You Are My Everything (RitKen...

By Issa_Gokou

22.5K 887 102

Nasubukan mo na bang mainlove sa taong hindi pwedeng maging iyo? Nagawa mo na bang manggamit ng ibang tao par... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43

Chapter 29

562 23 4
By Issa_Gokou


Magkasama kami ni Tata ngayon na nasa bahay nung biglang tumunog ang cellphone ko.


Naghuhugas na ko ng pinagkainan namin kaya sya ang sumagot nun.



"Ken, tawag sa office." banggit niya dahilan para tignan ko siya.



Inabot niya sakin ang cellphone kaya agad akong nagpunas ng kamay at kinuha iyon. Inirapan niya ko at bumalik sa kinauupuan niya kanina at nanood na uli.



Day-off ko ngayon at nakapangako na ko na babe time namin ngayon.. Meaning, lahat ng oras ko sa kaniya muna dapat dahil sa dami ng utang ko sa kaniya.


"Hello?" banggit ko at nilapitan si Tata pero bigla na lang siyang umusod sa kinauupuan niya at kinuha yung unan sa upuan. Inilagay niya iyon sa lap niya at matiim na nanood na lang.



"Okay... Pupunta ko ngayon din." banggit ko dahilan para tignan ako ng matalim ni Tata.



Pinatay ko ang call at tinignan siya.



"Ta, sorry. Emergency kasi eh." banggit ko.


"Yeah, okay. Sige na umalis ka na." sarcastic niyang sabi.


"Ta.." banggit ko at nilapitan siya pero umisod lang uli siya. "Uy, wag ka namang ganyan.. Akala ko ba naiintindihan mo ko?"



"Ken, naiintindihan kita. Sinusuportahan naman kita dyan di ba? Pero day-off mo ngayon! Nangako ka sakin na babawi ka di ba? Pati ba naman ngayon, trabaho pa rin?!" inis niyang sabi.



"Pupuntahan ko lang saglit yung site, sumama ka sakin para makita mo rin. Promise saglit lang tayo don." banggit ko.



"Hindi na. Ikaw na lang. Uuwi na lang din ako." galit niyang sabi at tumayo na.



Agad ko naman siyang niyakap patalikod.


"Ta, sorry na. Promise last na to. Hindi na ko magpapaabala uli kapag day-off ko. Sama ka na lang sakin huh. Gusto pa kitang makasama eh." paglalambing ko.



"Ewan ko sayo." inis niyang sabi.


"Ta naman eh. Huwag ka na magalit, please. Ngiti na baby ko.. Alam mo namang ayokong nagagalit ka sakin di ba?" paglalambing ko sa kaniya at ipinatong ang ulo ko sa balikat niya.


"Ken, naiintindihan kong dedicated ka sa trabaho, pero sobra na to." banggit niya.


"Kaya nga last na to eh. Promise! Last na talaga to. Lahat na ng sasabihin mo, susundin ko. Pangako! Samahan mo na ko huh. Babawi ako after natin pumunta sa site."

Bumuntong-hininga sya.

"Okay." aniya.



"Yiieeeehh...hindi ako matiis ng baby ko, hahaha. Ngingiti na yan." banggit ko na ikinasama ng tingin niya sakin.


"Maligo ka na." banggit niya.



"Sabay tayo?" pilyo kong sabi dahilan para sikuhin niya ko. "Joke lang naman baby eh. Di ka na mabiro oh. Suot kang formal dress huh, date tayo after." banggit ko at umalis na sa yakap niya.



"Formal dress e pupunta muna tayong site? Okay ka lang?" inis niyang tanong.


"May date naman tayo after eh.. Para hindi na tayo babalik." pa-cute kong sabi pero wala talagang epekto dahil naiinis talaga sya sakin. "O sige kahit normal na dress na lang huh."



Inirapan niya ko at tinaasan ako ng kilay.

"Bilisan mo na mag-ayos. Uuwi pa ko para makapagpalit." banggit niya.


"Okay." malungkot kong banggit at umakyat na.


------------------------------

Katulad ng sabi niya ay umuwi pa kami sa bahay nila para makapagpalit sya ng isang simpleng floral dress na sobrang bagay sa kaniya.



"Ang ganda naman talaga ng baby ko oh." nakangiti kong puri sa kaniya.


"Tigilan mo ko Kennie, halika na." inis pa rin niyang sabi at sumakay na ng kotse.


Napabuntong hininga ko at sumakay na rin sa kotse.


"Ta, baka gusto mo munang matulog kasi medyo malayo yung site." banggit ko na ikinasama na naman ng tingin niya sakin. "Sorry na talaga," hinging paumanhin ko.


"Sige na, halika na." inis niyang sabi at kinuha ang cellphone niya at nagcellphone na lang.



Lagot talaga ko nito... Pero ang hindi alam ni Tata...


Nasa plano ko ang lahat. Alam kong sobra syang mababadtrip dahil may trabaho pa rin ako ngayong babe time namin, haha. Kinuntsaba ko ang mga nasa office natawagan ako ngayong hapon. Nasa plano ko talaga na sya dapat ang makasagot nun kaya ako na ang nagprisintang maghugas ng pinggan at iwan malapit sa kaniya ang cellphone ko.



Kitang-kita ko ang pagka badtrip sa mukha niya kaya for sure hindi siya naghihinalang may hinanda ako para sa kaniya hahahaha. Excited na kong makita kung ano ang magiging reaksyon niya.

Naging tahimik siya buong byahe. Naipit pa kami sa traffic kaya mas nainis siya, haha. Hindi na talaga ko pinansin kahit kinakausap ko siya.

Tumagilid siya sakin at mukhang natulog na.

Past 7pm na nung makarating na kami sa location.

"Dito ang site nyo? E bakit parang ang wala namang ginagawang building dito?" tanong niya nung gisingin ko siya.


"Nandun yun sa likod Ta." banggit ko at inalalayan siyang makalabas ng kotse.


Hawak-hawak ko ang kamay niya habang naglalakad.


Dumaan kami sa isang pathway na may mga ilaw sa gilid.

"Bongga nila dito huh. May pa-ilaw ang pathway." nakangiti niyang sabi.

"Buti naman nakita ko na rin yung ngiti mo, kanina ko pa inaabangan kung makikita ko uli yan eh." nakangiti kong sabi dahilan para tignan niya ko.


"Saan yung site niyo?" maayos na niyang tanong.

Tinuro ko sa kaniya yung isang madilim na side nung garden.


I snapped my fingers at kitang-kita ko ang gulat sa mga mata niya nung bigla iyong magliwanag.


Napatingin siya sakin.


"Hindi talaga tayo pupunta sa site. Nandito talaga tayo para magdate." nakangiti kong sabi dahilan para maiyak siya.


"Nakakainis ka talaga kahit kailan! Alam mo ba yun!!" umiiyak niyang sabi at hinataw ang dibdib ko.

"Awww... Bakit ka umiiyak?" tanong ko at niyakap siya.

"Inis na inis kaya ako sayo kasi sabi mo babawi ka ngayon eh, tapos bigla ka namang nagsabing pupunta ka sa site. Badtrip na badtrip kaya ako sayo! Nakakainis ka!"


Umiiyak talaga siya, hahaha. Naku, mukhang sobrang sama ng loob niya sakin kanina.


"Effective naman yung gimik ko di ba? Haha. At least hindi mo nahalatang may surprise ako sayo." nakangiting sabi ko at kinulong ng mukha niya sa mga palad ko. "Tama na ang iyak baby ko." banggit ko at pinunasan ang luha niya.



Tumahan na rin siya at yumakap sakin.


"Ready ka na? May ipapapanood ako sayo." banggit ko at hinila na siya sa upuang nakahanda doon. May nakaready na rin ding white screen.


Magkatabi kaming pinanood ang slideshow na ginawa ko.

Tawa siya ng tawa sa mga pictures namin nung maliliit pa kami. Yung mga tipong nagkabungi-bungi kami noon hahahaha.


Natigil ang pagtawa niya nung biglang lumabas ang mga pictures namin nung high school. Nakangiti lang sya habang nanonood.


Nung dumating sa point na pinakikita na yung video na kinunan ko nung isang gabi ay bigla akong kinabahan.



Ta, alam ko, nagsimula tayo noon na mali lahat satin. Yung kasal natin, yung pagsasama natin.. Yung pagbuo natin ng pamilya.. Lahat yun sa maling paraan nagsimula kaya siguro tayo nagkahiwalay. Pero this time Ta, lahat ng maling yun gusto kong itama.


Hindi ko alam kung bakit pero bigla din akong naging emotional nung makita kong maging emotional si Ta habang nanonood.


Ta, hindi ako perpektong boyfriend. Hindi ko maipapangakong bawat oras nasa tabi mo ko. Nasimulan na nga natin yun nitong nakaraang buwan di ba? Haha. Sobrang thankful ako sa pagiging understanding mo, Ta. Hindi ko makakayanan yung stress kung wala ka sa tabi ko.



Tinignan niya ko na umiiyak.


"Bakit may paganito ka?" umiiyak niyang tanong.



Hinalikan ko ang noo niya at nanood na lang uli. Ganun din naman siya.



Sobrang thankful ako Ta na binalik ka ng Diyos sakin.



Naging emotional na ko sa video kaya mas naiyak siya.



Ta, ulit-ulitin man ang panahon, ikaw at ikaw pa rin ang gusto kong makasama sa araw-araw ng buhay ko kaya may request sana ko...

Pwede mo bang kunin yung nasa loob nung box?




Napatingin siya dun sa malaking box na nasa harap nung white screen. Tumingin siya sakin kaya napatango ako.


Tumayo kami at pumunta doon. Tinignan niya yung box.



"Wala namang laman eh.." parang bata niyang sabi.

Sorry, hindi pala yan... Yung nasa isang gilid pala




Banggit nung ako sa screen na ikinatawa niya.

"Planado mo talaga to huh," natatawa niyang sabi at tumingin dun sa gilid na box dahilan para nakatalikod na siya sakin ngayon.


Huminga ko at lumuhod.

"Wala nama- Oh my God." banggit niya at napatakip ng bibig nung humarap sakin.

Alam kong alam na niya ang gagawin ko.

"Kennie..." umiiyak na naman niyang banggit.

Hindi ko rin talaga mapigilan ang luha ko.



"Ta, sobrang mahal na mahal kita." umiiyak kong sabi na halos hindi ko matapos yung sentence ko dahil sa emosyon ko. "Gusto kong gumising uli na ikaw yung unang makikita ko.. Gusto kong bumuo uli ng mga bagong pangarap kasama ka.. Gusto kitang makasama habang buhay... So pwede ka na ba uling maging Mrs. Chan ko?" nakangiti kong tanong. "Will you marry me, again?"

Dinampian niya ko ng halik sa labi at tumango.

"Of course Kennie. Wala akong ibang apelyidong mas gugustuhing gamitin bukod sayo." nakangiti niyang sabi habang umiiyak.

Sinuot ko yung singsing sa ring finger niya at niyakap siya ng mahigpit.




Hinalikan ko siya at niyakap uli ng mahigpit.




Hiyawan ang nakapagpahiwalay sa kaniya sakin. Mas lumiwanag ang paligid at napatingin siya sakin nung makitang nandoon di kalayuan samin ang lahat ng family members at friends namin.

"Haba ng hair mo Rapunzel!!" sigaw ni Jane na ikinatawa naming lahat.


Nagpunas kami ng luha at hinalikan ko ang ulo niya.



This time, mapapasakin na siya sa tamang paraan. At wala nang makapagpahiwalay pa samin.





-----------------------------

A/N:

Ang tanong... Wala na nga ba talaga? 😅


issa_gokou

Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 266K 71
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.4M 60.4K 57
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
5.3M 91.2K 54
Five years after Alejah left the country, she returned with her child. Sa kaniyang pagbabalik, nalaman niyang ikakasal na sa iba ang lalaking minahal...
58.1K 807 28
Clay Verdera is an actor while Isla Aurora Randal is just a typical person. Makabagong panahon ngunit makalumang paniniwala pa rin ang nananalaytay...