Avirille's POV
I've been staring at the sky for almost ten minutes, watching how stars sparkling and how the moon shines to lighten up the darkness.
Narito ako sa veranda ng rest house na tinutuluyan namin ni Kinoah. Alas-onse na ng gabi but I'm still here, awake and alive.
Wala na rin sila dito at tanging kami na lang ni Kinoah ang natira. Ang sabi kasi nila paniguradong magiging busy na kami sa mga susunod na araw kaya ngayon pa lang mag-enjoy na kami na kaming dalawa lang habang hindi pa kami mag-asawa.
Napatitig ako sa singsing na nakasuot ngayon sa kamay ko. Hindi pa ako nakuntento at itinaas ang kamay ko saka ulit ito tinitigan.
Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging ganito rin kaayos ang lahat.
I never thought that the man who always mocking me are the one I'm going to marry. Hindi ko akalain na ang taong nakilala ko simula noong labing-anim na taon palang ako at ang nakasama ko sa loob ng limang taon ay ang taong makakasama ko habambuhay. Hindi lang basta makakasama kundi makakasama sa pagbuo ng pamilya.
Napansin ko naman na maunti ang stars sa kalangitan. May naalala ako bigla.
"Bakit gising ka pa?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Kinoah. Bigla siyang umupo sa tabi ko.
I smiled.
"Hindi ako makatulog. Akala ko tulog ka na?"
"Nagising ako."
"Oo, halata nga." I laughed.
Mayamaya pa'y hinawakan niya ang kamay ko at ako naman sumandal sa balikat niya.
"Ang unti ng stars 'no?" sambit ko.
"Ibigsabihin, malaki ang chance na babagsak ang ulan at kaunti ang chance na ito'y mapipigilan."
Napa-angat ang ulo ko sa sinabi niya at napatitig sa kaniya.
"Parang 'yong feelings ko sa'yo no'ng nagsimula," he added.
I'm stuck. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.
"When your feelings towards a person got started, it will be harder for you to prevent yourself from falling." He paused.
I just smiled. Alam kong itutuloy niya ang sasabihin niya kaya naman nang ibuka niya ang bibig niya ay sinabayan ko siya.
"Few stars refers to one's feelings and supposedly rain refers to the stage where you are already falling."
Magkasabay namin iyong sinabi. Kita ko rin na gulat siya.
Alam ko iyon dahil sinabi na sa akin ni Kiluah iyon before. Alam pala nila parehas 'yon, talaga ngang magkambal sila haha.
"A-alam mo 'yon?" mabilis niyang tanong.
"Yes."
"Saan mo nalaman?"
"Ikaw sa'n mo natutunan 'yan?" balik na tanong ko.
"Kay Mama, bata pa lang kami ni Kiluah sinabi niya na 'yan sa'min. Paulit-ulit pa nga kaya nasaulo ko na."
Oh. I see, kaya pala.
"Ikaw?"
"Basta haha." I laughed at pagkatapos ay ikinulong niya ako sa kaniyang bisig.
Sobrang saya ko ngayon na hindi ko na kaya pang maipaliwanag. All I know is I feel secured in his arms.
"Aaaa aray!" sigaw ko nang madanggi ang sugat ko. Oo nga pala! Nadapa ako kanina sa kakahuyan. Nakalimutan kong may sugat pala ako.
"Bakit?" Tumingin si Kinoah sa tuhod ko at doon nakita niya ang maliit ngunit sariwa kong sugat.
"Kaya pala papilay-pilay ka kanina, bakit 'di mo sinabing may sugat ka pala para magamot agad 'yan?"
"Maliit lang naman 'yan, tingnan mo hindi ko na rin namalayang may sugat pala ako kung hindi pa nadanggi."
"Sa'n mo ba 'yan nakuha?"
"Nadapa ako no'ng hinabol ako no'ng akala ko halimaw sa kakahuyan."
"Sabi ko 'wag kang masyado takutin at mag-ingat sila dapat pala hindi na ako nagplano ng gano'n para 'di ka na nagkasugat."
"Baliw ok lang, ang saya naman."
"Halika gagamutin natin."
Napalunok ako nang tatlong beses noong marinig ang salitang 'yon. Nararamdaman ko na naman ang takot.
"Hindi ko 'yan lalagyan ng alcohol, ok?"
"K-Kinoah sinasabi ko sa'yo 'pag ito nilagyan mo ng alcohol—"
Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong halikan.
"Hindi, ok baby?"
Noong sandaling tawagin niya akong 'baby' parang gusto ko magwala at sumigaw pero hindi ko magawa dahil namamanhid ang katawan ko. Kinikilig ako!
Hinila niya ako at nagpadala na lang ako sa kaniya.
Tulala lang ako habang ginagamot niya ang sugat ko.
"It is still hurt, baby?" he asked. Tapos na niyang gamutin ang maliit kong sugat.
He smirked. Shit, I can't speak.
"Kinikilig ka?" mapanukso niyang tanong.
"H-ha? Anong kinikilig? Ulol! Matutulog na ako, bahala ka riyan. Sa sahig ka ulit matulog ha!" Tumayo na ako sa upuan at dumeretyo sa nagiisang kama na na'ndito sa loob ng kuwarto.
Nagtaklob agad ako ng kumot sa buong katawan ko kasama na ang ulo ko. Feeling ko pulang pula na ang mukha ko.
"Sus kinilig ka lang eh."
Hindi ako nagsalita. Ramdam kong tumayo na rin siya sa kinauupuan niya.
"Di mo pa sinasagot tanong ko, it is still hurt, baby?"
Shit naman.
"Tulog ka na ba, baby?"
Isa pang baby at makikita niya.
"Baby—"
Bumangon ako sa kama at ngayon ay nakaharap na sa kaniya.
"Baby, stop," mahinahon kong sambit.
Papalapit pala siya sa'kin at ngayon ay para siyang naistatwa.
Nakita kong gumalaw ang adams apple niya ng tatlobg beses at kita ko rin ang pawis na pumatak sa kaniya.
Nakatulala siya.
"Oh? Bakit 'di ka na nakapagsalita?" He's still stuck.
"Kinilig ka rin?" Matapos kong itanong 'yon ay tumalikod siya sa'kin ng mabilisan.
Kinikilig nga ang loko. Humalakhak ako ng malakas, akala mo ha.
"Hey baby what's the problem with you? Can't you speak?" Pang-aasar ko pa rito.
Mukha na akong baliw dahil tawa ng tawa.
"Huwag mo akong asarin, 'pag naasar 'yong nasa baba ko, baka 'di mo magustuhan mangyari."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya at nang ma-realized kung anong ibigsabihin niya, agad akong humiga ulit at nagtaklob ulit ng kumot.
Ramdam ko namang tumawa siya at humiga na sa sofa.
"Good night, baby," 'yon ang huli niyang sinabi.
Hindi na ako nag-response dahil nahihiya talaga akong magsalita dahil sa sinabi niya kanina. Grr!
Kinaumagahan ay sabay kaming kumain. Pagkalabas kasi namin ay may nag-asikaso agad at nag-guide sa'min papunta sa pagkakainan namin.
Kakaiba at ang sasarap ng pagkain. More on seafoods sila.
Ngayon namang tapos na kaming kumain, ginala namin ni Kinoah ang iba't ibang lugar dito sa isla at nagliwaliw.
Sa mga sumunod na araw naman ay gano'n pa rin ang set-up, kakain, gagala at magsasaya.
Mabilis na lumipas ang anim na araw at ito na ang huling araw namin dito sa Island of Palawan kaya dapat lang na sinusulit. Gano'n naman talaga kapag masasaya ang araw mabilis lumilipas.
Sumakay nga pala kami kanina sa kabayo ni Kinoah at matapos ay magkasamang nag-swimming sa dagat.
Ilang oras na lang ay pauwi na rin kami.
Na'ndito pa rin kami sa dalampasigan. Magkasamang pinagmamasdan ang kalawakan ng dagat. Sigurado akong ma-mi-miss ko ang lugar na ito.
Ang dami pa man ding magagandang memories ang nangyari sa'kin dito kasama na ang taong mahal ko.
Pinapangako kong babalikbalikan ko pa rin ang lugar na ito.
"Aalis na tayo mamaya."
"Yes, I know baby."
Napatigil ulit si Kinoah sa sinabi ko. Hanggang ngayon ay palagi pa rin siyang naiistatwa bigla kapag tinatawag ko siyang 'baby'
Bumabawi naman siya sa'kin ang kaso nga lang sanay na ako at kaya ko ng kontrolin ang kilig ko. Samantalang siya? Still the same. Parang first time kong sinabi at nakakatuwa ang inaakto niya hahaha.
"Oh kinikilig ka na naman."
"Baby, stop," he uttered but I just laughed.
"Porke sanay ka ng tinatawag kong baby ha."
"Sorry ba nga baby." Sa sandaling 'yon ay naistatwa na naman siya kaya humagalpak na naman ako ng tawa.
Mayamaya pa'y tumayo siya at naglakad palayo.
"Hoy! Ano iiwan mo ako dito?" sigaw ko pero natatawa pa rin ako.
Naasar na siguro 'to hahaha. He's so cute.
Bago pa man ako makatayo ay bumalik siya; may dala dala ng flat stone at marker pen.
"Anong gagawin mo riyan?"
Hindi niya sinagot ang tinanong ko at nagsimulang sulatan ang bato.
'Kinaoh < 3 Avirille'
Iyon ulit ang nabasa ko sa bato.
Tumayo siya at ibinato iyon sa dagat.
"Dapat lahat ng mapupuntahan nating dagat iiwanan natin ng palatandaan ng ating pagmamahalan."
Matapos niyang sabihin 'yon ay napakamot siya sa ulo niya. Para siyang nahihiya.
Siguro kung sa iba, makokornihan sa ginawa at sinabi niya, pero kung kayo ang nasa katayuan ko kikiligin kayo.
Ganito yata pag inlove.
I smiled genuinely and stand up. I close the distance between us. I tiptoed to match his height and out of a blue, my lips met his precious lips.