Ping.
Bang!
"Arayyy." Dahan - dahan kong minasahe ang ulo ko habang papunta sa may ref kung saan ko pinatong ang cellphone. That ping is not just any sound to me. For me, it's something I'm waiting for and looking forward to everyday since last week. The text message from a special someone, yung galing kay Nickko.
And just like I was expecting, it was from him. Nang makita ko na galing sakanya ang new message ay para bang nawala ang sakit ng pagka umpog ko sa may cabinet at napalitan ng saya.
From: Casanova Baby 🤗
Goodmorning, have a great day ahead my Angel. :)
Yes, it's just a simple text but it means so much to me. We've been dating for a week now. To everyone, nothing has changed kasi para sakanila, kami naman talaga. But for us, atleast I can say for me na I'm genuinely very happy.
"At ano naman ang nakain ng bff ko sa umagang ito na ang laki laki ng ngiti?" Isang nakangiting Carl ang pumasok sa kusina habang sinusuot ang apron na kinuha niya sa entrance.
"Hmmm, welll. Let's just say na it's a good morning."
"Aba aba. Hmm, sobrang aga mo yata ngayon bff."
Tumingin ako sa oras at nakitang 6am na. Ibig sabihin magdadatingan na ang mga empleyado dito sa restaurant.
"Ahh, eto oh, may linuto ako. Papatikim ko kela papa if pwede masama sa menu, para may bago tayo before Christmas."
"Ay bet, sister! Amoy palang masarap na."
Naisipan kong magdagdag ng menu para may specials kami sa Christmas. I haven't told dad yet kasi busy sila sa preparation ng kasal ni Nina. Yes, tuloy ang kasal nila and to be honest wala na ako pake dun. Ayoko sana umattend pero respeto din sa mga magulang ni Nina kaya ako napa oo sa attendance. Although sinasabi nila na okay lang sakanila ang hindi ko pagpunta, alam ko rin naman na makakagaan ng loob nila kung makita nilang andun ako.
Hindi ko pa sila napapatawad sa ginawa nila pero there's a part of me na pagod na magkimkim ng sama ng loob kaya naman kahit civil interactions lang sa pang araw araw ay nagagawa ko. Natitiis ko si Nina kapag andito din siya. Salamat na lang at sobrang busy niya sa paghahanda at minsan lang siya mapunta dito sa restaurant. Iniiwasan ko na rin kasi makipag away pa.
"Ang lalim ata ng iniisip mo." Sabi ni Carl sakin.
"Ahh wala naman, naiisip ko lang na talagang everything happens for a reason."
"Ay teh, tigilan mo ako sa ngiting tagumpay na inlove na inlove ha. Alam mo naman bokya ako sa pag ibig. Pero kahit ganun pa man, sobrang happy ako na masaya ka na ulit. Finally, bes."
"Thank youu, Carl. Sobrang swerte ko sayo alam mo ba."
"Wushu, wag mo na ako bolahin. Ay! Alam ko na!" Pinalakpak niya ang mga kamay niya na para bang may naisip siya na magandang idea.
"Oh ano naman yun?"
"What if, puntahan mo jowa mo sa office niya at ihatid mo tong bago mong linuto for his lunch?"
"Huuh?"
"Sabi nga nila bes, a way to a man's heart is through his..?"
Kumunot ang noo ko sa biglaang pinagsasabi ng kaibigan kong mukhang shunga sa pagiging excited.
"Stomach. Hello bes, talaga bang may jowa ka?"
"AHHH. Eh naman kasi sino ba makakapag isip biglaan ka nalang dyan pumapalakpak. Oonga no. Sige puntahan ko siya mamaya."
"Ayun, yes!"
---------
By lunch time ay prepared na ako sa lahat. Bumili rin ako kanina ng lunch box na classy black para in style parin. At oo, maarte ako sa ganun. First time ko linutuan si Nic. Sana magustuhan niya. Nakuha ko natin ang address niya from David. And once again, pinagsabihan nanaman ako niya sa pagkuha ko ng mga address ni Nickko pero at the same time hindi na rin naman siya nagtanong kung para saan pa. Nasanay na siguro.
I'm grateful kasi wala masyado traffic at mga 20 minutes lang ang drive from the restaurant to his office building. And let me just say na ang laki ng building niya. Sabi ni David he owns 5 floors sa building na ito and he's trying to acquire the whole building. Iba talaga pag mayaman. Anyway, pumunta ako sa concierge at kinausap ang babae.
"Hello, Goodafternoon po. How may I help you?"
"Hi Goodafternoon, going up to Romano Enterprises please."
Her eyebrows went up a little na parang gulat. "Um, mam may appointment po ba?"
"Uhhh.." Shoot. Wala ako appointment. "Wala.." nung sinabi kong wala ay para bang nagiba ang mukha ng babae kaya inunahan ko na, "pero kilala ko yung owner."
Ahh, shoot. Mali ata yung pagkasabi ko. Mas lalong mukhang di naniwala.
"I understand, mam. Pero strict po kasi ang Romano Enterprises. No appointment, No entry po sila. So I'm afraid you have to.."
"She's a friend."
My eyes shot up at the source of the voice. Scinan ng mga mata ko ang bagong dating na lalaki. He's the same height as Nic if not more. Itim ang buhok niya, a deep contrast to Nic's brown locks. And his eyes has the usual icy black stare, yung tipong nakakapangilabot pag tinignan ka, like he's analyzing your every move.
"Trevor?" Parang patanong ang lumabas sa bibig ko kasi I only met him a couple of times. It's usually David and Chris.
"Yup, you must be the infamous Angel I've been hearing about." He said, smiling without reaching his eyes. "Halika, let's go inside Nic's office."
Tumango ako ng dahan dahan at sumunod sakanya papunta sa isang malaking brown door. Pagkapasok ay agad agad na malalanghap ang perfume ni Nic. Everything smelled like him. And every furniture is an embodiment of him - from the black plush sofa to his glass desk, even his mug is black.
This room smells like Nickko Romano.
"Maupo ka." Trevor said while sitting on the sofa.
Sinunod ko naman siya. My eyes scanned the room without looking at his face. I don't know why but he feels scary in a way na parang he knows everything about you. Do businessmen usually have faces like this? Ganun din kasi si Nic minsan. He just learned to be warm around me.
RIIIIING.
Nagulat ako sa tunog ng cellphone niya at napatalon. Nakita niya ang gulat ko sabay tumawa at nag wink.
"Easy, hindi ako nangangagat, especially sa mga babae ng mga kapatid ko." He then proceeded to answer the phone.
Babae ng kapatid niya? Thinking of Nickko, I blushed beet red. My thoughts were interrupted by a loud bang. Nahulog yung mga folders na hawak ni Trevor sa sahig because he stood up with force. His poker face were filled with worry up til he ended the call.
"Umm, okay ka lang?"
He looked at me with stormy eyes, "Ako? Okay lang. Nic, on the other hand, got into a car accident."
Nanlamig ang buong katawan ko sa narinig ko. And one important question popped in my mind, is he alive?