His Queen

By JFstories

4M 139K 17K

The day he chose her is the day that her fate was already sealed. *** 'Yong guwapong lalaki na pasyente mo sa... More

SIMULA
HELIOS
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVII
Kabanata XXVII Part II
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIX
Kabanata XXX
Epilogo
HIS QUEEN
Now a free story!

Kabanata XXVI

90.3K 3.6K 1K
By JFstories

HELIOS


"Hi! Kayo ba ang mga kapatid ni Helios? I am Ria, by the way."

Ria just innocently introduced herself to Kaden, Lourd and Cross. I was at the end of the grandstaircase, watching the triplets as they awkwardly talk to their long lost mother. I could hear their conversation kahit malayo ako sa kanila.

I snapped my fingers and Ria's face became emotionless. Para itong naging manika na walang buhay.

Agad na napatingala sa akin ang tatlo. Blangko mga mata ni Kaden while Lourd and Cross expression? He's obviously pissed. Bumaba ako mula sa tuktok ng hagdan. At sa isang iglap ay nasa harapan na nila ako.

"Wala siyang naaalala, ang alam lang niya ay girlfriend ko siya,"

Dinig ko ang pagtatagis ng mga ngipin ni Cross at ang mahina niyang pagmura.

Sinalubong ko ang mga nanunumbat na tingin ng tatlo. "Taon-taon kong binubura ang alaala niya. To protect her."

"Lagot ka 'pag nalaman niya." Maanghang na sabi ni Cross.

Alam ko iyon. Alam ko na magagalit si Ria at mas isusumpa niya ako. Hindi niya na ako mapapatawad kahit kailan. Hindi ko iyon kaya. This is selfishness, I know. But this is the only way, my only way to be with her. And to protect her.

Ria is the first immortal from my blood. She's my chosen one. She became a vampire right after I made love to her. Pinakamalakas ang dugo na nananalaytay sa kanya at iyon ang habol ng mga kapatid niyang ganid sa kapangyarihan. They needed her para dumami pa ang mga ito. They needed her for power.

Iingatan ko si Ria sa paraan na alam ko, dahil ito lang ang alam ko para hindi siya kumawala. Po-protektahan ko si Ria hindi lang dahil pinakamamahal ko siya, kundi dahil iyon din ang tama. Responsibilidad ko ang lahat ng mga bampirang naglipana dito sa Pilipinas pati na rin sa ibang bansa. Dahil sa akin, dahil ako ang puno't dulo kung bakit sila naging ganoon. Hindi ko na hahayaang dumami pa ang mga biktima.

Maputla kaming lahat pero sa mga oras na ito, pulang-pula si Cross. Ang pamumula niya ay abot hanggang sa leeg. He's really pissed at hindi niya iyon kayang itago. Sa tatlo, siya ang pinakahirap magtago ng nararamdaman. Sa tatlo siya ang parang lumalabas na bunso. May angst, pinaka impulsive, and sensitive.

I snapped my fingers again. Agad na bumalik ang ningning sa mga mata ni Ria at nagsalita ito. "Kayo pala ang mga kapatid niya. Magkakamukha kayo!"

"Saan kayo nagkakilala?" Cross asked Ria. Sumasakay ito but still I could sensed awkwardness in him as he talk with his mom.

Saglit namang natigilan si Ria pagdaka'y ngumiti. "Ah, sa Manila. Tapos... wait! Sa Europe kami nagkakilala. Dati akong OFW!"

"Ilang taon na kayo?" Si Lourd naman. Pasimple itong tumingin sa akin.

"Next week ang one year anniversary namin," Ria answered happily.

"Nice. Congrats," halos pabulong na wika ni Cross at namulsa.

Napatingin sa akin si Ria. "Baby?"

Agad ko siyang nilapitan at hinawakan sa maliit niyang bewang.

Nakakunot ang makinis niyang noo habang nakatingala sa akin. "Saan ka ba galing? Bakit bigla ka nawala?"

"Magkasama tayo buong gabi," I answered her. Hindi siya maniniwala dahil hindi iyon totoo, kaya naman kailangan ko pang pakialaman ang isip niya para maging makatotohanan ang sinabi ko.

Napakurap si Ria matapos nitong sapuhin ang ulo. "Oo nga pala, maagkasama tayo buong gabi."

"Helios," gigil na sambit ni Kaden. Lumalagutok ang mga kamao nito.

Kung kanina ay si Cross lang ang nagliliyab, ngayon ay sila ng tatlo. They can't hold it anymore.

"Kelan pa naging laro ang lahat sa'yo?!" Pinigilan ni Lourd sa braso ang kakambal ng akmang lalapit sa amin.

"Kaden, calm yourself down," awat Lourd habang nagtatagis na rin ang mga ngipin.

And that's it. Hindi na rin kinaya ni Cross ang pagkalma. Dahil nakaawat si Lourd kay Kaden ay malayang nakalapit sa akin si Cross.

Iniwas ko si Ria nang sunggaban ako ng lalaki at kwelyuhan. "What the hell are you doing? Are you fucking with us?!" Ang berdeng mga mata ay kulay pula na.

Umigting ang aking panga kasabay ng pagtabig ko sa kanya. Isang hawi lang ay tumilapon si Cross sa pader ng sala. Lumikha ang paghampas ng katawan niya ng pagkabarag sa semento sa pader. Maski ang malaking antique jar na nadaanan ni Cross ay nahati sa gitna.

Paahon na tumayo si Cross habang pigil ang paglabas ng mga pangil. Napailing ako. Kahit hindi niya gusto ang sitwasyon, kaya rin naman palang makisama ng loko.

Nang balingan ko si Ria ay namumutla ito. "Baby, bakit galit sa'yo ang mga kapatid mo?" Nanlalaki ang mga mata ng babae.

"Hindi sila galit."

"Pero—"

"Hindi sila galit, Ria," mariing sabi ko habang tinitigan siya sa mga mata. "Hindi sila galit, okay?"

Sandaling natulala si Ria at pagkatapos ay muli na naman itong nakangiti. "Oo nga, hindi nga sila galit." Mahina pa itong tumawa. "Hay, ano ba itong nangyayari sa akin?"

Hinaplos ko ang makinis niyang pisngi. "Pagod ka lang, baby. Tara na sa kuwarto natin?"

"Kuwarto natin?" Napakurap ito.

Nginitian ko siya. "Yes. May kuwarto tayo rito. Nasa itaas, baby."

Nagningning ang mga mata niya. "Ay, oo nga. May kuwarto tayo rito. Nasa itaas ang kuwarto natin."

"Good. Tara na?"

"Oo tara na." Tila siya sunod-sunurang manikang de-susi. But this is much better kaysa malayo siya sa akin. Mas malapit siya, mas mababantayan ko siya.

Inalalayan ko si Ria patungo sa hagdan. Hinayaan ko na nakatingin lang sa amin ang tatlo.

"He's one sick-fuck," bulalas ni Cross matapos ang ilang sandali.

♚♚♚

RIA

"Matutulog na ba ako?" Inalalayan ako ni Helios pahiga sa malawak na kama. Kinumutan niya rin ako.

"Yes. You'll sleep now, my love."

Ipinikit ko ang aking mga mata dahil ito ang gusto niya. Ang utos niya.

Naramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko, sa braso at pababa sa aking balakang. Mainit ang mga palad niya at ang mabango niyang hininga. Hinalikan niya ako sa pisngi at pagkatapos ay bigla na lang naglaho ang kanyang presensiya.

Iminulat ko ang aking mga mata. Bumangon ako at inikot na tingin ang paligid ng kuwarto. I'm right. He's gone.

Sa isang iglap, naglaho siya.

Tumingin ako sa nakasaradong pinto. Dito siya dumaan. Lumabas siya nang hindi ko namamalayan. Sa sobrang bilis niya, ni hindi ko naramdaman na umalis siya. Tsk. Bampira nga naman.

Tumayo ako at umalis sa kama. Alas-nueve palang ng gabi based sa grandfather clock na naririto. Maaga pa. Sobrang aga pa para matulog ako. Bakit niya ako pinapatulog nang ganito kaaga? Siguro dahil imi-meeting niya ang triplets kung paano ako pakikisamahan. Kung paano ako lolokohin katulad ng pang-uuto niya sa aking gago siya.

Nanlisik ang aking mga mata habang nakatingin sa nakasaradong pinto. Helios Gablin Vox, you can never fool me again. Never again.

♚♚♚

"Hi!"

Nanigas sa pagkakatayo si Cross. Nasa veranda siya ngayon at hindi mapakali.

Siya lang ang tao rito sa mansiyon dahil maagang umalis ang mga kapatid niya. Pati si Helios ay umalis din, pero nagsabi naman na babalik din kaagad. Narinig kong binilinan ni Helios si Cross na wag akong iiwan. Na bantayan ako habang wala siya. At narinig ko rin ang mga reklamo ni Cross.

Galit siya sa akin.

Galit sa akin ang anak ko dahil ang iniwan ko sila. At ang pagkakaalam niya ay wala na akong balak balikan sila.

Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin. "Bakit ganyan ang isip mo?" halatang hindi nag-iisip na sambit niya.

Napangiti ako. Wala silang kamalay-malay na kontrolado ko na ang isip ko. Hindi na nila ito basta-basta mababasa. Alam ko na kung ano ako, kung sino ako at paano ako naging ganito. Parang natural lang ang pagdaloy ng kaalaman sa akin, ng mga teknik kung paano kumilos bilang isang bampira mula noong na-aware ako kung ano ba talaga ako.

"Ha? Anong sinasabi mo diyan?" maang-maangan ko.

Ipinilig niya ang ulo. "Huh? Nothing."

"Kumain ka na? Nagluto ako."

Nangunot ulit ang noo niya. "Why?"

"Anong why? Hello? Tanghalian na. Dapat kumain na tayo, di ba?"

"Ah..." Parang sira na napatango siya kahit mukhang ay ayaw niya akong kausapin.

Nagluto ako ng masarap. Alam ko na hindi kami tulad ng ibang mga bampira na nabubuhay sa dugo. Iba kami. Iba ang pamilya namin. We can still eat human food nang hindi nagsusuka at nananakit ang tiyan. Nakakasurvive rin kami na walang iniinom na dugo ng tao man o hayop. We are blessed and cursed that way.

Pero ang mga kuya ko at ang iba pang mga newborn vampires mula sa mga kagat ng bampira, o mula man mismo sa dugo ko ay hindi kayang mabuhay ng walang dugong iniinom. They are bloodsucking vampires. Their bodies start to consume themselves if they are unable to feed for a week. They may feed on animal blood, but they won't last long. Panawid-gutom lang nila iyon. Pathetic.

Mahihina pa rin sila kumpara kay Helios at sa tatlo kaya naman hindi nila kayang sumugod basta-basta kahit gaano pa sila karami ngayon. At ako ang target nila dahil mas malakas ang magagawa nilang mga bagong bampira kung dugo ko ang kanilang gagamitin kaysa pagkakagatin nila ang kung sino-sino.

Mga walang kwentang kapatid. Noon pa man, hindi na nila ako itinuring na kapatid nila. Kahit ang namatay naming ama ay hindi rin naging mabuti sa akin. Naalala ko na kung bakit. Hindi ako anak ng itinuring kong ama. Anak ako ng ibang lalaki, ng isang kumpadre. Anak ako sa pagkakasala at pinandidirihan nila ako. Lalo silang namuhi sa akin ng ang pagsilang sa akin ang naging kamatayan ng aming ina.

"Galit na galit?"

"Ha?" Napakurap ako.

Nakasimangot sa akin si Cross. "Bakit ganyan ang reaksyon mo? Para kang susugod sa gera."

"Naku hindi, ah!" Ngumiti ako. "May naalala lang ako."

"Ano naman?" halatang di convinced na tanong niya. Namulsa pa siya habang nakataas ang isang kilay sa akin.

"Uhh, naalala ko lang si Helios. Hindi kasi ako isinama e. Miss ko na siya," pagsisinungaling ko.

"Clingy much." Nilampasan niya na ako.

Habol-habol ko naman siya. Parang gusto ko siyang yakapin mula sa likod. Hay... Kailan ko kaya sila mayayakap na tatlo? Ang sakit lang dahil abot-kamay ko sila pero hindi ko naman sila mahawakan.

Biglang tumigil sa paglalakad si Cross dahilan para mabangga ako sa likod niya. "Ay, sorry!" hingi ko ng pasensiya.

Humarap siya sa akin. "Problema mo?"

"Sorry nabangga kita..." Pinagpagan ko ang damit niya. "Baka kumapit sa 'yo ang germs ko, ang linis-linis mo pa naman at ang bango-bango." Syempre kunwari lang iyong pagpapagpag ko sa kanya para lang mahawakan ko siya at madama.

Natigil lang ako nang hulihin niya ang kamay ko. "Stop it."

Napatingala ako sa kanya. "Ha? Anong stop? E baka nga kasi narumihan ka—"

"Stop pretending that you don't remember."

Natigagal ako sa matalim niyang mga titig sa akin. "A-anong pretend..."

"Stop acting like you don't know who you really are, Euletta Maria Pedrigal or Euria." Marahan niya akong binitawan. "Please. Stop. It."

Bumagsak ang mga luha ko. Hindi ako makapagsalita. Tinalikuran ako ni Cross. Nanghihinang napahawak ako sa pader.

Hindi ko alam kung ilang oras akong tulala lang. Namalayan ko na lang na may humahalik na sa pisngi ko. At nang pagkurap ko ay ang nakangiting mukha ni Helios ang namulatan ko.

"Hi, baby. Missed me?"

Sandali akong napatitig sa kanya bago kusang tumaas ang palad ko pasampal sa kanyang mukha. Sa lakas ng sampal ko sa kanya ay napahinto sa paglalakad si Lourd na bagong dating lang.

Nagulat ako sa nagawa ko. Si Helios naman ay nanlalaki ang mga mata sa akin. Hindi makapaniwala na sinampal ko siya.

"S-sorry..." nauutal kong sabi.

"Why, baby? Do we have a problem?" alalang tanong niya.

"W-wala... Sorry, pagod lang siguro ako... Sorry talaga." Tinalikuran ko na siya at tinakbo ang pabalik sa kuwarto.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa loob ay hindi ko na napigilang hindi umiyak. Hagulhol. Para akong mababaliw. Binuksan ko ang isip ko at pilit inabot si Cross. Nang mahanap ko siya ay inis na tono agad ang ibinigay niya sa akin.

WHAT DO YOU WANT?

I'M SORRY.

Hindi na siya muli pang sumagot. Pero nagpatuloy ako.

SORRY. SORRY. PATAWARIN NIYO AKO. HINDI KO ALAM KUNG BAKIT UMALIS AKO AT HINDI BUMALIK. HINDI KO ALAM... HINDI KO NA MAALALA ANG MGA SUMUNOD NA NANGYARI...

Hindi lang kay Cross, kundi pati na rin kina Lourd and Kaden. Walang sagot mula sa mga ito. Siguro takang-taka ang dalawa kung bakit ako nagsosorry. Akala siguro wrongsent ako. Shit!

Pero totoong wala akong maalala. Matapos ang huling alaala nang kunin ako ni Helios sa amin ay wala na akong mahanap pa sa isip ko. May ilang kurot ng nakaraan kagaya nang pagkuha ni Kuya Don ng dugo mula sa akin, pero pagkatapos niyon, nawawala na naman ang mga anag-ag. Masakit sa ulong isipin, pero parang habang nangyayari ang lahat ay wala ako sa katinuan. At sa bawat pagdilat ko, si Helios na ang nasa tabi ko.

Biglang bumukas ang pinto ng kuwarto. Napatayo ako sabay layo nang makilala ko ang pumasok. Salubong ang mga kilay ni Helios habang nakamasid sa akin, partikular sa mga luha ko.

"Tell me what's happening," malumanay na tanong niya pero may diin.

"Ikaw ang magsabi sa akin kung anong nangyayari!" sigaw ko sa kanya. Wala na, hindi ko na mapigil ang sarili ko.

"What?"

"Sabihin mo sa akin ang nangyayari! Sabihin mo sa akin kung anong ginagawa mo sa akin! Sabihin mo, gago!"

Napaawang ang mga labi niya.

"Ikaw ang magsabi kung ano ang nangyayari!" Bumagsak ang mga luha ko. "Hindi mo masabi di ba? Because you're a selfish bastard!"

Gulat na nanlaki ang luntian niyang mga mata. "What the hell..."

"Just leave me alone! I don't want to see you!"

Nakatanga lang siya sa akin.

"Get out! Umalis ka sa paningin ko at baka hindi kita matantya!"

Akala ko magpupumilit siya. Akala ko may gagawin na naman siya para siya ang masunod. Akala ko magtatangka na naman siya ng kung anong kalokohan pero wala. Tahimik siyang umalis. Iniwan niya ako.

CALL ME KAPAG PWEDE NA TAYONG MAG-USAP.

Napaismid ako nang marinig ang boses niya sa aking isip.

Nagpaikot-ikot ako sa loob ng kuwarto. Nanginginig ako. Iyak ako nag iyak. Minsan hihikbi, minsan mapapahagulhol. Para na akong nasisiraan ng bait. Isinarado ko ang isip ko dahil ang kulit ni Helios. Nag-aalala raw siya sa akin dahil para na akong nababaliw rito. Pero ayoko pa siyang harapin dahil mas kailangan ko ang oras na ito para mabaliw. Kailangan ko ang oras na ito para pag-isipan lahat, para linawin ang utak ko at payapain ang sarili ko. Hindi biro ang pinagdadaanan ko ngayon. At kung magkakaroon man ng baliw na bampira in the future, malamang sa malamang na ako na 'yon.

Nahinto ako sa pagngalngal nang may kumatok sa bintana. "Pst!"

Gulat akong napalingon doon. Nasa labas si Lucia. Katulad ng parati ay kulay puti ang manipis na suot nito. Parang multo na hinahangin ang mahaba at magulong buhok.

"Anong ginagawa mo rito?" Nilapitan ko siya at pinagbuksan ng bintana.

"Kasama ako ni Lourd. Alam nilang nandito ako. Bat ka naiyak?" nakatawang tanong niya.

"Dahil alam ko na ang totoo at nahihirapan akong harapin iyon."

"Ah, I see."

"Bakit ka ba nandiyan? Ano namang drama mo?"

Nagkibit lang ng balikat ang maputlang babae.

"Saka ano palang cup size mo? Regaluhan kita ng bra."

Bumungisngis siya. "Saka na. May favor ako sa 'yo."

"Ano iyon?"

"Di ba tinulungan kita? Ako naman ang tulungan mo."

"Ano ba iyon?"

"Ganto kasi iyon. Iyong mama ko, may crush kay Helios. Actually di lang pala crush, obsessed na."

Sinimangutan ko siya. "Parang ikaw kay Kaden?"

Napahagikhik si Lucia. "Ah, basta. Favor naman o? Hindi ko kasi pwedeng hindian ang mama ko dahil baka itakwil ako. Ang hirap ng kalagayan ko, hindi ko alam saan lulugar. Kung sa kampo nina mama o dito."

"Bakit hindi ka na lang kumampi dito?"

"Kung pakakasalan ba ako ni Kaden, why not?"

"Malabo siguro iyan. Saka teka, bakit ba patay na patay ang mama mo kay Helios e asawa na siya ng kapatid ko? Kaya mas galit na galit ang kuya ko kay Helios dahil sa kakatihan ng nanay mo e!"

"Ayaw naman talaga ni mudra kay Amang Donovan. Ang kaso, si Amang Donovan langa ng sumagip sa amin a long long time ago. Kung hindi niya kami ginawang bampira ay baka deads na kami ngayon. Utang namin sa kabilang kampo ang buhay namin. At isa pa, buhay reyna naman ang mama ko doon kaya ayos lang."

"E bakit gusto niya pang umeksena sa amin ni Helios kung reyna naman na pala siya sa kampo nina Kuya Donovan?!

"Oy, may kayo ba? Maka "namin" ka ah! Kayo na ba? Napatawad mo na siya?"

Natigilan ako.

"Marupok."

"Lucia, saka na lang iyong favor mo please? Kung ano man iyang utos sa 'yo ng nanay mong baliw, saka na lang. Kailangan ko pa kasing makapag-isa para mag-isip."

"E hindi pwede. Mainipin ang mama ko. Magagalit sa akin iyon kapag hindi ko siya nasunod agad ngayon."

"Ano ba kasing favor iyon?"

"Kidnapin ka sana."

"Ha?" Natulala ako sa biglang pagseryoso ng mukha ni Lucia.

"Sorry, Ria. Tumakas ka na lang o kaya hintayin mo na lang na i-save ka ng mag-aama mo." Pagkasabi'y hinila niya ang braso ko.

Sa gulat ay hindi ako nakapalag. May kung anong matalas na bagay siyang itinarak sa balat ko papunta sa aking laman sanhi para mawalan ako ng malay.

"Don't worry. Mag-iiwan ako ng kidnap note."

JF

Continue Reading

You'll Also Like

4.4M 115K 49
MATURED CONTENT(R-18) Phoenix Series#3: Alexander Kiel Ford "It's amazing that just by looking at you makes my heart skips a beat." - Alexander Kiel...
4M 88.3K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
1.8M 53.8K 30
Rejecting Iya's confessions is Jacob's norm. After sharing three kisses that Jacob claimed as meaningless, will Iya finally give up--or will she keep...
23.3M 624K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...