Mabagal na update...
*****
PINAG AARALAN KO pa ang kaso na binigay sakin ni general. Hindi ko kasi alam kong saan ko sisimulan kong gayong wala talaga akong nalalaman sa nangyayari. Sobrang talaga na ang case na ito bata pa ako nung nangyari yon. Kaya sumasakit ang ulo ko kung paano ko sisimulan ang pag iimbestiga.
Napabuntong hininga nalang ako at sinara ang folder ng case at tinago ko muna. Marami pa akong file na babasahin.
Ilang araw na ang lumipas mula nang mangyari sa bar ang ginawa ko. Kung saan nakuha ng pesting Francisco na yon ang first kiss ko. Naalala ko na naman ang malambot na labi niya na dumapi sa labi ko. Dahil sa naisip ko nakaramdam agad ako ng init s katawan. shit Gabby tumigil ka nga!sita ng utak ko.
Breaking news: The Chief of Police Justine Francisco spotted kissing a simple woman in the HD bar, a few days ago. The woman kicked Mr. Francisco in front of everyone...blah...blahh..blah.."
Napatigil ako sa pagsubo nang makita ang news nanlaki ang mata ko nang may pinakitang video buti na lang medyo madilim at nakatalikod ang kuha nito sakin. Pinakita pa sa video kung paano ko sipain ang lalaki sa dibdib at natumba tapos pumatong ako sa mesa at tinapakan pa ito. Salamat sa kumuha ng video dahil puro nakatalikod ang kuha ko dun. At an hiyawan kong pano ako hAlikan ng gagong yon sa harap ng lahat.
Tinapos ko ang pagkain at agad bumalik sa office ko. Halos buong oras akong nakipagtitigan sa kisame hindi ko namalayan hapon at out ko na. Niligpit ko ang mga gamit nagmadaling lumabas ng opisina. Nakasalubong ko pa ang ibang tauhan ko paout na rin ang mga ito.
Nagdrive ako patungong cafe ni Bea parang gusto ko ngayon uminom para maiwaglit ko ang eksenang yon. Mabuti nalang bago ako umeksena naioff ko ang lahat ng camera sa bar.
Maaga kaming nakrating dito sa bar,si Fia kanina pa tanong nang tanong kong ano ba gagawin namin dito. Nagpaalam ko saglit sa kanya tumango naman ito.
Pasimple akong naglakad sa pasilyo patungo sa cctv room ng bar mabuti walang tao sa loob at walang nakakita sakin. Pagkapasok ko nilock ko agad ang pinto at dali daling binura ang footage sa labas ng bar pati pagpasok. Nang madelete ko ang mga yon inoff ko ang lahat ng cctv sa buong bar. Dahil kong ano man ang kalalabasan ng gagawin ko wala ebedinsyang makukuha. Pagkatapos ng ginawa ko mabilis din akong lumabas sa silid na yon. Nagtungo muna ako sa washroom para ayusin ang sarili dahil pinagpawisan ako sa ginawa ko.
Pagkarating ko sa cafe agad akong sinalubong ni Fia. Alam ko na ang sasabihin nito dahil may mapaglarong ngiti sa labi niya habang nakatingin sakin. Inirapan ko na lang. Nagtungo ako sa counter at umupo sa high chair. Napatingin sakin ang kaibigan ko tutuk na tutuk ito sa laptop nasa harapan nito.
"What brought you here?" nakangiting tanong niya sakin. Inirapan ko din siya na ikinatawa pa lalo. Smile day ba ngayon dahil puro sila nakangiti. "anong masamang hangin ang nagtangay sayo dito?" dagdag pa niya.
"Bakit bawal na ba ako pumunta dito?" tinabi muna niya ang laptop at humarap sakin. Ito lang naman ang ginagawa ng babaytang ito sa cafe, ang maghapong nakaharap sa screen ng laptop.
"I didn't say that? ano ba pinagkakaabalahan mo bakit now ka lang nagpunta?" napa tsked nalang ako sa tanong niya sakin. Kung sa bagay hindi nila alam na isa akong pulis hindi ko naman kasi sinasabi sa kanila. Ang alam lang ng mga ito tumutulong lang ako sa kanila mama at papa sa maliit naming negosyo. Bakit nga ba hindi ko sa kanila sinabi ang totoong trabaho ko? ang sagot hindi ko din alam.
sa ilang taon ko sa pagpupulis hindi ko pa nababanggit sa kanila ni minsan. Ayokong pati sila madamay at malagay sa kapahamakan. Hindi ko kakayanin na makita silang nasasaktan. At ang pagiging secret intel ko,yan ang madalas nakakatnggap ako ng death threats sa mga hindi ko kilalang tao.
Hindi ko siya sinagot sa halip tumalikod ako ng upo para humarap sa minie stage ng cafe, may nag aarrange ng mga ginagamit sa pagpeperform ng banda. Mukhang mga kakanta ngayon dito ha!
"Cake,ang sama mo kinakausap kita tinalikuran mo ko.!" maktol pa nito. Napaikot nalang ang eyebal ko bago hinarap siya.
"Isang slice nga ng bavarian at isang milkshake.."sa halip na sagutin ang pagmamaktol ng babaytang to nag order na lang ako. Napanguso naman siya at inutusan ang isang waitress na tinawag niya.
"Bakit ganun kayo? si Kristelle ganyan din nung pumunta dito, hays wala na tayong bonding nakakalimutan niyo na ako! parang hindi na ako nag eexist sa inyo..." pagdadrama na nito. Kaya tinaasan ko siya ng kilay. Humahaba pa ang nguso with paawa face pa. Sanay na kami sa kadramahan niya dahil sa kakapanood nitong mga drama series.
"Huwag ka ngang ngumuso diyan,para ka nang pwet ng manok.." nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko,kaya tiningnan naman niya ako ng masama at hinampas ang balikat ko,hindi naman malakas.Na ikinatawa ko nalang.
Minsan sarap din asarin ng kaibigan kong to' hindi naman madaling mapikon. Si Kristelle ang mabilis mapikon sa aming tatlo. Dumating ang order ko kinain ko na agad dahil nakaramdam ng gutom agad.
Hindi na niya ako kinibo at humarap na sa laptop nito. Ako naman tumalikod ng upo at humarap sa mini stage nang may nag gitara. Konti palang ang tao kaya nakikita ko pa ang mga nakaupong ibang costumer.
Napadako ang tingin ko sa lalaking nasa gilid. At agad ko naman itong nakilala,si Atorney. tsked! iba talaga ang karisma ng magkapatid na ito. Nagsusumigaw ang kakisigan. Ang lakas pa ng appeal ng mga ito sa kababaihan. At isa na ako dun sa kababaihan na yon. Hindi ko man aminin pero yon talaga ang sinisigaw ng sistema ko. Lalong lalo na sa panganay na binata. Na halos pangapusan ako ng hininga sa presensya lang nito. Pano pa kaya nung hinalikan niya ako. Laking pasalamat ko pa nga dahil buhay pa ako nang makalabas ng bar.
Halos magkahawig man silang dalawa pero iba talaga ang nararamdaman ko sa presence ng isang yon. Yong feeling kinikiliti ka at bigla nalang umiinit ang mukha mo. yon ang pakiramdam pag nababanggit ang pangalan nun o kaya makita ko sa picture pano pa kaya noong sa personal na di ba?
Napaiwas ako ng tingin nang napalingon sa gawin ko ang binata. Pasimple akong sumipsip sa milk shake na hawak ko at tumutok sa kumakanta dun sa stage.
Kailangan ko pala mapalapit sa kanila para makakuha ako ng konting info sa aksidente sa mga magulang nito. Ilang beses ko nilunok ang ininom kong shake nang hindi ko namalayang nakalapit na pala siya sa tabi ko.
"Hey,mis beautiful." ang husky ng boses niya pang kwarto. Pero iba pa rin ang boses ng kapatid nito. Wala naman akong naramdaman ng kahit na ano sa sarili ko nang mrinig ko ang boses niya.
Pinatong ko muna ang baso bago ko siya hinarap." Hey you too handsome." nakangiti kong approuch din. Mas lumaki ang ngiti niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko ipagkakaila na gwapo siya.pero nasabi ko na sa harap nito kaya lalaki lalo ang ulo nito.sa baba o sa taas na ulo? ang mahadera kong utak sumabat sabat naman.
"Hmm? I like that,nagsasabi ka ng totoo.." mataman ko itong tinitigan. ang lapad ng ngiti niya." I'm to much handsome". mahangin pala ito. Masyadong confedent sa sarili.Well totoo naman na gwapo siya.
Inikotan ko siya ng mata na mas lalong ikinatawa niya.
"Baliw!" mahinang sabi ko pero alam kong narinig niya yon. Tumigil na ito sa kakatawa at umupo sa katabi kong highchair. Wala na ang kaibigan ko sa counter siguro pumasok na sa opisina nito dala ang laptop.
"So... If you don't mind I sit here?" anito. eh ano pa bang sasagot ko eh nakaupo na siya di ba? "Okay..okay .. your beautiful while rolled your eyes on me." nambola pa ito. Hindi ko siya pinansin inubos ko nalang ang cake na kinakain ko at ang shake.
Habang tumatagal masarap palang kausap ang kumag na ito. Kung ano ano na ang kinukwento sakin. Hindi ko na din namamalayan ang oras,dahil friday ngayon hanggang 12midnight open ang cafe na to.
Naikwento din niya ang pag aaral nito sa states at ang kursong kinuha niya. Kahit alam na nitong hindi ako interesado sa mga kinukwento nito pinagpatuloy niya pa rin. Lumipat kami ng inuupuan sa bandang gilid na sobrang daldal pala nito.
At pareho kaming natawa nang nasa part na ito sa pagkukwento ng mga kalokohang ginawa noong nag aaral pa ito.
Pero ang tawa na yon napalitan ng lungkot nang mabanggit nito sa kwento ang mga magulang. Ramdam ko ang sakit na pinagdaanan nila. Kahit hindi ko pa man yon nararanasan pero alam ko ang pakiramdam. Nakita kong may pumatak na luha mula sa mata niya na agad namang pinahid.
Kahit ilang oras palang kami nag uusap ang gaan na ng loob ko sa kanya at ang lungkot na nararamdaman nito pakiramdam ko apektado rin ako. kaya nang iinit din ang gilid ng mata ko.
Pasimple kong hinamas himas ang likod niya para kahit papano mabawasan ang lungkot at sakit na dinaramdam niya.
"I'm sorry ang dami ko tuloy naikwento." nakangiti na ito ngayon. Nasa labas na kami ng cafe at patungo na sa sasakyan."Nice to meet you Bianca..i hope this is not the last.." yon ang pakilala ko sa kanya. actuall first name ko naman yan. Tumango naman ako.
"Of course ,this is not the last.. Atorney.."nakangiti kong sagot napailing naman siya sa sinabi ko. "okay I'll go ahead . nice to meet you too.."kumaway na ako bago pumasok sa kotse ko. Narinig kong bumusina ito at nauna nang umalis.
Pagkarating ko sa apartment naligo agad ako bago humiga. Konting lapit pa Gabby may makukuha ka na niyan.
****
Slow update.... sorna agd..