanina. Nakatingin din ito sa kanila.

"The phone's ringing, Kimmy," ang sabi ni Ollie at nagpatuloy sa paglalakad.

Kimmy pala ang pangalan nito. Ngumiti siya nang makitang nataranta ito sa pagsagot sa telepono.

Pagpasok nila sa loob ay tumambad kay Harri ang napakalaking office na may napakaraming cubicle. Abalang-abala ang mga tao roon sa kanilang ginagawa. Hindi nga sila napansin ng mga ito.

"Welcome to the HR department," bulong ni Ollie kay Harri. Nakatayo ito sa tabi niya. "Now if we can just find you a —"

"Sir Ollie? Can I help you?"

Sabay silang napalingon sa nagsalita. Si Kimmy pala.

"Kimmy! Yes, I need you help. Is there an available desk here?"

Pinasadahan siya ng tingin ni Kimmy bago ito sumagot.

"Yes, sir. Meron po. Doon po sa pinakadulo, may dalawang bakanteng cubicle po doon. If you can follow me—"

"Thank you very much, Kimmy. You're so helpful," putol ni Ollie at nginitian ito.

Kitang-kita naman ni Harri na lumapad ang ngiti ni Kimmy.

"But we can take it from here. I don't want to disturb you from your busy schedule. I'm so grateful for your help."

Isang matamis na ngiti ang isinagot ni Kimmy at iniwan na sila nito.

"Shall we?" Ang sabi ni Ollie sa kanya. Nauna itong maglakad. Sumunod naman siya.

Habang naglalakad patungo sa dulo ng silid ay saka pa lamang sila napansin ng mga empleyado. Isa-isang tumigil ang mga ito sa kanilang ginagawa at binati si Ollie.

Puro 'Hi, sir Ollie' at 'Good morning, sir Ollie' ang kanilang narinig.

Manghang-mangha si Harri habang nakatingin sa mga ito habang tumatawa naman si Ollie.

"As you were, guys. Just pretend you didn't see me. Bumalik na kayo sa mga trabaho ninyo. Baka mapagalitan pa kayo ni Nick." Sabi nito.

Nang marating nila ang bakanteng cubicle ay inilapag ni Ollie ang dala-dala nitong kahon sa mesa pagkatapos ay kinuha nito dala niyang kahon at inilapag na rin.

"So, this is you, Harri," sabi ni Ollie at itinuro ang cubicle.

"Maraming salamat, Ollie," sagot niya. Hindi mawala ang ngiti sa mukha niya.

"Take a seat," ang sabi nito sabay hila sa swivel chair para makaupo siya.

Masaya namang naupo si Harri. Naisip niyang napaka-gentleman talaga nito.

"It's so much better here than in the storage room, di ba?"

"Oo nga," sagot niya. Hindi siya makapaniwala na kaagad na nakahanap ng bakanteng desk si Ollie para sa kanya.

"Hindi ko alam kung anong naisip ni Nick but a girl as pretty as you shouldn't be locked up in a terrible place like the storage room," nakangiting sabi ni Ollie sa kanya.

Ginantihan niya rin ito ng ngiti. At habang nakangiti ay napansin niyang nagpalipat-lipat ang mga mata ni Ollie mula sa kanyang mukha at sa may bandang dibdib niya.

Naalala ni Harri na tinanggal niya pala ang iilang butones sa suot niyang blouse. Nakaramdam siya ng kaba. Naisip niyang itakip sa kanyang suot ang kanyang kanang kamay ngunit pinigilan niya ang kanyang sarili dahil bukod sa kaba ay may iba siyang nararamdaman. Nakaramdam din siya ng sabik.

Tinitingnan siya ni Ollie bilang isang babae. Minsan lang mangyayari ito. Baka hindi na nga ito mangyayari pa. Bahala nang matawag siyang malandi. Hahayaan na niya ang binata.

At isa pa, hindi niya naman sinasadya na makita nito ang kanyang cleavage. Sigurado siyang marami ng nakitang cleavage si Ollie. Malamang ay higit pa doon ang nakita nito.

Isang ideya ang naligaw sa isipan ni Harri. Bigla niyang naisip na baka may pag-asa pa siyang maging asawa nito.

"Harri?"

"H-ha?" Bigla siyang nagising mula sa kanyang pagpapantasya. Pumikit siya pagkatapos ay umiling para tuluyan nang mawala ang pantasyang nasa kanyang isipan.

"Are you okay?" Nakangiti pa rin si Ollie. Ngayon ay nanatili itong nakatitig sa kanyang mukha.

"Um...yes," sagot niya.

"Listen, about what I said kanina sa elevator."

Naalala niyang may gusto pala itong itanong sa kanya kanina.

"You know, as my partner in this...thing... I hope I can trust you to inform me about the interview process. Gusto ko lang malaman kung ano na ang nangyayari. Please keep me updated. I hope you understand."

"Oo, siyempre naman," naiintindihan niya ang binata. Naghahanap sila ng asawa para kay Ollie. Normal lang na gusto nitong malaman ang mga nangyayari.

"And please don't tell Nick about it. My brother wants to control my life. I just want to make sure na makakasundo ko ang kung sino mang mapili niyang mapapangasawa ko." Nawala ang ngiti sa mukha nito.

Kahit sariling kapatid ay kinokontrol pala ni Nick. Nakaramdam tuloy siya ng awa para kay Ollie.

"Hindi ko sasabihin sa kanya. Promise."

"Thank you, Harri," sabi nito. Pagkatapos ay dinukot ng binata ang cellphone nito mula sa bulsa ng suot na pantalon. "Bago ko makalimutan, can I have your number?"

At muli na namang napalukso ang puso ni Harri. Muli siyang napangiti.

"Sure," sagot niya at idinikta sa binata ang kanyang numero. Maya-maya ay narinig niyang nag-ring ang kanyang phone.

"That will be me," sagot ni Ollie. "Call me if you have updates. In fact, call me for anything. Kung may kailangan ka, tawagan mo lang ako. Anytime, okay?"

Tumango siya.

"Maraming salamat, Ollie," 'yun lang ang tangi niyang nasabi.

Hindi na siya nakapagsalita pa. Hindi niya inakala na magkikita sila ni Ollie sa unang araw niya sa trabaho. At lalong hindi niya inasahan na kukunin nito ang numero niya.

Hanggang sa umalis na si Ollie ay walang nasabi si Harri. Nanatili siyang nakangiti habang tinitingnan ang papalayong binata.

***

"Talaga? Kinuha niya ang number mo?"Hindi makapaniwalang tanong ni Aisha kay Harri.

"Oo. Binigay niya rin ang number niya sa akin." Sagot niya.

Nasa condo unit sila ni Aisha. Gusto kasing manood ni Hannah ng palabas sa malaking TV ng kaibigan nila.

"Ang swerte mo naman, Harri! Magkuwento ka nga tungkol kay Ollie. Talaga bang napakagwapo niya sa personal?"

Napangiti siya. Iyon na yata ang instant reaction niya tuwing nababanggit ang pangalan ni Ollie.

"Magkaibang-magkaiba sila ni Nikolaj na palaging nakasimangot. Si Ollie naman ay palaging nakangiti. At kung tumingin siya sa'yo, parang ikaw lang ang nag-iisang taong nakikita niya. Parang nasa sa'yo ang lahat ng focus niya."

"Pati ako kinikilig sa kwento mo, Harri!" Tumatawang sabi ni Aisha. "So, ano? Hindi ka ba mag-a-apply? Ngayon pa lang ay parang may chemistry na kayo."

Umiling siya.

"Yun na nga, eh. Hindi ako pwedeng mag-apply. Nasa pinirmahang kontrata ko 'yun. Lahat ng empleyado ng LFGC ay hindi pwedeng mag-apply."

Napanganga si Aisha sa isinagot niya. Bumukas naman ang pinto ng cr at lumabas mula doon si Hannah.

"Sira pa rin ang lock ng pinto ng banyo mo, Aisha," sabi ng kapatid niya.

"Alam ko. Huwag kang mag-alala ipapaayos ko rin 'yan," sagot ni Aisha.

"Sinabi mo na 'yan dati pero wala pa ring nangyayari."

"Ano ka ba, Hannah, nag-uusap kami ng ate mo," sabi ni Aisha at muling bumaling kay Harri. "Sayang naman, ano? Chance mo na sana."

"Anong sayang? Anong chance?" Hindi mapigilang tanong ni Hannah habang papalapit sa dalawa.

"Ito kasing kapatid mo, hindi pala siya pwedeng mag-apply bilang asawa ni Ollie. Sayang kasi mukhang magkasundo na silang dalawa."

"Alam ba ni Ollie na nagkakilala na kayo dati?" Tanong ni Hannah at naupo sa tabi ni Harri.

Umiling siya. Gusto nga niyang sabihin 'yun kay Ollie kahapon pero parang hindi siya naaalala nito.

"Ha? Magkakilala na pala kayo?" Tanong ni Aisha.

"Hindi niya ako naalala."

"Harri, naman eh. Hindi ibig sabihin nun ay tatahimik ka na lang. Kailangan mong ipaalala sa kanya," excited na sabi ni Aisha. "Naku, ngayon pa lang ay kinikilig na ako para sa'yo."

"Ha? Bakit?"

"Dahil malaki ang chance mo, Harri. Malaki ang chance mong makapangasawa ng gwapo at mayamang lalaki. Isipin mo nga, may history na kayo tapos palagi mo pa siyang makakausap dahil nga, di ba, gusto niyang i-update mo siya? Pagkakataon mo na ito, Harri!"

"Eh, paano si sir Nick? Tiyak na magagalit 'yun." Tanong ni Hannah sa kanya.

"Huwag mo ngang problemahin si Nick." Sagot ni Aisha. "Mawawala rin ang galit nun kapag ikaw ang pinili ni Ollie. All you have to do is make Ollie fall in love with you."

"Ano ka ba, Aisha. Manood na nga tayo ng palabas." Sinadya niyang ibahin ang usapan dahil kinakabahan siya sa sinasabi ng kaibigan.



***Don't forget to vote. Thanks. 

Continue Reading

You'll Also Like

25.9M 71.3K 76
WARNING: Mababaw lang ang kahulugan ng #AFGITMOLFM dahil mababaw lang ang author. Huwag umasa. Masasaktan ka lang. The meaning is one of the mysteri...
16.4M 233K 60
Sa kwentong ito, malalaman mong hindi lahat ng tinatawag na "freak" ay dorky, nerd, or just generally not nice-looking. Dahil minsan, may mga freak d...
94.1M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...