Hiraya (✔️)

By JacklessRose

52.1K 2.4K 316

Sa hindi inaasahang pagkakataon, kinailangang lumayo ni Hiraya sa kanilang lugar upang maging ligtas mula sa... More

Mabuhay!
Prologo
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Kabanata XLV
Kabanata XLVI
Kabanata XLVII
Kabanata XLVIII
Kabanata XLIX
Kabanata L
Epilogo
Maharlika
ANNOUNCEMENT
Ang Katuparan ng Pangako
Tinatangi

Kabanata XXXV

627 25 2
By JacklessRose

"Binibini?" tawag pa ni Mayang sa akin habang inalalayan pa rin ako.

Bago paman ako tuluyang makapagsalita ay bumalik na sina Aling Eka kaya agad akong umayos.

"O, luto na pala. Hali na kayo at handa na ang hapag doon," nakangiti niyang saad habang nakatingin sa akin,

"Hiraya... ayos ka lang ba?" tanong pa ni Aling Eka.

"Kasi po Aling Eka dumuduwa—" sagot pa sana ni Rosa pero agad ko siyang sinapawan.

"Ayos lang po ako, Aling Eka," patuloy ko.

Masayang ngumiti si Aling Eka sa akin at lumapit. "Naroon na si Carpio, ngunit hindi niya alam na nandirito na kayo. Ang sabi namin sa kanya ay kaarawan ni Tatang Dukyo ngayon kaya naghanda kami," nakangising tugon sa akin ni Aling Eka.

Napangiti naman ako agad sa kanyang sinabi. Mukhang may balak silang gulatin namin sina Carpio.

"Paano po si Kuya Jose? Naroon po siya hindi ba?" ani ko.

"Nagtungo sila ni Khapili sa dalampasigan at kinuha ang ibang mga pananim kaya hindi siya naabutan ni Carpio," sagot naman niya at hinila na kami.

Pinatago kami ni Aling Eka sa isang malabong at mataas na damo malapit sa pinaghandaan ng salo-salo. Nakikita kong may ilang mga tao na ang naroon. Nag-uusap si Bisdak at Harum ngayon habang naka-upo naman si Carpio sa isang bato at nakayuko habang nakahilig ang dalawang siko sa kanyang magkabilang tuhod. Ramdam ko ang pagod niya hanggang dito.

Ilang sandali lang ay dumating na rin ang iba. Nakita ko si Marita na nakangiting lumapit kay Carpio at inabutan ito ng tubig. Sa tingin niya pa lang kay Carpio ay batid kong may pagtingin pa rin ito sa kanya.

"Iyang si Bisdak talaga, kahit kailan ay isip bata!" reklamong bulong ni Rosa sa gilid ko habang sinisilip si Bisdak na ngayon ay tinutukso-tukso ang isang bata.

"Kuya Bisdak, mukha kang talangka!" pikon na sigaw ng bata kaya nagpupumigil kami sa tawa ni Rosa.

"Mga kasama, bago ang lahat," panimula ni Aling Eka. Nasa kanya na ang mata ng lahat ngayon. Tumingin siya sa kinaroroonan ni Carpio bago tumingin naman sa kinaroroonan ko.

Nakita kong napangiti ang ibang mga tao sapagkat alam naman na nilang nandirito kami at pinagtataguan lamang namin sina Carpio at Bisdak.

"May nais dumalo sa ating pagsasalo," ngiting patuloy ni Aling Eka.

"O, narito na pala sina Khapili!" sigaw na rin ng isang lalaki at napalingon kaming lahat kay Mang Khapili at Kuya Jose na may bitbit na mga pananim ngayon.

Nakita ko kung paano nagulat si Carpio nang makita ang kapatid ko. Palihim kaming tinawag ni Aling Eka at agad naman kaming lumapit sa kanya bago paman muling bumaling si Carpio sa amin.

"G-Ginoong Jose, naririto ka?" tanong ni Carpio kay Kuya Jose habang nakatalikod sa amin.

Pinipigilan ko ngayon ang tawa lalo pa't may naiisip si Rosa na gulatin si Bisdak.

"Ikaw ba'y nagulat, Carpio?" ngiting saad ng aking kapatid.

Nahagip kong bahagyang tinagilid ni Carpio ang kanyang ulo upang silipin kung mayroon pa bang kasama sina Kuya Jose sa likuran.

"Hindi ko lang inaasahan na nandito ka na. Maligayang pagbabalik sa aming puod," nakangiting bati ni Carpio.

"Batid ko namang hindi iyan ang nais mong itanong at sabihin ngayon. Kaya bago mo pa ako tanungin tungkol sa kanya, nasa likuran mo na ang sagot ko," patuloy ni Kuya Jose at agad sumilay ang ngiting may halong tawa sa aking mga labi.

Napunta sa akin ang mga mata ng aking kapatid kaya sinundan iyon nina Carpio. Sumilay agad ang ngiti sa kanyang labi at lumiwanag ang kanyang mukha nang mag-abot ang aming mga mata,

Mabilis siyang humakbang palapit sa amin at niyakap ako ng napakahigpit. Inangat niya ang katawan ko at umikot-ikot habang nakayakap pa rin sa akin. Narinig ko ang hiyawan ng mga taong nanonood sa amin ngayon. Narinig ko rin ang sigaw ni Bisdak nang ginulat siya ni Rosa sa likod.

"Nagbalik ka," iyon na lamang ang mga salitang narinig ko mula sa kanya.

Yakap-yakap niya pa rin ako at nakikita ko sina Aling Eka, Mang Khapili, Kuya Jose at ibang mga kasamahan namin na nakatingin lang sa amin ngayon habang masayang nakangiti.

"Oo naman..." bulong ko sa kanya.

"Labis akong nangulila sa'yo, Hiraya," saad niya sa gilid ng tenga ko. Mas hinigpitan ko lamang ang yakap ko sa kanya.

Natanaw ko sa 'di kalayuan si Marita na nakatingin din sa amin. Ngunit bakas sa kanyang mga mata ang lungkot. Tinignan niya ako ng matalim nang dumapo sa akin ang kanyang mga mata. Kung nakakamatay lamang ang tingin ay kanina pa marahil ako nawalan ng buhay.

Inubos namin ang gabi sa pagsasayawan, pagtatawanan at pagkukwentuhan. Pinapalibutan naman namin ngayon ang gatong na pinaapoy nina Bisdak kanina.

"Muling sumaya itong aming isla ngayong bumalik kayo, Hiraya," ani Manang Ising na agad namang nagpatango sa iba.

"Ngunit mas higit na masaya ang puso ng aking anak ngayon, hindi ba?" panunukso naman ni Aling Eka sa lalaking nasa aking tabi.

Halos mapunit naman ang mga labi ng mga taong nandito ngayon dahil sa pagngiti.

"Sino nga ba ang mag-aakalang magkakasundo pala kayong dalawa. Noong unang dating lamang nina Hiraya ay halos hindi kayo mapagtabi sapagkat palagi na lamang kayong nagkakasagutan," saad naman ni Mang Agus.

"Kahit papaano pala'y dapat nating ikagalak na may kaguluhang nangyari sa inyong bayan sapagkat kung hindi dahil doon ay hindi ka namin makikilala, at hindi mo makikilala ang magiting naming mangangaso, Hiraya," saad namn ni Harum na agad naming ikinatawa lahat.

Matapos ang kasiyahan ay nagpasya na ang lahat na magsiuwian sa kanya-kanya naming mga kubo. Nauna nang pumasok si Rosa sa aming kubo. Sa kubo naman nina Bisdak mananatili si Kuya Jose.

"May nais akong ipakita sa iyo, bukas," nakangiting saad ni Carpio. Nandito kami sa labas ng aming kubo ngayon at hinihintay ko na lamang na magpaalam siya upang umuwi na.

"Ano iyon?" tanong ko pa pero napangiti lang ulit ito.

"Malalaman mo bukas," aniya pa.

Mayroon akong kutob na may kinalaman ito sa lihim naming lugar. Marahil ay mayroon siyang binago o kaya naman ay inayos doon.

"Matulog ka na. At asahan mong bukas sa iyong pag gising, nandito na ako sa labas ng iyong kubo at naghihintay sa'yo," aniya.

Marahan niya akong hinila palapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit. Ramdam ko rin ang kanyang nguso sa ibabaw ng aking ulo at rinig na rinig ko ang mabilis na tambol sa loob ng kanyang dibdib kung saan ako nakasubsob ngayon.

"Salamat," panimula niya na agad kong ipinagtaka. "Salamat at bumalik ka. Pinapangako ko, ngayong narito ka na, hindi ko na hahayaang mawalay ka pa sa akin, Hiraya," aniya at kumalas sa yakap ko.

Kinuha niya ang dalawa kong kamay at hinalikan iyon isa-isa.

"Aalis pa rin naman ako, Carpio. Hindi ito ang tahanan ko. Ngunit pinapangako ko sa'yo na hindi nito mababago ang nararamdaman ko. Sisikapin nating magtagpo isang beses sa isang linggo o buwan," pagpapaliwanag ko sa kanya.

"Hindi na iyan kailangan, Hiraya. May isang paraan naman upang hindi na tayo magwawalay pa," aniya na agad kong ipinagtaka.

"Ano?" tanong ko sa kanya.

Marahan niyang inangat ang aking isang kamay at hinalikan iyon bago nagsalita.

"Maaari ko bang hingin ang iyong kamay upang ika'y makaisang-dibdib, Hiraya?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at halos mabaliw ang puso ko dahil sa mabilis na pagkabog nito.

Tama ba ang narinig ko? Hindi ba ako nananaginip?

"C-Carpio..." gulat ko pa ring sambit. Wala akong maidugtong na salita roon.

"Akin nang ibinigay ang basbas ko sa inyo,"

Nanlaki ang mata ko sa gulat nang bumungad naman ni Kuya Jose na kakarating lang ngayon at nakatayo sa gilid namin.

"Matagal na akong kinausap ni Carpio tungkol dito. Maging si ama bago ito nawala ay alam na rin ang balak niyang ito. Ang iyong sagot na lamang ang kulang," nakangisi pa nitong dagdag.

Napa-awang ang bibig ko nang unti-unti ring lumabas sina Bisdak, Rosa, Mang Khapili, Aling Eka, at Babaylan, na may mga ngiti sa kanilang labi. Lahat ng mga taong malapit at mahalaga sa amin ay naririto ngayon at pinalilibutan kaming dalawa

"A-anong—" nauutal at puno ng gulat kong saad.

"Oo at hindi lang naman ang kailangan mong isagot, binibini," kinikilig pang saad ni Rosa.

Nabaling ang aking mga mata sa lalaking kaharap ko ngayon nang inilibot niya ang isang braso niya sa bewang ko.

"Ikaw ba'y nagulat? Kasabwat ko ang iyong kapatid para sa mahalagang araw na ito," dagdag niya at malapad na ngumiti.

"A-Alam mo nang d-darating kami ngayon?" gulat kong tanong sa kanya.

Napa-awang na lamang ang bibig ko nang umangat ang gilid ng labi niya. Hindi ako makapaniwala! Pinagkaisahan nila akong lahat! Paanong hindi ko ito nahalata?

"Hindi ko alam na ngayon kayo darating. Ngunit alam na nilang lahat na sa oras na bumalik kayo rito ay gagawin ko na planong ito; ang hingin ang kamay mo."

"Naghihintay kami sa iyong sagot binibini!" paghagikik pa ni Rosa.

Pati ba si Rosa ay alam na rin pala ito?

Lahat sila ngayon ay nakatingin sa akin at hinihintay ang sagot ko. Pero ang mga mata ko ay nakatuon lamang sa lalaking aking kaharap at patuloy na nagpapabaliw sa puso ko...

Hindi ko na maunawaan ang nararamdaman ko. Tumingala pa ako sa kanya at hinawakan ang magkabila niyang braso bago sumagot.

"P-Patawad..." sambit ko.

Continue Reading

You'll Also Like

80.2K 3.5K 46
Selene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she traveled back in time during Spanish invas...
Socorro By Binibining Mia

Historical Fiction

1.1M 70.8K 27
De Avila Series #1 "Wattys 2022 Grand Prize Winner" Known as the most stubborn and troublemaker daughter of the De Avila family, nothing stops Socorr...
43.4K 4K 58
|| thewattys2021 Shortlist || Pristine Series (PRS#1) Falling in love with the last person your family would want for you. Standing up for love. Figh...
3.5M 86.6K 57
Isa ang Otokawa mafia sa kinatatakutang organisasyon sa mundo ng sindikato lalo na sa Japan. Bukod sa marahas nitong pamamaraan ay may nakatago itong...