Chapter Theme: Akap by Imago | Rakista Live EP340
LEINNA
Tanong lang, maibabalik pa ba natin
Ang dati na sa iyo ay nasasabik
Mainit na yakap, tamis ng 'yong halik
Tuluyan na nga ba itong lilimutin?
Gusto kong mag-cringe bigla sa isinusulat ko. Naalala ko kasi last time na nagsusulat si Austin ng song lyrics pero hindi hamak na mas maganda 'yong sa kanya. Parang gusto kong kilabutan dito sa version ko.
Lulukutin ko na sana ang papel na sinulatan ko sabay shoot sa trash can sa tabi ko, pero sayang naman. Napabuntong-hininga na lang ako at saka isinara ang Deathnote notebook ko. Bigay pa naman 'to ni Lennon. Biniro pa nya ako na subukan ko raw isulat ang pangalan ni Talford, baka sakaling tumalab. Loko talaga.
Ipinatong ko ang notebook sa bedside table at padambang tumalon sa kama. Sunday pero tamad na tamad ako lumabas ng bahay kaya sa kwarto ako nagbababad. Si Lennon, as usual, nasa galaan na kasama si Nattie. Saan naman kaya dadalhin ng kapatid ko ang isang 'yon?
He was a boy
She was a girl
Can I make it any more obvious?
He was a punk
She did ballet
What more can I say?
Napabangon akong bigla dahil sa tugtog na nanggagaling sa cp ko. I grabbed my hair brush na nasa bedside table at saka inalis sa pagkakapusod ang buhok ko. Tumayo ako sa kama kaya kitang-kitang ko sa ang kabuuan ko sa salamin na katapat lang ng kama ko.
He wanted her
She'd never tell
Secretly she wanted him as well
But all of her friends
Stuck up their nose
They had a problem with his baggy clothes
Sino'ng hindi mapapa-jamming sa kantang 'to ni Avril Lavigne? This is iconic!
"He was a skater boy, she said, "see you later, boy". He wasn't good enough for her. She had a pretty face, but her head was up in space.
She needed to come back down to earth!"
Nagtatatalon ako sa kama at nag-rock sign na akala mo nagpeperform ako sa harap ng maraming tao. Next gig namin ay sa Halloween Party sa E.R.R.O.R., na-invite kasi kami ulit nina CL at Lyric na mag-perform.
Tatlong katok ang nagpatigil sa pagwawala este pagpeperform ko. Bumukas ang pinto at iniluwa sina Austin, Arrow at Rhett. Teka, bakit nandito sila?
At ano'ng ginawa nila pagkakita sa akin? Naki-damba na rin sila sa kama ko. Mga naka-medyas na lang kasi sila, buti wala silang suot na sapatos kundi bububugbugin ko sila kapag umakyat sila sa kama ko. Charot!
"Five years from now, she sits at home. Feeding the baby, she's all alone. She turns on TV, guess who she sees? Skater boy rockin' up MTV!"
Umakto sina Austin at Rhett na animo naggigitara at bass samantalang si Arrow ay nakikitalon habang nag-a-air drumming. Kapag talaga sila ang kasama ko, walang dull moment. Mga siraulo kasi, pero mahal na mahal ko bandmates ko.
She calls up her friends
They already know
And they've all got tickets to see his show
She tags along
Stands in the crowd
Looks up at the man that she turned down
Sabay-sabay kaming kumanta sa chorus, sayang hindi ko nai-vid para remembrance. Kitang-kita ang kabaliwan namin. Pagkatapos ng kanta ay isa-isa kaming nahiga sa kama. Ang walangyang si Arrow, idinantay pa ang hita sa akin sabay yakap.
"Mainggit ka, Austin. Nayayakap ko si Lei nang ganito!"
"Ulul, bakit ako maiinggit?"
"Hindi mo kasi 'to magagawa sa crush mo."
Siraulo talaga.
"Yuck, Arrow! Tsupi!"
Ngani-nganing sipain ko ang chickboy na 'to. Binigyan ba naman ako ng wet cheek kiss. Naiwan pa laway. Eww!
Natatawang bumangon si Arrow at naupo sa bean bag na nasa gilid ng kama. "Don't worry, Lei. Hindi kita type. Iniinggit ko lang si Austin."
Iniinggit your face.
Napapailing na lang si Rhett sa kalokohan ng drummer namin. Bumangon na rin si Austin at sumandal sa headboard. Napansin nya ang Deathnote notebook ko kaya kinuha nya.
Shocks, mababasa nya 'yong cringy lyrics!
"Austin, teka lang-"
Kaso huli na. Nakita na nya ang sinulat ko. Nakidungaw na rin si Rhett.
"Nagsusulat ka pala kanina. Bakit hindi mo tinapos?"
Bago ko pa masagot ang tanong nya, nakiusyoso na rin si Arrow. "Uy, patingin!"
Napa-face palm na lang ako. Nakakahiya!
"Ehem. Para kanino 'to? Kay Talford? Ay nako, Leinna. Sinasabi ko sa 'yo-"
Pinutol ko na ang sasabihin ni Arrow. "Nope and nope."
Tumango-tango ito. "Akala ko hindi ka pa maka-move on. Niloko ka lang no'n," ibinalik ni Arrow ang tingin sa notebook ko. "Ang cringy ng lyrics."
Sumandal na rin ako sa headboard. "I know. Hindi ako singgaling ni Austin when it comes to songwriting."
Ibinalik ni Austin ang notebook ko sa bedside table. "Pwede naman i-revise. Tulungan na lang kita."
"Ayieeeee!"
Echoserong drummer.
When it comes to songwriting, si Austin talaga ang maaasahan. Para ano pa at siya ang pasimuno ng Lara's Cry? Gusto ko na ngang itanong kung may pinagdadaanan ba siya lagi dahil sa compositions nya na madalas, unrequited love.
Magtataka ka na lang, e.
Austin has his own share of girls, fangirls to be exact. He can date everyone basta ba nasa legal age. Ako 'yong frontwoman pero siya ang may mas maraming fans. Grabe kasi mang-rape este magpaiyak ng gitara.
Hindi naman ako nakikipagkumpitensya sa kanya at pantay-pantay ang tingin ko sa kanilang tatlo. We may have different and crazy attitudes, pero nagkakasundo kami when it comes to music.
Austin's the shy type at first, but outgoing at the same time.
Arrow's the walang hiya member pero tameme naman sa taong gusto nya na kapag lumaon, magpapapansin na. Ehem, Alo, ehem.
And Rhett? The quiet type. Minsan lang magsalita pero alam mong may sense. Medyo dull ang social life ng isang 'to. Band, practice at skateboarding. Kaya nga ibinubuyo ko na kay Rila. Lol.
Ako? Pagsama-samahin nyo attitudes nilang tatlo. Charot!
"'Nga pala, Austin. May sinusulat ka kahapon na kanta, 'di ba? Sample naman dyan!"
Nag-comment na agad ako dahil sa sinabi ni Arrow. "Nako. Paniguradong masakit na naman sa damdamin ang sinulat nyan."
"Hindi naman. Angel In Disguise nga title." Sa sinabing ito ni Austin, nabigyan ko siya ng hindi makapaniwalang tingin. As in, with matching atras pa ako kaya natawa si Rhett sa itsura ko. Wow! Isa itong himala!
"Weh, 'di nga?"
Binigay ni Austin sa akin ang phone nya. Tingnan ko raw sa notes. Masunurin naman ako. Ito ang nakalagay:
I
(girl)
Never felt this way before
These feelings grow more and more
And everytime I think of you
A part of me always missing you
II
(guy)
Never thought that I would
Feel the same way too
And oh, I wish you could
Love me the way I love you
Pre-Chorus
And now we're standing face to face
Looks like I'm melting in your gaze
Chorus:
You make me want you more
You're the one I can't ignore
I can't fight it anymore
Because I love you more and more
When I look into your eyes
All I see is paradise
And now I realize
That you're an angel in disguise
III
You mend this broken heart
And you kiss away the hurt
Oh, when I see you smile
My world stops for awhile
Bridge:
I love you more everyday
I wish you'll never go away
In your arms I feel safe
You're the fate that I don't want to escape
Coda:
My angel in disguise
Oh, ohh ohh
Angel in disguise
Napangisi ako. "In love ka? Share naman dyan!" Tinusok-tusok ko pa ang tagiliran nya matapos pasadahan ng basa ang composition nya. Ibinalik ko na rin sa kanya ang phone nya na may wallpaper na kaming apat ang nakalagay.
"Manhid ka kasi."
Napatingin ako kay Arrow. "Ano'ng sabi mo?"
"Wala. Lapatan na ng beat 'yan!" Arrow tapped his legs.
Patuloy sa pagtugtog ang cellphone ko hanggang mapunta ito sa kantang Akap ng Imago via Rakista Radio jam.
Napatigil sa pagtapik si Arrow at umaktong nakikinig sa kanta. Ibang version na kasi since iba na vocalist nila.
"Swabe ng banat ng vocalist."
"Soothing."
I agreed. Kinuha ko ulit ang hair brush ko dahil sasabayan ko ang chorus. Tumayo ako sa may paanan ng kama. Nakamaang naman silang tatlo sa akin.
Sabihin sa akin lahat ng lihim mo
Iingatan ko
Ibaling sa akin ang problema mo
Kakayanin ko
Rhett gave me a rock sign. Austin looked intently at me. Si Arrow?
"All hail, Leinna Rozel Cansino!"
Ang tinamaan ng magaling, lumuhod pa tapos itinaas-baba ang kamay, as if worshipping me. Lakas talaga ng tama nito.
"Pikit mata kong iaalay ang buwan at araw, pati pa sapatos kong suot. Nagtatanong, simple lang naman sana ang buhay, kung ika'y lumayo."
Natahimik na naman sila, they're savouring my own version of the song. Ang ganda-ganda naman kasi. Agree or agree?
Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit
Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa pait
Sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit
Sasamahan ka
This is my fave part of the song kaya feel na feel ko pa rin ang pagkanta using my hair brush. Ewan ko kung ano'ng nangyari kasi habang kinakanta ko ang part na ito, kay Austin napako ang tingin ko.
Natapos ang kanta na hindi ko inaalis ang paningin sa kanya. Napakurap lang ako ng ilang beses dahil pumalakpak si Arrow.
"Nice, nice! Galing-galing naman ni baby girl!"
Jusko. Baby girl.
Palibhasa kasi ako ang bunso sa Lara's Cry. Nasa 20s naman kaming lahat pero silang tatlo, nasa 25 pataas ang edad, with Austin as the eldest.
"Rock on!" Pambawi ko na lang sa tulaley moments kanina. Niyakag ko na sila sa salas dahil baka masira na namin ang kama ko kaka-slam.
Sinabihan kong maupo na muna sila at maghintay. Halikwatin ko lang kitchen namin kung ano'ng pwedeng ihanda. Agad na kinuha ni Arrow ang remote para buksan ang TV. Si Rhett ay nasulyapan ko pang kumuha ng libro sa ilalim ng center table.
Binuksan ko ang ref at nagtingin ng kung ano ba ang pwedeng kainin. Nakahawak ang kaliwang kamay ko sa bewang habang tinitingan isa-isa ang samu't saring pagkain.
"Need some help?"
Napalingon ako to find out Austin leaning on the kitchen door. Napakamot na lang ako ng ulo at saka binuksang maigi ang pinto ng ref para makita nya ang laman. Lumapit naman siya at nagsimulang kumuha ng carrots, orange, leftover minced beef at ilang gulay na sa tingin ko ay pwedeng pansahog sa paggawa ng ilalagay sa tacos. Inilagay nya lahat sa kitchen counter at saka kinuha ang blender sa cupboard. Naghanda ng kutsilyo, kawali, siyanse, spices. Hindi naman halatang kabisado nya ang kusina namin.
"May taco shells kayo? And please blend these carrot and orange. Juice natin."
Juice-ko-lord. Ang sarap naman nya este ng juice.
He may seemed demanding pero para akong maamong tupa na sumunod sa utos nya. Binuksan ko ang isang cupboard sa kaliwa ko at kinuha ang dalawang boxes ng taco shells. Mahirap na. Sa takaw ng mga 'to, kulang ang isang box.
Binalatan ko na ang carrots at oranges. Nagkanya-kanya na kami ng gawa sa kusina. Si Austin, nagluluto at ako nagbeblend. Pasulyap-sulyap lang ako sa ginagawa nya habang hinihintay na ma-blend ang juice. Kumalam ang tiyan ko sa amoy nya este sa amoy ng niluluto nya.
Pero mabango si Austin, in fairness.
Naghanda na ako ng pitcher, tray and four tall glasses. Iniayos ko ang juice matapos isalin. Patapos na rin naman si Austin sa ginagawa nya. Tulungan ko na rin siyang maglagay ng laman sa tacos para mabilis matapos.
Chinika-chika ko na rin siya tungkol sa Angel In Disguise. "Bale duet siya, 'no? Ano'ng nakain mo at hindi mapanakit ang ginawa mong kanta?"
Napahalakhak tuloy si Austin habang naglalagay ng apat na plato sa isa pang tray. "Inspired from her."
"Naks, naman! Share share din 'pag may time!" tukso ko pa. Swerte naman ni ate gurl!
Napatingin na lang siya sa akin at umiling-iling. "Soon. Dalhin na natin ang mga 'to."
"Yes, kuya Inspired!"
Tinawanan na naman nya ako at nagdiretso na kami sa salas kung saan naghihintay 'yong dalawa.
*****
Hindi na kabagot-bagot ang Sunday ko dahil nagsimula na kaming lapatan ng beat ang composition ni Austin. Lahat naman ay kanya-kanyang contribution at namangha na naman ako sa bass solo ni Rhett. Pinahiram ko kasi sa kanya ang acoustic bass ni Lennon. Kami ni Austin ay parehong may gamit na acoustic guitars while Arrow is using beatbox. Napagdesisyunan kasi na mellow at acoustic version ang ibabanat namin sa kanta. Bumagay naman siya.
"May na-accomplish na naman tayo today!"
Tumayo ako mula sa pagkakasalampak at saka nag-inat. Ang lokong si Arrow, sinundot ako sa bewang kasi nakasuot ako ng hanging shirt. Nabatukan tuloy siya ni Austin.
"Sinundot ko lang sa bewang, hindi ko minanyak si Lei. Napaka-ano nito," maktol nito sa Kuya nya. What a word.
"A, gano'n? Kapag sa iba, mamanyakin mo?"
Ngumisi naman ito. "Hindi. Willing naman sila. May permission pa."
At dahil dyan, pinagtulungan namin siyang bugbugin. Charot! Pabirong bugbog lang.
"Aray! Hoy, tama na- ouch! Joke lang naman!" Gulo-gulo tuloy buhok ni Arrow kasi sinabunutan ko.
Nagpaalam si Rhett na gagamit muna ng banyo samantalang si Arrow ay nag-aayos ng buhok habang may kausap sa phone. Pumunta muna siya sa may labas dahil alam nyang pagtitripan namin siya lalo na kung chicks nya ang tumatawag. Napatigil kasi ang harutan namin nang tumunog ang phone nya. Importanteng tawag naman daw according to him.
Naiwan kaming dalawa ni Austin sa salas. Nag-strum ulit siya ng gitara at nakikinig ako sa kanya. Petmalu talaga! Tinanong ko na naman kung para kanino 'yong kanta.
"Kilalang-kilala mo siya, Leinna."
"E? Sino ba 'yon? Kaswerteng nilalang!"
Itinigil nya ang pag-strum ng gitara at tumingin sa akin.
Napakurap na naman ako ng ilang beses. Napalunok pa ng laway.
Mukhang alam ko na kung para kanino.
__________
Yes naman, updated na!
Say hi to Austin!