Freaking Romance in Progress...

By frosenn

416K 12.5K 7.3K

Coleen Allester and Colt Vincent Fabian were childhood sweethearts. They were inseparable. For almost 10 long... More

Talian Mo Ko x Freaking Romance in Progress
Prequel 1
Prequel 2
Prequel 3
Prequel 4
Prequel 5
Prologue
SEASON ONE: Perks of Having Each Other
POHEO 1
POHEO 2
POHEO 3
POHEO 4
POHEO 5
POHEO 6
POHEO 7
POHEO 8
POHEO 9
POHEO 10
POHEO 11
POHEO 12
POHEO 13
POHEO 14
POHEO 15
POHEO 16
Inquiry
POHEO 17
POHEO 18
POHEO 19
POHEO 20
POHEO 21
POHEO 22
POHEO 23
POHEO 24
POHEO 25
POHEO 26
POHEO 27
POHEO 28
POHEO 29
POHEO 30
POHEO 31
POHEO 32
POHEO 33
POHEO 34
POHEO 35
POHEO 36
POHEO 37
POHEO 38
POHEO 39
POHEO 40 (SEASON 1 FINALE)
SEASON 1 FINALE: Special Chapter
SEASON 2: Freaking Romance in Progress
FRIP 41
FRIP 42
FRIP 43
FRIP 44
FRIP 45
FRIP 46
FRIP 47
FRIP 48
FRIP 49
FRIP 50
FRIP 51
FRIP 52
FRIP 53
FRIP 54
FRIP 55
FRIP 56
FRIP 57
FRIP 58
FRIP 60
FRIP 61
FRIP 62
FRIP 63
FRIP 64
FRIP 65 (SEASON 2 FINALE)
SEASON 2 FINALE: Special Chapter
Epilogue
Afterword
Damgeen High School Musical

FRIP 59

3.1K 109 48
By frosenn

Chapter 59

Daredevil

   

I didn't expect that the scandal I was involved with would be this serious.

Pagkababa pa lang sa unang palapag ng mansiyon ay bakas na ng pagkataranta ang problemadong mukha ng mga kasambahay. My parents were on the foyer. Naglakad si Dad papuntang living room habang nakapatong ang kamay sa bewang at may kausap sa phone. Samantalang si Mommy naman ay kausap si Romeo roon, napapahilot na rin ng sentido.

Napalunok ako at pinagpatuloy na lang ang pagbaba para makita kung ano ang nangyayari. Romeo's eyes immediately shifted from Mommy to me. He said something to the latter which made her look at me too.

"Coleen!" pabuntong-hiningang tawag sa akin ni Mom.

"What's happening?" nalilito kong tanong sabay sulyap sa bintana.

Our security guards were struggling blocking our gates and driveway! Tanaw ko iyon mula sa bintana naming halos kasing tangkad ang unang palapag. Pinasara agad ni Mommy ang kurtina nang mapansing may siwang doon.

Romeo blocked my vision from it, too kaya napunta sa kanya ang atensiyon ko.

"Do you see what would happen if you keep on being with that... person!" anang niya na mukhang pigil na pigil pa sa huling salita.

Sinuway ni Mommy si Romeo ngunit problemadong napailing lamang ang huli sabay tingin muna nang dismayado sa akin. Sumunod siya kay Daddy. Isang sulyap pa sa labas at hindi ko inaasahan ang paglambot ng mga tuhod ko.

"Anak!"

Mom supported my arm as I dropped my hand on my forehead. What have I done? Am I still dreaming or something? Ganoon na ba talaga kalala para mapuno ng press at media ang harapan ng bahay namin?! They now know where I live! Seriously?

"Ikuha niyo ng tubig ang anak ko!" utos ni Mommy sa kasambahay habang inaalalayan pa rin ako sa couch.

Dad saw what's happening that's why he seemed to bid his goodbye to the caller to rush to me.

"Anong nangyayari?" istrikto ngunit may bahid ng pag-aalalang tanong nito.

Napailing ako at inabot ang isang tubig ng baso sa kasambahay. Nilagok ko iyon at agad na nilapag sa center table.

Dad looked stressfully to Mom and the latter sighed as she sat down beside me, too. Hinaplos niya ang braso ko. Tinawag naman ni Daddy si Romeo at mayamaya pa'y tahimik kaming nakaupong apat sa dulong parte ng malawak na sectional couch.

"We haven't seen you leave your room. Not until Ambrose went there to knock you," panimula ni Daddy. "In this kind of situation, anak, you should talk to us. 'Wag mo kaming saraduhan ng pinto lalo na at ganito na pala kalala ang nangyayari sayo."

Napayuko ako at bumagsak ang tingin sa mga kamay. Hindi ko na rin alam. Kahit ako, nakakahiyang aminin pero wala rin akong kamuwang-muwang na ganito na pala kagrabe ang gulong pinasok ko.

Parang kailan lang, mag-uusap lang naman kami ni Colt. Pero bakit biglang ganito ngayon? Hindi ko maintindihan pero ang bilis masyado ng mga pangyayari!

"Pinaliwanag na sa amin ni Ambrose ang nangyari. Nakipagkita ka kay Colt at may nagsadyang guluhin kayo? Ganoon ba?" Dad clarified.

I nodded even though I was hesitant to give clarification to that. Hanggang doon lang ba ang alam nila Dad? Iyon lang ang sinabi ni Ghunter? I mean, walang mali roon pero... it's just the surface. Ngunit tingin ko'y ayos lang na ganoon dahil iyon naman talaga ang pinakaugat ng nangyari noong araw na 'yon.

Dad nodded his head lightly as he brushed his face. Tinanggal niya saglit ang kanyang salamin para hilutin ang pagitan ng kilay bago muling ipukol sa akin ang mga mata. Tahimik lang si Mommy sa tabi ko at patuloy na pinapakalma ang paghinga kong mabigat na.

Meanwhile, Romeo was just staring at me darkly with his arms crossed. Halatang maraming gustong sabihin at amukin ngunit nagpipigil lang. At nang magtama ang mga paningin namin ay pairap lang nitong binaling ang mga mata sa ibang direksiyon bago iiling ang ulo.

I bit my lower lip and lowered my head again as I listened to Daddy's homilies and reminders.

"Ambrose already talked to us first thing in the morning before leaving the house."

Dahil doon ay napaangat ako ng ulo nang tuluyan nang mapukaw ang atensiyon ko sa sunod na panayam. Oo nga at nang bumisita ako sa guest room na pinagtuluyan niya ay wala na akong nadatnan doon.

"You have a scheduled meeting with their manager along with their team in the afternoon. Susunduin ka rito nang lunch ni Ambrose, kaya maghanda ka na rin mayamaya at nakakahiya na masyado na natin silang naaabala. I agreed on hiring the bodyguard he hired for you last time. Pinadagdagan ko na lang ng isa pa dahil kailangan natin ng mahigpit na seguridad mo ngayon. The media are thirsty for your statement and identity, Coleen. Mag-iingat kang bata ka at nakokonsumisyon na ako ngayon sayo. Tigil-tigilan mo na ang pakikipagkita sa batang 'yon."

Dad didn't let me digest everything he's said first. I was freaking overwhelmed with all the reminders and information I was getting kaya nang nagpatuloy ay parang dumadaan na lang sa magkabilang tenga ko ang mga sumunod!

"Pagkaalis niyo, pupunta na rin agad kami ng Mommy mo sa kompanya, para ihanda ang mga empleyado kung sakali mang makaapekto 'to sa negosyo." Bumuntong-hininga si Daddy bago tuluyang tumayo.

Tiningala ko ito at laglag-pangang sinundan ito ng tingin. Hindi rin naman nagtagal ay tumayo na rin si Romeo at piniling pumunta na lang sa labas. Very worried about Dad's last remarks, I immediately turned to my mother to clarify it!

"At stake po ang kompanya, Mom?" hindi ko makapaniwalang tanong.

Umiling ito at marahang hinaplos ang aking buhok. "No, hija. But your dad won't remain calm and relax in this situation kaya hangga't maaari, aagapan na agad."

Awtomatikong bumagsak ang mga balikat ko sa narinig. Damn, Coleen. You're... doing it again. With almost the same reason. Si Colt na naman ba? Masyado na ba akong nagpakatanga para hayaang humantong ulit sa ganito ang lahat?

"Aside from the fact that... people starting to recognize you as... Colt's past relationship, the public are also starting to notice you as the only heiress of The Allesters, anak..." She paused a bit then sighed. "I don't know what happened exactly. But I trust Ambrose' words," malumanay na dugtong ni Mommy kaya napatingin ulit ako rito.

"Hindi ko rin alam kung bakit at paano, pero kampante ako sa inilahad niyang tulong para sayo at para na rin sa pamilya natin. Your Dad was at his full rage yesterday but after their private discussion with Ambrose last night and this morning, he looked a tad calm from then. At alam mong kapag ganoon na ang Dad mo, kahit papaano'y kampante na rin ako. Kaya 'wag ka masyadong magpadala sa gulong ito, anak... At this point, you need your rational self more than everything."

Halos masugatan na ang labi ko sa sobrang diin ng pagkakakagat ko roon.

I nodded my head gently and with a vestige of guilt in me, I smiled. "I understand..."

Baon ko ang lahat ng payo ni Mommy at mga paalala ni Daddy nang maghanda na ako para sa gaganaping meeting mamayang hapon.

The media people were not that aggressive compared this morning according to our househelps and guards, but we don't want to be complacent yet. Sabi ni Mommy, maaaring nagsialisan lang ang iilan upang kumain at babalik din ulit mamaya sa pagsapit ng bandang ala una. They have their own lunch breaks, huh?

I didn't wear any extravagant. Only a black polo shirt, fitted jeans, and block heals. Sinamahan ko pa ng Stellaluna at bow bracelet, iyon lamang ang tanging accessories na gamit ko. I know I'm not simple with clothings but I think this would help me with my situation somehow. I wouldn't want to draw that much attention by ramping my designers dress and bag, right?

Kahit papaano'y nagdulot ng kaonting tapang at determinasyon sa akin ang sinabi ni Mommy kanina. Kung sila mismo ay nagtitiwala sa kakayahan ni Ghunter, sino ba naman ako para panghinaan ng loob? I should get myself together. Kaya nang marinig muli ang kaingayan sa baba, marahil nanggagaling sa labas ng mansiyon, napalabas na ako ng kuwarto para tignan kung ano ang nangyayari.

I felt my phone vibrated. Dala ko na ang maliit kong pouch na naglalaman lang ng pitaka, perfume, retouch makeups, and phone. Patuloy ako sa paglalakad pababa ng hagdan nang buksan ang mensaheng bagong dating.

Ghunter:

I'm here at the next block. Ruthy and some of our guards will accompany you. They will wait for you at the backdoor.

Nataranta ako bigla sa text na iyon. I looked for my parents and I saw them talking to the familiar bodyguard Ghunter hired for me last time. Totoo nga ang sinabing iyon ni Daddy! Katabi niya ay isa pang bodyguard na bago sa paningin ko. They were both in their civilian outfit but there were things in common with them. They're both in their slim fit tactical pants and black high cut combat boots. Mukhang pangkaraniwang tao lang ngunit kung tititigang mabuti, halatang armado sa likod ng pangkaraniwang suot na iyon.

Yumuko sila nang sabay nang mamataan na ang paglapit ko. Humarap na rin sa akin sina Mommy at Daddy na agad akong hinagkan at hinalikan nang matagal sa sentido. Napabuntong-hininga ako. Halatang kabado si Daddy sa mangyayari. Pero kailangan.

"We'll divert their attention. Sasabay na rin kami ng alis ng mommy mo. Doon kami sa harapan dadaan para mapunta sa amin ang atensiyon nila at doon kayo sa bakuran. And please, gentlemen... take care of my daughter," huling paalala ni Daddy sa amin at sa huli'y binalingan ang dalawang security agent.

"Yes, sir!" they shouted in unison.

Nang magsimula na ang plano ay hindi na rin kami nagpatumpik pa. Yaya Jupiter led our way to the backdoor. Hinagkan niya muna ako nang bahagya bago tuluyang hayaan sa mga bodyguards ko. Tinanguan naman ako ng dating bodyguard na nakalimutan ko ang pangalan. Kung hindi ko pa tatangungin, hindi ko pa maaalala.

The familiar one was Lenon while the newly hired was named Kenneth. Approximately in their late twenties or early thirties, their bodies were both lean and fine. They have their muscles in the right places. Malalaking tao ngunit hindi naman malalaking bulas. Medyo nasurpresa pa ako nang mapagtantong pareho itong hasa na mag-ingles. Because of that, I suddenly wondered if their occupation was really being just bodyguards their life. Mukha may kung ano pa sa mga ito ngunit sa ngayon, hindi na muna mahalaga iyon.

Ilang sandali pa, natanaw na ng mga mata ko ang sekretarya ni Ghunter na si Dorothy. To my surprise, she wasn't in her usual corporate attire, too, like I usually see her. Naka-casual shirt lang kasi ito na tinernuhan ng pantalon at sneakers. My lips protruded. Mukhang lahat kami handang sumabak, a?

"Good afternoon, Miss Allester," pormal na bati nito sa akin pagkalapit.

Tumango ako. "Good afternoon, Ruthy. Where is he?"

"Naroon po. Tara."

I beckoned the bodyguards to follow. Pinayungan ako ng mga ito habang sinusundan namin si Ruthy. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko na ang isang itim na Maserati Quattroporte at isa ring Range Rover. Namangha ako sa tanawin ngunit hindi pa rin maiwasang magtaka.

What the hell is with these armored vehicles? Really, Ghunter?

"Let's go, Miss Allester," lahad sa akin ni Ruthy ng kamay patungo sa Maserati.

Kenneth separated from us and strut his way towards the Range Rover. Nang bahagyang bumukas ang pinto ay namataan ko ang iilan pang kalalakihan doon at saka ko lang napagtantong convoy namin iyon samantalang naroon si Ghunter sa Maserati.

Pagkarating doon ay yumuko si Lenon nang pagbuksan ako ng pinto sa backseat. Now I felt relieved when I saw Ghunter inside with his rigorous face, waiting for me. Napatikhim ako nang alalayan ni Lenon papasok. Buti pa siya!

Marahan itong tumango sa lalaking nasa likuran ko bago isarado ang pinto. The banging sound of the door shut beside me echoed in my ears. Ito ang driver at katabi si Ruthy sa shotgun samantalang pareho kaming nasa backseat ni Ghunter. Everything happened so fast. Ngayon ko lang na-realize na hinihingal ako sa ginawa naming pagtakas sa media!

"Everything settled?" Ghunter's low english baritone invaded the every corner of my ears.

"Yes, Mr. Ambrose," agad na sagot ni Ruthy.

"How about Mr. and Mrs. Allester?"

Napasulyap ako sa kanya. He's busy folding the cuffs of his dress shirt. He's in his black trousers and a coat was hanging on the side. Pero kahit na iyon pa lang ang suot, kulang na lang ay kuminang na siya sa paningin ko.

Bago pa man makasagot si Ruthy sa boss niya, inunahan ko na ito para mapaglaanan naman ng pansin ng katabing lalaki.

"They distracted the media. So I think, they're on their way to the company by now."

Ghunter heaved a sigh before cocking his head slightly, turning his eyes from his cuffs to me.

"Ganon ba?"

I suddenly felt ashamed of butting in. "Uh... yes."

Marahan siyang tumango at inangat nang unti-unti ang kaliwang kamay upang abutin ang aking baba. Marahan niya akong hinila papalapit sa kanya.

Heck, I was stunned but then, I still managed to follow his lead when he crouched his head to me. Ikiniling ko nang kaonti ang ulo at pagkatapos ng beso, mabilis niya lang akong pinatakan ng halik sa pisngi sabay silip sa unahan.

Napatingin din tuloy ako. Napasinghap ako nang nakita si Ruthy na laglag ang panga, bitin sa kanyang pagsilip sana sa amin. Samantalang si Lenon nama'y nahuli kong nakasilip sa amin mula sa rearview mirror at may kurba ang pilyong mga labi. What the hell?

Ghunter cleared his throat. Because of that, mukhang natauhan na si Ruthy. She convulsed in embarrassment before turning in front immediately and a bit apologetic with her stance. I pouted as I settled on my seat.

"How are you? Do the media scared you?" mahinang basag nito nang pumasada ang saglit na katahimikan, abala ulit sa manggas.

My eyes dropped on his cuffs. I was so bothered by it but I shook my head before looking at him.

"Hindi naman," sagot ko nang medyo lutang sabay sulyap ulit sa ginagawa niya.

He looked very concentrated folding the sleeve that he has to be so slow and graceful with his movements. Nanliit ang mga mata ko nang ako mismo'y naiinip sa ginagawa niya.

"Hmmm. Then how was-"

"Akin na."

Natigilan ito nang bigla kong agawin ang kanyang kamay. Ang bagal naman kasi!

I focused on his arm but when I had a closer look to it, I was a bit astounded to see how manly his arm is.

Ghunter's complexion is so fair and white. But how come it still maintained its virile and roughly masculine look? Isang sulyap sa kanyang malaking palad, parang kay sarap haplusin at punan ang bawat espasyo sa pagitan ng mga daliri. I gulped and realized how hopeless I am.

Sira ka talaga, Coleen! Pati ba naman braso hindi na pinalagpas ng pantasya mo?

So to proceed with my objective after that short dumbstruck moment, I folded his cuff neatly but then I paused eventually when I realized, I don't know when to stop folding it.

"Tama na ba 'to?" tanong ko bago iangat sa kanya ang paningin.

I caught him intently watching me while resting his other huge hand on my knee, dominating the wholeness of its fold. There's a curve on his lips when it began protruding while watching me to this for him. Darn. He's enjoying it.

"A little more," he answered lowly.

Binagsak ko ulit ang tingin sa kanyang manggas nang mapagtantong gusto niya ata ay hanggang sa ibaba na halos ng kanyang siko iyon.

Nang matapos na ay nahuli ko itong sumilip muna nang bahagya sa unahan bago iangat ang kamay ko. He kissed the back of my hand gently before uttering his thanks for me.

Napailing na lang ako at hindi na rin maiwasang mapangisi.

On the way to the site, Ghunter's been very serious briefing me with what could possibly happen. Sabi niya, someone might throw a fit once we reached the establishment. Kahit pribado ang pagkikitang ito, nangangamba pa rin sila na baka mayroong mga media o die-hard fan doon sina Colt at pagbuhusan ako ng kanilang galit.

My face furrowed as I listened to him. Tapos na kami sa parteng iyon pero iyon pa rin ang nanatili sa isip ko. I was still bothered by that subject.

"They're fans are... mad at me?" I asked when I couldn't help it anymore.

Tumigil si Ghunter sa tinitignan mula sa kanyang phone at tipid na ngumiti kalaunan. He put his hand on top of my head and ruffled my hair lightly.

"Nothing to worry about, sweety. We got security with us," marahan niyang sambit.

Napailing ako, hindi makapaniwala sa sinabi niya. "You mean, a battalion of troops?"

Suplado niyang tinaas ang isa niyang kilay at mukhang mangha sa paglalarawan ko.

Napabuga ako ng hangin. Kahit na ba alam kong sigurado naman ang seguridad namin, hindi ko pa rin maiwasang mabahala. Does it mean, almost half of the population of Filipino netizens are now hating me? Damn it! Isipin pa lang kung gaano na kagulo sa social media dahil sa isyung ito ay parang guguho na ang mundo ko.

Para bang gusto ko na lang bumalik sa mansiyon at magtago roon hanggang sa humupa na lang ang gulo at makalimutan na ng mga tao ang nangyari! But that's not a very good option right now. I need to be reasonable. At katulad ng sinabi ni Mommy, I need to be rational on handling this case. Ngunit isipin pa lang kung gaano kalaking gulo itong napasukan, lumalala lang ang sakit ng ulo ko!

"Tss." Ghunter scoffed ruggedly. "I don't like that face, Coleen."

I formed my lips into a straight line. Napaiwas ako ng tingin.

"So... people are angry with me?"

Sumulyap ulit ako sa kanya nang matagalan siya sa pagsagot. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa kanyang hitsura ngunit hinaplos na rin ang braso ko kalaunan.

Ghunter licked his lips. With a clenched jaw, he nodded slowly.

"Some are," he answered straightforwardly, almost a whisper. "But that's how foolish people react with what they think what's wrong, Coleen. You can't please everyone... Especially people with no sense of comprehension and scrutinization."

Natahimik na lang ako nang maisip na tama nga naman iyon. Damn. I signed up for this. Dapat ay asahan ko na ang ganito. I was involved with someone with a big name in the showbiz industry. At sa Pilipinas pa talaga! We all know that showbiz culture here in the Philippines is so fucked up and toxic especially with these controversies. Hindi malabong magdusa ako kalaunan.

After that, Ghunter seemed distracted with my sullen disposition. I smiled at him assuringly to show him I'm okay but he just darted his dark eyes at me in return, still not contented.

It took us almost an hour to arrive at the location. It is one of the towers owned by the management and the TV station JinCent is currently working at.

As their protocol, those bodyguards inside the Range Rover earlier were able to fall in two disciplined lines at each side before we could even get off the Maserati.

Pinasadahan ko ng tingin ang mga security na nakahilera sa magkabilang gilid at nakitang humigit-kumulang sampu ang mga ito sa kabuuan.

Lenon was able to lead the whole troops and the way he communicate with Ghunter, I figured out that they might know each other other more than employer-and-outsourced relationship. They looked like they've known each other for so long with the way they just signaled each other and copied unspoken messages instantly. Kaya naman mas lalo kong nakumpirma na hindi lamang isang bodyguard ito noon.

"Let's go," Ghunter uttered firmly on my ear as he covered me uner his huge figure.

Saka ko lamang napansin ang unti-unting pang-uusisa ng mga tao sa aming paligid. At nang matanaw ang ilang naglalakihang broadcast cameras kasama ang ilang press, paparazzi, at outsiders, doon na ako lubhang nabalisa!

Natauhan ako at nagmamadaling nagpadaloy na kay Ghunter. Good thing he was able to hand me a shawl earlier to coverup for this contigency.

Maging siya ay halos natabunan na rin ang buong mukha ng kanyang black cap at shades. Napatutop ako ng bibig nang naging abala na sa pagsangga sa amin ang mga security. Shit!

"Most of them are not the press assigned for this issue. Maybe they just mistook the two of you as other personalities they're waiting outside the establishment, so the commotion was understandable, sir," mabilis na ulat ni Ruthy sa gilid ni Ghunter habang tuloy-tuloy ang aming paglalakad sa pasilyo ng unang palapag.

We were able to evade the tenacious swamp of people and currently striding our way inside the establishment. Hinayaan ko nang nakalaylay sa balikat ko ang shawl samantalang hindi na inalis ni Ghunter ang kanyang coverup. I don't know but my hands are still trembling right now.

"Good. Now, contact Nova and tell them we're already here," pormal nitong tugon habang matamang pinagmamasdan ang kalagayan ko.

I closed my eyes quickly as I felt my head throbbed because of what we've been through. Lagi namang ganoon tuwing kabado sa paligid at mga tao kaya nakasanayan na rin. Pero mukhang hindi iyon palalagpasin ni Ghunter. Sa hitsura niya, mukha itong handang patigilin ang oras para lang siguraduhin ang kalagayan ko.

I'm okay! I swallowed the lump on my throat and shook my head, ready to tell him that but before I could even do anything, he halted from his walk and looked behind us.

"Water," maawtoridad niyang utos sa kung sino man bago ibaling sa akin ang tingin. "What? Does anything hurt?"

Muli akong napailing. "I-I'm okay! Don't worry! Tara na."

Mariin niya akong tinitigan. Hinila niya ako sa pinakamalapit na upuan at pinaupo roon bago kunin ang boteng inilalahad sa kanya.

"Drink this," he ordered.

Dahil mukhang wala na akong laban pa ay sinunod ko na iyon at tinanggap na rin ang bottled water na binuksan niya.

Nang ilang minuto at nahimasmasan na naman na. Tinanaw ko itong abala na sa pakikipag-usap sa sekretarya at kay Lenon na napag-alaman kong head of security dito. Nang mayamaya pa ay lumingon na ito sa akin, naintindihan ko naman ang ibig niyang sabihin kaya tumayo na rin ako at sumunod na sa kanila.

We took an elevator. Tanging kami lang tatlo kasama si Ruthy ang nasa loob dahil ang entourage ay sa kabila sumakay. But to my surprise, Ghunter reached for my hand out of a sudden and squeezed it gently. Napangiti ako nang bahagya at tumitig doon.

Pinisil ko rin iyon nang kaonti. Kahit papaano, guminhawa ang loob ko.

"Mr. Smith?!"

As soon as the elevator door opened, we were being welcomed by a timid face of a petite girl.

Kumunot nang bahagya ang noo ni Ghunter sabay sulyap kay Ruthy. Mukhang nag-panic naman ang huli at 'di kalauna'y kinausap na ang hindi pamilyar na babae.

"Oh, sorry! I forgot to introduce myself. I'm Mr. Nova Guillermo's current assistant. Pinapasundo po kayo sa akin. This way po!"

Tulad ng sinabi ay sumunod na kami sa staff kasunod ang mga security sa likod at iilan sa aming gilid. We halted in front of a conference room with a double-doors. Hindi pa man binubuksan, ramdam ko na ang kabang unti-unting naghahari sa sistema ko.

"Dito po tayo," ani ng assistant, nag-aalinlangang napapasulyap pa sa maraming guards na nakapalibot sa amin. "Uh... k-kasama po ba silang... uh lahat?"

Ghunter's jaw tightened as he whispered something to Lenon. In the end, we entered the room with only Lenon, Kenneth, and two other guards inside the doors. Ang iba ay nanatili na muna sa labas upang magbantay roon.

My eyes immediately looked around the room and noticed that they were probably complete with only us missing. Nahuli ko pang sumulyap si Ghunter sa relong niregalo kong suot niya sa kaliwang palapulsuhan at kumunot ang noo.

"Two minutes late. Ruthy, jot it down," mahina niyang bulong sa sekretarya.

"Noted, sir."

"Let's go." Ghunter put his hand behind me subtly, motioning me to now proceed.

Napakurap-kurap ako ngunit nagpatianod na rin.

Dumapo ang paningin ko buong team na nasa palibot na ng malaking mesa. Natigilan pa ako nang bahagya nang natanaw ko si Colt, sa bandang dulo ng mesa, na huli ko pang nakita noong nangyari ang insidente, katabi si Jean Lixie.

The former couldn't look straightly at us when we entered the room. Sandali lang na nagtama ang aming mga mata ngunit umiwas din agad. Samantalang ang katabi nama'y napatayo nang natanaw ang pagdating namin. She looked thrilled when her eyes drifted to Ghunter but stunned shortly when it went on to me.

Sa huli, bumalik na lang ulit ito sa kanyang pagkakaupo nang tahimik at napahilig kay Colt. Ang ibang member naman ng team ay tahimik lang ding nagmamasid sa kani-kanilang puwesto. Ang iba'y nakaharap sa laptop at ang iba'y napapatapik na lang ng ballpen sa mesa, ngunit lahat ay may bakas ng intriga sa mga hitsura.

I felt Ghunter's hold on my back became more possessive and territorial. Kuryoso kung bakit, inangat ko ang tingin sa kanya at kahit may takip na shades, sa likod noon ay napansing nakatuon lang ang matalim niyang tingin sa kung saan. At nang sundan iyon, hindi na ako nagulat pa na natunton ko ang direksiyon ni Colt, na siyang sinusuklian din ang maririing titig ni Ghunter kahit may hara ang mga mata nito.

I bit my lower lip and reached for Ghunter's arm. Bumagsak ang tingin niya sa akin at napabuntong-hininga na lang kalaunan sabay tiklop ng kanyang shades at sabit noon sa kanyang kuwelyo.

Pagkarating sa kabisera ng mesa, naupo na rin kami habang nasa likod namin nakahilera ang mga guwardiya. Ghunter removed his cap as well as Ruthy handed him his coat, now looking ready to make a business.

"Ambrose!"

A sharp shrilled voice echoed in the four corners of the conference room when Nova Guillermo went out from one of the connecting doors to this room.

Lahat ay napabaling sa kanya ang mga ulo.

"What are you guys doing? Don't you have respect?" sita niya bigla sa mga kasamang nasa kabilang banda.

Dahil doon, agad-agad na nagsitayuan ang mga member na mukhang nahiya bigla sa inasal. Hindi rin naman nagtagal ay kasunod noon ang pagtayo rin nina Colt at Jinx kaya ganoon na rin ang ginawa namin bilang sukli sa kagandahang-loob.

"Oh, my god! Ambrose, my lovely grownup prince!" muling himutok ni Nova nang magsibalikan na ang lahat sa kanya-kanyang upuan pero dahil hindi pa makaupo si Ghunter dahil doon, nanatili na lang din muna akong nakatayo.

I heard Ghunter's faint groan when Nova finally went closer to him. Kumunot pa ang noo ko dahil sa nasasaksihan.

"Nova, enough with this," Ghunter cut him off.

Lalo lang akong nalito. The way they addressed each other, it's very informal.

"Enough? It's been years since I last saw you again! Goodness. You grew up a handsome gorgeous brute!"

Akmang ilalapit ni Nova ang kanyang mukha nang pagilid kay Ghunter, mukhang gustong makipagbeso ngunit agad na iniwas ng huli ang kanyang mukha at salubong na ang kilay na umiling dito.

"Let's just get this over with, Nova," mariin na niyang sambit.

Mukhang napahiya ang manager ngunit nagawa pa ring humalinghing nang pilit. Bahagyang napataas ang kilay ko nang masaksihan ang kabaklaan nito lalo. When his eyes passed through Ghunter to glance at me, I caught him glowered and soughed disappointedly. Saka lamang ito tumalikod nang umupo na si Ghunter kaya ganoon na rin ako.

I blinked repeatedly as a question formed into my head out of impatient curiosity. What the hell is that? Is it normal to greet someone like that out of business agreement or deals? Is Nova Guillermo usually like that to his clients or meeting partners? I need some enlightenment! Magkakilala sila?

Nahagip ng mga mata ko ang banda nina Colt at Jinx. Ang huli ay tahimik lang na nakatanaw sa katabi ko. Alam kong gusto na nitong lumapit din at bumati ngunit halata sa katabi nito na hindi iyon pahihintulutan.

Come to think of it. Oo nga naman at si Ghunter ang nagpasok kay Colt sa modeling agency dati na pinapasukan na ni Jean Lixie noon pa man. Kaya siguro hindi rin malabong personal ding magkakilala si Ghunter at Nova Guillermo? Well, that's a mind-blowing revelation. I didn't expect this... Nova and Ghunter? Parang ang layo.

Still dumbfounded, I wasn't aware that the meeting actually started from that. Since it was a private meeting without notice from any of the media exposures, everyone could say their own opinions, insights, and concerns about the issue before laying off possible alternative solutions to this.

Tahimik lamang akong nakikinig sa diskusyon at unti-unti na ring sineseryoso ang bawat sandali. Lalo na nang mayamaya pa ay hingin na rin nila mismo ang statement namin ni Colt pareho.

"I told you, we just met to catch up and clarify the things we should've closed a long time ago. Nagkataon lang na nandoon din 'yung stalker at pinuntirya kami. The rest is history. We got caught on cam! Damn those stupid people."

"Vince!" suway agad sa kanya ng kanilang manager.

Napailing na lang ito ng ulo at napabaling sa katabi na pilit siyang pinapakalma. I gritted my teeth in disbelief. I told myself not to blame anyone for this but Colt's giving me enough reasons to point a finger at him!

Hindi ko na mapigilan ang sarili dahil napupuno na rin ako sa mga naririnig. At sa unang pagkakataon simula nang mag-umpisa ang pagpupulong na ito, nagawa ko na ring maglahad ng saloobin.

"Given that situation, you shouldn't have proceed with your plan on meeting up with me in the first place, Vince."

Now, all eyes on me. At first, I suddenly regretted speaking up my mind but when I felt Ghunter's arm went behind me, slightly caressing the back of my shoulder, I swallowed hard. I continued even with the disturbing watchful eyes around me.

"Kung alam mo naman palang may pinoproblema pa kayo, sana naghintay ka na lang na maresolba muna iyon bago ayusin ang problema sa atin. You and your persistence, Vince. Always."

Colt's face furrowed. Noong una, akala ko ay sasagutin niya ako para ipaglaban ang sarili ngunit sa huli, napakagat ito ng labi at guilty-ng guilty na tinango ang ulo.

"That's right. Blame me all you want. I'm so fucking tired with all these disputes and pretensions for the sake of this aromatic image. I'm willing to take all the blames. So let's just resolve this and I'll take the damn consequences," aniya, nagngingitngit na sa iritasyon.

"Your language, Mr. Cent Laurel!" Everly Agravante hissed with a creased forehead.

Colt rolled his eyes frustratedly and dropped his hand on Jean's thigh instead. Meanwhile, Ghunter's thumb was gently rubbing my shoulder from the back. He crouched a little. There's a proud grin on his face.

"That's my girl," he whispered.

Para akong nakuryente sa kalagitnaan ng seryosong argumento. Napatikhim na lang ako at tuon ng pansin sa nangyayari sa harapan nang pilit.

"As much as I would like to intrigue more about your relationships, I prefer to not take this personally. That being said, I would like to apologize... to Miss Coleen Allester." Nova clasped his hands above the table and looked at me. "On behalf of Cent Laurel, or Colt Vincent Fabian, we are deeply sorry for dragging your name to the headlines because of my artist's impulsive actions. I learned that you're from The Allesters, the owner of bags product line, Von Razella. And I hope this issue won't affect a certain business on your part."

Habang tumagal ay bumabalik na sa kaayusan ang meeting at naging pormal na rin kahit papaano. Tumango ako kay Nova Guillermo dahil kahit naman pala ganoon ang tungo kanina, may konsiderasyon pa rin ang kampo nila tungkol dito.

"I just hope so, too..." I said weakly.

Naalala ko bigla ang mga magulang na marahil ay abala na ngayon sa kompanya. Sana nga hindi gaanong maapektuhan ang negosyo dahil dito.

Pagkatapos noon, agad na ring sinalaysay ng isa sa mga members nila ang kasalukuyang nangyayari. Napag-alaman ko na ngayon ay sinisimulan na nila ang pagtunton sa may-ari ng anonymous account na iyon. Madalas din ang pagbibigay ng opinyon si Ghunter tungkol sa bagay na iyon at mukhang may kinalaman sa ginagawang imbestigasyon.

"Palala nang palala ang scandal na 'to dahil hindi na nakatulong ang pagbunyag sa katotohanang may nakaraan kayong dalawa. Para sa publiko, ang tingin nila sa mga video at pictures na kumalat ay cheating para sa tambalang Jinx at Cent Laurel," lahad pa ng isa sa team nila.

Napapikit ako at pisil sa ilong nang malinawan na sa nangyayari sa labas.

"Where did it come from?" biglang tanong ng katabi.

Napasulyap ako sa kanya. Ang nagsasalitang staff ay bahagyang nagulat at nataranta sa biglaan nitong pagsasalita kaya hindi handa sa ganoong katanungan.

"Uhm... sa anonymous account na iyon po. So far, 'yun pa lang naman, Mr. Smith. Pero uh..." lingon nito sa mga kasama nang mag-atubiling dugtungan ang paliwanag. "Mukha atang madadagdagan pa ang magtetestigo na may relasyon nga noong high school sina Cent at Miss Coleen dahil... m-mukhang may nagbabalak pang iba na makisawsaw. Mukhang mga kaeskuwela nila noong high school."

"Mga kaeskuwela namin," Ghunter corrected.

Bakas ang gulat sa mga mata ng mga taong nasa loob ng silid maliban sa aming lima nina Ghunter, Colt, Jinx, at Ruthy.

Umayos sa pagkakaupo si Ghunter at istriktong humalukipkip, tuluyan nang magsisimula sa mga kondisyong ilalahad.

"I want you all to make a statement about filing a case to those rumor-mongers of fake news in social media. Or even beyond that medium. That's a form of harassment. Prision correctional shall take place," he ordered confidently and authoritatively.

Rinig ko ang pagtikhim ng iilan. May bahid ng pagkalito sa mga mukha at nag-aalinlangan na magbigay ng saloobin hanggang sa may isang naglakas-loo na magtaas ng kamay.

"Yes?" Ghunter asked.

Parang nabuhusan ng malamig na tubig ang nagtaas ng kamay nang pamutlaan ito ng mukha.

"Sir! Uh... sorry for intruding... but I think, you uhm... what do you call this?" hingi niya bigla ng tulong sa katabi. He has a provincial native accent so I think, he was having a difficulty with the language barrier that he thought was present.

Ghunter sighed. "You can talk in tagalog. I am bilingual."

Napaismid ako sa narinig. He thinks so, too, right? And wait... what? Bilingual? I don't think so. Masyadong pa-humble!

Nahihiyang tumawa ang staff at napakamot ng ulo. "T-Thank you, sir. What I'm saying is... hindi naman po ito matatawag na false information o fake news kung totoo naman pong... uh... mag-ex sila, 'di ba? Kaya naman... we can't have a statement like that po."

Ghunter suddenly chuckled lowly after that. Dismayado itong napailing sabay sulyap ulit sa lalaking nagsalita sa kabilang banda ng malaking mesa.

"Ms. Agravante, are you sure this guy is under your management?" nangmamaliit niyang baling sa publicist.

Bigla akong kinabahan sa namumuong tensiyon sa paligid. Gustuhin ko mang abutin ang kamay ni Ghunter para patigilin ito ngunit maging ako ay nagimbal din sa kanyang tono at pananalita.

Sa huli, ibinigay na ni Ghunter ang pagkakataong magpaliwanag ng plano kay Everly Agravante. Doon ko lang napansin na maaaring nag-usap na ang mga ito bago pa man ang pagtitipong 'to.

Tinanaw ko si Ghunter na ngayon ay seryosong nakaharap lang kay Everly, as if he was checking and monitoring every word she says and everything is just like what they have planned.

"We agreed on taking this whole scene into a higher level. We'll investigate who's behind that anonymous account as we work on this certain area," ani Everly nang tumayo na.

Lahat ay nakikinig na sa kanya ngayon at taimtim nang inaabsorba ang mga salita. Ghunter didn't fail to amuse me with his gestures as he put my bottled water in front of me before drinking his own. I looked up to him and caught him staring at me.

Napalabi ako at iwas ng tingin, hindi matagalan ang suplado niyang hitsura.

"We'll make it look like a false information. But nevertheless, we can still make an action because it's still improper to worsen the issue without due process afterall. And as a publicist, it is my duty to make a cover. And with the help of Mr. Smith, we ended up with the idea of showing the public that rather than having a past relationship with each other, Vincent and Miss Coleen were actually... just childhood best friends... By that, it would seem to be a more decent context of their meetup that day. Walang malisya dahil magkababata lang talaga, may disguise dahil normal iyon sa artista. Lalo na sa publiko dahil informal meetup iyon."

I could sense the hesitation and uncertainty in Jinx and Colt's eyes. Ang huli ay napansin kong sumulyap sa akin dahil sa mga oras na iyon, tingin ko'y parehas kami ng nararamdaman.

I will not disagree with that part when Everly Agravante mentioned that we were indeed childhood best friends. But doesn't it feel like illegal? Playing tricks with the people to get away from this?

Pagkatapos ng ilang oras na pagtitipong iyon, nakipagkamayan na sa bawat isa ang mga tao sa silid. I even saw Nova Guillermo's hawk eyes whenever Ghunter would support my waist everytime we turned from one person to another to shake hands.

"Hi, Miss Coleen! Hope to work well with you." Isang lalaking hindi lalayo ang edad sa amin ang lumapit upang makipagkamay.

"Hi. Me, too. Thanks," ngiti ko naman dito bilang ganti.

Ghunter's other hand was now inside his pocket while the other one remained wrapped around my waist. Humigpit iyon. Ramdam ko ang mapanuri nitong tingin kahit hindi ko man lingunin. So when I was about to pull off my hand from the guy when the handshake happened to be a bit longer than usual, the brute beside did the effort for me.

The guy looked offended especially when Ghunter was so focused on spraying alcohol on my palms. When I realized how it might look like, I immediately took my hands back!

"Ghunter," mahinang suway ko rito.

He just looked at me as if he's confused to what I was meaning to say. Napailing na lang ako at nahihiyang binalingan ulit ng pansin ang lalaki.

"Uh... Uhm, una na po ako. Sige po! Salamat po ulit," pilit itong ngumiti at nakayukong umalis sa harapan namin.

Now I turned to Ghunter with a frown on my face.

"That's very inappropriate, Ghunter."

He licked his lips as he sprayed alcohol to his hands now.

"Tss. What's wrong with prioritizing your health first?" rason niya.

Halos malaglag ang panga ko. "Really? In front of a guy who just shook my hand?"

Nag-igting ang panga niya nang iabot na kay Ruthy ang bote ng alcohol. He looked annoyed when he turned to me out of a sudden.

"You just shook plenty of hands now, Coleen. Hindi ko kasalanang sakto siya nang iabot sa akin ni Ruthy ang alcohol."

"That's too harsh pa rin. Ano na lang ang iisipin noong tao?"

"It's none of my business." Halos irolyo na niya ang mga mata sa akin!

I grunted but after a while, he sighed. His lips parted. Magsasalita ulit sana nang sapawan bigla ni Nova Guillermo. Napatalon ako sa gulat nang nasa tabi na pala namin!

"Having a good time here, young people?" ngisi nito sa akin bago humarap kay Ghunter.

The latter folded his arms around his chest, still looking at me. Nova looked offended when he noticed the man he was talking to wasn't paying attention and slyly slapped Ghunter's bicep. Nanliit ang mga mata ko roon.

"What are you doing here?" tanong na sa kanya nito kalaunan.

Nova raised his eyebrow as he scanned our proximity and gasped when he finally blew it.

"What's the real score between the two of you? Are you... dating or something?" makahulugan nitong untag.

Mayamaya pa, nilagay ni Ghunter ang kanyang kamay sa likod ng bewang ko. Nova saw that. Tumaas muli ang kanyang kilay at hindi ko maintindihan kung ano ang kahulugan ng kurba sa mga labi nito, kung sarkastiko ba o nanunukso. Pero base sa mga naging enkuwentro na namin noon, siguro mas kapani-paniwala kung iyong una ang sagot.

"Don't pry on my business, Nova. I'm not one of your handles," si Ghunter sa seryoso niyang disposisyon.

For me, that was a bit harsh. But I don't know how they knew each other so I guess that's just how they normally talk. Iyon na lang ang inisip ko. At isa pa, before me was Nova Guillermo. One of the very sought-after and successful artist managers and handlers of his regime. Tingin niya siguro ay may puwang siya sa lahat ng isyu sa kanyang paligid.

"Ah! I almost forgot. That's an honest loss on my part," ngiwi naman nito pagkatapos.

Muling bumaba ang tingin niya sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko dahil baka mamaya, kung ano na naman ang iniisip nito.

Come on. Colt's been warning me about this manager. Tutol ito sa pagkikita namin noon kaya pilit naming inililihim dahil hindi kami makakagalaw nang payapa sa pangangalaga nito. At ngayon naman, kay Ghunter? Na aniya'y kanyang prinsipe? As if I know, Nova's been torturing me in his head the whole time!

"Just send regards to your parents for me. I might visit your company one of these days. To thank them. You know, hun, for offering my artists an opportunity to be ambassadors of Smitten."

Napailing si Ghunter.

"No need. It's me who accepted them."

My eyes were wide opened. Napatingin ako kay Ghunter at pareho kami ng naging reaksiyon ni Nova.

Ghunter smirked devilishly. "By now, you should know why Smitten kept on declining your proposals for the past years."

Napailing si Nova, hindi makapaniwala. Samantalang ako rito ay gulong-gulo na! The manager then glimpsed at me before he turned his head to search for someone. At nang napukol iyon sa banda nina Colt na kasalukuyang papalapit na rin pala sa amin ngayon, nanatili roon ang kanyang tingin bago muling humarap sa amin.

Napatikhim ito, tila naiintindihan na ang lahat. Wow! Care to share?

"You're a selfish bitter man, Ambrose Smith," Nova uttered cunningly.

In the end, Nova just turned his back, leaving us with his malicious grin.

Hanggang ngayon ay mangha pa rin ako sa nalaman. All this time, I thought it was because of Madam Stella!

I was cut off from my reverie when Ghunter's arm tightened on my waist. At nang tignan iyon, doon ko lang napansin ang pagtigil ng dalawang artista sa harap namin.

Jinx was in her shy face while Cent Laurel was so snobbish. I pursed my lips. I don't like the atmosphere. Hindi ko rin alam kung paano sila haharapin dahil hanggang ngayon, sariwa pa rin ang iritasyon ko sa lahat ng nangyari. Sa huli, naparolyo na lang ako ng mga mata at napakapit sa braso ni Ghunter.

"Ambrose... It's nice to see you here," said Jinx timidly.

Nanatili lang ang tingin ko sa kanila dahil wala namang balak na magsalita. Ghunter acknowledged her remark by nodding his head lightly.

"Do well on your career." It was almost a frozen stick. Cold and very, very rigid.

Namutla ang mukha ni Jinx at humigpit ang pagkakakapit sa katabing malamig din ang tungo sa amin. Pumasada bigla ang pag-aalala sa mukha ng huli. He whispered something to Jinx but the latter only shook her head shortly.

Kumunot ang noo ko. Ngayon, mukhang gusto nang umalis ni Colt sa harapan namin pero nagawa niya pa rin akong tignan. The familiar nameless emotion was etched in his orbits.

He sighed. "Sorry for the trouble, Coleen."

Napaawang ang bibig ko nang kaonti nang hindi inaasahan iyon. Ngunit hindi pa man ako nakakabuo ng itutugon, naunahan na ako ni Ghunter sa pagsasalita.

"Instead of talking, don't forget to contact the maid. Iyon na lang ang gagawin mo."

Iritadong tinanaw ni Colt si Ghunter. "I'll do it! But I can't promise anyone because I lost her deets."

Ghunter smirked without humor. "What a shame."

Parang bigla kong hindi nasundan ang usapan nila dahil doon. Palipat-lipat ang tingin ko sa salitan nila ng salita, animo'y nakaukit sa mga mukha nila ang sagot sa pagkalito ko, ngunit hindi na iyon humaba pa nang magpaalam na si Colt sa akin nang mabilis at tumalikod na, alalay ang kasintahan.

I was dumbfounded with everything. Masakit ang ulo, oo. But at least, everything's in its progress now. Medyo nababahala pa ako sa plano pero mukhang ganoon talaga ang kalakaran sa industriyang ito. Isa pa, wala namang masasaktan sa gagawin namin. Kasi kung hindi pa ipagpapatuloy, kami lang ang tunay na maaagrabyado.

Pagkatapos noon, agad nang sinenyasahan ni Ghunter ang apat na security na nakadestino sa gilid at umalis na rin kami sa silid na iyon. Tulad ng nakagawian, nakapalibot sa amin ang humigit-kumulang sampung security aids nang lumabas kami ng gusali. Unlike earlier, the media wasn't that aggressive. We were able to get inside the car in one piece.

Nang sumapit na ang gabi, mas lalo ko lang napatunayan kung gaano na kalubha ang mga nangyayari. Kumukulo ang dugo ko tuwing nababasa ang mga panghuhusga sa akin ng kung sino-sino. The management already broadcasted another statement declaring the investigation of tracing down the anonymous account along with stating how false the disseminated information were.

Carrying that problem, I woke up feeling very weary the next morning. I was awakened by Lorna's series of calls. Kaya kahit pakiramdam ko'y kulang pa ang tulog, inabot ko iyon sa side table ng kama at pikitmata kong sinagot ang tawag.

"Rise and shine, princess!" bungad nito sa akin.

Ginusot ko ang mga mata at tumihaya sa kabilang gilid. Umunat ako nang kaonti para mahimasmasan kahit papaano ang kalamnan kong antok pa.

"Hey..." I replied back, still very sleepy. Napahikab tuloy ako pero sinubukan ko pa ring tanawin ang wall clock.

Nice. It's already ten in the morning! Dahil sanay na laging maaga nagigising, feeling ko tuloy sobrang tirik na ang sikat ng araw sa mga oras na ito.

"Kamusta naman?"

Natigilan ako sa sinabi ng kaibigan. My mood immediately stirred sour. Doon ko lang ulit naalala ang sitwasyong kinakaharap ngayon. I feel frustrated and exhausted after that.

Nang mapansin ni Lorna ang pananahimik ko, narinig ko itong napatikhim sa kabilang linya.

"Anyway, uhm... I called to know if you'll be at the meeting later at twelve," she then paused. Her voice became panicky. "Uh... p-pero kung hindi naman ay ayos lang din! You know, just send us the list of-"

"Pupunta ako," buntong-hininga ko at dahan-dahan nang bumangon.

"You what?" Halata ang gulat sa tono nito.

I gave out an endless sigh. "You heard me, Lorna."

"Are you sure? Talaga bang ayos lang sayo?"

"Why?" My forehead creased.

Nagsimula na akong kumilos pero mayamaya rin ay napaupo sa harapan ng vanity dahil sa pagbagsak ng katawan dulot ng antok at problema.

"Coleen..." There was a hesitation with her voice. "I don't know if I should say this but... I think you're aware so far. That people now are..." she trailed off.

A bit absentminded, I slapped my cheek several times before standing and reaching for my bath towel.

I yawned. "I'll go now. See you later," sambit kong medyo bangag pa at hindi na tuluyang naintindihan pa ang huling sinabi ng kaibigan.

Pagkababa sa unang palapag, agad na natunton ng mga mata ko ang mga magulang. Walang gana akong kumuha ng toasted bread sa platter at subo-subo iyon habang nagtitimpla ng gatas.

"Morning," I greeted them without looking as I proceeded with my cup.

"Anak..."

Pagkatapos ng tinitimpla ay saka ko lamang nasilayan nang maayos ang mga magulang. I figured Daddy's a bit problematic. Nagtaka na ako ngunit napapikit-pikit pa rin nang mariin dahil nanlalabo pa ang mga mata.

"What's the matter?" I asked.

Dad massaged his temple as he put down his eyeglasses on the table. He glanced at his phone before turning his whole body to me again.

"A source gave me a notice that one of my debtors went missing," sagot ni Daddy.

"Huh? Why? And... who?"

"Dela Merced."

What?

"H-He went missing?" nauutal kong tanong dahil nag-uumpisa nang gapangan ng kaba.

Tumango si Daddy at muling sinuot ang salamin. "Yes. Aalis ako nang maaga ngayon. Ang mommy mo, sa kompanya. May aasikasuhin ako kaya mag-iingat ka. Aalis ka ba ngayon?"

"Opo..."

Nanatili nang ilang sandali ang titig sa akin ni Daddy ngunit bumuntong-hininga na lang kalaunan. "Be careful then. Your bodyguards are having their breakfast at the backyard. Kakausapin ko mamaya bago umalis. Mag-iingat kayo."

Akmang aakyat na ang mga magulang sa kanilang silid nang pigilan ko ang mga ito.

"Dad! H-How about... How about his participation on our seminar? Does it mean, he wouldn't be able to show up, too?" problemado kong tanong.

Napapikit nang mariin si Daddy nang maalala ang parteng iyon.

"I can't tell it by now, hija. Ipagdasal na lang natin na sana ay false alarm lang ito."

Dahil sa narinig na balita, balisa kong tinahak ang cabriolet ko. Naroon na sina Lenon at Kenneth at hinihintay ang pagpasok ko roon habag pinagbubuksan ako ng pinto.

I went inside the backseat. Si Kenneth ang magmamaneho sa ngayon habang nasa shotgun si Lenon at abala sa tablet na hawak, mukhang may inaasikaso.

The only good thing I can think of right now is the absence of the press and other media people in front of our house. Naisaad na ang memo para sa buong village, telling that all forms of media and paparazzi personnel are banned. They're not allowed to enter the village for the duration of time mentioned on the memorandum.

Kahit papaano ay nagdulot iyon ng kaluwagan sa tuliro ko nang isip. Pagkarating sa university, bakas ang pagkabigla sa gate guards nang mamataan ang sasakyan kong papasok doon. Hindi ko na iyon masyado pang napagtuonan ng pansin dahil tumawag si Lorna.

"Hello?" I greeted as I watched how Lenon parked my car.

"Nandito ka na rin ba?"

"Yes. Kararating lang."

"Okay. Nandito na kami sa room. Hintayin ka namin dito."

"Okay."

Binaba ko na rin agad ang tawag dahil pinagbuksan na ako ng pinto ni Kenneth samantalang nakaabang naman sa paglabas ko si Lenon, mukhang may gustong isatinig.

"Miss Coleen, the administration approved our permission to accompany you inside the university's premises," aniya sabay lahad pa sa akin ng hawak-hawak niyang tablet.

I clang my bag on my shoulder first before accepting it. Nakita ko nga roon ang soft copy at e-sign nga ng university para sa permisong pagdadala ko ng dalawang guwardiya sa loob ng campus.

Iiling-iling kong binalik sa kanya ang device at hindi nagugustuhan kung saan papadpad ang usapang ito.

"There's no need, Lenon. I can go by myself," apila ko rito.

His face remained rigid and stiffed, unbothered with my authority.

"We are being instructed by Mr. Smith beforehand, Miss Coleen. Hindi kami maaaring umalis sa tabi mo."

Napasapo ako ng noo. Paanong hindi ako na-inform sa ganitong patakaran nila? Frustrated akong napailing at sa huli ay wala na rin namang nagawa.

Unlike any other normal weekdays, the university wasn't packed with students today. Probably because almost all year levels were assigned to execute specific tasks per department. Maraming third year sa amin at dahil sa wala nang regular classes at abala na rin para sa finals, wala gaanong tao ngayon.

Lenon and Kenneth were on my side. Dahil malalaking tao, natural na masyadong nakakapukaw ng atensiyon sa paligid. Pero sa pagkakataong ito, hindi ko sigurado kung iyon ba ang rason ng mapanuring tingin at bulungan ng mga taong natutuon ang tingin sa akin.

Tss. Sino ba ang binibilog mo, Coleen? Alam mo ang dahilan!

Damn. Bigla kong pinasalamatan nang palihim ang dalawang bodyguard sa pagsama sa akin. Panigurado kasi na kung wala nga ang mga ito ngayon, baka kanina pa ako kinuyog ng mga tao!

Ano nga bang pumasok sa kokote ko't nag-apila pa kanina? E, sa tingin pa lang ng mga tao ngayon sa akin, akala mo, nag-aamok ng away sa sobrang talim ng mga titig!

I gulped hardly as we paved our way on the stairs. I suddenly thought of backing out. Hindi pa nakatulong ang binalita ni Daddy kaninang umaga. Ibig din bang sabihin, hindi na rin makakasipot si Mr. Dela Merced sa event namin?

Pagkapasok na pagkapasok sa room, mukhang alam ko na ang sagot sa paraan ng pagtitig sa akin ng mga taga-PREA. I noticed the majority of angry gawks full of judgements from some of my classmates. Ang iilan naman ay puno ng intriga at kuryoso ang mga titig. Ang mga naabutan kong nag-uusap-usap ay agad napipi nang makapasok ako.

Lorna and Wendy waved at me. Pero hindi pa man tuluyang nakakalagpas sa unang hilera ng mga upuan, hinarangan na agad ako ng head ng external affairs.

Nanlamig ang buong katawan ko nang unti-unti ko pang inangat ang aking ulo.

"Hanga rin naman ako sa tapang mong pumunta pa rito, Ms. Allester?" diin niya sa apelyido ko.

Agad akong ginapangan ng kaba. Lalo na nang nagsimula na rin ang munting mga bulungan sa paligid. I caught Lorna and Wendy standing from their seats but suddenly petrified when my eyes met theirs.

"W-What is this?" usal ko pagkabaling ko ulit sa head ng PREA na nakahalukipkip na sa harapan ko.

She laughed sarcastically and grinned without humor.

"Aside from being a homewrecker, you are one hell of a talkshit, Allester!"

I pulled my brows into a crease. What did she say? Homewrecker and... talkshit? And she dared include our family name?

"Can't believe she really is Cent Laurel's ex girlfriend."

"Bigla tuloy ang landi siya sa paningin ko. Alam naman ng lahat na official na sila ni Jinx, 'di ba?"

"Come to think of it. How many guys she brought here in school?"

"As far as I remember, there's Romeo. Kuya-kuyahan niya. Family stroke, maybe?"

"There's even a rumor that someone caught her flirting with Cent at the rooftop during the shooting break before, right?"

Nagsimula na ang bulungan sa classroom. Nakadagdag lang iyon sa init ng ulo ko. For a moment, my inner daredevil suddenly awakened after all these years.

"Damn. I remember! She was also caught being fetched by the rich magnate!"

"What the heck. Sino ba talaga? Ambrose Smith?"

"How about the latest one? Diba siya rin 'yung sinadya noong foreigner dito last time?"

I firmly balled my fists as I gritted my teeth in anger that was slowly building up inside me. Nasa labas ang bodyguards ko at pasalamat ang babaeng nasa harapan ko ngayong patas akong lalaban. Maging ang mga kaklaseng kung pagchismisan ako ay parang hindi ako nakikita rito.

Aside from the trauma, another thing that I received in suffering from bullying was being so mad about people calling me names. Slut, gold digger, whore, bitch, homewrecker, two-timer, cheater, famewhore, queen wannabe, kerida... name it! Damn! Nakakapagod din!

"That freaking Dela Merced seemed to be out of reach. Biglang hindi na makita ang email at mukhang iindiyanin pa ang event natin! Worst, we already have the signatories done with our professor and chairperson. Everything is now settled not until this!" pagrarason niya pa.

Nabingi na sa lahat ng masasakit na salita, bumigat ang bawat paghinga ko. Hindi ko na magawang ibaling pa sa paligid ang paningin ko sa poot na nararamdaman.

I dropped my bag on the desk beside me and returned the glares I was receiving from this woman. Pati ang galit ko sa paligid ay mukhang maibubuntong ko na rin sa kanya. Pasensiyahan na lang. Nandidilim na ang paningin ko sa iritasyon.

"And what's your motive to vent out your anger on me? Kontrolado ko ba? Sana nag-contingency ka."

Hindi ko na maiwasan pang magtaray. I know I've never been in this shit with the same sex. Kadalasan ay sa lalaki lang ako matapang makipagsumbatan. Pero hindi na kaya ng pasensiya ko ngayon ang pinuputok ng buchi ng kaklaseng nasa harap ko ngayon. Idagdag pa ang mga bulungan sa paligid. I've been through shits these past few weeks and I didn't permit them to contribute to my problems!

"Nangyayari 'to ngayon kasi malas ka! Puro problema ka na nga, nagdagdag ka pa! Dinamay mo pa kaming mga nananahimik lang dito! Impakta!"

That's it! The remaining thin thread of patience I have in my system instantly shattered. Mabilis kong inangat ang kanang kamay ko at walang pakundangang hinagis iyon patungo sa pisngi ng bastos na babaeng kaharap ko.

"Bitch!" I shouted my lungs out!

"Coleen!" I heard Lorna and Wendy yelped from the distance.

Napatayo na rin ang iba pang kaklase at sinimulan na kaming pigilan. Ramdam ko ang pagdalo ng dalawang kaibigan sa likod ko at ganoon din ang ginawa ng ibang kaklase sa sinampal kong pasmado ang bunganga.

When she turned her face to me again when it moved to her side from the impact she received, her bloodshot eyes began to shoot daggers at me.

"How dare you?! Ang kapal na mukha mong sampalin akong pokpok ka!" himutok niya.

"Take it back! Wala kang alam sa buhay ko kaya manahimik ka!"

Pinilit kong kalasin ang hawak sa akin ng mga kaibigan para sana salagin ang bayolenteng pag-atake rin nito ngunit napapikit na lang ako at lahat, wala pa ring lumalapat na palad sa akin.

Nang imulat ko ang mata, bumungad sa akin ang malalaki kong guwardiya na nakapagitna na sa amin ngayon. The shock on the faces of my classmates were evident. Ganoon din ako nang hindi inaasahan ang pagsaklolo ng mga ito.

Napamura ang head ng PREA at lalo pang naghimutok nang ilayo sa akin ni Kenneth. Samantala, si Lenon ay abala na sa kanyang phone nang mukhang may tinawagan. But above all, I couldn't care less anymore! Tears began flooding my vision and with that, I was immediately pulled by Lorna and Wendy.

Mahigpit nila akong niyakap at pinatahan ngunit sa kabila noon, hindi pa rin nakalagpas sa pandinig ko ang mga bulungan.

Napailing na ako. Ayoko na lang pansinin. Pagod na pagod na ako. Pakiramdam ko, sasabog na ako. Tumitibok na halos ang utak ko sa sobrang dami ng problema pero bahala na.

Mayamaya pa, abala pa rin sa mga luhang patuloy na pumapatak at sa mga simpatya ng kaibigan, ilang mabibigat na yabag ng paa ang narinig kong pumasok sa silid. Isang palaisipan ang biglang pananahimik ng kapaligiran.

"Agent."

My mouth shut up when a familiar manly voice reverberated inside the room. Ang munting mga bulungan kanina ay awtomatiko ring naantala.

Minulat ko ang mugto nang mga mata. Napansin ko ang gulat sa mga mukha ng natatanaw kong kaklase. The voice came from my back. I'm so sure of it. But I don't know why.

"Man. The hell with your punctuality?" rinig kong wika ni Lenon sa bagong dating na boses. Malalim din at mahina ngunit dinig ko pa rin dahil sa distansiya.

Dahil doon, nabuo na ang determinasyon kong iharap ang katawan sa pinanggagalingan ng mga boses. Napatunayan kong tama ang hinala ko.

Sa kalagitnaan ng mga hikbi, sinalubong ako ng madidiilim na titig ni Ghunter.

My lips parted in disbelief. His jaw was as firm as steel and it depicted his clenching fist wrapped around the surface of his black phone he was holding at his side.

I was still unable to process everything when Kenneth showed up beside Lenon and waited for us. From here, I caught the head of the external affairs, now looking very tamed and scared like a little puppy.

Napatikhim ako. Puno ng katanungan ang isip tulad ng paanong nandito ang lalaking nasa harap ko ngayon? At paanong napipi ata ang mga kaklaseng kanina lang ay ipinagkakanulo ako sa lalaking ito?

Ghunter strode his way towards me like a daredevil. Effortless... and very, very intimidating. Nang tuluyan nang nakarating sa harap ko ay agad niyang inabot ang aking kamay.

Sure, I was confused as hell. But at the same time, I felt home and saved... And without further ado, Ghunter pulled me out of the room as he picked up for my bag on the other hand, being followed by my two bodyguards, which one of them he called as an agent.

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 1K 34
Due to the arranged marriage agreed by their grandfathers, Meredy Aisley Victorio had to marry Ishmael Andrew Javier. However, Meredy didn't agree wi...
1.2K 85 8
Kailan mo ba malalaman kung kailan ka dapat sumugal sa pag-ibig? Kapag tapos na ang pagkakataon mo? Matuto tayong sumugal kahit ilang beses, para kah...
7.8K 826 104
[Epistolary] Vincent is a well known cheater while Frankie is a low-key cheater. In short they're both a cheater. And what happens if a cheater meets...
6.7M 221K 194
(CHAT MD SERIES) An invisible girl. A popular boy. And the exchange of messages between them. # Epistolary | Young Adult | Romance