Jobell's pov
"Nakakapagod, my God."
"Aba Robin na pagod ka pa? Binitbit ka na nga ni Gav kanina." reklamo naman mi Trisha kay Robin.
"Hanggang saan tayo aabot? Hanggang kailan tayo magtatago? Hanggang kailan tayo mabubuhay?" Mahina kong sambit. Seryoso naman silang naka tingin sa akin with OO-NGA-HANGGANG-KAILAN?- HANGGANG-SAAN-LOOK.
"Ang importante buhay pa tayo." Sambat naman ni Robin.
"Hindi natin alam ang mangyayari. Ba ka isang araw mawala na tayo. Ba ka isang araw, isa nalang ang matitira sa atin. Ba ka isang araw kakain rin tayo ng mga tao." seryosong wika ni Aira.
"Over my dead body, ayokong kumain ng mga chakang mga human 'no! Pero kung poging human naman, then, Gooo! Hahaha." Kahit talaga kailan Robin nag papatawa ka pa rin.
"Basta h'wag muna natin 'yan isipin sa ngayon. Ang dapat nating isipin ay paano makakaligtas." sabi naman ni Marvin na kanina pa tahimik.
"Jerlyn? Anong ginagawa mo?" tanong ni Trisha.
"Wala." Parang may tinatago si Jerlyn sa amin.
Kailangan na nating magpatuloy." suhestiyon ko naman. "Mag hiwa-hiwalay nalang kaya tayo?" dagdag ko.
"Mas malaki ang tsansa na makakasurvive tayo kung sama-sama." Wika naman ni Jerlyn.
"At mas malaki din ang tsansa na mapahamak tayo sa dami natin." Bulong ko. Tama naman kasi ako. Mas dilikado kung marami kami.
"So ibig mong sabihin mag kanya-kanya nalang tayong lahat? Dapat sama-sama, tulong tulong! Kung ayaw mong may kasama jobell, then go." Latanya naman ni Robin. " hindi ko nalang ito sinagot at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
"Bilisan niyo." Wika ni Robin. Nahuhuli naman kami ni Aira.
"Hey"
"Ayos ka lang?"
"Mukha ba akong ayos? Mukha ba tayong ayos?" hindi nalang ito sumagot bagkus ay nagpatuloy na lang.
"Rule #3 People change in disastrous time." mahinang bulong ni Aira na sakto lang upang marinig naming lahat. Tama si Aira, lahat ng tao nagbabago sa oras ng panganib. Agad naman kaming huminto sa isang gilid dahil iyon ang utos ni Gav. "Mahihirapan tayong maka daan, because of those infected." saad naman ni Marvin at itinuro nito ang mga infected na naglalakad sa daan.
"What we gonna do na guys?" Sambit naman ni Robin.
"Dito muna tayo hanggang sa umalis na sila." ani ni jerlyn.
"Sigurado ka bang aalis sila dyan?"
"I have an idea. A very very Good idea." Wika naman ni Robin na tila ba isang mad genius.
"Ano naman?"
"May isa sa atin na lalabas at mag papahabol sa mga infected and then agad tayong tatakbo para maka daan na sa kalsada na 'yan." Latanya ni Robin. Tanga ba siya? Sino naman ang papayag na lumabas at magpahabol sa mga infected?
"Paano naman 'yong magpapahabol?"
"I don't know, siguro ililigaw muna niya ang mga infected. And then, babalik siya dito, then let's run together na." As if naman na gano'n lang 'yan kadali.
"No Robin, mali 'yan. What if makagat siya?"
"Pero atleast diba sa last breath niya naka help siya sa mga people, like us." Alam niyo naiinis na talaga ako sa Robin na ito.
"Sige, diba plano mo 'yan, edi ikaw ang lumabas at mag pahabol." sarkastiko kong sagot.
"Bakit ako?"
"It's your plan, Robin."
"Ikaw nalang kaya jobell? Tutal pabida ka naman."
"Ako pa talaga yung pabida? At kailan pa ako naging pa bida abir?"
"Kung hindi ka pa bida then ikaw lumabas."
"Tama na guys, hindi ito ang oras para mag away-away. Mag isip naman kayo. Maririnig tay--" Hindi na natapos ni Marvin ang sasabihin nito nang biglang umubo si Robin. Dahil sa ubo ni Robin ay ma alerto agad ang mga infected sa paligid at agad kaming napansin. Wala naman kaming ibang magawa kundi ang tumakbo.
"Bwiset ka kasi Robin." Bulong ko
"Sorry talaga guys."
"Wala ng magagawa yang sorry mo Robin, tumakbo ka na lang kung gusto mo pang mabuhay." sigaw ni Aira. Medyo nahuhuli na din kami ni Trisha, Aira at Robin.
"Hindi ko na kaya." Sigaw ni Trisha na halatang pagod na.
"Kayanin mo Trisha! Dapat kayanin mo!" Sigaw ni Jerlyn. Hinawakan naman ni Aira si Trisha kaya medyo bumilis sila. Kami naman ni Robin ay nahuhuli na pero mas nauuna ako sa kanya.
"Damn it." rinig kong sabi ni Robin nang mapansin niya na papalapit na ang dalawang infected sa kanya. Gusto ko siyang tulungan ngunit ayoko pang mamatay.
End of POV
Trisha's pov
Ilang minuto na kaming tumatakbo pero hindi parin nababawasan ang mga infected na humahabol sa amin. Nilingon ko naman sina jobell at Robin sa likod. Napansin ko naman si Robin na pilit inaabot ang buhok ni jobell. Siguro gusto niya ring mahawakan si jobell para kahit pa pa'no hindi siya mahuhuli.
Inaabot parin nito si Jobell kahit mahihirapan nitong abutin. Kunting hakbang nalang ay makakalapit na ang isang infected kay jobell. Hanggang sa maabot na nito ang damit ni Jobell, hindi naman ito magpatalo at pinaghahampas niya ito ng kahoy hanggang sa makawala na ito sa pagkakahawak. Dahil sa ginawa nito ay natalsikan ang makinis at maputi nitong mukha ng dugo galing sa infected. Tatakbo na sana ulit si Jobell nang biglang hilain ni Robin ang buhok nito, agad naman itong natumba. Ngunit hindi parin ito sumuko at agad tumayo at tumakbo ulit nang biglang itulak ulit ito Robin, sa ikalawang pagkatumba nito ay nahihirapan na itong makatayo hanggang sa maabutan na ito ng mga infected. "Jobell!" sigaw ko nang makita kong pinagtutulungan na ito ng mga infected.
"H'wag kana lumingon sa likod Trisha, wala na tayong magagawa. Bilisan na natin bago pa tayo masundan ng mga infected." Latanya naman ni Aira habang hawak pa din nito ang aking kamay.
"S-si Robin, itinulak niya si jobell."
"Keep running." sigaw ni Aira sa akin. Napansin ko naman na agad pumasom si Gav sa isang sasakyan, sumunod naman kaming lahat. "Trisha pumasok kana." nang makapasok na ako ay agad ko na itong isinara.
"Muntik na tayo do'n." rinig kong sabi ni Robin.
"Bakit mo itinulak si Jobell?" kinwelyuhan ko ito, pinakita ko sa kanya ang galit ko dahil sa ginawa nito.
"W-what do you mean ba girl?"
"Nakita ko paano mo hilain ang buhok ni Jobell upang matumba ito."
"Kung hindi ko iyon ginawa, ako ang mapapahamak." pagtatanggol nito sa kanyang sarili.
"Mas mabuti nga 'yon e. Kaysa naman sa nandamay ka pa ng iba." Pasigaw kong sagot.
"Baka nakakalimutan mo Trisha, na ako ang tumulong sa 'yo 'nong nag kagulo-"
"Oo, hindi ko 'yon nakakalimutan, SALAMAT sa ginawa mo per--"
"Tumigil na nga kayo, walang may kasalanan. Hindi rin natin masisisi si Robin kung bakit niya iyon nagawa. Nagawa niya lang 'yon dahil nandito tayo sa dilikadong sitwasyon. Lahat tayo gustong makaligtas." sabat naman ni Marvin.
"Kung ganyan naman pala, bakit naging magka grupo pa tayo kung tinatalo' pala natin yung mga kasama natin? Iyan ba ang tunay na mag kaibigan? Nag tatrayduran?" pa galit kong sagot.
"Pwedi ba tumahimik na kayo? Trisha, tama na. Kahit patayin mo pa si Robin hindi na natin muling makakasama pa si Jobell. Pagpigil ni Jerlyn sa akin.
"Trisha, tama na." wka naman ni Aira sa akin, she hugged me. Wala naman akong magawa kundi sundin nalang silang lahat at bumalik na sa akimg inuupuan.
"Dito muna tayo pansamantala. Magpahinga na kayo. Walang kasiguraduhan kong kailangan ulit tayo makakapagpahinga." sambit naman ni Gav. Hindi parin nawawala ang galit ko kay Robin, hindi ko na siya dapat pagkatiwalaan pa.
End of POV