Mahal kita, yan ang salita na gusto kong marinig
Salita na kay sarap sa pandinig
Mahal kita, yan ang katagang nakabaon na sa limot
Minahal kita ngunit para sayo'y di naging sapat
Hindi naging sapat kaya ka lumisan at naghanap ng mas higit at karapatdapat
Minahal kita pero sa kanya ka naging masaya
Kaligayahan na sa akin mo dapat nadama
Mahal kita ngunit handa akong palayain ka