♡☆ IMAGINE SB19 ☆♡ [COMPLETED]

By AUthor_eli

5.8K 125 16

Fanfiction only. Fiction stories about SB19. This is for my Co-A'tin and not a fan of SB19. *COMPLETED* Start... More

OPENING
STORY # 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17

Part 10

242 3 0
By AUthor_eli

Maaga akong gumising dahil kaylangan kong pumasok sa trabaho ngayon. kaya nagasikaso na ako para pumunta na sa trabaho.

Tapos na ako maligo at bumaba na hindi na ako nag almusal at dumeretso na sa labas.

Nagtaka ako dahil may naka park na kotse sa labas. sinilip ko kung merong tao sa kotse. pagkasilip ko biglang bumukas ang pinto kaya na pa atras ako.

Si Josh pala ang tao doon sa kotse. Dahil doon nagulat at nagtaka ako. Bakit siya nandito? At paano niya nalaman ang bahay ko?

"(Y/n), sakto kakarating ko lang dito. Tara hatid na kita pa punta doon sa company."

"T-teka.. anong ginagawa mo dito?"

"Ihahatid ka hindi ba obvious?"

"What i mean is bakit mo ginagawa ito?"

" syempre nagiging protective lang ako sayo. Alam mo naman yung nangyari sayo kagabi diba?"

"Ayyy oo nga pala shet..." pabulong kong sabi.

"Kaya sakay ka na at baka ma-late pa tayo."

Binuksan niya ang pinto sa passengers seat at sumakay na ako.pumunta na siya sa drivers seat at umupo na rin.

Umalis na kami at pumunta sa SHOWBT Company. Medyo awkward ang paligid namin kaya nag patugtog na lang si Josh.

Nakarating na kami sa company at normal lang ang takbo ng araw ngayon. Sila nag pa-practice at ako naman ay gumagawa ng poster para sa comeback nila this year.

Habang hinahanda ko na ang poster may kumatok sa pinto. Hinintay ko lamang siya pumasok at nakita ko si Ate Rappl pala.

"(Y/n), busy ka ba ngayon?" Tanong niya.

"Ah.. hindi naman po masyado bakit po?" Sagot ko.

"Remind ko lang sayo na kasama ka sa amin next week sa Korea para sa Photoshoot ng SB19." Sabi niya.

"Hala seryoso po ba yan? Kasama na ako?" Laking gulat ko.

"Oo nak kasama ka na HAHA" sabi ni Ate Rappl.

"Hala thank you po!"masaya kong sabi.

Pagkatapos namin mag-usap lumabas na si Ate Rappl at pinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

Maya-maya 6pm na at nagasikaso na ako para umuwi. After kong mag ayos nagpaalam na ako kay Ate Rappl, Tatang at kay Ms.Hongganda.

Pero bago ako bumaba sumilip muna ako sa Dance Studio ng SB19 para malaman kung uuwi na ba sila or hindi pa.

"Guys... hindi pa kayo uuwi?"tanong ko sa kanila.

"Kakatapos lang namin (y/n)." Sabi ni Sejun.

"Teka.. saan si Jah at Ken?" Tanong ko ulit.

"Si Ken nasa Rooftop Si Jah Nas--" sabi ni Josh ngunit hindi natuloy dahil bumukas yung pinto sa CR.

"Ayan pala si Jah" sabi ni Stell.

Napatingin lahat kami kay Jah nung lumabas siya ng CR. Kita kong pinupunasan niya yung buhok niya... i don't know kung nag shower ba siya oh hindi... basta ang hot niyang tignan...

"Hinay-hinay lang sa pagtingin sa akin baka matunaw ako." Sabi ni Jah habang nakatingin sa akin.

"Lah! Taas ng confidence mo Jah!" Sabi ni Stell.

"A-ah sige guys kung di pa kayo uuwi.. uuwi na ko bye.." sabi ko sa kanila.

Aalis na sana ako nangbiglang hilain ako ni Stell. Kaya agad akong napatingin.

"(Y/n). Hatid na kita sa inyo" sabi nito.

"Nako.. wag na Stell.. nakakaabala pa HAHA baka mamaya may makakita pa saatin" sabi ko.

"Wala akong pake... basta makauwi ka lang ng safe ok na ako dun." Sabi ni Stell.

"Thank you.. sige sabay na tayo.. pero babalik muna ako sa office may nakalimutan ako." Sabi ko.

Agad na akong pumunta sa may pinto at pagbukas ko nagba-bye ako sa kanila. Pagharap ko nasubsob ako sa dibdib ni.... KEN?!

"Ay! Sorry... Ken" sabi ko.

"Ok ka lang ba?" Tanong niya.

"A-ah oo ok lang ako..." sagot ko.

Tinignan ko siya at ito naman ay ikinamula ng aking pisngi kaya napatakbo na lang ako pa punta sa office ko.

Pag dating ko doon ni-lock ko ang pinto at umupo muna saglit.

"ARGH! ano ba!(y/n)!!!! Bakit ba ganito ang nararamdaman mo?!" Sabi ko sa sarili habang tinatapik ang aking pisngi.

"Jusko! (Y/n)! Makakasama mo pa sila sa Korea next week! Baka pagbalik mo dito sa Pilipinas patay kana dahil sa mga ginagawa nila sayo! WAG KANG MARUPOK SELF!" Patuloy kong sinasabi sa sarili ko.

Maya-maya may kumatok sa pintuan at agad akong tumayo para buksan ito.

"(Y/n). Ok ka na? Tara alis na tayo." Sabi ni Stell.

Tumango na lang ako at umalis na kami sa Company.

Habang naghihintay kami ng Taxi madaming tao ang tumitingin sa amin. Kaya medyo nahiya ako baka nakikilala nila si Stell.

Maya-maya kinuha ni Stell yung Jacket sa Bag niya at itinali sa waist ko.

"Masyadong maiksi yang suot mo kaya ko nilagyan ng Jacket..." sabi niya sa akin.

Napatingin ako sa kanya at deretsong tingin sa baba ko.. maiksi ba masyado? Parang di naman yata eh..

"T-thank you..." sabi ko sa kanya.

May pumara nang taxi sa gilid namin at sumakay na kami ni Stell.

Pagkasakay namin maya't maya nakaramdam ako ng antok at napansin agad yun ni Stell.

"(Y/n).. inaantok ka ba? Tulog ka dito sa balikat ko.." sabi niya.

Agad kong pinatong yung ulo ko sa balikat niya at maya-maya naramdaman ko na may humawak sa kamay ko. Aalisin ko sana nang biglang humigpit ang hawak at nag salita si Stell.

"Shh.. wag mong tanggalin... matulog ka lang diyan.. gigisingin na lang kita.." sabi niya sa akin.

Kaya wala akong nagawa kundi matulog na lang.

Nandito na kami sa bahay at ginising na ako ni Stell. Pinapasok ko muna si Stell para magpahinga ng saglit.

"Upo ka muna Stell." Sabi ko habang pa punta ako sa kusina para kumuha ng tubig.

Maya-maya ay nagpaalam na si Stell para maka-uwi.

"Sure ka ba na ok lang na mag-isa ka dito?" Tanong ni Stell.

"Oo naman. Sige na ingat ka pauwi." Sabi ko.

Agad akong niyakap ni Stell at ito ay ikinagulat ko.

"B-bakit Stell?" Tanong ko.

"Wala.. basta magiingat ka dito ah.. pag may problema tawag ka lang agad sa akin..." sabi nito at binitawan na niya ako sa pagkayakap.

"Sige na HAHA gabi na anong oras na oh.." sabi ko.

Kumaway na siya sa akin at kumaway na rin ako sa kanya. At pumasok na ako sa bahay para matulog na.

*TO BE CONTINUED*

Continue Reading

You'll Also Like

613K 11.1K 65
An innocent girl unexpectedly seduces her boss even though she doesn't know.
960K 43K 41
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
859K 31.1K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
155K 6.4K 85
[𝗖𝗼𝗺𝗽𝗹𝗲𝘁𝗲𝗱✔️] ❝Ako naman yung palaging nandito, bakit di na lang ako? Tayo na lang.❞ ➳In which Ken Suson fell in love with the girl he was s...