Pa talon talon ako habang nag lalakad ngayon. Parang ang saya saya ko sa araw nato.
Kapag naaalala ko yung pag-uusap namin kahapon, napapangiti ako. Ewan ko ba ang lakas talaga ng epekto niya sakin. Hindi ko matatago sa sarili ko na gusto ko siya.
Pero natatakot talaga ko! Paano nga kung hindi niya ako gusto? Paano kung hindi niya ako i kra-crush back? Naks! Ang lakas maka-crush back ah!
Pero seryoso.
Paano nga? Edi masasaktan ulit ako? Hayyss life nga naman, ang unfair. Sabagay, wala namang pantay sa mundo!
"Riebecah!" napalingon ako sa kung sino ang tumawag sa'kin.
"Kevin!" naka ngiting sabi ko.
"Ang saya natin ah" sabi niya.
"Kinda"
"Anong dahilan?" tanong niya habang nag lalakad kami ng sabay.
"Sa maraming dahilan" natigilan ako ng may biglang bumulupot sa bewang ko.
"Zed anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong ko sakanya na ngayon ay salubong ang kilay at madilim ang mukha. Ano na namang problema nito?
"She's smiling because of me" seryosong sabi niya kay Kevin.
"Okay.." awkward na sabi ni Kevin at nag aalangang ngumiti. Naka pagitna ako sa lkanilang dalawa. Ang madilim na mukha ni Zed ay hindi parin nawawala.
"Uy! Anong mukha yan?" bulong ko sa kanya. Pero sinamaan lang ako ng tingin.
"Hehe, i think i need to go" sabi ni Kevin at awkward na nag lakad paalis. Nang maka-alis na siya ay tinignan ko si Zed.
"Why are you talking to him?" masamang tingin na tanong niya.
"Bakit hindi?"
"Tss" sabi niya at nag lakad palayo. Hinabol ko siya.
"Zed, galit ka?" tanong ko nang makalapit na ako sa kanya. Pero 'di niya ako pinansin. Snob? "Uy, galit ka nga?" tanong ko ulit pero katulad ng kanina ay hindi niya ako pinansin. Galit nga siya!
Hanggang sa makarating kami sa canteen ay hindi niya parin ako pinapansin. Nakita namin sina Zyril at kahit sa malayo ay kitang-kita namin ang masamang pag titinginan nina Brie at Neo. Nang makalapit kami sa kanila ay umupo ako sa tabi ni Ethan at sa kabila naman ay umupo si Zed.
"Hey, what's up?" sabi ni Ethan sa'kin.
"Fine" sabi ko.
"Zed, what's with that look?" tanong niya kay Zed na hanggang ngayon ay madilim parin ang mukha. Pero imbes na sagutin ay tinuon nalang niya ang pansin sa pag kaing nasa harap niya.
"Anong problema niya?" biglang tanong ni Brie pag katapos niyang makipag-bangayan kay Neo.
"Ewan ko jan, bigla nalang akong hindi pinansin"
"Ano bang ginawa mo?"
"Wala, kinausap ko lang naman si Kevin kanina" sabi ko na kinatawa niya. Kumunot ang noo ko. Anong nakakatawa sa sinabi ko? Baliw ata 'to!
"Baka nag selos. Ikaw kasi eh" natatawang sabi niya. Mag seselos? Bakit mag seselos si Zed? Tumingin ako sa kanya.
"Uy Zed! Anong problema?" tanong ko.
"Nothing" seryosong sabi niya.
"Pero parang meron eh" sabi ko."Ano nga?" pangungulit ko. Tumingin siya sakin at nag buntong hininga.
"I said don't talk to him, right?" sabi niya. Umawang ang labi ko. Yun ba yung kinagagalit niya?
"Pero kinausap niya lang naman ako" sabi ko. Para kaming sira na nag-uusap na para bang kami lang ang taong nasa paligid. Pero kahit ganun ay masaya ako.
"But I'm jealous." napa kurap-kurap ako sa kanya habang naka awang ang labi. Ang bilis ng tibok ng puso ko. SUSKO! Zed wag 'mokong pinapaasa, sinasabi ko sayo!
"Nag seselos nga kasi siya" biglang singit ni Neo, na nakiinig rin pala.
"Tumahimik ka nga! Sinisira mo yung moment nila eh!" saway ni Brie.
"'Wag ka ngang mangi-alam!"
"Aba't ikaw kaya yung unang nangi-alam!" sabi ni Brie na masamang nakatingin kay Neo. Mag sasalita na sana si Neo ng unahan siya ni Zyril
"Mag bangayan lang kayo dali! Makikinig ako!" sarkastikong sabi ni Zyril na kinatigil nila. Hindi na sila nag salita pa pero igting ang pangang nakatingin sa isa't isa. Umiiling na iniwas ko sa kanila ang tingin at bumaling kay Zed.
"Ahhh, sige hindi ko nalang siya kakausapin ulit" naiilang na sabi ko. Nawala ang pagka kunot ng noo niya.
"Good" sabi niya. "Now eat" nag tataka ko siyang tinignan, at nang ma gets ko yung sinasabi niya ay kukuha na dapat ako ng fries na nakita ko ng mabilis niyang hablutin yun, at sinamaan ako ng tingin.
"What? Sabi mo kain ako?"
"Yes. Now say ah" sabi niya at tinapat sa bibig ko ang fries na hawak niya para subuan ako. Nag aalangang akong kaniin yun, pero sinamaan niya ako ng tingin kaya kinain ko nalang yun.
"Hindi mo naman ako kailangan subuan eh" sabi ko nang itapat niya na naman yung fries sa bibig ko.
"But i want to" sabi niya kaya kinain ko nang ulit yun.
"Takte! Feeling ko single ako nito ah" sabi ni Brie bigla. Tumingin kami ni Zed sa kanila at umawang ang labi ko nang makitang nakatingin pala sila samin. Inikot ko ang mga mata ko sa paligid at mas lalong umawang ang labi ko dahil ang iilang mga estudyante sa loob ay nakatingin din samin. Nahihiyang iniwas ko sa kanila ang tingin.
"Single ka naman talaga!" sabi ni Neo.
"Che! Tumahimik ka hindi kita kinakausap!" sabi naman ni Brie at umirap.
"Bakit kinakausap din ba kita? Si Ethan kaya ang kausap ko! Diba Ethan sigle ka?" sabi ni Neo na ikina-dilim ng mukha ni Brie. Alam naming lahat na si Brie talaga ang pinag sasabihin ni Neo, nang-aasar lang talaga ito.
"Kunwari kapa! Umamin ka nga Neo Dominic, may gusto kaba sakin?" biglang sabi ni Brie.
"Yuck! Mahiya ka nga!" agad na sabi ni Neo ns ikinatawa ko. Hangga ng ngayon ay sinusubuan parin ako ni Zed habang nanonood ako sa kanila. Nag tataka ako, bakit parang hindi parin ubos yung fries?
"Yuck! Mas mahiya ka! Kahit pa mag kagusto ka sakin hindi parin kita magugustuhan. Ang pangit mo kaya!" sabi ni Brie, na kinagalit ni Neo. Hindi niya siguro nagustuhan ang salitang 'Pangit' na sinabi ni Brie.
"Asa ka! Mas pangit ka kaya!" sabi naman ni Neo, na halatang hindi nagustuhan ni Brie.
"Tuloy niyo lang yan. Hindi kayo maingay" nag babantang sabi ni Zyril kaya natahimik ang dalawa.
"Oh, ba't kayo tumigil" tanong ni Ethan sa dalawa, na ngayon ay masama ang tingin sa isa't isa.
Natatawang nag buntong hininga nalang ako.
Hayyy! Ang mga kaibigan ko talaga. Kaya mahal na mahal ko 'ton mga 'to eh. Lagi akong pinapatawa kahit na minsan ay nakakainis sila.
*****
"Goodbye!" nakangiting paalam sakin ni Zed at hinalikan ako sa pisngi. Totoo na yun ha, walang halong biro! Baka isipin niyo jan nag iimagine na naman ako!
Pag katapos ng oras namin sa paaralan ay hinatid na ako ni Zed sa bahay.
Nakangiting pumasok ako sa bahay.
"Good day ija" nagulat ako nung pagdating ko sa sala ay nakita ko ang mga magulang ko at mga magulang ni Bryce.
"Magandang araw mo tita" magalang 'kong sabi at hinalikan siya sa pisngi, ganun dina ang ginawa ko kay tito. Binati ko rin siya at hinalikan sa pisingi.
"Anyway, we're here to discuss something" she said. We sat on the long couch. Katabi ko ang mga magulang ko at kaharap naman namin sina Tito at Tita.
"Hi Pa, Ma" bati ko sa mga magulang ko at humalik sa pisngi nila.
"Ano pong pag-uusapan natin tita?" nakangiting tanong ko, dahil goodmood ako ngayon. Thanks to Zed!
"About the weeding" agarang sabi niya na naging dahilan upang maglaho ang ngiting nakaukit sa mukha ko kanina at napalitan ng seryosong mukha.
"Tita, im sorry. But i won't marry him" i said. I told them before that no matter what happen, i won't still marry Bryce.
"But you loves him, right?" Tito ask.
"Tito, that was before. Everthing's change now. I have my boyfriend, and i reall love him." i said. I saw on their eyes the disappointment on me, but i don't care. As long as Zed is with me, they can't force me.
"Im very dissapointed in you, Princess" Tita said and Tito nodded in agreement.
"Im sorry, but if you don't mind, i have to go" i said with respect.
Why is it, they can't understand me?
Bakit hindi nila maintindihan na may boyfriend ako? At mali na pakasalan ko si Bryce dahil hindi ko siya mahal. Noon yun eh, hindi na ngayon.
Pumasok na ako sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama ko. Tumayo ako para maligo. Pagkatapos 'kong maligo at nag bihis ay bumalik ulit ako sa kama ko. Tumingin ako sa Wall Clock, 9:36pm na pala. Ipipikit ko na sana ang mata ko ng biglang tumunog ang Cellphone ko.
Mabilis ko namang kinuha yun at tinignan kung sino ang tumatawag. Malapad akong ngumiti nang makitang si Zed ang tumatawag.
"Hey!" masayang sabi ko nang sagutin ko ang tawag niya.
"Hey! Are you going to sleep?" tanong niya. Humikab ako.
"Kinda" sabi ko na kinatawa niya.
"Okay i'll hung up then so you can sleep" sabi niya. Akmang ibababa niya na sana ang tawag ng pigilan ko siya.
"Wait! Hindi pa naman ako ina-antok eh, usap muna tayo" sabi ko na ikinatawa niya ulit. Bigla ko tuloy na miss yung mga dimples niya.
"Okay" sabi niya kaya nag liwanag ang mukha ko.
Medyo mahaba haba ang usapan namin kaya paniguradong late na ako matutulog nito.
Hindi na ako magtataka kung isang araw magising nalang ako, mahal ko na siya!