"Paalala ko lang hanggang ngayong Gabi na lang ang alok ko."
Argh. Nasakit ang ulo ko sa lalaki na yun. Pero... Gusto ko. Gusto kong ipaghiganti ang magulang ko.
Wah!
Ang gulo ng isip ko.
"Paupau, wag ka namang malikot matulog." sabi ni Aira. Gabi na kasi kaya hindi ko alam kung tatanggapin ko ba yung alok ni Leeron or hindi.
Hays. Ano bang gagawin ko?! papayag ba ako o Hindi?
'Ma, Pa. Ito po ba ang gusto niyo? ang matuto ako ng tradisyunal na martial arts? kailangan po ba talagang gawin ko to?' tanong ko sa isipan ko. Dahan-dahan akong umalis. Baka magising ko pa si Aira. Isang oras bago mag-curfew.
As usual dumaan ako sa laging dinadaanan ko at nakapunta ako sa bahay ni Leeron.
"Lee---" napatigil ako sa pagtawag sa kaniya ng makita si Senior Marga na kausap si Leeron.
Nagmamadali akong nagtago sa statue. Jusko muntikan na ako makita na senior marga. Pagnagkataon Patay ako.
"Leeron..masaya akong bumalik kana." sabi ni senior marga, sa boses nito sobrang saya niya. Napatakip ako sa bibig ko dahil sa hinala ko. May gusto ba si Senior Marga kay Leeron?!
"Umalis kana." ano pa bang aasahan kay Leeron napaka-suplado niya. Si Senior marga na yun haler!
"Leeron..Gusto kita."
This time gusto ko sumigaw pero pinigilan ko ang sarili ko. Hindi pwedeng malaman na nandito ako. Mygad. So totoo ang hinala ko.
"I don't like you." deretso na sabi nito. Jusko pusong bato ang meron si Leeron. Bakit kailangan niyang deretsahin si Senior Marga. Kaawa-awa tuloy to ngayon. Bakit kasi sa dami-dami ng lalaki yang leeron pa ang nagustuhan niya?!
"Paupau."
Totoo ba to? tinatawag ako ni Leeron? alam niyang nandito ako?!
"Paupau lumabas ka Jan!" sigaw niya at may kung anong sumapi sakin para sumunod sa utos niya. Taranta akong lumabas at kita ko ang gulat na mukha ni Senior Marga.
Bwisit na Leeron nato. Ano bang balak niya? Pinalapit niya ako sa kaniya kaya naman wala akong magawa kundi lumapit sa kaniya at nabigla ako ng akbayan niya ako.
"Umalis kana, nakakaistorbo ka saming dalawa."
Hindi ako makapaniwala na sinabi niya yun. Naawa ako kay senior Marga ng umiiyak itong nagtatakbo paalis. Agad na tinanggal ni Leeron ang pagkaka-akbay sakin.
"Ano nakapagdesisyon kana?" tanong niya sakin. Kaka-basted niya lang kay Senior Marga tapos parang wala lang sa kaniya?! yung totoo may puso pa ba siya?
"Bakit..mo yun ginawa? ano na lang sasabihin sakin ni Senior Marga?" nag-aalalang tanong ko.
"Ginawa ko lang yun, para paalisin siya." paliwanag niya at napamaang ako sa sinabi niya. Ang lupit talaga ng Leeron na to!
"Ang sama mo!" sigaw ko sa kaniya at inapakan ang paa niya.
"Aray!"
Akala niya siguro kukunsintihin ko yung ginawa niya. Ang sama ng ugali niya. Hindi siya deserve ni senior Marga.
"Ano bang problema mo?"
"Ikaw...pasalamat ka nga may nagkakagusto pa sayo, kahit masama naman yang ugali mo! kaming mga babae bago kami umamin sa taong gusto namin, Tinataya namin ang reputasyon namin tapos parang wala lang sayo? okay lang sayo? na saktan yung nararamdaman niya?"
"Anong gusto mong gawin ko? hayaan siya para lalo siyang umasa?" Inis nitong sabi sakin.
Naiyukom ko ang kamao ko sa galit. Bakit ba kasi Senior marga Kay leeron ka pa nagkagusto?!
"Ano bang pinunta mo talaga dito?" tanong niya pa sakin. Pinakalma ko ang sarili ko.
"Pumapayag na ako sa alok mo." mabilis na sabi ko. Tama nga ba talaga ang desisyon ko?
"Pasok." sabi niya at pumasok ako sa bahay niya. Simple at sobrang linis ng bahay niya.
"Bakit ka pumayag sa alok ko?"
"Dahil gusto ko makita ang taong pumatay sa magulang ko."
"At anong gagawin mo sa kanila."
"Gusto ko silang tanungin bat nila ginawa yun. Bakit magulang ko pa. Ano bang kasalanan ng magulang ko sa kanila." kalmadong sabi ko at napatingin ako sa kaniya na seryoso din nakatingin sakin. May kinuha siyang kung ano na papel at binigay yun sakin.
"Basahin mo at pirmahan mo." simpleng instruction niya. Binasa ko yung gamit ng Mata ko.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya sakin. Tamo sabi basahin ko daw tapos iistorbohin ako ngayon.
"Nagbabasa ng tahimik." masungit na sabi ko.
"Basahin mo ng malakas." utos niya. Nako talaga gusto kong kutongan siya pinipigilan ko lang sarili ko. Gaya ng sabi niya binasa ko yun ng malakas.
"Ako si Paula Chou na sumasang-ayon magpaturo kay Leeron Wu na labing siyam taong gulang ng tradiyunal na pakikipag-laban at nangangakong gagamitin lamang ito para sa kabutihan. Magmula ngayon tinatanggap ko ang alak na senyales na akoy ganap na studyante ni Master Leeron Wu." Nanlaki ang Mata ko ng pumasok sa isip ko ang mga nakasulat sa papel. Magsasalita na sana ako kaso nagsalita din si Leeron gaya ko may hawak siyang kapiraso na papel. Bakit tingin ko nagsusumpaan kaming dalawa?
Tsaka Master? Wala sa wisyong pinirmahan ko yung papel.
"Ako si Leeron Wu tinatanggap na maging studyante si Paula Chou na labing walong taong gulang. Nangangakong ituturo sa kaniya ang tradisyunal na pakikipaglaban. Ituturo sa kaniya ang dapat niyang matutunan at kung ano talaga ang kahulugan ng tradisyunal na pakikipag-laban. Magmula ngayon Tinatanggap ko ang alak na senyales na akoy ganap na Master o guro ni Paula Chou." mahabang sabi niya at pumirma din siya at may kinuhang dalawang baso sa lamesa. Binigay niya sakin yung isa. Para san to? at masasabi kong pangtardisyunal ang baso na hawak ko ngayon.
"Inumin mo." utos niya kaya naman ininom ko at ganon din ang ginawa niya. Kinabahan ako ng tignan niya ako ng sobrang seryoso. May iseseryoso pa pala ang mukha niya?
"Sa ngayon ito lang muna ang magagawa kong seremonya."
Ngayon? so may susunod pa?!
"Ito ay simpleng seremonya lang."
"Okay."
"At magmula ngayon igagalang mo na ako, tatawagin mo akong Master."
"M...Master?" utal na sabi ko.
"Yes. Master."
"Ito ang tawag mo sakin lalo na kung tayo lang dalawa ang tao at lalong lalo na sa tuwing may pagsasanay tayo." ngising-ngisi na sabi nito. What? master? pwedeng Monster na lang? mas bagay yun sa kaniya.
May binigay na naman siya sakin na papel. Para san na naman be to? Tinignan ko yun at napagtanto ayun ang schedule ko.
"Pa..Paano mo nalaman ang schedule ko." tanong ko sa kaniya.
"I'm the President of Shaolin high hawak ko lahat ng student files." simpleng sagot nito. Napanguso na lang tuloy ako. Puno-puno ang schedule ko. Ang dami naman ng training days. Yung iba pagkalabas ko pang ng klase ko.
"And here." sabi niya at may binigay na papel muli sakin. Mukhang hate ko ang papel ngayon. Para san naman kaya to?
Binasa ko yun at gulat ng makita ang nilalaman non...gatas, chicken, cerials, potato, carrots, at marami pang iba. teka ano ang mga to?!
"Yan ang first mission mo."
F..First mission?!
"Teka nga lang malinaw ang usapan, Traditional martial arts ang usapan hindi pagiging katulong ang pinasukan ko." Reklamo ko sa kaniya. Aba hindi ako uto-uto no. Kinabahan ako ng lumapit ito sakin. Yan. Yan na naman siya.
"Yan din and unang punishment mo dahil sa kawalang galang mo sa Master mo."
Talagang pinagkadiinan niya pa yung salitang Master. Feeling din eh.
"Oo na!" sigaw ko. "Este M..Master." utal na sabi ko. Bakit ba, hindi ako sanay.
"Good. 6 am nandito kana bukas."
"Ano?!" sigaw ko sa kaniya at pinanlakihan niya ako ng Mata. Kainis naman oh.
"I mean master sobrang aga non." mahinahon na sabi ko.
"I said 6 am, so it's 6 am."
"Master." maktol ko. Sobrang aga non. Ang klase ko 9 am pa. Usually nagigising ako 8 am. Nagulat ako ng kunin niya ang phone ko at may kung anong gawin don.
"Master ano pong ginagawa niyo?"
"Kailangan ko ang number mo. Don't be late bukas kung ayaw mong dagdagan ko ang punishment mo."
Tsk. Napatango na lang ako. Punishment niya mukha niya!
"Alis na." ngiting-ngiti nitong sabi sakin at umalis na ako.
Habang naglalakad hindi ko maiwasan isipin yung nangyari. Tama ba tong pinasok ko?
-----------------------------------------------------------
To be Continued ❤