R O Y A L I N T E G R A T E D
"Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ng binatang si Evo sa kaniyang kaibigan na si Kiana habang sila ay naglalakad sa hallway.
"Okay naman na ako, salamat nga pala sa mga prutas na dinala mo sa akin kahapon, nakatulong sa pagpapagaling ko." Nakangiting sabi ni Kiana kay Evo.
"Walang anuman." Sabi naman ni Evo.
"May ibibi---aray!" Hindi natuloy ni Kiana ang kaniyang sasabihin at napasigaw nalang ng may makabangga siya.
"Kiana!" Agad na tinulunga ni Evo si Kiana para makatayo. Nag-aalala siyang tumingin dito.
"Okay lang." Mahinang sabi ni Kiana at inangat ang tingin para malaman kung sino ang nakabangga niya. Nanlaki ang mga mata niya ng makita kung sino iyon.
"Grade 9 ka diba? Bakit ka nandito? Bumalik ka sa classroom niyo at mag-aral muna ng mabuti bago humarot." Walang prenong sabi ni Ran. Ang School Council President.
"Pasensya na President." Nakayukong sabi ni Kiana.
"Ihahatid na kita." Sabi ni Evo kay Kiana at hindi alintana ang presensya ni Ran sa harapan nila.
"Hindi pwede, malapit ng mag-time at malayo pa ang building ng grade 9." Pagpigil sa kaniya ni Ran pero hindi pa rin siya pinansin ni Evo at nagsimula na itong maglakad pero bago pa man sila makalagpas ay pinatid ni Ran si Evo na naging dahilan para madapa ito.
"Evo!" Gulat na pagsigaw ni Kiana sa pangalan niya Evo. Rinig din ang tawanan ng mga estudyante na nakakita sa nangyari. Tutulungan na sana ni Kiana na tumayo si Evo pero biglang sumigaw si Ran.
"You back to your room, NOW!" Tarantang tumakbo paalis si Kiana at binigyan pa ng huling tingin si Evo bago siya tuluyang makalabas ng building. Nakangiti namang nakatingin si Ran kay Evo na dahan-dahang tumayo.
"Bakit hindi mo sinabing gusto mong mag-swimming?" May halong pang-aasar na tanong ni Ran kay Evo at nasundan iyon ng tawanan ng mga estudyante sa paligid nila.
Hindi naman siya pinansin ni Evo ay pinagpag lang nito ang damit niyang nadumihan at saka naglakad palayo. Hindi naman nagustuhan ni Ran ang ginawa ni Evo kaya kumuha siya ng maliit na bato at ibinato iyon sa likod ni Evo. Napatigil naman si Evo pero hindi niya nilingon si Ran. Ilang segundo lang siyang tumigil at pinagpatuloy na ulit ang paglalakad na lalong ikina-inis ni Ran. Dahil sa inis ay masamang tinignan ni Ran ang mga nasa paligid na nakatingin sa kaniya.
"GO BACK TO YOUR ROOMS NOW!" Sigaw niya. Mabilis naman na nagsialisan ang mga estudyante. Inis naman siyang naglakad para bumalik sa classroom nila. May ilang mga estudyante ang bumabati sa kaniya pero hindi niya ito pinapansin.
Nang makarating na siya sa classroom nila ay padabog siyang umupo sa upuan niya. Naramdaman naman ng mga classmate niya ang hindi niya magandang mood kaya naging maingat sa pagkilos ang mga ito at tumahimik na din sila. Masamang tinignan ni Ran ang lalaking naging dahilan para masira ang mood niya. Kumuha siya ng notebook sa bag niya na hindi niya ginagamit ang binato ito kay Evo. Halata na nagulat si Evo. Tumingin naman sa ibang dereksyon si Ran at nagbabaka sakali na humupa ang inis na nararamdaman niya. Samantala, si Evo naman ay pinulot ang notebook na tumama sa kaniya ay binuksan iyon para malaman kung sino ang may-ari. Nang malaman niya kung kanino galing iyon ay tumayo siya at lumapit kay Ran para i-abot ang notebook. Napatingin naman sa kaniya si Ran. Hindi alam ni Ran kung anong nararamdaman niya. Naiinis siya pero biglang may ibang emosyon ang sumapaw sa inis na nararamdaman niya.
"Anong kailangan mo?" Mataray na tanong niya kay Evo. Hindi sumagot si Evo at inilagay sa desk niya ang notebook saka muling bumalik sa upuan niya.
Ilang sandali pa ay dumating na ang kanilang teacher at agad na nag-turo. Mabilis naman niyang na-gets ang topic nila. Lumipas pa ang ilang minuto ay natapos din ang subject nila na yun. Vacant time na sila dahil wala ang susunod nalang teacher pero bawal silang lumabas ng classroom dahil labag yun sa rules.
Habang nag-aayos ng gamit ay may tumawag kay Ran. Si Roy, ang Vice President ng Student Council. Agad naman lumapit si Ran sa kaniya.
"Anong kailangan mo?" Taas kilay na tanong ni Ran kay Roy
"Pwede bang ibaba mo yang kilay mo." Sabi ni Roy habang nakadikit ang isang daliri sa kilay ni Ran. Tinapik naman ni Ran ang kamay ni Roy at seryoso itong tinignan.
"Ano ba kasing kailangan mo?"
"May meeting tayo ngayon." Nakangiting sabi ni Roy
"Anong oras?"
"Now na." Sabi ni Roy at hinila palabas ng classroom si Ran. Agad naman binawi ni Ran ang kamay niya at masamang tinignan si Roy
"Kaya kong pumunta sa office mag-isa. Hindi mo ako kailangan hawakan." Sabi ni Ran at mabilis na naglakad.
Napailing nalang si Roy at napangisi dahil sa inasta ni Ran. Matagal na niyang gusto si Ran pero itong si Ran ay si Evo ang gusto. Alam niya ang lahat tungkol kay Ran at handa siyang saluhin si Ran kung hindi man ito saluhin ni Evo.
##