Hindi matapos-tapos ang tanong ng mga readers ni Dennise. Pagkatapos sumakit ng kamay niya sa pagpirma ng mga libro, nakipagkuwentuhan ang mga ito sa kanya. Noon lang siya nakilala ng mga ito pero parang matagal na silang magkakaibigan dahil din sa mga istoriya niya.
Maging si Mari ay halatang nag eenjoy rin. Nobody minded if she was hunchback. Marami itong naging kaibigan lalo na nang malamang sa istorya nito nakabase ang isang character na isinulat niya. Inggit na inggit tuloy ang ibang readers niya rito.
"Thank you for coming Dennise," wika ni Marco at saka siya hinalikan sa pisngi.
"Ako ang dapat na magpasalamat. This cosplay idea is brilliant. Hindi ako naiilang dahil lahat kami ay naka-costume. At nag-eeffort din silang magpagawa ng costume para sa akin."
Kaya naging komportable siya. Nagawa niyang humarap sa maraming tao at makipag-usap sa mga ito nang hindi pinangingilagan o iniisip na kakaiba siya. Puro mga papuri ang narinig niya mula sa mga ito. At natutuwa rin siya dahil walang nagtanong sa kanya kung ano ang hitsura niya. Parang nirerespeto rin ng mga ito ang privacy niya. Inaabangan lang kasi ng mga ito kung ano raw ang susunod na isusulat niya o kaya ay kung ano ang susunod niyang magiging costume.
"This is not my idea. It's Alyssa's."
"Kay Alyssa?" Nang lingunin niya ito ay nakita niyang kausap nito ang kuya Deive niya. Kumaway pa ito sa kanya bago muling kausapin ang pinsan niya.
"Malaking bagay raw para sa iyo kung matutuloy ang book signing na ito."
Nilapitan niya si Alyssa nang iwan nito ang Kuya Deive niya. Nagulat ito nang bigla niyang halikan sa labi. "Thank you!"
"Para saan?" Inosenteng tanong nito.
"Ikaw raw ang nag-isip ng cosplay na ito. Sabi ni Boss Marco, ikaw rin ang nag-organize. Kulang na lang raw, hindi siya gumastos dahil gusto mo ikaw ang mag-asikaso ng lahat. Kaya pala madalas kang wala nitong mga nakaraang araw."
Niyakap sita nito. "Pinaghandaan talaga namin ito. Happy?"
Tumango siya. "Yes. Marami pa akong naging kaibigan. I miss meeting new people ang having new friends."
"Dennise, you deserve to be part of this world. 'Di mo kailangan laging ikulong ang sarili mo sa dilim. Dapat, makilala mo ang mga taong nakaka-appreciate sa talent mo. And you will always have a place in this world."
Inilibot niya ang tingin sa mga bago niyang kaibigan. May ngiti sa labi ng mga ito. Kahit si Mari ay hindi nahihiyang ipakita ang sarili nito. Nakakainggit. "Looking at them makes me want to be a normal woman. Gusto ko ring maglakad sa liwanag nang walang kinatatakutan."
"Do you really want to?"
Tumango siya nang marahan. "Pero hindi madali para sa akin."
He kissed the tip of her nose. "No one is rushing you. Do it at your own pace. Kahit ang uod, 'di minamadaling lumabas sa cocoon para maging paru-paro."
"Then be patient with me, Alyssa."
-----
Sorry for my late updates. I'm just busy. But yeah, I'm trying my best to create a draft and publish as soon as I have time. Anyways, thank you for still reading!
🐱🐱🐱