Sunny Adelson: The journey

By ItsM_2005

3.9K 155 10

[Completed] [Under linis >__<] "Luhod." Utos ko sa natitirang hindi pa baldadong kalaban ko. Lumuhod na... More

Work of fiction
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
SPECIAL CHAPTER

16

83 4 0
By ItsM_2005

Sunny's pov;
  Hawak ko ngayon ang bag ko. Ngayong araw kasi ay aalis na kame at pupunta na sa bayan ng oson.




Gaya ng ipinangako ko




"Nasa labas na si kyle." sambit ni owen. Natulog siya sa dorm namin. Wala naman kasi rito si prinsepe rafael sayang nga dahil baka hindi kame makapag-paalam sa kaniya.




Kinuha ko ang balabal sa bag ko at itinali muna sa leeg. Na miss ko ang balabal ko huhu.




"Hindi halatang nakapagimpake ka ng madami ah?" pabirong sabi ni andres.




Dalawang bag kasi ang dala-dala ni kyle.




"Wag ka nga! Dapat nga magpasalamat ka pa saken dahil puro pagkain ang laman ng isang lalagyan diyan ano."




Nanlaki naman ang mata ni andres at dali daling kinuha ang dalawang bag ni kyle




"Ako na mag dala baka nabibigatan ka e hehe." Napatawa naman kami kay andres. Basta pagkain talaga.




Pumunta muna kami sa loob kung nasaan si haring peter. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.




"Oh binibini, bakit kayo naparito?" tumingin muna ito sa amin bago itinigil ang tingin sa akin.




"Aalis na po sana kami, haring peter."




"Bakit naman biglaan iha?"




"Uhm..dahil gusto ko at kaya ko? hehehe." wala lang talaga akong maisagot sa tanong niya huhuhu. Saglit na kumunot ang noo ni haring peter na kinalaunan ay ngumiti. Mukhang nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.




"Oh siya siya, bukas' parin ang aming akademiya para sa inyo at kung kakailanganin ninyo ng tulong ko ay handa akong ibigay iyon." Ngumiti kame rito at nagbigay galang. May mangilan-ngilang estudyante ang nakatingin sa amin.




"Halatang nagtataka sila." sambit ni dio. Tinanguan naman namin siya.





"Pasensya na kung hindi dahil sa akin ay---" pinutol ni dio ang sasabihin ni owen.




"Tandaan mo ang sinasabi ni sunny, gusto niya at kaya niya." tumingin naman si dio sa akin. Ginulo ko ang buhok nito. Sanay na siya sa akin hehe




Nasa gate na kami ng akademiya ngayon. Naglakad na kami palabas. Ang sarap langhapin ng hangin sa labas ng akademiya. Mas naging malinis at maganda na ang hangin na nalalanghap ko dahil siguro sa pagkabati nila haring peter at tandang pedro.




Napatigil kame sa pagalakad ng may tumawag sa pangalan ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang lahat ng estudyante pati narin ang mga prinsepe ng teodoro, consolacion at filomeno ay nasa tapat ng akademya at nakatingin sa amin.




"Paalam!"


"Sana'y makita namin kayong muli!"


"Ipinagmamalaki kong nakilala kita binibining sunny!"




May mangilan ngilan na estudyanteng umiiyak. Aww.




"Magkikita pa ba tayo?" sigaw na tanong ni prinsepe rafael. Tumango naman ako rito at kumaway.  Kumaway narin sina dio rito. Tumalikod na kame at nagsimulang maglakad.




Ay teka may nakalimutan ako.




Tumingin akong muli sa mga estudyante at mga prinsepe. Nag flying kiss ako sa kanila. Napatawa ako ng tumahimik sila ng ilang segundo at nagingay rin.




HAHAHAHAHHA




"Saan ba ang daan papuntang oson?" tanong ni andres kay owen.



"May kalayuan iyon rito at pagubat
ang tatahakin natin papunta roon." sambit ni owen.




Nabalot kami ng katahimikan habang naglalakad.




"May tanong lang ako binibini" basag ni kyle sa katahimikan. Tumingin naman ako sa kaniya.




"Bakit kailangan mong magsuot ng puting balabal?" tanong nito. Napatawa naman kami nila dio.




"May nahihimatay at may nagugulat--" -Andres



"-- kapag nakita ang mukha ni binibining sunny." -dio




Napanguso naman ako sa dalawa. Napanganga naman si owen sa mga ito. Marahil ay nagtaka sa sinabi ng dalawang to.




Ilang oras na kaming naglalakad.




"Ilang oras pa ba tayo makakapunta roon?" tanong ko.




"Gagabihin tayo papunta roon binibini. " bumagsak naman ang balikat ni andres.




"Gugutumin ako lalo niyan." ngusong sambit niya. Wiee ang cutee




"Lagi ka namang gutom." pang aasar na sabi ni dio.




"Ang laki ng katawan mo ginoo ngunit lagi kang gutom, iyon ba ang sekreto mo?" tanong ni owen rito.




"Siguro." Tumaas pa ang dalawang kilay nito.




"Doon! Doon nalang tayo magpahinga!" turo ni kyle sa puno.




"KYAAAAAA!" tili ko ng makita akong maliit na water falls sa tapat ng malaking punong pag papahingahan namin.




Yung water falls ay hindi kalakihan. Ang nakakatuwa pa rito, pag bagsak ng tubig hindi ilog o dagat ang pinagbabagsakan kundi lupa. Oo lupa!




"Sagrado rin ba ito?" tanong ni dio kay owen.




"Hindi. Normal lang iyan. Marami pa kayong makikitang ganiyan sa bayan ng oson." sambit ni owen.




Gumawa naman ng maliit na kubo at mahihigaan sila andres. Malapit na ring magdilim. Gumawa naman ako ng bonfire.




Isa isang inilabas ni kyle ang mga pagkain sa bag niya at si owen ang nagprisintang mag ayos ng mga ito.




"Dami!" sambit ni andres habang nakatingin sa mga pagkain.




Habang kumakain ay madami silang itinatanong kay owen.




"Ilan ba kayong pamilya?" tanong ni kyle




"Lima kame. Si Ina, si lola, at ang dalawa ko ang babaeng kapatid. Ako ang panganay." Uminom muna ito ng tubig.




"Asan ang iyong ama?" tanong ni andres




"Iniwan kame. " ngumiti ito ng mapakla habang nakatingin sa lalagyan na may tubig.




"Maiba tayo, kung kay dio ay kaya niyang magpalutang eh ano naman sa inyo?" tanong naman ni owen sa mga ito.




"Sa akin, lakas ng kamay." - andres




"Maliliit na patusok na lumalabas sa kamay ko ngunit wala gaanong epekto" - kyle




"Eh sayo binibini?" napatawa naman ako sa tinanong ni owen.




"Ordinaryo lamang ako owen. Wala akong kakaibang kakayahan." Nagulat ang mga ito sa sinabi ko. Eh?




"Ordinaryo ka lamang? Ngunit bakit ganon ka makipaglaban?" tanong pa nito.




Tumingin naman ako sa water falls. Ang gandang pagmasdan.




"Dahil sa pamilya ko. Tinuruan nila ako" ngumiti ako sa mga ito. Mukhang kontento naman sila sa ibinigay kong sagot.




Naka palibot kame sa apoy na ginawa ko ngayon.




"Paano ba kayo nagkaroon ng kakayahan?" tanong ko sa mga ito ngunit nasa apoy ang tingin. Nakarinig naman ako ng buntong hininga.




"Ang sabi ni Ama sa akin. Regalo raw ito sa akin ng isang matalik niyang kaibigan." - dio




"Mula noong pinanganak ako ay mayroon na akong ganitong kakayahan." tumingin si andres sa mga kamay niya.




"Noong nagalit ako sa isang tao. Doon ko nailabas ang kakayahan ko. Hindi ko na natandaan kung keylan ngunit natitiyak ko na bata pa lamang ako 'non."  smbit ni kyle.




Kung tutuusin, masasabing si kyle ang may mahinang kakayahan sa kanila pero kung mag eensayo ito tiyak na gagaling ang mga inilalabas niyang karayom sa kamay.




Napagpasyahan naming maglakad ng muli. Isinuot ko ang balabal ko. May hawak hawak sila andres na parang lampara para magsilbing ilaw namin sa daan. Pasikip na pasikip ang dinaraanan namin.




"Malapit na tayo." sambit ni owen.




Palapit ng palapit lalo naming naririnig ang mga taong nagsisigawan. Ng makarating na kami sa loob ng bayan ng oson ganon na lamang ang gulat namin ng may mga maliliit na dragon ang nasa himpapawid.




Anong nangyayare?



"Y-Yan ang..." napaatras ng isang beses si owen habang nakaturo sa mga dragong lumilipad.




"Hindi sila mapakali." tukoy ko sa mga dragon.




"Y-Yan ang tinatawag nilang winglong. Ang sabi sa alamat, ang mga hayop na lumilipad na iyan ay ang tagabantay ng tubig. Lumalabas sila kapag nasa isang daang taon na ang lumipas at upang maghanap ng taong proprotektahan nila." sambit ni owen.




"Kung ganon.. paano pag wala silang mahanap? " tumingin naman si owen sa akin.




"Magbubuga sila ng apoy hanggang sa mawala na ang lahat na bahay o ari-arian rito." sambit ni owen.




"Paano nila mahahanap ang proprotektahan nila?" sambit ni dio.




"Walang nakakaalam."




Tumingin naman ako sa tinatawag nilang winglong. Palinga-linga ang mga ulo nito at kumpas ng kumpas ang mga pakpak nila. Nagsisigawan parin ang mga tao.




"A-Ano na ang gagawin natin?"




"Katapusan na ba n-natin?"




"Ang pamilya ko!"




Si owen ang huling nagsabi ng katagang iyon habang nakatingin sa pamilyang nasa tapat ng maliit na bahay. May kauting spacio sa bawat  bahay rito. Tumakbo si owen sa mga ito. Sinundan naman namin siya.




"Ina! Lola!" patakbong niyakap ni owen ang kaniyang pamilya.




"O-Owen? Owen!" sambit ng kaniyang ina. 




Nanlaki ang mga mata ko ng may isang winglong ang nagbuga ng apoy at nasunog ang isang puno.



"Mukhang mainipin ang mga ito." seryosong sambit ni dio.




"Dio,kyle at andres." seryosong tumingin ang mga ito sa akin.




"Maari ko ba kayong utusan?" tanong ko sa mga ito.




"Pwedeng-pwede, binibini."




"Ihagilap ninyo ang mga mata niyo sa bawat tao rito. Kapag kailangang tulungan, wag ng magdalawang isip pa." mahinahong sambit ko. Tumango naman ang mga ito. Kaliwa't kanan ang sigawan ng mga tao. Tumingin naman ako sa pamilya ni owen. Nakatingin ang lola niya sa akin.




"Kay lambing ng iyong tinig iha,  hindi ka natatakot sa mga winglong di'ba?" magalang na tanong sa akin ng lola ni owen. Nakakahiya man ay tumango ako.




Biglang tumakbo si andres sa punong nagaapoy, kinuha niya ang batang muntik ng mahulugan ng puno. Maging sina kyle at dio ay nawala rin.




Tatakbo na sana ako ng pigilan ako ng lola ni owen. Hinawakan niya ang pulsuhan ko.




"Magiingat ka iha." sambit niya. Tumango naman ako rito at tinignan si owen.




Tumakbo ako papunta sa isang ginang na hirap maglakad. Nagulat ito ng binuhat ko ito. Tumingin ito sa akin.




"Ikaw marahil ang napapabalitang binibing may dilaw na buhok."




"po?"




"Bali-balita iyon sa lahat, ang matapang na pakikitungo mo sa mga may kapangyarihan na siyang nagpabago sa mga ito." nakangiti ito habang hinahawakan ang buhok ko. Inilapag ko na ito sa isang sulok.




"Ah..hehe." napatawa naman ang lola sa nasambit ko




"Lola!" tawag ng isang batang hindi ko kilala.




Ilang saglit pa ang lumipas ng bumuga muli ang isang winglong ng apoy. Nagsigawan muli ang lahat. Lumipas ang ilang minuto ng may kakaibang hayop muli ang nagpakita




"ROAR!" mga oso








Nakahilera itong naglalakad papunta sa kakalapag lang na isang winglong. Nakatitig lamang ako sa panghuling dumating na oso na mas malaki sa lahat ng osong andirito. Tumingin ito sa direksyon ko. Kayumanggi ang  kulay ng mga ito. Tumahak naman ang pinuno ng oso sa pinuno ng winglong. Mukhang naguusap ang dalawang mababangis na hayop.



"Keylan man ay wala akong nakitang pangyayaring ganito.." tumingin naman ako sa lola.




"Bakit po?"




"Ang pagkikita at pagkakausap ng dalawang uri ng matataas at mababangis na hayop. Ang osong mabangis sa lupa at ang winglong sa himpapawid."




Tumayo ang pinunong oso. Ilang saglit pa ay naglabanan ang dalawa! Tumabi ang mga tao at tahimik lamang ang mga ito habang nanonood. Mas malaki ang winglong keysa sa oso.




Ipinikit ko ang aking mga mata.




"Ayoko ng ganito.." sambit ko sa sarili. Mukhang narinig ni lola ang sinabi ko.




"Maging kame ngunit wala tayong magagawa iha." hinawakan ng lola ang kamay ko.




Tumingin akong muli sa naglalaban na oso at winglong. Duguan na ang pinuno ng winglong at oso. Batid kung pantay lamang ang kakayahan nila ngunit walang tumitigil.




Napatingin ako sa isang bata ng mag 'hmm' ito. May biglang sumagi sa isipan ko.




"Lola, may instrumento po ba kayo?" Umulimg ito.




"Ako po binibini, mayroon." sambit ng isang lalaki. May ibinigay itong puting pluta (plaota) (flute) sa akin.




"Salamat. Ibabalik ko rin ito agad. "




"Anong gagawin mo diyan iha?" tanong sa akin ni lola.




"Ano po ba ang puso ng bayan ng oson?" tanong ko rito. Tumingin ito sa hawak ko at may hangang tumingin sa akin.




"M-Musika.." sabay na sambit ni lola, ang batang lalaki at ang ginoo.




Huminga ako ng malalim at nagumpisang maglakad. Bigla namang humarang sa daraanan ko si andres.




"Alam ko ang iniisip mo, pakiusap wag mong ituloy." umiling ako rito at ngumiti.




"Sabi nga sa isang pelikula, Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos. Kung hindi ngayon keylan pa?"




Ngumiti ito sa akin at umalis na sa harapan ko.




"Let's g!" sambit ni andres.




"Let's g!"

Continue Reading

You'll Also Like

172M 5.6M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
127M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
1M 42.3K 134
She keep souls but where? (COMPLETED) Rank #4 in Fantasy (Feb. 18, 2021) Rank #4 in Fantasy (April 13, 2021) Rank #1 in souls Rank #1 in stories (Jun...
12.2K 467 33
The Luna is a Villainess (Ongoing) Lilian Ledger is one of the Falcon Mafia's top assassins. She's well known for her code name 'Luna' in the undergr...