HELLO! ULET! TYPOS UP AHEAD GUYS. SORRY NATAGALAN ULIT ANG UD. PERO ETO NA NGA EH PAMBAWI HIHINESS!
THANK YOU SA LAHAT NG NAGFA-FLOOD VOTES GUYS! LABYU ALL!
KEEP SAFE GUYS AHH. DUMADAMI NA CASES NG COVID-19 SA PILIPINAS. INGAT KAYO!!!
Shaniah Jane's POV(Shane)...
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Parang boy version ko sya. Carbon copy nga ang tawag nila. Hindi halata sa itsura nya ang pagkatanda nya. At gwapo padin sya kahit na maputi na ang mga buhok nya!
Naglakad sya palapit sakin habang dala ang kanyang seryosong mukha. Hindi ko alam pero meron sa presence nya na nagssusumigaw na kailangan ko daw matakot sakanya.
Nang nasa harap ko na sya ay mas lalo ko syang natitigan. Ang kulay brown na brown nyang mata gaya ng sakin. Ang maputi nyang buhok na makapal padin. Ang mukha nyang maputi pa sa mukha ko, joke. Ang pilik mata nya na mahahaba at makapal nyang kilay. Don't forget his lips na mapula pula pa.
Matanda na ba talaga toh?
Bakit ganun? Mukhang may pinaburan si God dahil sa itsura nya. I mean, wala na itsura nya ang sa tingin ko na edad nya.
"Ilang taon ka na po?"
Agad akong napatakip sa bibig ko nang bigla nalang iyon bumuka at maglabad ng mga salita.
Wala pang limang segundo ay naabot na nya ang tenga ko saka iyon hinila palapit sakanya.
"Katapang mo talagang bata ka!"sigaw nya at mas hinila pa ang tenga ko.
Rinig at kita ko naman ang mga lalaki sa paligid namin na lihim at patagong tumatawa.
"Aray! Bitawan nyo po ako!"sigaw ko pa.
"At talagang sumisigaw ka pang bata ka ah!"sabi nya saka hinila ang ng isa pang matindi tindi ang tenga ko saka iyon binitawan.
Halos maiyak na ko sa sobrang sakit ng tenga ko. Ramdam ko ang init non at paniguradong namumula na din iyon.
"Mark lumapit ka dine."sabi ni Lolo.
Oo Lolo ko na sya. Halata naman sa itsura, kilos at pananalita. Di na ko magtataka kapag napagkamalang tatay ko sya.
Ay magtataka din pala ko.
Kasi nga maputi na buhok nya. Dapat na din ba kong magpa-puti ng buhok para tatay ko na sya?
"Ingat ka bro."
"Hahanda na namin kabaong mo."
"Condolence na agad."
"Taena tara na't tumakbo."
"Huh?!"
"Di na natin papanoorin ang huling sandali ni Mark sa mundo?"
Agad akong lumapit sa pwesto ng mga lalaking nagbubulungan. "Ano yon?"
Bahagya pa silang napatalon ng bigla nalang akong magsalita sa gilid nila. Yung iba napahawak pa sa dibdib nila na kala mo konting gulat nalang ay hihimatayin na.
"Manood ka nalang."sagot nung isa sa mga lalaking nagkauntugan kanina.
Nagkibit balikat nalang ako saka muling humarap kay Mark na kasulukuyang kinakausap si Lolo.
"Akin na ang baril mo."sabi ni Lolo.
Inabot ni Mark ang baril nya kay Lolo. Pansin ko ang panginginig ng kamay nya at ng mga tuhod nya na anumang oras ay magpapabagsak sakanya.
Ikinasa ni Lolo ang baril at walang ano anong inangat sabay paputok kay Mark. Lahat kami ay nagulat. Napadilat nalang ako at nasilayan ko ang nanginginig na katawan ni Mark habang nakatindig parin ang tayo.
Nakaangat parin ang kamay ni Lolo at seryoso ang mukha nya. Bahagya pang lumapit si Lolo kay Mark bago magsalita.
"Sa susunod na gawin mo yon sa apo, hindi lang yan ang aabutin mo."sabi ni Lolo sabay balik ng baril sa naginginig paring si Mark.
Humarap sakin si Lolo saka sya ngumiti. Ngayon, naglalakad na ulit sya palapit sakin. Di ko alam pero nakaramdam ako ng takot sa aura at presensya nya.
Meron kasing bagay kay Lolo na hindi mo nakikita pero nakakapag-intimidate sayo. Parang may nagsasabi sakanya na.
"Matakot kayo sakin! Kaya ko kayong patayin lahat!"
Nang huminto sya sa harap ko ay muli nyang inangat ang kamay nya. Bigla naman akong napatakip sa tenga ko sa takot na baka mapingot na naman nya ko.
"Pffft hahaha!"tawanan ng mga tao sa paligid ng bahagyang matawa si Lolo.
Napatanggal ako sa kamay ko na nasa tenga saka kinuha yung swiss knife na nasa gilid ng binti ni Lolo at hinagis iyon sa gawi ng mga lalaking nagtatawanan.
Lahat sila ay nagulat dahil sa ginawa ko. Hindi ko naman sila pinatamaan. Parang pinadaan ko lang sa gawi nila.
Nanahimik silang lahat sabay yuko. Ang iba ay nagbubulungan at nagtsi-tsismisan pa.
"Grabe, parehas talaga sila ni Master."
"Sinabi mo pa."
"Ang astig nya!"
"Sana ol!"
Umayos na ko ng tayo sa harap ni Lolo saka nagseryoso ang mukha. Ganun din ang ginawa ni Lolo.
"Alam mo bang hindi ko ine-expect na makukuha ka nila?"tanong sakin ni Lolo. "Kilala kita Shaniah mula ulo hanggang paa. Hindi ka nila mahuhuli ng ganun ganon lang."
"Plano ko ho talaga na magpahuli para dalhin nila ko sa kuta nila. Hindi ko din po ine-expect na kayo ang makikita ko."seryosong sagot ko.
Saglit kaming natahimik. Hindi ko alam ang sunod na nangyari pero naramdaman ko nalang ang braso ni Lolo at ang mahigpit nyang yakap sakin.
"Alam mo bang matagal ko nang gustong gawin sayo toh?"sabi nya.
Gumanti ako ng yakap sakanya. Kahit papano naman ay gusto ko rin makaranas na magkaron ng Lolo na gaya ko. I mean, gaya kong mahilig sa investigation keneme.
What?!
Did I just say 'keneme'?! Yahhh sh*t OMG!
Waaaaah!
Tapos ngayon OMG naman?! What is happening to this earth?!
"You're spacing out Shaniah."sabi ni Lolo sabay pilantik ng daliri nya.
"S-Sorry..."utal na sabi ko.
Ngayon alam ko na. Alam ko na may problema sakin! Bakit nautal ako?! Una nag 'keneme' ako which is a girl thing na ayokong sinasabi noon. Tapos OMG naman. Yung mga karaniwang ekspresyon ng mga babae pag kinikilig at lastly, nautal ako kingina!
Nagulat nalang ako ng pitikin ni Lolo ang ang noo ko. Napaamba ako sakanya pero hindi ko naman natuloy.
"Sige subukan mo."nakangising sabi ni Lolo.
Binaba ko ang kamay ko saka hinimas ang noo ko at tiningnan nalang sya ng masama.
Isa lang ang alam ko at sigurado ako. Ay dalawa pala.
Una, Lolo ko talaga sya, sure na wala nang bawian. At pangalawa, waaaaah! Nagiging babae na ba ko?!
Wait what?!
++++++++++
Nagiging babae na daw sya shuta wahahaha! Babae ka naman talaga gurl! Duh! Di lang halata pero may ano ka noh!
Anyways. Thanks for reading. Road to 20k reads na ang TGP:Book 1 at road to 2k naman ang Book 2. Yehey!
Keep on reading and supporting my stories guys. Gusto nyo bang gumawa ako ng FB group? Wahahaha! Nagpaplano din ako gumawa ng OP characters sa FB eh wahahaha!
Thank you for reading. Please do vote, comment and share sa mga friends nyo, recommend din pag may time. Thank and love you! <3
Author's FB account: Loriginal Lorreyyn
Add nyo ko sa FB guyseu!