That Girl Is Mine (COMPLETED)

By silent_stitch

28.2K 3.1K 42

Kwento ng babaeng papasok sa isang eskwelahan na merong mga lalaking kilala, tinitilian, kinababaliwan na kun... More

THAT GIRL IS MINE (COMPLETED)
Chapter 01
Chapter 2
Chapter 03
Chapter 4
Chapter 05
Author's Note
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Extra Chapter
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 11: Harana
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17:
Author's Note
Chapter 18: Birthday Party
Chapter 19: Stitch
Chapter 20: Birthday Party 2
Chapter 21: Birthday Party 3
Chapter 22: Birthday Party 4
Chapter 23:
Chapter 24: Buko
Chapter 25: One Week Punishment
Chapter 26: Bar
Chapter 27:
Chapter 28:
Chapter 29:
Chapter 30:
Chapter 31:
Chapter 32:
Chapter 33:
Chapter 34:
Chapter 35:
Chapter 36: Parade
Chapter 37:
Chapter 38:
Chapter 39:
Chapter 40:
Chapter 41:
Chapter 42: Alaala
Chapter 43:
Chapter 44:
Chapter 45:
Chapter 46
Chapter 47:
Chapter 48
Chapter 49:
Chapter 50:
Chapter 51:
Chapter 52:
Chapter 53:
Chapter 54:
Chapter 55:
Chapter 56:
Chapter 57:
Chapter 58
Chapter 59:
Chapter 60:
Chapter 61:
Chapter 62
Chapter 63: Announce
Chapter 64:
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 68:
Chapter 69:
Chapter 70:
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74: The Ending
Abangan..
Author's Note

Chapter 67

247 39 0
By silent_stitch

Nash's POV

Kasalukuyan kaming bumabyehe kasama ko si Aya na lasing na lasing. Ayaw nyang magpahatid sa bahay nila kasi ayaw daw nyang makita sya ng ganun ng Papa nya kaya naisipan kong sa condo ko nalang sya ideretso kesa sa bahay.

Habang tahimik kong binabaybay ang kalsada ay bumalik ang sa isipan ko ang mga nangyare kanina dun sa sementeryo.

Halos sumabog ang dibdib ko sa sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba. Mabilis kaming nagpasok sa kanya kanya naming kotse ni Jiro. Pagkalabas na pagkalabas namin sa gate ng sementeryo na yun ay agad kong tinawagan si Jiro.

"Jiro. Dumiretso ka na sa inyo. Wag ka ng kung saan saan pumunta lalo na ng gabi."pagpapaalala ko sa kanya. Sa amin kasing tatlo, ako parati ang nagpapayo at nagpapaalala sa bawat isa. At nakikinig naman sila sakin. Pero nung nasira yung relasyon namin noon, nagkanya kanya na. Ewan ko kung susunod sya sakin ngayun.

"Ikaw din, Bro. Mag iingat ka."napangiti ako ng bahagya at medyo nabawasan ang kaba ko dahil sa sinabi nya.

Napabuntong hininga ako sa isiping iyon. Sino naman kaya yung nakamaskara na tumulong samin? Bakit nya yun ginagawa, at bakit kelangang nakamaskara pa sya? Ayaw nya bang makilala namin sya? Natigil ang pag iisip ko nung biglang gumalaw si Aya.

"Hmmm. Jiroo."mahina man ang pabulong nyang yun habang tulog ay alam kong si Jiro ang tinatawag nya. Hindi nga pala alam ni Jiro na kasama ko si Aya ngayun. Hindi naman kasi sinabi ni Sophia na kung anong importante eh. Saka nataranta kami kanina dun sa grupo ng kaaway namin.  Nagpatuloy nalang ako sa pagmamaneho at pilit inalis lahat ng mga isipin ko.

Pagkadating namin sa harap ng condo ay agad akong bumaba at inakay papalabas ng kotse si Aya. Medyo mabigat sya ah. Akay akay ko sya hanggang papasok sa loob. Napatingin pa sakin si Ateng nagbabantay sa station dahil may bitbit akong babaeng lasing.

Pagkapasok ko kay Aya sa elevator ay agad ko ring pinindot ang floor kung nasaan ang  condo ko. Pagkalabas dun ay akay akay ko na naman sya papasok ng pintuan.

Inihiga ko sya sa kama ko pero tulog parin sya. Hindi man lang bumiling biling o umunat man lang. Pinagpawisan ako ng sobra kaya naman pagkatapong ko ng phone ko sa table ay agad akong pumasok ng banyo at sinimulang maligo.

Pagkatapos nun ay nagsuot lang ako ng towalya sa ibabang bahagi ng katawan ko saka ako lumabas ng banyo. Kukuha na sana ako ng damit na isusuot ko nung marinig kong nagba-vibrate yung phone ko. Bakit nakavibrate mode na yun. Dapat ringtone yun, diba? Lumapit ako dito saka binasa ang tumatawag. Si Sophia. Sasagutin ko na sana ang tawag nang may biglang kumatok sa pinto ko.

"Sinong kumakatok? Wala naman akong inaasahang bisita ngayun."hindi ko sinagot ang tawag ni Sophia at hinayaan lang iyong magvibrate sa kamay ko. Dahan dahan akong lumapit sa pintuan at saka iyon binuksan.

d⊙_⊙b

"Jiro? Jarren? Oh? Anong ginaga--"hindi ko natapos yung sasabihin ko nung magpakita si Sophia sa likod ni Jarren. Nakalagay sa bandang tenga nya ang phone nya at mukhang inaantay na sagutin ko ang tawag. Napatingin sya sa hawak kong phone na nagba-vibrate kaya naman napalunok ako. "S-Sophia. B-bakit andito--"

"Nasaan si Aya!?"singit ni Jarren. "Saan mo sya dinala? Bakit ganyan lang ang suot mo? Anong ginawa mo!?" sa pananalita nitong lalaking ito ay mukhang hinusgahan na nya ako at sa mukha din ni Sophia at Jiro ay mukhang ganun din ang naiisip nila.

The fuck!

"Kung ano man ang iniisip nyo, nagkaka--"

"Kung ganun asan sya?"tanong ni Jiro.

"Bakit nakaganyan ka?"dugtong naman ni Sophia.

"Napagod ako sa kanya, kaya naligo ak--"napanganga sila lalo na ang reaksyon ni Jarren. "Teka--baka mamisinterpret nyo.."dudugtungan ko pa sana kaso agad ng pumasok si Jarren sa loob. Sumunod naman dun si Jiro at naiwang kaharap ko si Sophia.  "Sophia. Hindi ganun yun, okay."

"Anong gusto mong isipin ko?"sa pananalita nya ay ramdam ko ang panlalamig. "Dalawa lang kayo dyan, babae sya at lalaki ka. Lasing pa sya, anong laban nya?"napalunok ako sa mga sinasabi ni Sophia. Oo alam kong mali na dinala ko si Aya dito kasi babae sya, pero bakit parang hinusgahan na agad ako ni Sophia. Wala ba syang tiwala sakin? Anong magagawa ko, no choice ako. Ayaw ni Aya na umuwi. "Saka teka--bakit ba ako nagkakaganito, ano ba kita?"parang kinurot ang puso ko sa sinabi ni Sophia na yun.

Nilampasan nya ako at pumasok sya sa loob. Pumasok narin ako at nakita kong nakaupo na si Aya sa kama at inaalalayan nila Jiro at Jarren. Umupo naman sa tabi ng kama si Sophia. Kapansin pansin na panay ang pagpupumiglas ni Aya sa hawak ni Jiro.

'Galit parin siguro sya. Saka teka--anong nangyare dito sa lalaking toh, bakit sya andito? Akala ko ba masaya na sya samin ni Aya? Sira ulo talaga, mahal rin naman pala.

Jiro's POV

Pagkagaling namin sa sementeryo ni Nash matapos ang mabilis na pangyayaring naganap doon ay andito na ako sa kwarto ko. Hindi ko na sinabi kila Mommy at Dad ang nangyari dun. Basta sinabi ko lang na okay na kami ni Nash.

Nakahinga ako ng maluwag at sumalampak agad sa kama. Nagtunog ang phone ko kaya naman kinapa ko iyon sa bulsa ko. Pagkatingin ko doon ay isang message mula kay Natalie.

From. Natalie

Napanuod mona ba? Kung hindi pa, dapat mo syang panuorin. Dyan mo malalaman ang katotohanan.

Message Received.

Nacurious ako kung ano mang katotohanan ang pinagsasasabi ni Natalie kaya naman nag online ako at agad na tiningnan ang video. Sa unang scene palang ng video ay alam ko na iyon.

Yun yung nag amin muli si Nash kay Aya. At ito yung video na sinend nya sakin noon kaya ako nagsimulang manlamig kay Aya at kamuhian lalo si Nash.

"Anong katotohanan dito? Katotohanang may nararamdaman sila sa isat isa? Tsk."napasinghal ako sa sinabi ko. Saglit kong ipinatong ang phone ko sa table saka kinuha ang nakalagay doon na bottle na may lamang tubig.

"Inaamin ko, nung umamin ka, hindi ako makapaniwala. Kinilig ako, kinabahan at tinatanong ko sa sarili ko kung bakit nga ba yung taong crush ko ay nagkagusto narin sakin? Sobrang saya ko at hindi ko iyon itatanggi sayo."

"Pero..napag alaman ko sa sarili ko na hindi ako pwedeng mahulog sayo. Hindi tayo pwede."

Nahinto ako sa paglunok ng tubig na iniinom ko nung mapagtantong may kasunod pa pala ang boses ni Aya na halatang kinikilig dun sa huli kong narinig noon. Ibinaba ko ang hawak kong bote ng tubig at agad hinawakan ang phone ko. Kasalukuyang magkaharap si Nash at Aya sa video. At kitang kita ko ang sinsiredad ng bawat isa sa kanilang dalawa.

"May karelasyon ako at ayaw ko syang saktan. Ayaw ko syang nakikitang umiiyak ng dahil sakin, kasi mahal ko sya. Mahal ko si Jiro, Nash."

d⊙_⊙b

'kasi mahal ko sya. Mahal ko si Jiro, Nash.

'kasi mahal ko sya. Mahal ko si Jiro, Nash.

'kasi mahal ko sya. Mahal ko si Jiro, Nash.

Parang sinampal ako ng katotohanan sa lahat ng narinig ko. Nagpaulit ulit pa ng ilang beses ang huling mga salitang binanggit ni Aya kay Nash. Parang sasabog ang dibdib ko kasi hindi ko na alam ang nararamdaman ko. Nasasaktan ako para kay Aya dahil nasaktan ko sya nang dahil sa mali ko palang akala. Mahal nya rin pala ako pero inisip kong mas mahal nya si Nash. May parte ko na masaya dahil nalaman ko ang totoo na mahal pala talaga ako ni Aya. Nalulungkot ako kasi baka huli na at kamuhian na ako ni Aya, baka hindi na nya ako mapatawad sa lahat ng ginawa ko.

Parang nanlumo ang katawan ko sa mga naisip kong posibleng mangyari. Nakita kong online pa si Natalie at maya maya lamang ay nagsend sya sakin ng Voicemail.

Jiro..alam kong napanuod mona ngayun ang buong kwento sa loob ng nilalalaman ng video na yan. At sa tingin ko ay alam mona ang katotohanan na niloko ka lang namin. Humihingi ako ng tawad sa lahat ng nagawa ko, nung una Oo, ginusto ko talagang mapaghiwalay kayo ni Aya dahil sa pagmamahal ko sayo. Pero simula nung dumating sa buhay ko si Jarren. Nag iba ang lahat, parang unti unting may nararamdaman na ako para sa kanya. At ngayung sigurado na ako na mahal ko sya, saka naman sya nawala sakin ng dahil rin sa kagagawan ko. Sinubukan kong ipatigil kay Hazel ang plano pero ayaw nya ng ihinto. Idinamay nya narin ako sa plano kasi hindi ko na sya tinulungan. Sinubukan kong sabihin sayo ang lahat simula palang pero wala akong mahanap na tamang oras. Sana maayos pa namin ang relasyon namin ni Jarren, ganun narin yung relasyon natin Jiro. Kahit as a friend lang, sana mapatawad mo ako. Pinapakawalan na kita, sana maging masaya kayo ni Aya.

Nag init ang mata ko at alam kong ilang saglit lang ay tutulo na ang luha ko na namumuo dun. Agad ko iyong pinahid ng kamay ko. Tumayo ako at agad na tinawagan si Aya.

Nakadalawang beses akong tumawag dito pero hindi nya sinasagot. Napagdisisyunan ko na puntahan sya sa kanila. Masyado pa naman sigurong maaga para kuyugin ulit ako nung mga lalaki dun sa sementeryo.

Nagpaalam ako kay Mommy na may pupuntahan lang ako. Nasa kwarto si Daddy kaya di naku nakapagpaalam sa kanya. Pagkasakay ko ng kotse ay agad akong pinagbuksan ni Yaya ng gate. Minabilis ko ang pagmamaneho ng kotse para agad akong makarating sa bahay ni Aya.

Kailangan kitang makausap!

Yun lang ang sinasabi ng isip ko habang hindi ako mapakali sa pagmamaneho dahil sa pananabik na makita sya at magkaayos kami.

~To be Continued..~

***Don't forget to Vote, Comment and Share***

***Enjoy Reading!

Love Lots( ˘ ³˘)♥

-silent_stitch

Continue Reading

You'll Also Like

6.5M 351K 26
[PUBLISHED under LIB] #2. "If liking you is a crime then why don't you convict me, attorney?"
146M 5.4M 130
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
22.7M 541K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
403K 26.2K 33
When tuning in to the parallel world seems to be the only way to explain Liz's sudden disappearance, high school students Maxx, Zero and Axes try eve...