I Love You My REBOUND

By glendaiam

26K 897 12

This is the story of two persons na hindi mo aakalaing magkakasundo. Gamitan dito, gamitan dyan Acting dito... More

PROLOGUE
CHAPTER # 1: START
CHAPTER # 2: MY REBOUND
CHAPTER # 3: BOYFRIEND? GIRLFRIEND?
CHAPTER # 4: GETTING TO KNOW
CHAPTER # 5: FIRST DATE
CHAPTER # 6: THE TRIP
CHAPTER # 7: MY REBOUND AND MY EX
CHAPTER # 8: VACATION
CHAPTER # 9: I CARE
CHAPTER # 10: PARTY
CHAPTER # 11: HER PAST
CHAPTER # 12: JERSON
CHAPTER # 13: BOY TALK!
CHAPTER # 14: LYRA
CHAPTER # 15: HINDI PWEDE
CHAPTER # 16: THE GAME
CHAPTER # 17: SHE WANTS ME BACK
CHAPTER # 18: BACK TOGETHER
CHAPTER # 19: SANA
CHAPTER # 20: GIRL TALK
CHAPTER # 21: PANO NA?
CHAPTER # 22: PROBLEMA ULIT
CHAPTER # 23: COURTING
CHAPTER # 24: SI MOMMY
CHAPTER # 25: SEARCH
CHAPTER # 26: HOPE
CHAPTER # 27: ANO?
CHAPTER # 28: FINALLY, BUT!
CHAPTER # 29: THAT DAMN TRUTH
CHAPTER # 30: SEMBREAK
CHAPTER # 31: MOTHER & SON
CHAPTER # 32: SLAPPED
CHAPTER # 33: THE CALL
CHAPTER # 34: ALMOST PERFECT
CHAPTER # 35: FEBRUARY
CHAPTER # 36: VALENTINES PARTY
CHAPTER # 37: MY WISH
CHAPTER # 38: HER SPECIAL DAY
CHAPTER # 39: HER SMILE
CHAPTER # 41: SICKNESS
CHAPTER # 42: PANIRA
CHAPTER # 43: BAD NEWS
CHAPTER # 44: CONDOLENCES
CHAPTER # 45: GOOD NEWS
CHAPTER # 46: I'M AWAKE
CHAPTER # 47: NECKLACE
CHAPTER # 48: BEST DATE
CHAPTER # 49: LEAVING
CHAPTER # 50: HER TEARS
CHAPTER # 51: BAD FEELINGS
CHAPTER # 52: HULING HIRIT
EPILOGUE

CHAPTER # 40: HOSPITAL

283 14 0
By glendaiam


=>RAIN'S POV<=

Nang magsiuwian ang mga bisita naiwan kaming magbabarkada. Ewan ko kay at Yhan pero mukhang dahil lang sa pagkain.

"Ayan Ulan, legal age ka na, pwede na ba?" natatawa tawang tanong ni Marty sakin

"Pwede nang ano?"

"Wala, never mind, pwede ba ulit kumain?" tanong nya na naman. Tumango na lang ako as an answer.

"Asan jowa mo? Asan gift nya sayo? Patingin na dali" sabi bigla ni ate Yhan.

Napaisip ako, asan nga ba? Meron ba? I try to look for his gift pero, napaisip ako, wala naman syang inabot sakin.

"Kapatid, nasan na?" sabi ulit ni ate Lj sakin.

"Wala naman syang inabot sakin" sagot ko sa kanila.

Mga itsura nila ng malamang walang gift si Jhaydee sakin parang sila pa yung nadismaya, ah.

"Ano? Bakit naman wala, nasan na ba si Jhaydee?" tanong naman ni Marco.

"Parang kanina nung inaayos namin yung venue mas excited pa sya, ah, tapos nung party na parang pagod na pagod na sya" sabi naman ni kuya Ivo.

Naalala ko nung sumasayaw kami kanina for 18 roses, parang hirap na nga sya huminga. Parang iba talaga yung aura nya. Dati halos paandaran ako ng mga sweet words nya, while kanina parang hirap sya magsalita.

I think there is something wrong with him.

"Asan ba si Jhaydee?" biglang tanong ko dito sa mga kasama ko. I want to talk to him.

"May dumaang anghel? Ang tahimik nyo?" sabat bigla ni Marty na may dalang isang platong puno ng pagkain.

"Ang konti nyan, ah" pangaasar naman ni kuya Ivo sa kanya.

"By the way, nakita mo ba si Jhaydee?" tanong ni Marco sa kanya. Tinuro naman nya yung way palabas using his lips.

"Saan ba?" inis ko namang tanong. Kasi naman tinatanong kain ng kain, eh.

"Sa may labas, may kukunin lang daw sya sa kotse" sagot nya habang may laman ang bunganga.

"Go, puntahan mo na, mag-usap na kayo" sabi ni ate Lj saka ako tinutulak palayo kasama si Marco.

"Bakit sila maguusap!? Magkaaway ba kayo?" tanong ni Marty. Tinignan sya ng masama nila kuya Ivo.

"Kumain ka na lang nga" saway ni ate Yhan sa kanya saka ako tinanguan at sinenyasan na umalis na.

Lumayo ako sa kanila. Hinanap ko yung boyfriend ko na after ng paguusap namin kagabi, eh, hindi ko na nakausap ulit.

Nang makalabas ako nakita ko syang naka sandal sa kotse nya habang nakapamulsa at nakatitig sa sapatos nya.

Ayoko syang istorbohin dahil mukhang malalim ang iniisip nya. Pero dahil sa expressionless nyang mukha mas nabahala ako.

Hindi pa man ako nakakababa sa tatlong step na stairs, nagsalita na ko.

"Is there something bothering you?" pagbasag ko sa katahimikan.

Binigyan nya ko ng isang sobrang sweet and wide smile na kahit kelan, eh, hindi nya pa naibibigay sa akin.

Bumaba ako para lumapit sa kanya, agad naman nyang hinawakan ang mga kamay ko ng makalapit na ako sa kanya.

"Happy 18th birthday, mhie" sabi nya saka ako binigyan ng isang halik sa forehead ko.

Napangiti ako sa ginawa nya. Pero napansin kong masyadong malamig yung kamay nya.

"Dhie okay ka lang ba?" diretso kong tanong. Tango at ngiti lang ang sagot nya.

"May sakit ka ba?" tanong ko ulit, umiling iling lang sya.

"Pagod ka?" tanong ko ulit. Iling na naman ang tanging sinagot nya sa akin.

"Eh, bat parang ayaw mo magsalita?" tanong ko na naman.

"Sorry, I just can't find the right words to say what I wanted to say" sagot nya sakin.

"Ano ba kasi gusto mong sabihin?"

"Hindi ako nagwish kanina for you. Kaya ito na" huminga muna sya ng malalim,

"Mhie, wala na akong mawi-wish for you kasi you have everything. A loving parents, a cute couple of friends, and a good looking, lovely and caring boyfriend. So ang wish ko na lang ay sana, wag ka magsasawa sakin. Wag kang magsawang mahalin, intindihin at alagaan ang makulit pero mabait mong boyfriend" sabi nya.

Habang nagsasalita sya nakatitig lang ako sa maamo nyang mukha.

But then I realize something.

Bakit parang ang daming tinatago ng mga mata nya. Parang sinasabi nya na, hindi ko pa alam lahat ng bagay tungkol sa kanya.

"Thanks, and I swear hinding hinding hindi ako magsasawang mahalin at alagaan ka" sabi ko, he just smiles at me and give me a quick kiss.

"Legal age ka na starting tomorrow, anong plano mong gawin?" he asked. Nginitian ko sya saka tinignan yung kamay nya na nakahawak sa mga kamay ko.

"Gusto ko mag road trip" sabi ko. Napangiti sya at ginulo yung buhok ko.

"Yun lang?" tanong nya.

"Food trip" sagot ko ulit. Hinila nya ko palapit sa kanya kaya ngayon, magkayakap na kami.

"Lahat ng mga 'trip' gawin natin" dagdag ko ulit.

"Kahit anong gusto mong gawin bukas gagawin natin" sabi nya. Habang mahigpit na nakayakap sa akin.

"Bukas lang?" reklamo ko pa.

"Araw-araw, ano pwede na ba yun?" tanong nya. Tumango lang ako.

Nagtagal kami ng halos half an hour na magkayakap, at kung anu ano lang ang pinaguusapan.

Kaya ng makaramdam na ko ng sakit ng leeg, bumitaw na ko sa pagkakayakap sa kanya...

"Tara na sa loob" aya ko sa kanya.

Nakakaisang hakbang palang ako ng bigla nya akong yakapin mula sa likod ko.

"Lets just stay like this for a while" sabi nya habang nakayakap.

Hinawakan ko yung kamay nya na nasa tyan ko. Malamig pa rin ang mga ito, kaya hinigpitan ko ang pagkakahawak dito. After a few minutes inalis ko na din.

"Balikan na natin sila" sabi ko saka sya hinila pabalik sa loob.

Nang makita ko yung limang nagsisikainan ulit, tumakbo ako palapit sa kanila.

"Mhie wait" tawag ni Jhaydee, pero, dahil hindi ako nakakain ng maayos kanina hindi ko muna sya pinansin.

"Pakain din" sagot ko, habang busy kami kakakain, nawala na sa isip ko si Jhaydee.

"Uy nakapag-usap na ba kayo?" tanong bigla ni ate Lj. Dun ko lang ulit naalala si Jhaydee.

"It---" nagulat ako ng wala akong makitang Jhaydee sa likod at sa magkabilang gilid ko.

"Si Jhaydee ba yun?" tanong ni Marco na nakaturo sa isang nakahigang lalaki sa may pinto.

Napatakbo ako papunta don at halos manginig ang buong katawan ko sa nakita ko.

"Jhaydee!!!!!! guys tulong, dalhin natin sya sa hospital!!!!!" sigaw ko.

Agad syang binuhat nung apat at sinakay sa van na dala ni ni Marco.

"Anong nangyare?" tanong ni ate Yhan.

"Kuya Ivo, bilisan mo pa please" sigaw ko kay kuya Ivo na nagmamaneho.

"Walang dugo, ano inatake sya ganun?" sabat ni Marty.

Ang bilis pero mahina ang tibok ng puso nya, pinagpapawisan din sya.

Namumutla at malamig ang kamay nya kaya hinawakan ko ito ng mahigpit.

"Tange, pano aatakihen, bakit may sakit ba sya sa puso?" pambabara naman ni Marco kay Marty.

"So pano nga natin ipaliliwanag to?" sabi nya habang nakatingin kay Jhaydee.

"Jhaydee, Jhaydee, wake up, ano ba nangyare sayo?" sabi ko habang mahigpit na hawak ng kamay nya.

Pakiramdam ko mawawalan ako ng malay ng hindi oras sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kong ano bang nagyare kay Jhaydee. Wala ni isa samin ang nakakaalam.

Nang makarating kami sa hospital, halos mabingi yung mga nurse na nag assits sa amin dahil sa pagtitili ni ate Yhan, Marty, ate Lj at Marco.

Hindi namin alam ang nangyare kay Jhaydee pero ang nakapagtataka may doctor na lumapit agad samin at kilala sya.

"Anong nangyare kay Mr. Kim?" bungad nya samin. Lahat kami halos walang maisagot, dahil nga hindi namin alam kung ano talaga ang nangyare.

"Hindi pa namin sinasabi yung name ng patient, bakit kilala nyo na sya?" nagtataka kong tanong dun sa doctor.

"Dalhin agad sa E.R" utos ng doctor. Hindi nya pinansin o sinagot man lang ang mga tanong ko.

Continue Reading

You'll Also Like

393K 53.3K 137
ပြန်သူမရှိတော့ဘူးဆိုလို့ ယူပြန်လိုက်ပြီ ဟီးဟီး ဖတ်ပေးကြပါဦး
61.5K 1.9K 41
What if you met the Six Princes? What if one of the princes that you've met becomes your fiance? What would happen if the two of you didn't know each...
19.9K 252 12
paisley is four years old and is the daughter of taylor swift and harry styles.
9.5K 328 62
𝗂𝗇 𝗐𝗁𝗂𝖼𝗁 𝗂 𝗉𝗈𝗌𝗍 𝗌𝗈𝗆𝖾 𝗀𝗂𝖿𝗌 𝖿𝗈𝗋 𝗒𝗈𝗎𝗋 𝗐𝗋𝗂𝗍𝗂𝗇𝗀 𝗇𝖾𝖾𝖽𝗌