J I N
Week passed very fast, sa loob ng dalawang linggo ay inabala ko ang sarili ko sa mga bagay na dapat kong pagtuunan ng pansin.
Tama si Jarred, na hindi dahilan ang pagkawala ng pangarap ko upang hindi magpatuloy sa buhay. There are so many ways to cope up. Napakaraming opportunity na kailangan kong i-grab.
Nalaman na rin nina Mama at Papa ang pag-alis ko sa Engineering program and of course I did not spilled to them the real reason why I chose to give up my dream course. Basta ang sinabi ko lang na nahihirapan na ako rito, which is not true. I don't want to make them worried about my situation.
Naging abala ako sa paglalakad ng mag papeles ko and of course sa pagpasok sa part time job as a crew to Primera Daily Café.
Sa ngayon ang problema ko na lang ang papasukan kong faculty. Ang tanging nago-open ng slot for shifter ay bilang lang sa daliri. I thought madali lang ang pagdaraan ng mga shifter na tulad ko pero hindi pala. Nakakaubos ng lakas at sobrang nakakapagod ang maghabol ng mga taong pipirma ng mga papers mo.
Gutom at oras ang kalaban ko, dahil laging wala ang Dean ng dati kong Faculty or baka naman pinagtataguan lang talaga nila ako? Hindi ko siya natyetyempuhan kung pwede nga lang sana ay dito na ako matulog sa labas ng office niya para maabutan ko siya kung saan man ito nagsusuot.
Subalit God is good talaga, sa awa niya ay natapos ko rin itong mga papers ko.
Habang naglalakad ako pababa ng Computer Aid room ay agad na umakbay sa akin at sinabayan ako nito sa paglalakad. Ma-miss ko itong gagong 'to.
"Alam kong ma-miss mo 'ko kaya nagpakita na ako sa'yo ngayon. Pa-kiss nga ako." mahangin nitong saad at saka umaktong ngunguso sa akin nang harangan ko ito ng dala kong plastic envelop.
"Gago! Nababakla ka na naman sa akin" natatawa kong saad na nagpanguso dito lalo. Nagkuwento lang ito ng kung anu-anong kalokohan niya sa buhay at syempre namin, sa kaunting panahong pagsasama namin ay halos kapatid na nga turing ko rito.
"Teka anong program ba ang pinasok mo?" bigla niyang basag sa kalagitnaan ng mga kuwentong siya rin ang pasimuno.
Oh yeah, Faculty of Nursing, Communication Arts, Public Administration and Architecture lang ang mga nag-open for shifter, kaya pinag-isipan kong mabuti ang papasukan ko na siguro ng pangmatagalan.
Ekis na agad sa akin ang Arki, kahit na magkasing lapit lang sila ng future ng Engineering but the fact na naroon ang taong halos isumpa ko na at makakasalamuha—NO WAY!
Isinusumpa ko ang kursong iyon.
Ayoko rin naman sa Nursing, I am also afraid sa mga injections or any related to medical kit, baka mauna pa akong mamatay sa mga pasyente ko kung sakali HAHAHA. Just kidding.
"Oh tulaley gurl?" napabulanghit ako ng isang malakas na tawa sa bigla niyang sabi.
Saan naman nito napupulot ang mga gay lingo term na iyon. Mukha kasing inipit na palaka ang boses ng gago at medyo bilog na malambot pa ang tono nito, habang naka-cross arm pa siya na bading na bading ang datingan ng gago.
"Saan mo naman natutunan 'yang mga 'yan?" Tanong ko sa kabila ng pagtawa ko at saka pinunasan ang mga luha sa gilid ng mata ko sa sobrang tuwa.
"Kaya Fransha" Ngiting-ngiti niyang saad kaya bigla ko siyang binatukan.
Sino naman si Fransha? Bagong fling na naman siguro ng gago.
Tinaasan ko ito ng kilay.
"Okay fine Bro, Syota ko si Fransh from Business Ad ang major niya." mabilis niyang bawi at nakita ko ang pag-puso ng mga mata nito. Hindi literal pero may ningning dito na ngayon ko lang nakita kay Jarred.
Mukhang tinamaan na talaga ang gago. Sana nga magtino na siya para naman matigil na ang pagiging palikero nito.
"Gago Bro, huwag mong ibahin ang usapan. So saan ka nga? Para namang madalas kitang madalaw"
"Faculty of Communication." sabi ko sa kaniya napahalakhak naman ito sa sinabi ko.
"Bumigay ka na talaga Bro, eh pambading 'yang program na 'yan eh." Sinuntok ko ito sa braso sa sinabi niya. Gago talaga.
Hindi ko alam kung bakit ko naisipang mag-enroll dito sa kursong ito. Bukod sa tanging Dean lang nito ang madali kong napakiusapan at tumanggap, and of course hindi lingid sa akin na namamangha ako sa mga taong magaling magsalita in public at saka 'yong mga film maker nowadays. I'm an avid fan of Hollywood film.
Siguro ito iyong sign ni God na kailangan kong sundan.
Nagpaalam na si Jarred sa akin dahil may pasok pa ito at nagbigay siya ng Goodluck statement sa panibagong journey ko sa buhay. Sabay dagdag pa ng loko na magseryoso na raw ako sa buhay ako kaya nakatanggap siya sa akin ng batok.
Coming from him HAHAHA
.
Today is Saturday kaya nandito ako sa duty ko sa café, hindi naman gaanong dagsaan ang mga tao tulad lang ito ng mga normal na araw. Habang busy ako sa paglilinis sa mesa na pinagkainan ng mga customer namin ay biglang akong napangiti.
Isang magandang balita kasi ang natanggap ko kaninang break ko sa work, dahil simula sa Lunes ay papasok na ako sa Faculty of Communication Arts. Kaya ngayon good vibes ang nararamdaman ko and hopefully walang sisira n'on ngayon.
Matapos ang gawain ko ay nagtungo na ako sa kusina na kung saan nandoon ang sink, naisipan ko na ring hugasan ang mga ito habang wala pa akong ginagawa.
Ilang linggo na rin pala ang lumipas magmula nang engkwentro namin ng Arki na 'yon. Wala na akong balita sa kaniya and wala akong balak na makibalita pa sa kaniya.
Napabuntong hininga ako. Bakit ko ba siya iniisip. Umiling-iling ako sa mga umiikot sa isipan ko.
Pinagpatuloy ko na paglilinis ko, nadatnan pa ako ni Ate Catrina—siya ang aming dishwasher.
Pinagsabihan niya akong iwan na lang ang mga 'yan at siya magtratrabaho kaso ang sabi ko magpahinga muna siya kasi alam kong ilang oras na siyang nakatayo baka makasama sa baby niya. Oo, she's four month pregnant, parang nanay na nga rin ang turing ko sa kaniya tulad ng Boss kong si Ma'am Gin.
Speaking of the angel.
"Jin? Hinahanap ka ni Ma'am Gin sa office niya." Biglang sulpot naman ni Kuya Henry—siya naman ang aming kusinero at asawa ni Ate Catrina.
Nagkuskos ako ng kamay at nagpaalam sa kanila nakita ko pang pinaupo ni Kuya Henry si Ate Cat sa isang silya, saka na ako lumabas ng kusina naabutan ko pa sa Cashier si Ate Beth, ngumiti ako rito na tinugunan niya ng tango.
Habang nakita ko naman sa paglakad ko papunta sa office ni Ma'am Gin na abala naman sina Jeff at Josh sa dine in at naga-asikaso ng mga customer.
Bago ako makarating sa office ng Boss ko ay narinig ko pa ang pagtunog ng pintuan ng Café tanda na may pumasok o lumabas na customer. Hindi ko na ito inabala pang nilingon at pumasok na ng tuluyan sa office ni Ma'am Gin.
"Hello po, Ma'am Gin! Pinatawag niyo raw po ako?" bungad ko siya kaniya na abala sa pagta-type sa kaniyang laptop. Napatungo ito at saka biglang ngumuso na tila nagpapa-cute na tumingin sa akin.
Sinarado niya ang laptop niya at sinabihang umupo sa bakanteng upuan sa tapat ng table niya.
"Ano pong atin, Ma'am?" tanong ko ulit pero kurot sa magkabila kong pisngi ang naging sagot niya, pinanggigilan niya ito, lagi niya itong ginagawa sa tuwing magkikita kami kahit saan kahit sa harap ng customer namin at sa mga kasamahan ko sa trabaho, na tinatawanan ko na lang.
Hindi naman masakit ang paulit-ulit niyang pagpisil dito, ngumiti lang ako ng pilit nang bitawan niya ang mga ito.
"Bakit ang kyut-kyut mo, Jin" Out of nowhere niyang bigkas.
Hindi ko alam kung ako ba sinabihan niya o ang sarili niya. Haist, ang hirap magkaroon ng same name.
"Ampunin na lang kaya kita" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya alam ko namang biro 'yon pero hindi pa rin ako sanay sa mga biro ni Boss ko.
Humalakhak lang ito ng malakas kaya napatawa na rin ako.
"Just kidding, Jin. Anyway, ipinatawag kita kasi gustong personal na sabihin sa iyo na malapit ng umuwi si Dada galing France..." Simula niyang sabi patungkol sa Fiancé niya. One year nang engaged si Ma'am Gin sa Boyfriend niyang Foreigner.
Mataman lang akong nakikinig dito.
"You know naman malapit na ang kasal namin but before kami lumipad pa-Paris para magpakasal gusto kong ipabago itong design ng Café kaya pansamantala muna tayong magko-close, pero don't worry malayo pa naman 'yon so for now pinag-iisiipan pa namin 'yong interior design na babagay dito." Marami pang sinabi si Ma'am Gin patungkol sa balak niya.
Naiintidihan ko naman ang gusto ni Ma'am sa dami ng mga kakompitensya niya sa ganitong business kailangan laging kaaya-aya sa paningin ng customer ang papasukan nila.
Tumango lang ako rito at saka nagpaalam ng umalis pero bago ako nito pinaalis ay nilamog niya ulit ang magkabilaan kong pisngi.
Pagkalabas ko sa office ni Ma'am Gin, nakita kong puno na naman ang Café ng tao kaya hindi magkamayaw ang mga kasamahan sa pag-aasikaso sa mga 'to.
Mabilis ang kilos kong lumapit sa counter at tumulong.
"Jin, pa-serve na itong mga Frappé at Nachos sharing sa table 13" sabi ni Kuya Henry.
Agaran ko itong kinuha at naglakad papunta sa table na malapit sa may salamin na pader.
Nang makalapit ako ay nagulat ako ng makita ko si Odessa rito, habang kinakalkal ang phone niya. Nahagip ko rin ang isa pang phone na nakalapag sa tapat na upuan nito. Tanda na may kasama siya.
Todo ngiti akong lumapit at bumati rito at saka inilapag ang order nila.
"Here are your Mocha and Matcha flavored frappé and Two Nachos sharing, Ma'am!"
"J-Jin? Oh Gosh! JIN IS THAT YOU?" Tili niya na habang pinakatitigan ako. Tumango lang ako rito at saka ngumiti.
Nakita kong tila may ibinulong ito na kung ano at saka biglang nangisay na tila kinikilig.
Tinanong ko pa ito kung may kailangan pa siya pero hindi ito sumagot at tila manghang-manghang tinititigan ako tulad ng pagtitig niya sa akin nang mapunta ako sa Faculty niya.
Akmang aalis na ako ng tawagin niya akong muli.
"Jin can you stay for a while, please. Nag-CR kasi 'yong kasama ko kaya wala akong makausap Please, Jin. Please..." nagpapakyut nitong sabi at nag-puppy eyes.
Haist, bakit ba ako pinapalibutan ng mga babaeng ganito.
"Don't worry pabalik na rin for sure si Kiel. Anyway, kumusta ka na?" Pambasag niya ng katahimikan dahil hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Napakamot na lang ako ng ulo.
"Ayos lang naman D—"
"Des?" napasinghap ako ng marinig ko ang boses na 'yon. Ramdam ko ang presensya nito na palapit sa kinaroroonan namin na nagpanginig sa sistema ko.
Halos mapasinghap ako nang mapansing nasa tabi ko na ito.
Hindi ko na ito inabala pang tignan bagkus ay nagpaalam na ako kay Des, At dali-daling tumalikod baka hindi ko mapigil ang sarili ko at makagawa pa ng gulo.
Nang makailang hakbang na ako ay saka ko pinakawalan ang malalim na hiningang kanina ko pa halos hindi magawa.
Ramdam ko ang mga titig sa likod ko. Alam kong sinundan niya ako ng tingin dahil ramdam ko ang mga ito.
"Oh, bakit nakasimangot ka riyan? Malas kaya 'yan sa business, Jin." pagpansin sa akin ni Ate Cat nang makapasok ako sa kusina,
"Sorry, Ate may nakita lang akong hindi kanais-nais" sagot ko rito.
Napansin kong ala-sais na pala ng gabi, tapos na ang shift ko nang tumunog ang suot kong wristwatch, kaya nagpaalam na ako sa mga kasamahan ko at tumungo na sa staff room para magpalit na ng suot.
"Ang gwapo talaga ni Art. Feeling ko nababasa ako sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti" tinig ng isang babae sa labas ng room na kinalalagyan ko ngayon.
I saw Denny entered the room—siya naman ang kapalitan ko sa trabaho. Tulad ko ay isa rin siyang working student na nag-aaral sa kabilang university. Kasama niya si Josh na nakabusangot ang mukha.
Natuwa naman ako sa nasaksihan ko dahil alam kong matagal ng may gusto si Josh kay Denny. Mukhang nagseselos ang nauna.
Ilang minuto lang kaming nagkumustahan sa ganap namin sa buhay, sa aming kuwentuhan ay puro siya banggit ng pangalan ng lalakeng 'yon.
"Pero mukhang wala akong pag-asang mapansin niya ako. Ang sweet-sweet nila n'ong kasama niya." Huling saad nito bago lumabas ng staff room.
Kinulit pa siya ng makailang beses ni Josh bago sila nawala sa paningin ko.
Matapos kong mailagay sa bag ko ang gamit ko ay bigla namang sumagi sa akin ang mga samu't saring mga bagay.
He's not gay?
Bakit may magandang syota naman pala ang tarantado pero nanghahalik pa ng lalaki. Trip niya lang ba?
Ay sht*t! Ano ba 'tong pinag-iisip ko.
Baka kung ano pa ang sumagi sa isip ko ay minarapat ko na lang na mag-out na.
Sa harapang bahagi na lang ako ng Café dahil madalas ay doon dumaraan ang mga bus pa-Norte.
Nadaanan ko pa ang ilang mga table na wala ng customer na nakaupo at hindi ko sinasadyang mapabaling ng tingin sa may pader. Wala ng tao roon.
Lumabas na ako ng Café at naglakad pa ng ilang hakbang papunta sa tamang sakayan bitbit ang shoulder bag ko. Ilang minuto pa akong naghintay doon pero lahat ng mga dumaraan ay puno, marami na ring mga naka-standing. Minarapat ko na lang na maghintay pa, rush hour pa man din ng ganitong mga oras.
Halos matakpan na ng itim na kalangitnaan ang kulay kahel na kanina lamang ay sumisilip pa. Kasabay nito ang sunud-sunod na pagbubukas ng mga lamppost sa gilid ng daan.
Isang nakakapagod na araw na naman ang natapos.
Habang nag-iinat ako ng mga braso ko ay bigla na lamang may tumabi sa aking isang itim na kotse. Pinagsawalang bahala ko na lamang ito baka may ibinaba lamang ito, pero nagulat ako nang bumusina ito ng ilang ulit kaya napabaling ako ng atensyon dito.
Isang lalaki ang nasa loob at nang ibaba nito ang salamin nito ay bumungad sa akin ang seryosong mga mata ng isang lalaking kailangan kong layuan.
Art.
Muli ay hindi ko ito pinagtuunan ng pansin bagkus ay nagkunwari akong tumitingin sa daan kung may paparating ng bus. Pero mukhang nananadya ang tadhana, ayaw niya akong pagbigyang makalayo rito sa taong ito.
Halos gusto ko ng tumakbo nang bigla itong bumaba sa sasakyan niya at nakapamulsang lumakad palapit sa akin. Sa bawat paghakbang niya ay ang biglang paghuhumirentado ng puso ko. Sobrang bilis na tila hinahabol ng kung sinong masamang loob.
"Come on, I'll send you home" prente niyang utos. Oo, 'sing tigas ng bato ang pagkakasabi niya walang emosyong ipinapakita. Bossy kahit kailan.
Hindi ako sumagot dito at nanatiling nakatayo tila walang narinig.
Nakita kong akmang hahawakan niya ako pero agad akong humakbang paatras at saka siya hinarap na may sama ng tingin. Kung sigurong nakakamatay lang ang mga tingin ko kanina pa ito nakahandusay. Nakita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at huminga ng malalim sa hindi malamang dahilan.
Bago pa ito makapagsalita ay inunahan ko na ito.
"I can manage to go home. So please, BACK OFF!" Madiin ang huling dalawang salita ko na tiyak kong mararamdaman niya ang inis ko sa kaniya. Nakipagtitigan ako rito.
Nakita ko kung paano nagbago ang emosyon ng mga ito mula sa seryoso ay bigla itong nahaluan ng lungkot at pagkadismaya.
"Jin, let's talk. I can explain everything" Muli na naman akong nainis ng banggitin niya ang mga bagay na iyon. Ano pa bang ipapaliwanag niya? Malinaw naman na ang lahat sa akin.
"I don't need your fvcking explanation. Habang kaya ko pang pigilan ang sarili ko, please umalis ka na."
Nagmamakawa ang mga mata nito at kita ko pa ang pagkuyom ng mga kamao niya na naging dahilan ng paglalabasan ng mga ugat niya sa braso.
Muntikan na akong himatayin sa gulat nang mabilis pa sa alas kwatro niya akong binuhat at tila bigas na isinukbit sa balikat niya.
"FVCK YOU ART! IBABA MO AKO! GAGO KA!" Sigaw ko but he didn't respond. Lumakad lamang ito palapit sa kotse niya habang buhat-buhat ako na para bang balewala sa kaniya ang bigat ko.
I tried to hit his back pero parang wala lang sa kaniya. Halos katayin ko na siya sa isip ko when he hit my butt too.
Pvtangina!
Ilang saglit pa ay hindi ko namalayang naipasok niya ako sa loob ng kotse niya and he slammed the door and even locked it. Todo-todong mura ang inabot niya sa akin nang pumasok na ito sa driver seat na katabi ko.
"ANO PA BANG GUSTO MO!" sigaw ko rito habang patuloy na pinipilit buksan ang pituan ng kotse niya.
"You are asking me kung anong gusto ko?" Kunot noo at seryoso niyang tanong habang may kung anong emosyon ang nakaukit sa buong mukha niya lalong-lalo na sa mga mata nito. Tila may kung ano itong gustong ibulalas.
Napalunok ako sa kung paano niya ako titigan. Tagos na tagos ang mga ito na halos magpabusal sa bibig ko upang hindi makapagsalita.
Ngayon ko lang ang mga bruised niya sa ilalim ng kaniyang labi.
Tumahimik ang paligid. Walang gustong magsalita maging ako ay tila nawalan ng mga salita.
Ramdam ko ang labis na pagkabog ng dibdib ko na dahil ba sa kaba o takot? Hindi ko maipaliwanag kung ano ito. Kaya mas pinili ko na lamang na ibaling ang tingin sa labas ng windshield.
Lumipas ang ilang minutong puno ng nakakabinging katahimikan, subalit hindi pa rin kami nakakaalis sa kinalalagyan namin.
"I'm so sorry, Jin" Pagbasag niya katahimikan mababakas ang sinseridad sa kaniyang sinabi kung kaya't napalingon ako sa kaniya.
Again his eyes met mine, sa sitwasyon namin ngayon hirap na hirap akong ibaling ang mata ko sa ibang direksyon. Para bang bigla na lamang nag-locked ang mga mata ko rito.
Sh*t! Ano bang puso ka, manahimik ka muna.
Wala na akong marinig kun'di ang kabog nito. Hanggang sa Hawakan niya ang magkabila kong pisngi at saka ngumiti sa akin. I was amazed, it was my first time to see him smile. Ang ngiting walang bahid ng kaseryosohan but a real and genuine one.
"I will do everything para mapatawad mo 'ko." Wala na talaga akong maapuhap na mga salitang pwede pang sabihin sa lalaking kaharap ko ngayon.
Sobrang bilis ng mga pangyayari, hindi ko namamalayang in just a quick second, I felt his lips touching mine.
_
VOTE | COMMENTS | SHARE