The Bad Boy And I

By JanellaThePanda

233 27 1

Sabroso Series #2: Nathan Angelo Sabroso Caiah Samaniego has always been the top student at Kinston Academy a... More

The Bad Boy And I
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12

Chapter 5

9 2 0
By JanellaThePanda

Warning: Strong use of language

Chapter Five: Talk.

“Let’s get out of here.” Mas lalong humigpit ang pagkakayakap ko kay Vincent at lumipas ang ilang segundo ay inalalayan niya na akong tumayo.

Halos hindi ko magawang maglakad nang maayos dahil sa nangangatog kong mga tuhod. Everything’s fresh at hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nangyari.

Napansin ni Vincent na mas lalong bumagal ang pacing ko kaya napahinto siya.

Hinarap niya ako at inayos ang suot ko bago ako binuhat pa-bridal style. Hindi ko napigilang mapatili nang mahina at mapakapit sa leeg niya.

“I-I can walk.” Mahinang usal ko.

Sinulyapan niya lang ko at nagsimula nang maglakad. Naging mabilis ang paglalakad niya at hindi ko alam kung talagang magaan lang ba ako o nagmamadali lang siya.

Nang makalabas ay sinalubong kami nang malakas at malamig na hangin na naging dahilan kung bakit mas napakapit ako kay Vincent at mas pinili kong isubsob ang mukha ko sa leeg niya.

I felt him stiffen but he didn’t say a word.

“Good evening Sir Vincent.” Hindi ko namalayan na nasa entrance na pala kami ng R.A.

Mas lalo kong itinago ang mukha ko dahil alam kong may mga tao pa dito na baka makilala ako. Mahirap na, baka issue pa ‘to.

“Good evening din po Sir Jun.” Pagbati rin niya sa guard ng gate.

Makaraan ang maraming hakbang ay naibaba na rin ako. Kaagad niya akong pinaupo sa loob ng office niya at kumuha ng tubig.

"Here." Tinanggap ko naman ang baso at dali-daling ininom ang tubig hanggang sa maubos ito.

Naghila siya ng upuan at umupo sa harap ko. Tinignan ko siya pero iniwas ko rin ang tingin ko.

Malalamig ang mga tingin niya sa akin at hindi ko mabasa ang ibig sabihin no'n.

Napayuko na lang ako at mas lalong hinigpitan ang jacket na nasa balikat ko.

"I-I w-went o-out to buy fo-"

Hindi pa man natatapos ang sinasabi ko ay pinutol niya na kaagad ito.

"You should rest."

Mabilis na napatingin ako sa kanya at gano'n pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.

I know I should rest but I can't. I need to let this out or this will kill me inside.

"I went out to buy food. Alam kong madilim na at wala nang masasakyan pero pinilit ko pa rin ang gusto ko."

Hindi na siya nagsalita ulit pero alam kong nakikinig siya.

"Malapit na ako sa bilihan nang may nakita akong mga lalaki sa 'di kalayuan. Binilisan ko ang lakad ko kasi n-natatakot ako." Napahinto ako dahil biglang nag-flash sa isip ko ang nangyari kanina.

Naging malalim ang paghinga ko at hindi ko matuloy-tuloy ang kwento. Naramdaman kong hinawakan ni Vincent ang mga kamay ko na para bang kinakalma ang nanginginig kong sistema.

" T-Tapos bigla ko na lang silang nakita sa harap ko at inaaya nila ako na sumama sa kanila. Nagpumiglas ako nung hinawakan nila ako pero mas malakas at mas marami sila."

Humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Vincent habang ipinagpapatuloy ang pagkwento.

"Kilala nila si Nathan at ginawa nila akong pain para magantihan si Nathan pero hindi naman umubra at dahil do'n, s-sinubukan n-nila akong-"

Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang kanina pa nagbabadyang bumagsak.

"S-Sinubukan nila a-akong-" Hindi ko matapos-tapos ang sinasabi ko at bigla na lang akong napaiyak sa sobrang sakit at takot na nararamdaman ko.

Hinila ako ni Vincent papalapit sa kanya at niyakap ako nang mahigpit.
Dahan-dahan niyang hinimas ang buhok ko na mas lalong nagpaiyak sa akin.

"Shh, they're not gonna hurt you anymore." Mahinang usal niya sa tainga ko.

"I'm here Caiah. I will protect you." It was the last thing I heard before darkness filled my system.

Nagising ako bigla dahil nakaramdam ako ng pamamanhid ng braso. Ang unang bumungad sa akin ay ang pamilyar na ceiling at amoy ng pabango ng lalaki.

Napaupo ako at hindi na masyadong nagulat na nandito ako sa office ni Alcantara. Kinuha ko ang cellphone ko na nasa lamesa katabi ng brown na sofa na inuupuan ko ngayon.

Umaga na pala at isa na namang panibagong araw ng klase.

Masasabi kong mas mabuti na ang pakiramdam ko ngayon kaysa kagabi pero hindi ko pa rin mapigilang hindi magalit at malungkot sa nangyari kagabi. Alam ko namang may kasalanan ako pero sobrang sama ng loob ko kay Sabroso dahil sa pagsasawalang-bahala niya sa akin.

Gano'n ba siya kawalang-puso?

Tumayo na ako at sinubukang hanapin si Vincent pero hindi ko siya makita. Siguro'y nasa meeting or sa klase niya.

Tuluyan na akong lumabas ng office niya at dumiretso sa HQ ng RYG.

Marami akong nakasalubong na mga estudyante pero nagtuloy-tuloy lang ako at hindi sila pinansin. Siguro ay napansin nila ang lukot kong damit at ang jacket ni Alcantara na hindi bumagay sa uniform ko.

Medyo natagalan pa ako sa paglalakad dahil ang HQ nila ay malayo sa public offices sa mga hallways. Hindi naman sikreto ang HQ nila pero wala lang talagang nagbabalak pumunta doon dahil mapanganib at malapit na sa forest side ng R.A.

Sa maikling panahon ko dito, marami na akong narinig tungkol sa headquarters nila at minsang naituro na sa akin ang direksyon patungo doon.

Pagkadating ko sa tapat ng pinto nila ay kaagad kong kinatok nang sobrang lakas at bilis ang pinto nila.

Bumukas ang pinto at nakita ko si Andrei na mukhang kakagising lang.

"Who the fuck are yo-"

Kinusot niya ang mata niya at nanlaki bigla ang mga ito.

"C-Caiah?"

Para siyang nakakita ng multo sa reaksyon niya ngayon. Sino ba namang hindi matatakot sa hitsura ko? Blanko ang ekspresyon ko at ang mga mata ko matatalim ang mga tingin.

Lumapit ako malakas na itinulak ang pinto para bumukas nang tuluyan. Medyo nabigla si Andrei at napaatras.

Nabigyan ako ng space para pumasok at doon ko nakita si Brent na nakaupo sa sofa, si Kyle na nagiinat at si Nathan, na nakapikit habang nakaupo malapit kay Brent.

Si Brent at Kyle ay parehas na nakatingin sa akin na mukhang nagulat din habang si Nathan ay parang walang alam sa nangyayari.

I scoffed.

'Wag kang magalala, ikaw naman ang gugulatin ko.

Diretso at malalaki ang mga hakbang ko papunta kay Nathan at nang makarating ako sa harapan niya ay buong-lakas kong hinila ang kwelyo niya papatayo. Mukhang nagising siya at aakmang ibabalibag ako pero naunahan ko na siya at binitawan ang kwelyo niya at binigyan ng isang malutong na sampal.

Tanging ang tunog ng sampal ko ang umalingawngaw sa HQ nila. Ramdam ko ang titig ng mga kaibigan niya pero ipinagsawalang-bahala ko lang 'yun.

"What the fuck do you think you're fucking doing?!"

Sa sobrang lakas ng sigaw niya ay parang nabingi ako.

Bago ako nagsalita ay muli ko siyang sinampal nang malakas na halos hindi ko na maramdaman ang kamay ko dahil sa manhid.

Napamura na naman siya at napatayo na pero bago niya ako mahawakan ay sinampal ko naman siya gamit ang kabilang kamay ko. Sinigurado kong malakas din 'yun dahil isa akong ambidextrous at kaya ko kahit saang kamay pa' yan.

"Caiah, you should go now." Narinig kong sabi ni Andrei.

Hindi ko siya nilingon at tinugon dahil ang atensyon ko ay na kay Nathan lang.

Nanggagalaiti ako at sobang bigat ng mga paghinga ko dahil sa kanya.

"Fuck shit! Why did you fucking slap me three times?!"

Sinubukan ko siyang sampalin ulit pero nahuli niya na ang kamay ko. Marahas kong binawi ito at binigyan siya ng isang suntok sa dibdib.

Mukhang nagulat na naman silang lahat dahil akala nila tapos na ako.

"What the fuck am I doing here? Why don't you fucking ask yourself? Asshole!" Pati ako ay nahahawa na sa kakamura niya dahil sa galit ko.

"Ikaw pa may ganang manigaw at magalit? Don't you fucking know what happened to me last night because of your fucking attitude?!"

Mabilis at mabibigat ang bawat paghinga ko at unti-unti nang namumuo ang mga luha sa mga mata ko.

Humina na ang boses ko at itinuon ko ang mga mata ko sa mga mata niya.

"I fucking asked for your help but you ignored me and I-I was h-harassed and t-they tried to-" Hindi ko na naman natapos ang sinasabi ko dahil hindi ko kayang sabihin.

Nanginginig ang mga tuhod ko at unti-unti akong nawawalan ng sapat na lakas para ipagpatuloy ang sinasabi ko.

"Caiah..."

Andrei's the only one who kept on calling my name pero hindi ko pa rin siya magawang lingunin.

"It was your fault-"

"How is it my fault if you were the one wandering outside late at night? How is it my fault? Am I the one who harassed you? Am I?"

Natigil ako sa pagiyak dahil sa mga sinabi niya. How can he say those words na para bang nadapa lang ako?

"Nathan!"

"No, don't shout at me Andrei. I am just stating the fact here that it wasn't my fault that she-" Pinutol ko rin siya 'gaya nang ginawa niya sa akin kanina.

"They wanted revenge on you! Those were the goons whom you've beaten the first time we met! They had that fucking evil plan because of you! And I fucking hate you for being a big shit!"

Hindi ko kinaya at nagmadali na akong tumakbo papalabas ng HQ nila.  Sinubukan pa akong habulin ni Andrei pero binilisan ko pa ang takbo hanggang sa makarating ako sa dorm.

Nahiga ako at nagtalukbong ng kumot at iniyak na lang ang lahat dito.

Dumaan ang isang araw at mas pinili kong hindi pumasok. Isang araw lang naman.

Buong araw akong nasa dorm at nakahiga lang. Feel ko drained na drained ako sa dalawang linggo ko dito sa R.A.

Napakadaming nangyari at hindi ko naman talaga aakalain na mangyayari ang mga ito sa akin dito. Nakakatakot nga talaga 'tong pinasok ko.

Gabi na tahimik na ang buong dorm. Nandito pa rin ako sa kama at nakahiga habang nakabalot ng kumot. Tahimik lang akong tumitingin sa socmed accounts ko nang biglang may nagpop-up na message.

Vincent Alcantara: still up?

Caiah Isla Samaniego: y?

In-exit ko na 'yung app at bumalik sa Twitter pero ilang sandali lang ay biglang may kumatok sa pinto. Napaayos ako nang higa at napaupo na rin kaagad.

Sinong kumakatok sa dorm ngayong gabi?

Napatalon ako nang kaunti nang nagvibrate ang phone ko. I opened the same app and I saw another message.

Vincent Alcantara: open up.

I was a little confused pero I decided to open the door. This better be not a prank because I swear I'll punch his face!

Bumungad sa akin ang isang box ng pizza na nakabukas na. Ibinaba niya ang takip at nakita ko nga si Alcantara.

"What's that?"

Natawa siya like I said some kind of sick joke.

"Are you seriously asking me that?"

Hindi ako sumagot at tinitigan lang siya. Maya-maya ay iniabot niya sa akin ang box.

"I ordered pizza in my office and there was a promo of buy one take one and I can't waste this so I thought of giving this to you." Pagpapaliwanang niya.

I scoffed.

"Buy one take one my ass! You're not the type to buy that, but thanks." Mabilis kong sinara 'yung pinto at bumalik sa kama.

The next day came and I still didn't go to class. Alcantara kept on chatting me and all I did was to "seen" him.

Third day came and I decided to go to class. I really didn't find sulking as something nice. I needed to regain my strength and to play my A-Game.

Naglakad ako sa hallway na para bang first day ko na para bang walang nangyari days ago.  Hindi pa man ako nakakarating sa gitna ay parang gusto ko nang lumiko dahil nasa kabilang side lang naman ang Royal Yobbo Gang.

Kumpleto sila at as usual, laging pinagtitinginan. Malayo pa lang ay namataan ko na sila at attention-seeking ang mga pasa at bandaid ni Nathan sa mukha.

Where did he get that?

Last time I checked, wala ang mga 'yan at isa pa, sa dibdib ko siya sinuntok. Siguro may mga cuts ako naiwan sa gilid ng labi and sa cheeks pero he looked like he was punched by a strong guy!

Whoever that guy is, I need to thank him.

I decided to go straight dahil bakit ko sila iiwasan? Sila ang may kasalanan sa akin and not the other way around.

Nakita na nila ako at mukhang sabay-sabay pa silang nagulat. Nang magkalapit ay huminto sila at akmang may sasabihin si Nathan pero nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa malagpasan ko sila at makaliko sa kabilang hall.

That was great, Caiah!

I still have less than an hour before my first class kaya minabuti kong bumisita sa garden. Hindi naman nagtagal at nakaupo na ako sa paborito kong spot.

Agad kong tinignan kung may reply na ba 'yung kausap ko sa lamesa na' to.

At hindi nga ako nagkamali.

Somewhere peaceful.

Napangiti naman ako. Inilabas ko ang ballpen ko at nagsulat na nang irereply.

Can i come w/ u?

I checked my watch and I must say that I need to go because I only have ten minutes before I became late!

Itinago ko na ang ballpen at naglakad na papalabas ng garden pero bago ako tuluyang makalabas ay may nakasalubong pa nga ako.

Nagulat ako dahil sa kanya at mukhang nagulat din si Nathan pero mabilis kong pinalitan ang ekspresyon ng mukha ko at sinubukang gawin ang ginawa ko kanina.

Malapit ko na siyang malagpasan pero nahawakan niya ang braso ko na mabilis ko namang binawi.

"Let's talk."

Tinignan ko siya sa mata at napasinghal.

"We have nothing else to talk about."

I quickly turned and walked away.

That's what you get for messing with the wrong person, Sabroso.



Continue Reading

You'll Also Like

14.9M 328K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...
4.5M 124K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
541K 21.7K 44
Madison Vasquez is a drop-dead gorgeous and a perfect recipe for immense destruction of Vasquez family. Avrielle Rawén Valle d'Aosta Cervantes is wil...
3.5M 117K 65
Death is my name and Death can be my game. Deathalè at your service.