"Nasaan na 'yung gagang si Kath? Malapit na siyang ma-late!" sabi ni Kim, isa sa ka-team namin sa office. Ka-team din namin si Kath at siya na lang ang hinihintay.
Kasal ngayon ng isa pa naming ka-team na si Gardo. Narito kami sa isang hotel sa Makati para sa kasal niya. Si Kath ang may dala ng bouquet ng bulaklak dahil nag-prisinta siyang siya ang magpo-provide nun pag nagpakasal si Gardo. Siya mismo ang gagawa nun dahil magaling siyang mag-arrange nun at may flower shop ang mother niya sa Manila.
"Paalis na siya kanina noong nagbibihis pa lang ako e. Dadaanan niya pa nga sana ako kaso sabi ko mauna na lang siya. Mas mauuna pa pala ako dito," sabi ko.
Nag-text siya kanina na paalis na siya at kung sasabay ako sa grab car na sasakyan niya para makabawas sa bayad. Ang kaso ay hindi pa ako nakakapag-ayos nun at ayoko namang makaabala kung sakali.
"Hala, 5 minutes na lang magsisimula na. Wala pa rin 'yung flowers."
Kanina pa pabalik-balik sa mesa namin ang organizer at halatang nagpa-panic na dahil wala pa ang bulaklak. Supposedly kasi, maaga ng isang oras si Kath, ang kaso, nagsabi siya na 30 minutes before na lang siya darating dahil gagawin niya pa ng umaga ang bouquet.
Tatlong minuto na lang ang oras na natitira nang humahangos na naupo si Kath sa tabi ko. Wala na sa kanya ang bouquet at mukhang nai-abot niya na sa organizer.
"Nyare?" tanong ni Kim.
"Nakarating ako ng QC," humihingal pang sabi ni Kath. Kinuha niya ang baso ng tubig sa harap niya at nainom doon. "Grabe! Naligaw ako," aniya pa sabay buga ng hangin.
"Akala ko nag-grab ka? Paano kang naligaw?" tanong ko.
Tumingin pa siya sa akin at tumuro sa parte ng QC.
"'Yung hotel branch sa QC ang na-pin ko imbes na dito sa Makati," aniya.
Hindi namin napigilang matawa sa kanya. Kita naman kasi sa grab kung saang city ang ipi-pin mo.
"Hindi mo man lang napansin na sa iba 'yung daan?" si Kim.
Umiling si Kath. "Hindi ko alam 'yung daan. Wala akong alam kung saan ang mga daan dito sa Metro Manila. Alam niyo namang di ako lumalabas ng bahay 'di ba?"
Napa-iling na lang kami ni Kim. Totoo namang hindi talaga siya lumalabas. Mas gusto niyang magkulong na lang sa bahay niya kesa mag-gala. 'Yung grocery at office pa, walking distance lang sa tinitirhan niya kaya wala talaga siyang alam sa lugar.
"Let's all welcome the beautiful bride!"
Napalingon kaming lahat nang magpalakpakan. Naroon ang bride ni Gardo sa pinaka-itaas ng hagdan at naglalakad pababa. Ang ganda-ganda niyang tignan sa gown niya. Light lang ang make-up niya pero wala pa rin kaming panama sa kanya. Sa pagkaka-alam ko ay model siya kaya hindi na kamin nagtatakang ang ganda niya.
Kulay pink ang halos lahat ng makikita sa paligid. May pink na telang naka-design sa hawakan ng hagdan. Pati ang mga mesa na nakabalot ng puti ay may naka-pin din na pink na tela sa mga gilid. Kung tutusin pa, pati kami ay pink na pink. Requirement kasi nila sa mga bisita na kulay pink ang isuot.
~*~
Matapos ang seremonyas at ang reception ay picture taking na. Per table ang ginawa at kami na ang papunta sa unahan.
"Congrats!" masayang bati namin sa bagong kasal.
"Salamat sa pagpunta niyo. Salamat din sa bouquet, Kath," ani Gardo.
"No prob! Sabi naman sa inyo akong bahala sa mga bouquet niyo pag ikakasal kayo e. Promise next time hindi na ako mamamali ng hotel," ani Kath na ikinatawa namin.
Umayos na kami ng pagkakatayo kapagkuwan at kinuhanan ng picture.
Habang naglalakad kami pabalik sa upuan namin ay nagkakantsawan sila.
"Ikaw ba, kelan ang kasal?" tanong ni Kath kay Drew, isa pang ka-team namin.
Ngumiti ito. "Nag-iipon pa kami e. Pero balak ko nang mag-propose. Medyo malaki naman na ang ipon namin. Besides, hindi naman namin kailangan ng magarbong kasal. Simple lang ang balak namin," aniya.
Nag-komento sila isa-isa pero nanahimik lang ako. Sa pagkaka-alam ko, lahat sila ay kung hindi may asawa ay may boyfriend/girlfriend. Ako lang ang kaisa-isang single. To think na hindi naman ako ang pinakabata.
Sa edad kong 23 ay never pa akong nagka-boyfriend. Nakatutok naman kasi masyado ang pansin ko kay Xander simula pagkabata. Mula pa kasi noong ipinagtanggol niya ako dati sa mga nambu-bully sa akin ay wala na akong nakita kundi siya. Kaya naman ang laki ng galit ko dati kay Mica dahil kinuha niya ang kaisa-isang lalaki na pinagtuunan ko ng pansin.
But that was before. Though hindi ko naman masasabing hindi ko na gusto si Xander, mas okay sa akin na maging masaya siya. At kung ibang babae ang makapagpapasaya sa kanya, it's fine with me. For sure naman meron ding ibang lalaki d'yan na para sa akin. Pero nasaan na ba kasi siya? Na-stuck na ba sa EDSA?
"Ikaw, Gen? Kelan mo balak magka-boyfriend?" biglang sabi sa akin ni Kath na nagpabalik sa akin sa pinag-uusapan nila.
Nagkibit ako ng balikan. "Pina-plano ba 'yun? E walang dumarating e, anong gagawin ko?" sabi ko. "Alangan namang maglupasay ako sa kalsada at mamalimos ng boyfriend," sabi ko na ikinatawa ng ilan.
Umirap sa akin si Kath. "Ang sabihin mo, choosy ka lang," sabi niya.
"At paano mo naman nasabing choosy ako? Wala namang nanliligaw sa'kin so wala akong choice," sabi ko pa.
Natahimik na lang si Kath.
"E 'yung nagbigay sa'yo ng cake? 'Di mo ba boyfriend 'yun?" tanong ni Drew.
Umiling ako. "Kaibigan ko lang 'yun. 'Di kami talo," sabi ko.
"May girlfriend?" si Drew.
Umiling ako. Sa pagkaka-alam ko kasi, walang girlfriend si Liam sa mga oras na 'to. Noong isang araw meron. Pero break na sila kahapon.
"Ayun naman pala e, sunggaban mo na!" natatawang sabi ni Kim.
"Grabe naman sa sunggaban!" natatawa na lang na sabi ko. "'Wag niyo na ngang pakelaman ang love life ko. Darating din ako dun!"
~*~
Habang sakay ng taxi pauwi ay hindi ko mapigilan ang mapa-isip. Kahit na alam kong bata pa ako at hindi naman talaga ako nagmamadali ay hindi ko mapigilang maramdaman na napag-iiwanan ako. Feeling ko ay may kulang tuloy sa buhay ko dahil sa mga sinasabi nila.
Papaliko na sana sa daan papunta sa apartment ang taxi nang maisip kong pumunta muna sa restaurant ni Liam. Pinadirestso ko na lang ang taxi at doon pinapunta.
Halos puno ang restaurant ni Liam nang dumating ako. Naghanap ako ng mauupuan at nakita ang mesang pan-dalawahan sa labas. Lumapit ako sa waiter at itinanong kung naka-reserve 'yun.
"Ma'am Gen! Ikaw po pala 'yan. Wala pa pong nakapagpa-reserve nun. Tara po, ihatid ko kayo doon," sabi ng waiter.
Naupo ako roon at hinatiran ng maiinom ng waiter.
"What do you want to eat ma'am?" tanong niya.
Napa-isip ako. Busog ako dahil kagagaling ko lang sa reception ng kasal.
Tinignan ko ang menu at um-order lang ako ng desert. Ngumiti naman ang waiter saka pumasok sa restaurant para sa order ko.
Nakatitig lang ako sa malayo nang may mapansin sa bandang kaliwa ko. Si Liam, may kausap na babae. Nang-aakit ang ngiti ng babae at pasimple pang kumapit sa braso ng binata. Hindi ko napigilang matawa ng mahina. Iba talaga ang kamandag nitong si Liam e. Kahapon lang, sabi niya sa akin ay nag-break sila ng girlfriend niya na 3 araw niya pa lang ka-relasyon.
Hindi ko mapigilang mapa-iling na lang sa naisip. Ito ang dahilan kaya sinasabi kong hindi kami talo ni Liam. Masyado siyang palikero at ayokong masama sa listahan ng mga babae niya.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang mapansin kong nakatingin sa akin ang dalawa.
Nagtaka pa lalo ako nang ngumiti nang malapad si Liam at nag-paalam sa babae. Mayamaya ay lumapit siya sa akin at naupo sa kaharap kong upuan.
"Bagong girlfriend mo?" tanong ko pagka-upo niya pa lang.
"Nope. I just told her you're my girlfriend," aniya. Sumenyas siya sa isang waiter para bigyan siya ng tubig.
"Eh? Why?" tanong ko bigla. Maganda ang babae at ito ang mga tipo ni Liam. Kaya hindi ko ma-gets kung bakit siya nagsinungaling na girlfriend niya ako.
"I don't like possessive girls. Just by looking at her, I know she'll be one. Those kinds of girls won't abide to my rules," aniya na nakapagpatulala sa akin.
"Rules? Kailan pa nagka-rules ang pakikipag-relasyon?"
"Since I existed?" aniya sabay kindat.
Napa-make face naman ako sa sinabi niya.
"You know, those girls I dated know my rules. I clearly tell them that before we start our relationship. Alam nilang it's nothing serious so don't give me that face," natatawang sabi niya.
"There are girls like that?" tanong ko. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit papayag ang isang babae na makipag-relasyon kung hindi naman 'yun seryoso. I mean, why waste your time, right?
Tumango si Liam bilang sagot sa tanong ko. "There's a lot of them. Though I have encountered some who know the rules, but still thinking that we'll have become serious when time passes."
"And you just let them get hurt?"
Nagkibit lang siya ng balikat. "Not my fault," aniya.
Saktong pagkasabi niya nun ay ang pagdating ng desert na in-order ko.
"Oy, sakto. Pampalamig ng ulo," sabi ko habang medyo masama ang tingin kay Liam.
Natatawa na lang siya habang pinapanood akong kumain.
"Let's hang-out tonight," mayamaya ay sabi niya.
Hindi na lang ako umangal at um-oo. Tutal, gusto ko rin namang mag-chill ngayong gabi.