The Heart-Shaped Locket

By BughawNaBituin16

3.3K 233 35

Isang masalimuot na mundo ang ginagalawan ni Aubrey Dale Sarmiento ngayon. Matapos ng isang pangyayaring mask... More

Chapter 1-A: Rainy Evening
Chapter 2 : The Unexpected
Chapter 3: AT THE MANSION
Chapter 4 : AUBREY AND BRYAN
CHAPTER 5 : ANGER
CHAPTER 6 : ABOUT AUBREY
CHAPTER 7 : BACK TO PRESENT
CHAPTER 8 : IN THE RESTAURANT
CHAPTER 10 : AFTER HER FATHER'S DEATH
CHAPTER 11 : DURING THE EVENT
CHAPTER 12 : CHALLENGING
CHAPTER 13:DRUNK AUBREY
CHAPTER 14: AFTER TWO WEEKS
CHAPTER 15 : WHAT HAPPENED
CHAPTER 16 : AT THE HOSPITAL
CHAPTER 17 : BAD DECISIONS
Chapter 18: HER DECISION
CHAPTER 19 : MOTHER'S HEART( PRESENT TIME)
CHAPTER 20 : FAMILY
CHAPTER 21 : CALL
CHAPTER 22: EMOTIONS
CHAPTER 23: THE TRUTH BEHIND
CHAPTER 24 : CONFRONTATION
CHAPTER 26
CHAPTER 27

CHAPTER 9 : THE SAD TRUTH

108 8 0
By BughawNaBituin16


AUBREY'S POV

Nang sabihin ni Bryan yung mga katagang iyon gustong gusto ko siyang yakapin. Gusto kong maniwala sa mga binitawan niyang salita pero alam ko naman kung ano ang magiging kapalit noon yun ay ang magulo at miserableng buhay para sa amin ng anak ko. Hinding hindi titigil si Hailey at  ang ama ni Bryan hanggang hindi nila makuha yung gusto nila yun ay ang mailayo siya sa akin pati  na rin ang anak ko.

Wala akong choice kung hindi ang sumagot sa kanya ng oo at umayon na lamang sa  sinabi niya . Hinayaan ko lang siya nayakapin ako .

Alam ko naman na hindi ako dapat magpadala sa mga sinabi  dahil sa oras na mabawi ko si Bryle tuluyan na kaming lalayo ng anak ko. Kailangan kong mag-isip .kailangan kong magplano ng mabuti kung ano ba ang dapat kong gawin.Paano nga ba ako makakawala sa nararamdaman kong ito .

Pero kung sa karapatan lang naman mas may karapatan ako kay Bryan dahil kami ang legal na mag - asawa . Bata pa kami ng ikasal subalit nasa legal na edad na kami.

Marahil nga kasalanan ko din ang lahat  dahil napuno ako ng pagkamuhi at galit  sa kanya mas nangibabaw yun kaysa sa pagmamahal ko sa kanya . Mas pinili kong saktan siya subalit sa ginawa kong desisyon ay sinaktan ko din ang sarili ko.

Alam ko na kahit ano pa ang gawin niya at gawin ko kailanman ay di kami magiging masaya dahil sa tuwing makikita ko siya ay di ko mapigilang maalala ang mapait kong nakaraan ang lahat ng sakit na ipinaramdam nila sa akin.

THE PAST ( AUBREY'S FLASHBACKS)

Napagpasiyan kong ipagtimpla ng gatas si Papa .Alam kong masyado siyang pagod sa trabaho lalo na ng mga nakalipas na araw halos anong oras na lang rin siya kung matulog ni halos di na siya lumalabas ng kanyang kwarto dahil sa kakaasikaso sa kompanya. Napansin ko rin nitong mga huling araw  yung pagiging balisa niya. Natigilan naman ako sa pagpasok sa office niya ng marinig ko na nakikipagtalo siya sa kausap niya sa telepono pero tumuloy pa rin ako at ipinatong sa table niya yung gatas na tinimpla ko para sa kanya.

"Pa uminom ka muna nitong gatas... tsaka matulog ka na baka magkasakit ka niyan pa ."paglalambing ko sa kanya

"Oo anak..salamat" ngiting tugon niya sa akin

Napansin ko na may kakaiba kay papa  ng gabing iyon pero ayaw kong makadagdag pa sa problema niya kaya hindi na ako naglakas ng loob para magtanong pa sa halip ay  niyakap ko siya ng mahigpit at nagpaalam na ako para matulog.

Ilang oras pa ang lumipas ng isang malakas na tunog at alingawngaw ng baril ang gumising sa akin.

Labis labis ang kaba ko kaya nagmadali ako sa pagtakbo papunta sa kanyang kwarto subalit huli na yung lahat. Hinding hindi ko makakalimutan ang pinakamasakit na gabi na iyon ng aking buhay.

" Pa ang daya mo naman,please pa gumising ka...pa tumayo ka na please....pa hindi ko kaya...pa sabi mo mahal mo ko pero pa bakit mo ko iniwan."  Halos mawalan ako ng lakas at hininga dahil sa sakit na nararamdaman ko hindi ko inakala na bigla na lang guguho yung mundo ko na yung tanging tao na sandigan ko at mahal na mahal ko ay iiwan ako.  Hindi ko alam kung paano ako makakawala sa pagdurusa at bangungot na iyon.

Nang mawala si papa maraming bagay yung nagbago halos hindi ako makaagapay pakiramdam ko ay naliligaw ako at hindi ko alam kung saan ako tutungo ni sa hinagap ay hindi ko lubos maisip na mangyayari iyon.

Nagising na lamang ako isang araw na unti unting nawala na yung lahat. Maging yung mga bagay na pinapahalagahan ko na nagpapaalala sa akin sa mga magulang ko  ay kinuha rin mula sa akin. Namulat na lamang yung mga mata ko ng may ingay akong narinig. Lahat ng mga gamit namin sa mansyon ay unti unting hinahakot sinabihan na din ako na kailangan ko ng umalis at humanap ng malilipatan. Walang natira sa akin kung hindi ang mga personal ko na gamit ang kaunting pera na naiwan ni papa.

Yung mga kasambahay namin mababakas ang lungkot sa mga mata nila.

Si Manang Martha sinabihan niya ako na handa niya daw akong samahan kahit wala akong ipang pasweldo sa kanya. Isa siya sa pinakamatagal naming kasambahay at parang anak na rin ang turing niya sa akin pero di ako pumayag dahil may pamilya rin siya na binubuhay at paano niya masusuportahan yung kanyang pamilya kung wala akong maibibigay sa kanya magiging dagdag pasanin niya lang ako at ayaw ko rin namang  maging rason  para mas lalo silang mahirapan.Kaya napagpasyahan kong mamuhay ng mag-isa.

Nawala ang  lahat sa akin ng gabing mawala si Papa ang kompanya ,ang bahay pati na rin ang iba kong mga kaibigan.  Doon ko napagtanto na sadyang malupit pala talaga ang mundo.

Yung mga kasambahay namin parang pamilya na namin sila.Hindi sila iba sa amin ni papa mahal namin sila na parang kadugo.

Kaya paminsan minsan binibisita nila ako at ni Manang Martha sa maliit na apartment ko para pagdalhan ng pagkain. Ganoon rin si Eryl na nanatili sa tabi ko sa mga panahong bagsak at lugmok na lugmok ako.

Continue Reading

You'll Also Like

265K 13.9K 32
Sta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING
353M 7.2M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
377M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
473K 8.5K 39
Duke & Izza