Chapter 19
Meet Cal
============
I'm so happy with what Zayn did. Kahit nandito na ako ngayon sa kwarto ko, I can't help but smile. His smile always flashes back in my mind.
Habang naaalala ko yung ginawa ni Zayn kanina ay may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
"Hija, si manang to."
"Oh. Come in, manang."
Pagkasabi ko nun ay pumasok na nga si... teka...
"What's that?"
"Hindi ko din alam, hija. May nagdeliver eh."
Weird. Kinuha ko na yung malaking box mula kay manang. Tiningnan ko kung may naka-attach na letter or card pero wala. Hindi ko tuloy alam kung kanino ito galing.
"Hmm. Sige, manang. Titingnan ko na lang. Pwede na po kayong lumabas."
"Gusto mo ba ng makakain?"
"Yes, please."
Hindi agad sumagot si manang kaya napatingin ako sa kanya. Parang gulat sya.
"May problema ba, manang?"
"H-ha? W-wala. Uhm.. sige dadalhan na lang kita."
"Thanks, manang."
Pagkalabas ni manang sa kwarto ko ay agad kong binuksan yung malaking box at nagulat na lang ako sa nakita kong laman nito. Isang malaking teddy bear lang naman.
Tiningnan kong mabuti yung human sized teddy bear at napansin kong may pocket ito. Tiningnan ko kung may laman at meron nga. Kinuha ko iyon.
"CD?" - I asked myself as I saw what was inside the pocket. Inupo ko na muna yung teddy bear sa tabi ko. Kinuha ko naman ang laptop ko at sinalang ang CD. Nagulat na lang ako ng makita ko si Zayn sa screen.
"Hi, babe..."
"What's this?" - I asked myself.
"Gusto ko sanang lagi mo akong makasama para mas magkaroon ng progress ang tingin mo para sakin pero hindi naman yun pwede. Kaya gusto kong ipakilala sayo si Cal. Ang mini me ko. Hehehe"
Is he serious?
"Habang nag-iisip kasi ako ng way para matutunan mo na akong mahalin, may napanood ako sa TV. Isang palabas na tungkol sa mini version ng artista kaya naisip ko bakit hindi na lang kita bigyan ng mini me ko para kahit nanjan ka sa bahay nyo, makakasama mo pa din ako.
Sana magustuhan mo, babe. Alagaan mo si Cal, ha? At sana... sana may maalala ka sa kanya. Good night, babe. I love you."
Maalala? Ano naman ang dapat kong maalala? It's not like I had an amnesia or something. I never got into an accident. Ano naman ang dapat kong maalala? Is he being an alien again?
Tinabi ko na muna yung laptop at hinarap sa akin ang teddy bear.
"So, you're Cal, right? Well, I'm Scarlet."
"..." - Cal, the teddy bear...
"Hindi ka ba sasagot?"
"..." - still the teddy bear
"Oh, right. You're a teddy bear. Ofcourse you'll not answer me."
"..." - again, still the teddy bear..
"Pasalamat ka cute ka kung hindi, pinatapon kita."
"..." - snobber, but yeah, still the teddy bear..
I know I look so stupid while talking to this teddy bear but I can't help it. Ang cute nya atsaka nakapolo shirt sya na halos kaparehas nung polo shirt na binigay ko noon kay Zayn. It's just so cute!
"So, ano bang dapat kong maalala sa'yo, Cal?"
"Hi-hija?"
Napatingin naman agad ako sa may pinto ng kwarto ko nang marinig ko yan. Nakita ko dun si manang na may hawak na tray at may hindi maipintang mukha. Lumapit sya sakin.
"Hija, okay ka lang ba? G-gusto mo ba, ipatawag ko na ang doctor nyo?"
"What? Hahaha. Manang talaga oh. Of course I'm fine."
"Eh kasi, kinakausap mo yung teddy bear. Alam mo naman siguro na hindi sya sasagot sayo, diba?"
Ahh. Kaya pala ganun itsura ni manang. She must be shocked with what she saw. Well, hindi ko naman sya masisisi. Kasi kung tutuusin, kahit ako, magugulat ako. Baka nga nagpatawag pa ako ng psychiatrist.
"I know, manang."
Ipinatong ni manang ang dala nyang tray sa side table.
"Brownies? I thought you hate baking?" - sabi ko ng mapansin ko ang pagkain na dinala nya.
"Pinag-aralan ko. Nakita ko kasing nagustuhan mo yung brownies na ginawa ni Zayn noon."
"Nakita nyo?"
Pagkatanong ko noon sa kanya ay nanlaki ang mga mata nya at biglang hindi mapakali.
"Never mind. Pwede na po kayong lumabas, manang."
"O-osige, hija."
Pagkalabas ni manang ay kinain ko na yung brownies. Well, mas masarap talaga yung ginawang brownies ni Zayn. Habang sarap na sarap akobg kumakain ay biglang nagring ang phone ko.
Kinuha ko ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Zayn sa screen kaya sinagot ko na ang tawag.
"What?"
["Ang taray naman ng babe ko."]
"What is it? Bakit ka tumawag?"
["Kakamustahin ko lang sana si Cal."]
Err? So tumawag sya para kamustahin yung teddy bear at hindi ako?! Hindi ba't dapat ak---
["And I also want to hear your voice before I go to sleep."]
A-ano daw? Bakit ganito? Bakit biglang bumilis tibok ng puso ko? Why is my face ghadamn hot?
"C-Cal is fine."
["Ah. Buti naman. May katabi ka na sa pagtulog, babe. I know you don't want to sleep alone with the heavy rain outside."]
Naguluhan pa ako sa sinabi ni Zayn. Heavy rain? Umuula---
*lightning*
Waaaahh! May kulog at kidlat! Agad akong napayakap kay Cal since katabi ko lang naman syang nakaupo dito sa kama.
Pero teka.. did he said I can't sleep alone with the heavy rain?
"H-how did you..."
["Hula ko lang. Well then, good night, babe. Sleep well."]
"I'm not talking about the heavy rain. I'm talking about my sleepi---"
["I love you."]
*call ended*
"Hello? Zayn? Hello!"
Urgh! Zayn Caleb Gonzalez, you left me puzzled again! Pero teka..Paano nya nalaman ang sleeping habit ko?
You see, ayokong natutulog akong mag-isa pag malakas ang ulan. Kasi pag nandyan ang malakas na ulan, nandyan din ang kulog at kidlat. Kaya madalas, pag malakas ang ulan, hindi ako nakakatulog. It's either, I change room or listen to music while hugging my pillow. Weird, but sometimes, I imagine that the pillow I'm hugging will be my mom and like magic, I'll fell asleep despite the lightning and thunder outside.
Inupo ko sa harap ko yung teddy bear.
"So... do you have 'that' magic?" - I'm refering to the magic that my pillow once had. Since Cal is a teddy bear, I didn't get any response. Hiniga ko na si Cal sa kabilang side ng kama at humiga naman ako sa tabi nito. Niyakap ko si Cal.
*heavy raindrops*
Wow. The rain sure is heavy outside. I wonder if there are classes tomor---
*lightning*
"Waaaahhhh!"
Napayakap ako ng mahigpit kay Cal. Jeez. Bakit kailangan umulan?!
A few seconds passed and I felt comfortable while hugging Cal. In fact, I feel sleepy despite the heavy rain outside.
Bago pa ako tuluyang makatulog, nasabi ko pa sa sarili ko,
"Thanks for the teddy bear, babe."
XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX
Thanks for 2.5K readers guys! first time ^^