As The Sun Sets (Mi Amore #1)

By annahline

70K 2.1K 1.8K

[ COMPLETED ] 1st Installment of Mi Amore. For Kiarah Nicole, she never hopes for the sun to set. She dreads... More

ATSS
Foreword
01
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
Afterword
scenes from old version
note.

02

3.6K 112 121
By annahline

The whole Sunday was spent doing all of my school works with such a searing headache, along with flinching everytime my Dad scolds me because apparently I got wasted. Wala siyang binanggit na katapat ng pag-alis ko kahapon, maybe he really agreed without any conditions.

Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakalakad ng maayos papunta sa bahay namin, nagising na lang ako na nasa kama ko, bago ang damit at galit na mukha ni Papa ang sumalubong sa 'kin.

Pinagalitan ko pa sina Tal dahil sa sobrang pagkaabala nila ay hinayaan nalang nila ako kay Kiel.

I have a vacant hour every Monday kaya naglalakad ako papunta sa Starbucks na malapit lamang sa school. I usually spend my free time here whenever my friends aren't around.

Sana ay hindi ko na makita si Kiel, o kahit sino man sakanila. Nagdasal na ata ako sa lahat ng santo na hindi ko na sila makasalubong. Vacant naman ako ngayon, they're all probably in their own classes.

A smile formed on my lips the moment I entered Starbucks. Ah, the smell of coffee lingering around the four corners of the shop. These places are always the most calming to be in with the café's aesthetics, soft music, and the silent chattering of the customers. Like some calming ASMR.

Nilibot ko ang paningin sa mga taong nasa loob, no signs of Kiel or his best friends. Kaunti lang ang tao ngayon dito. I ordered an Iced Caramel Cloud Macchiato and sat on the far end of the room next to the window.

I studied a lot of my lessons and power points without wasting any time. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aaral sa Pre-Cal nang may kumalabit sa 'kin.

Napamura ako ng malakas pero agad rin tinakpan ang bibig ko dahil napalakas yata ito ng sobra at pinagtitingnan na ako ng ibang mga customers.

Lumingon ako para malaman kung sino ang kumalabit sa akin only to see Zane, one of my classmates. I rolled my eyes at the sight. I keep avoiding him because his actions towards me show he either likes me, or he likes every girl in school and I'm his target today. I clearly don't like him and I try to not let our paths cross as much as possible. It's not that easy, considering we're both classmates.

Gwapo naman siya, bulky ang katawan, maputi at matangkad, medyo kulot ang buhok at madating sa mga babae. But I never really liked him, or maybe I'll get to like him if he isn't so...pushy?

"Sorry, did I startle you?" He asked before sitting on the chair opposite to mine.

"Obvious ba?" Napaikot nito ang mga mata ko. I hate when people disturb me when I study.

"Chill, Atienza!" Mukhang nagulat siya sa pananaray ko sa kan'ya. I cringed at the mention of my last name. I prefer being called by my first name.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sakanya. I took a look around the café. "Marami pang bakante."

"Wala, gusto lang kitang makita. Alam kong nandito ka tuwing vacant time," ngumisi siya. Bigla niyang hinawakan ang kamay ko na nakapatong sa table. Agad ko itong inalis at tiningnan siya ng masama.

"Look, I'm studying here. Kung gusto mo lumandi ay humanap ka ng iba at huwag ako," mariin na saad ko.

Napalitan ang kaniyang ekspresiyon, mukhang nagalit ata sa sinabi ko at wala akong pakialam doon. He should be minding his own business, not mine.

Tumayo siya at nang akala ko ay aalis na siya, marahas niyang kinuha ang aking kamay at hinila patayo. Masakit 'yon dahil malakas siya.

"I'm just being friendly dahil nag-iisa ka lang diyan!" pagalit na saad niya. Wow, is he not used to being rejected?

Mas hinigpitan niya pa ang hawak niya sa palapulsuhan ko, pilit ko itong tinatanggal pero mas malakas siya sa akin kaya hindi ko ito maalis.

"Zane, I am warning you, let go of my hand!" sigaw ko.

Narinig ko ang tunog ng pinto na bumukas pero hindi ko nalang ito pinansin dahil pilit ko paring tinatanggal ang hawak sa akin ni Zane. Masakit na!

"Tama na Zane, masakit na." Mahinahon kong saad dahil baka magbago pa ang isip niya at bitawan ako.

"Sumama ka sa akin." Hinila niya ako kahit pilit kong tinatanggal ang kamay niya sa pulsuhan ko, naiwan ang mga gamit ko doon.

"Zane!" Sumigaw ako nang makarating kami sa may pinto. Galit siyang lumingon sa akin.

"What the fuck?!" Sunod ko nalang nakita nasa sahig na si Zane habang hawak hawak niya ang pisngi niya. I looked at the person who punched him. Kiel. He's here! Oh, what nice timing.

"Is it that hard for you to respect girls?" Narinig kong singhal ni Kiel habang hawak hawak parin ni Zane ang pisngi niya.

"Kunin mo mga gamit mo, ngayon na," baling niya sa akin. His jaw was clenching while he stared at Zane who kept clutching his right cheek and gave deadly stares to Kiel who didn't even care about it.

Nagmadali akong bumalik sa mesa ko, inayos ang mga gamit at umalis na. Nasa labas na si Kiel at Zane at mukhang nag-uusap. Pareho sila seryoso.

I can't help but stare at Kiel again. He just had this aura in him that would make you attracted to him all the time. His hair was messy, jaw clenching while his eyes kept staring daggers at Zane.

Galit rin si Zane pero walang nagagawa kaya umalis na lamang habang hawak parin ang pisngi niya. I caressed my wrist where Zane touched. Hindi naman iyon sumakit pa.

Lumabas na ako at tiningnan si Kiel. He still looked annoyed. Nakapamulsa ito at nakatingin lamang sa baba. Lumapit ako sakanya at saka niya lamang ako tiningnan. Maamo na ang mukha nito at malambot na ang mga titig sa akin.

"Okay ka lang?"

Tumango lang ako. He looked worried. Nang mas makalapit pa ako sa kanya, I smelled his manly scent.

"I'm okay. Thank you ha?" I smiled awkwardly. Hindi ko alam kung pano ako aakto sa harap niya, hindi ko pa naman siya ganon ka-close.

"Sorry, nakalimutan mo na ata mag-order." nahihiyang saad ko sa kanya. I don't know how to act around him!

"It's okay. Pinagsabihan ko na siya, hindi na yan lalapit sa 'yo," seryosong sambit niya.

Napadako ang tingin ko sa labi niyang mapupula, did I kiss him or not?

"Uh..." I started, tilting my head to the side, contemplating whether I should ask or not.

"What?"

"Did we kiss or not?" Direktang tanong ko sa kanya at tiningnan siya sa magaganda niyang mata. His eyes were a dark brown color. Mukhang nagulat siya sa tanong ko at mayamaya, ngumisi siya, the playful smirk I saw on Saturday.

"Ano sa tingin mo?" Ngumisi siya at tumawa. Why does he look so cool in everything he does?

"Hindi ko sure e, kaya nga ako nagtatanong diba?" I challenged.

"Correction, Miss. You kissed me." He showed me his playful smirk and licked his lower lip before standing up and checking his wrist watch.

"I have class in a few minutes. 'Wag ka na lalapit sa gagong 'yun. See you around!" Huling bati niya bago kumaway at naglakad na pabalik sa school. Ka-batch ba namin sila? Anong strand kaya nila?

Ang bilis niya maglakad, susundan ko sana siya papasok kasi may class rin naman ako. Nagmamadali ba siya? Napangiti nalang ako mag-isa habang naglalakad.

Nang matapos ang huli kong klase bandang alas singko, hindi kami magkakasama nila Czarina dahil busy sila sa kanya kanyang nilang gawa kaya nag commute na ako pauwi. Mom and Dad were nowhere to be found, probably busy with work.

"Arah, nandito ka na pala! Halika at ipaghahanda kita nang makakain." Bati sa akin ni Manang Susan, my closest house helper. I don't even consider as her one.

Umuuwi siya every weekends para sa pamilya niya kaya wala siya nu'ng nakaraan. She likes to call me Arah, ayaw ko ng Nicole at masyadong mahaba daw ang Kiarah sakanya kaya Arah na lang raw.

"Namiss kita, manang!" Hindi ko siya matawag na Ate dahil medyo matanda na rin siya, so she insisted I call her manang. Niyakap ko siya at umupo sa may dining area habang nag-aasikaso na siya ng pagkain ko.

"Kamusta naman ang school?" Tanong niya habang naglalapag ng sandwich at juice sa mesa bago umupo sa upuan katapat ng sa akin. Agad ko naman nilandakan ang pagkain sa harap ko.

"Okay lang po, nakikinig naman kahit boring magturo mga teachers," nagtawanan kami.

"May boyfriend ka na ba?" tanong niya sa kalagitnaan ng pagkain ko. Muntik pa akong mabulunan!

"Manang, wala po. Alam niyo naman po sitwasyon, ayaw ko po mapagalitan dito." Mahinahon kong paliwanag sakanya. My Dad liked my ex, pero paano kaya kung magka-boyfriend ako, magugustuhan niya rin kaya?

"Mabait kang bata, matalino, maganda, bakit wala kang jowa?" Nagtanong siya na parang ka-edad ko lang siya kaya natawa ako.

"Ewan ko rin manang, pero siguro may crush ako, hehe." Kinikilig na saad ko habang inubos ang sandwich at uminom ng juice.

"Aba, ngayon ka nalang ulit nagkwento na may crush ka. Kamusta ang lalaki? May respeto ba sa'yo? Mabait ba? Maalaga? Gwapo? Mabango?" Sunod sunod na tanong niya na para bang excited na excited siya marinig ang kwento ko.

Lahat ng binanggit niya ay naisip ko si Kiel. But I've only met him twice, hindi ko pa siya masyadong kilala. Naging gentleman naman siya at pinasakay ako sa grab, hindi ako pinagsamantalahan, at kanina nang ipagtanggol niya ako kay Zane ay nakita kong may respeto siya at mabait.

But I can't afford to like someone again. To entrust your whole heart to someone means giving yourself the possibility of breaking all over again. Hindi ko kaya ang gano'n. I can't do it again. Mawawala lang 'to.

"Sino ba iniisip mo?" Napakurap ako sa tanong ni manang. I probably looked like a fool staring into space and thinking of him!

"Friend po siya nang boyfriend ni Tal," maikling saad ko. Hindi ko alam ang sasabihin kasi hindi ko pa siya ganun kakilala. I may just be attracted to his looks kaya nasabi ko kay manang na crush ko siya. Tumayo ako at niligpit ang mga pinagkainan ko.

Tumango tango si manang. "O siya, maglilinis pa ako sa labas. Gawin mo na ang mga dapat mong gawin."

Umakyat na ako papunta sa kwarto at agad akong sinalubong ni Hailey. Her tail began to wag kaya lumuhod ako at hinintay siyang makalapit sa akin. I immediately let out a huge smile when I saw her.

I played with her for a couple of minutes bago ako tumayo para magbihis at mag-ayos na ng mga gagawin ko.

After an hour at my desk doing school works, I took a break and stretched first. Nakakapagod at nakakasakit ng ulo gumawa ng mga tambak na gawain sa iba't ibang subject.

Humiga ako sa kama ko bago buksan ang phone ko. Online silang lahat sa group chat namin so I decided to video call them. Agad naman nilang sinagot.

"Pagod na pagod na 'ko, bwiset." Bungad ni Czarina sa amin habang nasa desk niya at may mga nakakakalat na papel doon. Nakapatong lang ang phone niya sa mesa habang nag-aaral siya.

Nakita kong humikab si Serena sa kama niya habang nakadapa siya at nakikita ko na nakasuot lang siya ng sports bra. Serena's a pretty chill girl when it comes to studies. I wish I was as carefree as her.

"Ang dami naming gagawin! Kahit sila Blake ay marami din kaya minsan nalang kami makapagkita sa school." Kunwari ay naiiyak na saad ni Tal habang kumakain siya sa kusina niya sa condo.

"Hey, ka-batch ba natin sila??" I asked out of nowhere. Ayun ang tanong na kanina ko pa naiisip.

"Yeah. HUMSS at STEM," sagot niya sa akin. 

"Why? You like Kiel?" Direktang tanong niya habang ngumingisi. Nakita kong napaupo si Serena at binalingan ako ng tingin ni Czarina. STEM rin pala si Kiel pero bakit kaya hindi ko siya masyadong nakikita?

"Nagtatanong lang!" I sounded so defensive. "Kayo diyan hinayaan niyo lang ako kay Kiel habang Cza at Serena kausap 'yung dalawa, at 'yung dapat nag-eentertain sa 'kin nowhere to be found!" balik ko sa kanila. I wasn't that mad about it though.

I just know these pairings won't last. Czarina's too much of a geek to have a boyfriend, and Serena's just going with the flow.

"Malandi ka, gusto mo naman!" T umawa si Serena.

"Kilala niyo si Zane, right?" tanong ko sakanila. Lahat naman sila tumango. Minsan na akong binigyan ng mga bulaklak ni Zane habang magkakasama kami kaya kilala nila ito.

"Kiel saved me from him kanina!" I dramatically said na para bang may ginawang malala sa 'kin si Zane. Natigil sila sa lahat ng ginagawa nila at nagtanong na nang kung ano-ano.

I explained everything to them, every detail kung ano ba ang nangyari.

"Tapos, tapos ayon sinuntok ni Kiel si Zane! Edi gulat ako sis, tapos sabi niya kay Zane respetuhin niya raw mga babae, tapos ayon pahiya si Zane mga ma! Tapos binalingan ako ng tingin ni Kiel sabi niya, 'Kunin mo mga gamit mo, ngayon na.'" Ginaya ko pa ang mababang tono ng boses ni Kiel.

Tawa sila nang tawa sa kwento ko. I mean, I'm serious about this! Earlier was scary!

"Tapos?" Makulit na saad ni Cza, kahit siya ay tumigil sa pag-aaral para makinig sa akin.

"Tapos eto na! Nag-usap sila sa labas kinuha ko gamit ko tapos lumabas ako, tapos tangina ang tapang ko tinanong ko siya kung nagkiss ba kami!" Agad kong natakpan ang bibig ko ng mahalata ang sinabi ko.

"Nagkiss kayo?!" Sumigaw si Tal. Ngumisi si Serena at gulat akong tiningnan ni Cza.

"Omg!" Pahabol pa ni Tal. Sinenyasan ko siya na manahimik bago ikwento ang nangyari sa condo niya.

"Tapos ayon basta nag-usap kami tapos end of story kasi umalis siya dahil may class pa raw siya," matamlay kong tinapos ang kwento ko.

"Zane is an asshole, Kiarah. 'Wag ka nang lalapit doon." Seryosong sambit ni Serena. Tumango-tango naman sila Tal at Cza.

"Yes, boss," sagot ko.

"Nag-usap rin kami ni Kai, kaso 'di ko bet," biglang saad ni Czarina. Oh, that's some news. I thought she likes him.

"Jett is hot! Kachat ko na nga eh. Nagsesend ako nudes ko," Serena boldly said.

Handa na kaming sermunan siya nang magsalita ito. "Joke lang hoy! Chat pa lang naman. Gaga hindi ako magsesend 'no!" she laughed.

"At ikaw, Tal? Asan ka?" I rolled my eyes.

"Nasa kwarto. We were watching movies!" masayang sagot niya.

"Movies ba talaga?" mapanuksong tanong ni Serena. Tal gave her a stare and laughed.

"Pabebe pa!" baling ko sa kanya.

"I have to go girls. Daming gagawin." Czarina pouted at pinatay na ang call. Napagpasiyahan na rin namin na bumalik sa kanya-kanyang gawa.

I checked at my phone's time, alas nuebe palang. Wala parin sila mama, baka bukas na sila umuwi dahil sa business. Nasanay na ako.

I just scrolled through facebook, twitter and Instagram until I decided to tweet.

kiarahatienza_:

i can't have my heart broken.

please don't let him enter my heart just to break it all over again.

Continue Reading

You'll Also Like

35.5K 774 36
Stalker na nga, Slave pa! Oh diba? Palagi niya pang makakasama ang ini-istalk niya for the long time. Swerte 'no? Inggit kayo! Bwahahaha. Nadech Kugu...
10.2M 258K 66
The Doctor is out. He's hiding something
9M 326K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
177K 2.9K 38
Tristan Giordano is considered one of the worlds most youngest handsome tycoons. A cold man, whom breaks the heart of many women. But yet, he had fal...