I HOPE YOU ENJOY READING THIS CHAPTER ヾ(^-^)ノ
RYLAN POV
"Pwede ba kitang makausap?"
"Oo naman, tungkol ba saan?" rinig ko pang sagot ni Brandon kay Dylan.
Nakita kong huminga muna ng malalim si Dylan bago nagsalita, ako nama'y nagpatuloy sa paglalakad pa lapit sa kanila.
I just want to apologize for everything I said earlier," sinserong pagkakasabi ni Dylan kay Brandon.
"No worries pre, kung makita ko din na inihatid ng ibang lalaki ang mahal ko, lalo na kung asawa ko pa siguradong magagalit din ako."
"Yun nga ang isa ko pang gustong linawin."
"Dylan, pwede bang ako na ang magpaliwang sa kanya?" paghingi ko pa ng permiso nang makarating ako sa kinatatayuan nila.
"But-- let me help you." Bakas pa sa mukha niya ang pag-aalala.
"Okay lang ako at saka sa akin naman nagsimula ang lahat ng ito, sorry talaga Dylan dahil nadamay ka pa." tumingin ako ng deretso sa kanyang mga mata para ipakita na sobra akong nagsisi.
"TEKA!!!Cutiee wag mong sulohin lahat ng sisi dahil ako talaga ang may gawa ng lahat."
Nagulat ako ng biglang sumulpot sa likod ko si Lily.
"Lil--"
"Hindi!!! Dylan, Brandon... sorry talaga dahil sa pagbibiro ko ay umabot pa ang lahat sa ganito," napapalabi namang paghingi ng tawad ni Lily kay Dylan at Brandon.
"Lily? Alam mo ang nangyari kanina?" tanong ko pa.
"Oo nasabi ni Brandon kanina sa akin, gusto ko sanang sabihin sa kanya ang lahat kaso di ko lang naituloy," malungkot na saad ni Lily.
"Okay lang yun Lily, pwede bang ako na ang magpaliwanag kay Brandon?"
"Eh sige na nga, kung yan ang gusto mo pero nandito lang kami ni Dylan ha," ani Lily sabay hila kay Dylan palayo.
"Teka lily, hindi ko iiwan si Ry--"
"Hayaan mo na muna sila Dylan, okay lang sila," ani Lily habang pilit na hinihila si Dylan palayo.
Nang makita kong nakalayo na ang dalawa ay saka naman ako hunarap kay Brandon.
"Gusto ko lang sanang sabibin na hindi ko tunay na as---"
"---na hindi mo tunay na asawa si Dylan?" nakangiti pa niyang dugtong aq aking sasabihin.
"A-Alam mo ang totoo?"
"Yes, in fact I know it from the start. Nagpanggap lang akong walang alam dahil gusto kong makita ang reaksyon ni Dylan nang itanong ko kung siya ang asawa mo. Ang inaasahan ko ay magugulat siya at tatanggi ang lahat, pero di ko akalain na aaminin niyang lalaki ang asawa niya at walang pakialam sa mga sinasabi ng ibang tao."
Natahimik naman ako dahil sa sinabi niya, ibigsabihin ay nakikisakay lang pala siya sa biro ni Lily.
"Nakakahanga di ba? Parang ipinagmamalaki pa niya na hindi lang basta isang lalaki ang asawa niya kundi isang Rylan ang tunay nuyang mahal," nakangisi pang saas ni Brandon kaya napayuko ako para di niya makita ang pamumula ng aking mukha.
"N-Nagbibiro ka ba? Hindi niya ako mahal. Mabait lang talaga si Dylan kaya inako niya ako bilang asawa niya dahil para hindi ako mapahiya sa iba. Sa katunayan ay wala talaga kaming relasyon."
'Kahit Hinalikan ka nya?' biglang singit pa ng utak ko, kaya napasingamot ako.
'Ewan!!! Wala lang yun, kasi pagkatapos naman ng lahat ay parang balewala lang sa kanya ang lahat.' depensa ko pa sa makulit kong utak.
"Hmm, are you sure Rylan? Hindi kasi iyon ang nakita ko kanina nang magalit siya dahil lang may kasama kang iba. Naalala ko rin na wala siyang takot na ipakilala ka bilang asawa sa kanyang business partner na di man lang inisip na maaaring masira ang kanyang pangalan ibang isang kilalang business man."
Wala akong masabi dahil yun naman ang totoo, pero imposible talaga ang lahat.
"Wala ako sa posisyon para pangunahan kayo, pero believe me. Rylan mahal ka din niya," sambit pa ni Brandon na walang makikitang pagbibiro.
"T-Teka? Wala naman akong sinabing mahal ko siya ah, bakit may DIN?"
"Deny mo pa ba? Halata naman," sambit muli niya habang tumatawa pa.
'Ganun na ba kahalata sa galaw ko ang aking nararamdaman para kay Dylan?'
Sinimangutan ko lang siya na lalo niyang ikinatawa.
"Cute mo talaga, Rylan," pang gigil pa niya, sabay kurot sa pisngi ko.
"Mashakit Brhandon."
Pinipigilan ang kamay niya sa pagpisil sa aking pisngi nang makarinig kami ng isang sigaw.
"QUIT IT !!!"
Nabigla ako ng may humigit sa akin palayo. Si Dylan pala na masama ang tingin na ipinupukol kay Brandon.
"Sorry, nagkakatuwaan lang kami, di ba Rylan?" naka ngising tanong pa niya.
'Inaasar din ako ng isang to, manang mana sa nobya niya, bagay nga talaga sila.' isip-isip ko pa habang naka tingin sa kanya.
"Mukhang tapos na naman kayo mag-usap kaya mauuna na kami," pagpapaalam pa ni Dylan.
Si Lily naman at Brandon ay kumaway na lang sa aming derekayon hanggang paalis kami. Paglabas namin ng gate ay nagpaalam na rin si Nico na uuwi na rin daw siya.
"Ba-bye sa inyo," sabi nito sabay kaway pa sa amin.
Nang makaalis si Nico ay namayani sa pagitan namin ang katahimikan habang naglalakad pauwi sa bahay. Gusto ko sana siyang tanungin kung bakit niya ako hinalikan, pero wala akong lakas ng loob para gawin iyon.
Kung tunay na nakakamatay ang laging pagbuntong hininga, siguradong matagal na akong patay. Di ko kasi mapigilang gawin iyon lalo na nitong mga nakaraang araw.
"--y ko?"
"Ry ko!!?"
"Ha? Bakit Dylan?" gulat na tugon ko sa kanya, nalipad na naman ang isip ko, di ko man lang napansin na nandito na pala kasi sa tapat ng bahay.
"Okay ka lang? May ginawa ba ang lalaking yun sayo?" Kunot ang kilay na tanong naman niya sa akin.
"Wala Dylan, nag-usap lang kami, tayo na sa loob," pag aaya ko pa sa kanya.
"Sure Ry ko, wala talaga?"
"Oo Dylan, wala talaga."
"Talagang-talaga?" pangungulit pa niya.
"Oo, talagang-talaga."
Ang kulit talaga ng lahi nito ni Dylan, ayaw ako tigilan hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay.
Busog naman kami dahil sa party, hindi na ako magluluto pa ng hapunan, bukod pa doon ay gabi na rin ngayon dahil medyo nagtagal ang party na yun.
Papunta na sana ako sa kwarto ng nagsalita na naman si Dylan, kaya napalingon ako sa kanya.
"Ry ko---
" Bakit, Dylan?" nagtataka ko pang ani, di ako alam kung anong problema niya.
"-----wala talaga?"
"Ewan ko sayo Dylan, ang kulit mooo!" Hindi pa pala siya tapos sa pangungulit.
▼△▼△▼△▼△
"November . 05 ."
Pagbasa ko sa kalendaryo na nakasabit sa loob ng aking kwarto, kay bilis talaga ng oras at panahon, akalain mo nga naman apat na buwan na akong nagtatrabaho kay Dylan at isang linggo na rin ang nakaraan ng magbirthday si Gab.
Ang relasyon namin ni Dylan ay ganun pa rin, boss ko siya at kasambahay niya ako. Ang tungkol naman sa halik na nangyari sa amin noon ay hindi na muli namin napag usapan pa. Sa tingin ko ay wala lamang iyon sa kanya kaya naman dapat ay hi di ko na rin isipin pa.
Umaga ngayon at kagigising ko pa lang, kailangan kong bilisan ang aking kilos dahil magluluto pa ako ng almusal at baon ni Dylan.
Pagkatapos kong maghilamos ng mukha at magtoothbrush ay minabuti ko ng dumeretso sa kusina para magluto. Naisipan kong mag gawa ng Nutella pancake ngayon, may prinito din akong itlog, bacon at hotdog atsaka nag-toast din ako ng tinapay. Para naman sa inumin ay naghanda ako ng melon juice... Nagsaing na rin ako ng kanin at nagluto ng Chicken fillet para sa baon ni Dylan.
Tiningnan ko ang orasan na nakasabit sa kusina at napansin na medyo natagalan ako sa pagluluto kaya nagmadali na kong umakyat sa kwarto ni Dylan para gisingin ito at ipaghanda ng susuotin.
"Dylan!!! gumising ka na, tanghali na oh." Tinatapik pa ang braso niya.
"Ump, Ry ko?" Pupungas-pungas na sabi pa niya, habang kinukusot ang mga mata. 'Ang cute lang niya parang bata.'
"Good morning Dylan, bumangon ka na diyan."
"Good morning din Ry ko," aniya, habang nag-iinat ng katawan at dumeretso na rin ito sa banyo para maligo. Ang damit na inihanda ko sa ay iniwan ko sa ibabaw ng kanyang kama.
"Dylan, bilisan mong maligo ha, mag-aalmusal ka pa!!! late na oh," hiyaw ko mula sa labas ng Cr niya.
Makalipas ang ilang minuto ay bumaba na rin siya para makakain, katulad ng araw-araw na aking nakikita ay parang di pa rin ako nagsasawa tingnan ang gwapo nyang mukha at matikas nyang porma pag nakasuot na siya ng kanyang formal na suit at tie.
Hindi na ako magtataka kung bakit napakarami nyang taga hanga kahit saan. Kahit naman sino ay mabibighani sa kanyang angking kagwapuhan at pamatay na ngiti, pero bonus lang ang lahat ng iyon dahil ang ugali at kabutihan niya ang tunay na kahanga-hanga.
"--y ko!?"
"Ry kooo!!?"
"Ah bakit Dylan, may kailangan ka ba?" gulat na sagot ko sa kanya. 'Ano ba yan, natulala na naman ako.'
"Wala naman Ry ko, natulala ka na naman sa kagwapuhan ko," sabi pa nito na sinamahan pa ng pag ngisi.
"Ha? Ano yun Dylan?" inis na tanong ko pa sa kanya, agang-aga kasi ay dadali na naman siya.
"Wala Ry ko, sabi ko halika na nang makakain na tayo."
"Dylan, baon mo." Inabot ko na ang paperbag na may laman ng tanghalian niya.
"Salamat Ry ko," nakangiti pa niyang tugon.
Nakuha na niya ang paperbag, pero hindi pa rin siya umaalis sa aking harapan kaya nagtaka ako. Baka kasi may kailangan pa siya.
"May kailangan ka pa Dylan? May nakalimutan pa ba akong ibigay sayo," tanong ko pa sa kanya.
Naibigay ko na ang bag, susi at baon niya. 'May nakalimutan pa ba ako?'
"Meron Ry ko," seryosong sagot kaya napataas ang kilay.
"Ano yun Dylan? Bilis kukunin ko na," pagmamadali ko pa dahil late na siya.
"Wag na, ako na ang kukuha."
"Hindi ako n---"
Naputol ang sasabihin ko dahil sa gulat nang lumapat ang labi niya sa aking pisngi.
"Salamat Ry ko!" masigla pa niyang pagkakasabi, habang tumatakbo palayo sa akin.
Nang mapagtanto ko ang nangyari ay wala na akong nagawa pa kundi sumigaw na lang.
"Dylannnnn!!!"
▼△▼△▼△▼△
3RD PERSON POV
MASAYA si Dylan nang makarating siya sa opisina. Sinalubong naman siya ni Nico na bakas ang pagtataka sa mukha.
"Masaya ka ata boss, ano meron?"
"Wala naman Nico. Mag syota ka na ulit para sumaya ka din," nakangisi pang sabi ni Dylan kaya di napigilan ni Nico na mapasimangot dahil sa sinabi ng kanyang boss.
"Nang-iingit ka ba boss? Edi ikaw na nga ang may lovelife," asar na sagot ni Nico.
"HAHA Kaya nga pinapayuhan na kita na magsyota ulit," tumatawa pang sabi ni Dylan.
'Hindi naman ganun ka dali yun boss,' isip-isip pa ni Nico sa sarili, habang napapanguso dahil sa inis.
Bago sila makalabas sa elevator ay may napagtanto si Nico. "Teka! Kayo na ba ni Rylan?"
Dahil sa tanong ni Nico ay para namang nabilaukan ng laway si Dylan dahil alam niya sa kanyang sarili na hindi pa nausad ang relasyon nila ni Rylan, hindi pa nga nila napag-uusapan ang halik na nangyari sa kanila noon. Napabuntong hininga na lang siya dahil sa iniisip.
Dahil sa narinig na buntong hininga galing sa boss niya, alam ni Nico na hindi pa rin nakakatuluyan ang dalawa. Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa mga labi niya.
"Ang hina mo talaga boss, wag mong sabihing wala pa rin? Ano ba yan," pang-aasar pa ni Nico habang tumatawa.
"Tss, Shut up Nico, panira ka ng umaga," inis na sagot ni Dylan sabay pasok sa opisina nito.
Di naman napigilan ni Nico na mas mapatawa dahil sa naging reaksyon ng kanyang boss.
Pagpasok naman ni Dylan sa kanyang opisina ay pasalampak syang umupos sa kanyang swivel chair. Hindi niya maitatanggi na tama ang sinabi ni Nico, ang hina talaga niya pagdating kay Rylan.
Hindi man lang niya masabi ang tunay niyang nararamdaman para dito, alam niya sa kanyang sarili na nagagawa naman nyang iparamdam dito sa pamamagitan ng mga kilos at galaw, pero napakahalaga pa rin ng mga salita.
Dahil sa lalim na naman ng kanyang pag-iisip ay nawawala ang kanyang focus sa trabaho kaya naman inalis muna niya sa isip ang isang imahe na nagdadala ng saya sa buo nyang pagkatao. Ginawa niyang abala ang kanyang sarili para hindi muna makapag isip ng kung ano-ano.
Kapag kasi sumasagi ang maamong mukha ni Rylan ay hindi mapigilan ni Dylan na mamiss ito, kaya nga maya't maya siyang tumatawag o kaya ay laging napapa-aga ang uwi dahil gustong-gusto niya na itong makasama. Excited siya laging uwi dahil kay Rylan.
Habang nagbabasa ng mga papeles ay biglang may kumatok sa pintuan ng kanyang opisina.
"Come in," tugon niya, mula sa pinto ay niluwa nito si Nico na may hawak na mga report ng iba't ibang department ng kumpanya.
"Boss ito na ang report galing sa lahat ng department."
"Hm, did you sort it out?" tanong pa niya.
"Hehe di pa boss," saad nito habang natatawa at napakamot pa sa batok.
Dahil sa sagot nito ay napataas ang kilay niya, binigyan niya ito ng tingin na, " What- are- you- waiting-look."
"Sabi ko nga boss, pwede dito ko na ayusin?" pakiusap pa nito, sabay lakad papunta sa accommodation area sa loob ng opisina niya.
Hindi na umimik si Dylan at ipinagpatuloy na lang ang pagbabasa ng mga papeles na hawak.
"Boss, ilang taon na nga pala si Rylan?"
Dahil sa pagkarinig ng pangalan ni Rylan ay nakuha agad nito ang atensyon ni Dylan.
"Why did you even ask?" takang tanong pa ni Dylan.
"Wala naman boss, mukhang bata pa kasi si Rylan, 17 lang ba siya?"
"Of course not. He's not that young, baby face lang talaga ang Ry ko," nakangisi pang tugon ni Dylan dahil sa maling hula ni Nico sa edad ni Ry.
"He's turning 20 next month," sagot pa niya.
"20? Talaga boss, kala ko nga ay 16 lang siya nung una kaming makita," manghang sagot pa ni Nico.
"Bakit tayo 25 palang mukha nang tatay," pabulong na sabi pa nito, kaso di ito nakaligtas sa pandinig ni Dylan.
"What do you mean, WE? Ikaw lang ang mukhang matanda dito."
"Nagbibiro lang naman ako boss," nakanguso pang sabi ni Nico.
"Ewan ko sayo, ang daldal mo talaga. If you're already done hand it over."
"Hindi pa ako tapos boss," napapakamot sa batok na sabi pa ni Nico.
"Inuuna mo kasi kadaldalan mo."
"Sorry na, pero bata pa talaga si Rylan ano?" sambit muli ni Nico.
Napataas naman ang kilay ni Dylan. 'Ano bang problema ng isang ito sa edad ng Ry ko,' isip-isip pa nya.
"Ano naman kung bata pa siya," saad ni Dylan na naka-kunot na ang kilay.
"Ibig sabihin ay pwede pa syang mag-aral, wala ka bang balak pag-aralin siya?" makahulugang tugon ni Nico kaya natigilan naman si Dylan sa kanyang ginagawa.
"Si Ry ko papasok sa college? Sa tingin ko nga ay gusto nyang ipagpatuloy ang pag-aaral. Good idea Nico!" nakangiti pang pahayag ni Dylan.
'Ano kaya ang itsura ng Ry ko na naka suot ng School Uniform?'