Isang araw, sa bayan ng Mariveles mayroong pamilya ang naninirahan ng masaya at puno ng pagmamahalan sa isat isa. Sila ang pamilya Santos ang kanilang padre de pamilya ay si Ginoong Jose Santos at ang kanilang ilaw ng tahanan naman ay si Ginang Maria Santos. Ang mag asawa ay maroong tatlong anak ang panganay ay si Kero na 19 na taong gulang sinundan ni Cha na 18 taong gulang at ang bunso na si Marivic na 13 taong gulang. Ang pamilyang Santos ay masayang namumuhay at talaga ngang hinahangaan ng kanilang mga kapit bahay sa tibay ng kanilang relasyon sa bawat isa.
Hunyo 12, kaarawan ng bunsong anak nina G. at Gng. Santos ay masaya silang nag diriwang ng kaarawan ni Marivic. May mga sayawan kantahan at kainan din at nang matapos ang araw na iyon at sila ay papatulog na bigla nilang narinig ang sigawan ng mga taong "Sunog!! Sunog!!" Agad nagising ang mag anak at dali daling lumabas sa kani kanilang bahay. Nang sila ay ligtas na nakalabas ng bahay, napagtanto ng ginang na wala ang kanyang asawa na si Ginoong Jose. Ito pala'y naiwan sa loob ng kanilang bahay dahil mayroon pa itong binalikang gamit ngunit hindi na muling nakalabas sa kanilang bahay.
Malungkot na nagluluksa ang mga mag anak sa pagkamatay ni Ginoong Jose. At nang ito ay nailibing na, nagbago na ang pag uugali ng panganay na anak na si Kero. Sa tuwing ito ay uuwi, hindi na ito nagmamano sa kaniyang nanay. Hindi na rin gumagamit ng po at opo sa tuwing siya ay nakikipagusap sa kaniyang ina. Hindi na rin sumasabay sa kanilang pagkain sa hapagkainan. Nang mapansinnito ng kanitang kapatid na si Che at Amrivic. Kinausap nila si Kero sa ugali nito at matapos non, nanumbalik na ang respeto ni kero sa kanyang mga magulang. Ito ay gumagamit na ng po at opo, nagmamano sa tuwing uuwi, at palagi nang sumasabay sa hapagkainan.