I'm Her Target And She's My T...

By JadeAlyssonIlagan

5.7K 2.8K 94

Ang pag-ibig ay parang laro. Nasa sa iyo na kung paano mo lalaruin ang larong ito. Pag ibig na kailangan mong... More

Prologue
Cast
Introduction
Part 01: Task 1
Part 02: Proposal Accepted
Part 03: Utang mo!
Part 04: Stalker
Part 05: Beautiful Voice
Part 06: Kidnap
Part 07: Picture With Her
Part 08: That Dream
Part 09: Jealous
Part 10: Welcome Party
Part 11: Double Proposal
Part 12: Acquaintance Party
Part 13: Miss Ash
Part 14: Fifth Rank
Part 15: She Wished
Part 16: Ashanti vs. Sandoval
Part 17: Her Dream
Part 18: Race
Part 19: Who is your Boss?
Part 20: She is my Girlfriend
Part 21: He is the boss!
PART 22: ASHANTI'S BIRTHDAY
Part 23: KUYA KUYA SUNOG!
Part 24: First Date
Part 25: Kidnapping My Bestfriend
Part 26: DEAL
Part 27: First Move
Part 28: HALA PAKTAY!
Part 29: MIA (MISSING IN ACTION)
Part 30: Monthsarry
Part 31: The Game Start's Now!
Part 32: Enemy's First Move
Part 33: Revenge of Ashanti
Part 34: Got email
Part 35: How nice she is.
Part 36: SEMBREAK
Part 37: Hinala
Part 38: FIESTA!!
Part 39: Meet Him!
Part 40: Cutting Ties
Part 41: PLAN
Part 42: The Spy
Part 43: The Start of KARMA
Part 44: Unfair World
Part 45: The War Starts Now
Part 46: The War Start Now 2
Part 48: Mission In America 1
Part 49: Mission In America 2
Part 50: Mission In America 3
Part 51: Finding ASHANTI
Part 52: ASHANTI
Part 53: The Revelation
Part 54: The REVELATION
Part 55: The SECRET
Part 56: Ashanti Is In Action
Part 57: 'Protector'
Part 58: Guess Whose Back?!
Part 59: THE BEST LIAR
Part 60: I Need To Do This!
Part 61
Part 62: Nahzury Knows The Truth
Part 63: It's OVER!!
Part 64: Not Your Target Anymore
Part 65: The One Who Made This Mess!!
Part 66: Twin Mirror And The Plan
Part 67: Oplan: HIDE ASHANTI
Part 68: Vacation Turns Into..
Part 69: This Is The DAY
Part 70: The END IS NEAR
Part 71: Is This The End?
Part 72: A Goodbye!
EPILOGUE
Special Chapter
AUTHORS NOTE

Part 47: Family In A Rescue

33 24 0
By JadeAlyssonIlagan

ASHANTI’S POV

“Sorry I’m late.” sabi ko sa matandang nag-iintay sa akin sa isang restaurant. Nakipagkita ako sa kanya dahil may kailangan akong malaman tungkol sa mga nalaman ko kahapon. Hindi ko kailangang magpa-isang araw pa. Masyadong mahalaga ang mga itong mga kailangan ko para ipagpapabukas pa.

“It’s okay Miss, shall we order first?” pagkasabi niya noon ay agad akong tumango sa kanya, tamang tama kasi hindi pa ako nag-aagahan tumakas lang ako sa mansion para makausap siya ngayon. Pero nasundan pa rin ako ng mga butler na naka- assign sa akin at ayon sila nasa labas nagbabantay sa entrance ng restaurant.

“Waiter please.” pagkarating ng water at agad akong nagbigay ng aking inorder pagkatapos ay agad kaming nagkamustahan kami nitong si Mr. Santiago ito iyong taong tinulungan ko na mapasakanya ang kompanyang kinuha ni Montellier. Mahabang kwento pero nagtitiwala na ako sa kanya ngayon.

“Tanda mo ba ang sinabi mong pangalan na Mr. Axe Sy? Tingin mo saan ko siya makikita?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. “Anong ibig sabihin ng ngiti niya?”

“Alam mo Miss, mahirap tuntunin kung nasaan si Mr. Sy sa ngayon, sa dami ng tahanan at negosyo niya maaring nasa ibang bansa o nasa ibang lugar siya ngayon.” nakangiti niyang sabi sa akin.

“Pero nakita mo na ba siya miski isang beses?” tanong ko sa kanya. “Oo miss marami ng beses, marami na kaming meeting na pinagsamahan, at minsan nga ay nagkikita pa kami kapag may mga importante kaming ginagawa sa ibang bansa."

“Member ka ba ng Org?” pagkatanong ko sa kanya ay nanlaki ang mata niya sa akin.

Alam ko na ang ibig niyang sabihin. “Member ka diba? VIP member! Bakit ka sumali?” tanong ko sa kanya, pero tumahimik lang siya hanggang sa dumating na ang order namin. “Dahil kailangan kitang protektahan.” nakangiti niyang sabi, napakunot naman ang aking noo sa kanyang sinabi. “Ako proprotektahan?” natatawa kong sabi.

“Nagpapatawa ka ba Mr. Santiago?” tanong ko ulit sa kanya.

“Malamang para sa iyo nakakatawa ang sinabi ko. Ginawa ang Organization para may protektahan. Maraming bagay na pinoprotektahan ang Organization na ito, hindi lang mga kapakanan ng mga bansang sakop ng Organization ito, hindi lang tungkol sa mga taong taksil sa bayan, o may kasalanang nakapalaki sa lipunan. Ikaw ang top priority ng Organization.” nakangiti niyang paliwanag sa akin.

Mabilis kong dinampot ang juice na nasa harapan ko at agad na sinimsim ito. Anong pinagsasabi niya? Anong top priority? Lalo akong naguguluhan sa mga nalalaman ko, lalong sumasakit ang ulo ko sa mga ganito.

“Paano ko nakilala ang anak mo?” tanong ko sa kanya. “Pinorektahan mo siya diba? Hindi mo tanda?” tanong niya sa akin, napailing ako sa sinabi niya.
Wala akong matandaan, anong pinoprotektahan?

Inisip ko ng mabuti kung ano ba sinasabi niya, pero wala akong matandaan miski isa sa mga pinagsasabi niya tungkol sa pinoprotektahan ko ang anak niya. “Bata ka pa noon Ashanti at wala ka pang alam sa mundo kundi maglaro ng paborito mong laruin na Bee.” napakuyom ako ng palad sa narinig.

BEE? Ang ayaw ko sa lahat naririnig ko ang salitang iyon! Pinakaayaw ko sa lahat!

“Wala akong matandaan, pero pwede ba sa usapan nating dalawa wag mong babanggitin ang tawag sa laruan na iyon!” may banta sa pagkakasabi ko. Mabilis kong hinawakan ang spoon at fork at mabilis na ginalaw ang pagkaing nasa harapan ko.

“Gusto mo bang makita kong paano kita binabantayan Ashanti?” tanong niya sa akin, pagkasabi niya noon ay agad akong tumingin sa kanya at agad na tumango sa kanyang sinabi.

9pm

Nang makauwi ako ng mansion, sumama ako kay Mr. Santiago para pumunta at bumisita sa kanyang mansion pinakita niya sa akin ang mga ginawa niya para mahanap ako. Simula bata palang ay sinusubaybayan na niya ako kahit nasa ibang bansa ako pagkatapos na pagkatapos naming mag-usap ay nakipagkita ako kay Khane sa isang restaurant para makapag lunch kaming dalawa.

Masyado na kasi kaming busy, at pinaalam ko na rin sa kanya na hindi na muna ako papasok sa school at mag-oonline class nalang ako. Syempre!

Nadismaya siya dahil hindi niya ako makikita sa campus. Pero nangako naman ako sa kanya na maglalaan ako ng araw para makasama siya.

Nag-lunch kaming dalawa at tinulungan ko siya sa business proposal na gusto niya sanang ipakita sa kanyang lolo para suportahan siya na gawain ang kompanyang ito sa kanya. Pagkatapos ng aming lunch ay nagpunta ulit ako sa Hospital, para tingnan si Dane si Nahzury ang nagbabantay sa kanya.

Tumigil ako doon saglit, para makipagkwentuhan sa kanya at bantayan na rin ang alaga ko, namimiss ko na rin kasi itong si Nahzury, ilang araw na rin naman kaming hindi nagsasama at nag-uusap. Kaya marami akong naikwento sa kanya.

Pagkadating ng alas singko ay nagpaalam na rin ako sa kanya, alam kong sa oras na iyon ay bibisita si Mommy sa Hospital para kay Dane at kailangan ko siyang iwasan. Ayaw kong masaktan pa sa kung anong sasabihin niya, tama na ang isang pagkakasabi niya para masaktan ako.

Pumunta ako sa Organization pagkatapos kong pumunta sa Ospital, may mga kailangan akong trabahuhin rito habang busy ang lahat para sa isang kaso na si Montellier, ang Organization na ang humahawak ng kaso na ito. Inalis na sa akin ni Master ang trabaho via send ng email sa akin.

Hindi ako nasiyahan sa sinabi niya, dahil simula una palang ay nagtrabaho na ako doon, hindi ko lang alam kung bakit inalis na sa akin ang posisyon na iyon. May mga kailangan akong trabahuhin rito para ma-maintain ang status ng pagiging ranker ko.

May mga bagong kaso na binigay sa akin si Zia, galing sa America, Dubai at sa Hongkong ang mga kaso na ito. As usual, mga taong nasa tabi ni Montellier. Hindi maaari na kapag kinuha sa akin ang trabaho ay hindi ako gagawa ng way para pagtrabahuhan ulit ito, kaya sinimulan kong atakihin ang mga taong loyal sa kanya.

Pagkatapos kong tingnan at basahin ang mga iyon ay nanghingi ako kay Zia ng listahan ng mga VIP Members sa Organization, at hindi ako nagkamali na isa si Mr. Santiago rito, pero nagulat ako ng isa rin sa VIP si Chua.

Nagpa-set ako ng meeting para sa mga ka-team ko about sa mga trabaho kay Zia at mabilis rin namang naayos ang meeting at agad na akong umalis ng organization.

Alas nuebe ng gabi nakarating ako sa gate ng mansion, lahat ng mga butler ay parang may nihahanap, nang makapasok ako sa gate ay agad na kumatok ang isang lalaki sa bintana ng kotse ko. “Miss, kanina pa kayo hinahanap ni Master. Galit na galit na po siya dahil tumakas daw po kayo sa mga bantay niyo.” pagkasabi niya noon ay napangiti ako sa kanya.

Sinimulan ko ng paandarin ang kotse hanggang sa makarating ako sa mansion. Hindi pa bumababa ng sasakyan ay agad ng humilera ang mga butler sa tapat ng pintuan. Lumabas ako ng sasakyan at mabilis na tinago sa bulsa ang susi.

Pagkapasok ng mansion ay agad akong sinalubong ni Oliver at ni Manang, alam ko na ang sasabihin nila sanay na ako sa mga ganitong usapan, ilang beses na ba akong namura sa mansion ng mga Lane at Sys a pagtakas ko? Siguro maraming beses na.

“Miss, kanina pa kayo….” hindi ko na pinatapos pa si Oliver magsalita at agad kong tinaas ang kamay ko at humarap sa kanya.

“Asan siya?” tanong ko sa kanila, napatingin silang dalawa sa isa’t isa, saka tumingin sa akin. “Nasa office po niya, ihahatid po kayo ng maid papunta sa kanya.” pagkasabi niya noon ay agad na umuna sa akin ang isang maid. “Dito po tayo Miss.” nakangiting sabi niya.

Sinundan ko siyang maglakad at umakyat papuntang third floor, pero habang naglalakad kami ay dinadaldal ko siya. “Ilang taon ka ng nagsisilbi rito?” tanong ko sa kanya, pero patuloy lang siya sa paglalakad.

Sa itsura at galaw palang ng babaeng ito, halatang nag-aaral pa siya, at tingin ko nasa college na siya ngayon. “Mahigit apat na taon na po Miss.” napakunot ako sa sinabi niya. “Kanino ka nagtratrabaho?” tanong ko sa kanya. Humarap siya sa akin at ngumiti.

“Kay Miss Precious po.” lalo nangunot ang noo ko sa kanya. “Miss Precious?” tanong ko. “Opo yung patatlo pong anak ni Master.” nakangiti niyang sabi.

“Napakabait po niya, napakatalino rin po, siya yung tumulong sa akin para makapag-aral sa pinapasukan niyang isang kolehiyo, tinulungan niya po akong makapasok doon ng libre.” nakangiting sabi niya habang naglalakad kami. Lumingon ako sa kanya. “Bakit saan ba ikaw pumapasok?” tanong ko sa kanya.

“Sa Stonebridge University po.” pagkasabi niya noon ay napatingin ako sa kanya habang patuloy na naglalakad. Stonebridge University? Isa sa ang mga Lane at Sys a investor ng university nito, kasama na din ang Choi Hospital. Anong ibig sabihin ng pagiging konektado nila?

“Miss andito na po tayo.” natauhan ako ng magsalita ang nasa tabi ko. “Ahh sige salamat.” nakangiti ko sa kanyang sabi, pero naguguluhan pa rin ako sa iniisip ko.

Pagkabukas ng pintuan ay agad kon ginala ang paningin napakalaki ng office na ito, kasing laki ng office ko sa org, puro mga antique ang laman ng mga gamit rito, halatang galing pa sa ibang bansa. Marami ding mga mamahaling painting na sadyang binili pa sa kilalang mga pintor.

“I’m glad na bumalik ka sa mansion ko Ashanti, akala ko tumakas ka na.” nakakatawa niyang sabi. “Bakit naman ako aalis rito ei hindi ko pa nauubos ang yaman mo.” pabirong sabi ko sa kanya.

Natawa siya ng malakas sa aking sinabi.
Naglakad siya palapit sa akin at ako naman ay naupo sa couch umupo siya sa isa sa mga upuan at tumatawa pa rin sa sinabi ko. “Sa totoo nga ay mas mayaman ka pa kesa sa akin Miss Sy.” nakangiti niyang sabi.

Natawa ako sa kanya, nagbibiro ba ito? Ei halata namang mas mayaman siya kaysa sa akin. “Walang wala ang yaman ko, kesa sa iyo Chua. Sa laki ng mansion at sa dami ng negosyo mo, masasabi kong mas lamang ka pa kesa sa akin.” nakangiti ko sa kanyang sabi.

“Bakit nga pala gabing gabi ka na umuwi?” pag-iiba niya sa usapan. “Ah ayon? Nakipagkita lang ako sa boyfriend ko, namimiss ko na kasi siya. Alam mo ba iyon? Kapag may kasintahan ka parang gusto mong laging nasa tabi niya, kaya pumunta ako sa kanya. Hehe.” pagpapacute ko sa kanya at paghawak sa buhok ko at kinukulot kulot habang nakikipag-usap sa kanya, para mas lalong maniwala siya.

“Pero yung matanda?” tanong niya sa akin, naibaba ko ang kamay ko at agad na sumiring ang mata ko sa kanya. “Ah iyon? Nakipag meeting lang ako sa kanya, balak ko sanang mag-invest sa kompanya niya.” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Pag-iinvest ba ang tinatakasan ang butler?” tanong niya sa akin, natawa ako sa kanya. “Alam mo Chua, hindi ako sanay na may nakabuntot sa akin.” nakangiti kong sabi sa kanya. “Bakit mo tinagtag ang tracker sa kotse?” tanong niya sa akin.

“Ah nasira kasi habang nagpapalinis ako ng kotse sa carwash-an.” nakangiting sabi ko sa kanya. “Amin na ang susi, simula bukas wala kang gagamitin na kotse. Private car ang gagamitin mo kung sakaling may pupuntahan ka.” pagkasabi niya noon ay nanlaki ang mata ko sa kanya.

“HA? No way!” sigaw ko sa kanya

“Akin na, wag ka ng magmatigas pa.” nakangiti niyang sabi, pero wala akong ginawa kundi ibalik sa kanya ang susi ng kotse na pinakagusto ko, habang nakasimangot sa kanya. “Hindi mo ako madadaan sa pagpapa-cute mo Ashanti.” pagkasabi niya noon ay umalis na siya sa kwarto na iyon pero sumunod ako sa kanya.

“Aalis ako in 2 days, wala akong gagamiting sasakyan!” sigaw ko sa kanya. “At saan ka pupunta?” tanong niya sa akin, pagkasabi niya noon ay humarap siya sakin. “Pupunta akong America, ihahatid ko ang mga bata doon.” nakangiti kong sabi.

“Gamitin ang private car.” pagkasabi niya noon ay tumalikod siya. “NO!” sigaw ko ulit. “Anong No! Pamamahay ko ito, nasa bahay kita, ako ang masusunod!” sigaw niya sa akin.

“Pero tandaan mo, kaya ka nasa ganitong estado dahil sakin!” sigaw ko rin sa kanya. Wala kaming ginawa kundi magsigawan sa hallway na parang mag-ama at paniguradong buong floors ay binging bingi na sa pagsisigawan naming dalawa.

NAHZURY’S POV

“Manang, kamusta po diyan?” tanong ko kay Manang na ka video-call ko ngayon.

“No!”

“Anong No! Pamamahay ko ito, nasa bahay kita, ako ang masusunod!”

“Pero tandaan mo, kaya ka nasa ganitong estado dahil sakin!”
Napakunot ang noo ko sa malakas na alingawngaw ang naririnig ko sa mula sa paligid nila. “Anong sigawan iyon?” tanong ko kay Manang.

[Nagsisigawan si Master at si Miss, siguro dahil sa late na siyang umuwi ngayon]

“Mukhang nagkakamabutihan ang dalawa ah.” napalingon ako sa nagsalita sa likod. Mommy?

Kinuha niya sa akin ang cellphone at hinayaan ko naman siya, para na rin malaman niya kung ano nangyayari sa anak niya sa loob ng mansion. “Kamusta siya diyan? Nagkakasundo na ba sila?” tanong ni Mommy kay Manang.

[Naku Maam, parang aso’t pusa po ang dalawa dito sa loob ng mansion. Wala pong araw na walang sigawan, minsan nga po tumatakas si Miss sa mansion. Lalo pa pong tumitigas ang ulo.] napatawa si Mommy sa sinabi niya.

“Pareho lang sila ng ugali Manang, wag kayong mag-alala at lalambot din ang ulo niyan. Basta lagi niyo sana siyang babantayan at aalagaan para sa akin at sa asawa ko, napakalaki ng kasalanang nagawa ko sa kanya ngayon. Sana ay mapatawad niya ako.” nanginginig ang boses na sabi ni Mommy.

[Naku Maam, kung ano man po ang kasalanan niyong iyon ay napatawad na agad kayo ng alaga ko. Kilalang kilala ko po iyan, hindi po siya nagtatanim ng sama ng loob sa kahit sino, kahit sayo Maam.] napangiti ako kay Manang.
Totoo ang sinasabi niya, hindi maalam magtanim ng galit si Ashanti sa pamilya o kahit sa kaibigan niya. Wala siyang ugali na ganoon, kaya malabong hindi na agad niya napatawad si Mommy sa sinabi niya rito.

Now, buy me a car! A sports car!”

“Aanhin mo ang sports car?!” rinig kong sigawan mula sa kabilang linya. “Naku batang iyan, kahit kailan talaga napakamaluho.” natatawang sabi ni Mommy.

"Sige na Manang, aalis na ako, may meeting pa ako. Mag-iingat kayo diyan. Salamat ng marami manang.” nakangiting sabi ni Mommy kay Manang at agad na binalik sa akin ang telepono.

“Pumunta ka sa opisina ko bukas ng umaga, may gagawin tayo.” nakangiting sabi ni Mommy, agad naman akong nagbigay ng okay sign sa kanya.

Si Mommy parang nanay ni Daoming Si hahaha, matapang sa labas pero pagdating sa anak ay nanlalambot siya.
Pagkaalis ni Mommy sa kwarto ay agad kong pinatay ang tawag, ipapasok ko na sana sa bulsa ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

Notification: Email from a Secretary of Highness,
Good evening, I inform you that Highness will be on a trip this coming weekends for a trip vacation. If you have a work with Highness please kindly send an email in this account. Thankyou!

Pagkabasa ay agad kong tinago ang telepono, wala akong trabaho sa Highness at wala akong balak makipagtrabaho sa kanya, kung gusto ko man siyang makita ay sa panahon na handa na akong patayin siya.

ASHANTI’S POV

5:30 am

Maaga akong nagising dahil balak kong mag-work out ngayon. Gusto kong galain ang buong mansion na ito at makapag isip isip. Agad akong nagpalit ng pang exercise na damit at pagkatapos na magbihis ay binibit ang aking cellphone at headphones para naman habang tumatakbo ay nakakarinig ako ng music.

Pagkalabas ng kwarto ay gising na ang lahat, abala na sila sa paglilinis at sa pag-aayos. Lumabas ako ng mansion at nagsimula ng maglakad kada dadaanan ko ay puro goodmorning ang naririnig mo sa kanila, wala akong ginawa kundi sang-ayunan lang sila.

Tumakbo ako sa mahabang lugar ni Chua, dito sa lugar na ito, parang yung pinagtatakbuhan mo lang sa South Korea, maraming puno sa bawat paligid may mga bench sa tabi at pwede ka rin gumamit ng bisikleta rito, pero hindi ako maalam mag bisikleta at magmotor natatakot kasi ako. Hindi ko alam pero takot ako sa lahat ng dalawa lang ang gulong hinihika ako sa hindi ko malaman na dahilan.

Kaya naalala ko noong pinapasakay ako ni Khane sa motorbike niya na napakalaki, hinika ako non. Sa sobrang takot. Umabot ng isang oras ang pagtakbo ko hanggang sa makarating ako sa isang malaking puno rito na may mga pinta ng bata.

Pinagmasdan kong maigi ang mga pinta rito tumingin ako sa dagat malapit rito at iniisip kong saan ko nakita ang mga pinta na iyon umupo muna ako saglit habang nakatingin sa dagat hanggang sa may pumasok sa utak ko.

Mga tinig, isang batang babae kamukha ko, at may mga pinta sa mukha.

“Ashlyne catch me!”

“Ashanti I will paint your baby bee, what do you paint for me?” tanong ng isang bata na kamukha ko.

Napahawak ako sa aking ulo sa sakit. “I will paint a bee, just like what you did! But I will make it beautiful than yours!”

“Ashanti! hahahaha, no do not ruin my face hahaha.” natatawang sabi ng bata sa akin, habang pinipintahan ko ang kanyang mukha. “Run Liyan, I will catch you and ruin your face Hahaha!” sigaw ng bata sa akin, tumakbo ako papalayo sa kanya.

Napahawak ako sa ulo ko sa sobrang sakit, sumisigaw na ako sa sakit.

Hanggang sa nagpatak na ako sa kinauupuan ko at napaluhod na sa lupa sa sobrang sakit ng ulo. Hindi ko maramdaman ang katawan ko sa sakit ng ulo ko. Sumasakit ang puso ko kasabay ang pagkirot ng ulo ko.

Tumakbo ako ng tumakbo sa alaalang iyon hanggang sa “Ashanti!” sigaw niya.

“Miss?”

“Miss?”

“Miss anong nangyayari?” rinig kong boses ng dalawang lalaki na nakahawak sa kamay ko.

“Ashlyne? Ashlyne?” banggit ko sa kanila.

“ARRRRRGGGGHHH ANG SAKIT!” sigaw ko dahil sa sobrang pagkirot ng ulo ko, napahawak ako sa isang lalaki sa harapan ko at pinipilit na tumayo hanggang sa umikot ang paningin ko at naramdaman ko na lang na bigla akong papatak.

08:55 am

Pagkamulat na pagkamulat ng mata ko ay agad akong tumingin sa paligid. Hay nasa kwarto lang pala ako, tinanghali nanaman ako ng gising. Tumingin ako sa paligid nandito si Manang at Oliver sa kwarto ko at nakaharap sila sa bintana habang nag-uusap.

Tumayo ako dahan dahan at hinawakan ang aking ulo sa sakit nito, ano kayang ginawa ko at sumakit ang ulo ko? Nasobrahan ata ako sa tulog ngayon.

“Manang, may amnesia ang alaga mo. Mahihirapan siyang tanggapin ang lahat kapag nalaman niya ang katotohanan dahil wala siyang miski isang alaala.” rinig kong sabi ni Oliver kay Manang.

“Alam ko Oliver, kaya nga inaalagaan ko siya ng maayos para…”

“Para ano?” tanong ko sa kanila.

“Sinong may amnesia?” tanong kong muli sa kanila. Tumingin ako sa paligid ko may dalawang malapit sa cr ko na nakabantay. Tumingin ako sa sarili ko at nangunot ang noo ko nag makita ko ang kamay kong may dextrose.
Anong nangyari? Bakit ako nakadextrose? Tiningnan ko ang suot ko nakapang exercise na suot pa ako.

“Ashanti, ang sinasabi namin ay ang anak ko.” nakangiti niyang sabi pero nagkatinginan sila ni Oliver. Tumingin ako sa kanilang dalawa.

Kasinungalingan! Halata sa kanilang mga mata na kasinungalingan ang sinasabi nila dahil sa nakikita kong takot sa kanilang mga mata.

Hinatak ko ang dextrose na nakakabit sa aking kamay at tumalsik doon ang dugo.

“Wag niyo akong pinagloloko dahil sa narinig ko na kayong dalawa at halata ko sa inyo na hindi mo anak iyon Manang!” sigaw ko sa kanya.

“Girls si Master!” sigaw ni Manang sa mga maids na nasa likudan ko.
Binuksan ko ang pitaka ng isang cabinet ang mabilis na kinuha ang baril ko doon. Mabilis na tinutok kay Manang at kinasa. “Alam mong ang ayaw ko sa lahat ay pinagsisinungalingan ako.” humakbang ako palapit sa kanya pero lumayo sila. Aaktong bubunot na sana si Oliver ng baril ng mabilis kong tinutok sa kanya ang baril na hawak ko.

“Anong totoo?!” sigaw ko sa kanila.

“Ang totoo ay..” hindi ko na natapos ang sasabihin niya ng bumagsak na ako sa kamay ni Oliver.

3: 30 pm

Nang magising ako sa pagkakatulog. Tumingin ako sa paligid at napahawak sa aking ulo, tiningnan ko ang kamay ko na may dextrose. Humiga ulit ako at inisip ang nakita sa aking alaala kanina.
“Ashanti” tinawag niya ako sa pangalan ko kilala niya ako. “Ashlyne” at tinawag ko rin siya sa pangalan niya. Sino siya? Bakit ko siya kamukha? Pumasok sa kwarto si Manang at agad akong tumingin sa kanya.

“Manang?” nagulat siya sa akin at napaatras siya ng kanyang paa.

Tumingin ako sa kanya saglit, halatang natatakot siya sakin anong nagawa ko? Tumingin ako sa paligid kasi baka may nakikita siyang multo na katabi ko, pero wala naman.

“May kilala ka bang Ashlyne?” tanong ko sa kanya, lumiwanag ang mukha niya at ngumiti sa akin ng sinabi ko iyon.

Tumingin ako sa mukha niya wala akong mabasang kung ano ang iniisip niya. “Iha, si Ashlyne ay kapatid mong nawala na.” nakangiti siya sakin pagkasabi niya noon.

“Iyon bang….?” hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya. “Oo iha.” nakangiti niyang sabi sa akin. Mabilis akong tumayo sa higaan at hinatak ang dextrose sa aking kamay. Mabilis akong nagpuntang banyo para maligo may kailangan akong puntahan.

Manang’s POV

Napabagsak nalang ang alaga ko ng mabilis siyang tinurukan ni Magnus ng pampatulog. Nandito lahat ng Sy at Lane kanina sa narinig na balita na hinimatay si Ashanti dahil sa sakit ng ulo at nandito rin si Precious.

“Ang narinig lang po namin ay ang pangalang Ashlyne.” pagpapaliwanag ng isang butler na nakakita kay Ashanti. Napatingin kaming lahat sa isang direksyon.

“Anong nangyari Manang? Bakit ka tinutukan ni Ashanti ng baril?” tanong sakin ni Madam Helena ang asawa ni Master Lionel Debi Lane ang pinuno ng ARMY. “Narinig niya ang usapan namin tungkol sa alaga kong may amnesia at tinatanong niya kung sino, nang sabihin kong anak ko sinasabi niya na sinungaling ako at tinutukan ng baril.” pagpapaliwanag ko sa kanila.

“Manang si Ashanti ay maalam tumingin at alamin ang nilalamin at tumatakbo sa isip mo sa pamamagitan ng mata mo, makikita niya kung totoo ang sinasabi mo o hindi. Iyan ang isang katangian ni Ashanti. Huwag mong ipakitang natatakot ka kapag takot ka, saraduhan mo ang emosyon at isip mo. Wag kang mag-isip ng kung ano ano kapag kaharap mo siya.” paliwanag sa akin ni Nahzury.

“Nakakaalala na si Ashanti, unti unti ay malalaman na rin niya ang katotohanan nitong lahat. Kailangan nating kumilos bago siya kumilos at malaman ang lahat.” masamang tingin at sabi ni Chairman Ashley.

“Sinabi niya sa akin na pupunta siyang Amerika para ihatid ang mga bata? Totoo ba Nahzury?” tanong ni Master kay Nahzury mabilis na umiling si Nahzury. “Sinabi niya na ako ang magdadala ng mga bata sa Amerika kasama si Kuya Maximus, at bakit siya pupunta ng Amerika?” tanong ni Nahzury kay Master.

“Nakatanggap ako mula sa Sekretarya ng Highness na pupunta sa Amerika ang Highness dahil may negosasyon na magaganap. Baka pupunta doon si Ashanti dahil sa negosasyon na magaganap.” sabi ni Howard sa kasamahan.

“Bakit pupunta si Ashanti sa negosasyon na iyon ay wala siyang papel sa Org.” tanong ni Nahzury kay Howard.

“Narinig ko ang usapan sa Org, ang sabi ng ilang mga kasamahan ng team ng Highness ay malalaking tao ito at may kinalaman sila kay Montellier.” pagpapaliwanag ni Maximus.

“Ibig sabihin pupunta si Ashanti sa Amerika para subukan na kunin ang tiwala ng mga taong ito para mawalan ng kakampi si Montellier sa oras na mangailangan ito.” sunod na paliwanag ni Magnus.

“Kung ganoon, ay unahan natin ang gustong gawin ni Ashanti.” may awtoridad na pagkakasabi ni President Arthuro.

“Gusto kong pagkarating ni Ashanti sa Amerika ay hindi siya makakaalis doon, palabasin natin hinoldap natin si Ashanti pagkatapos ng pakikipag-usap niya sa isang pakay niya. Maaaring pwede nating gawin itong isang buwan hanggat maaari ang pagpapanggap na holdap sa kanya.” paliwanag ng Presidente.

“Hindi maari! Maraming mamamatay na tauhan!” reklamo ni Precious sa Presidente. “Kilala ko ang kilos ni Ashanti sa matagal kong pagmamatyag sa kanya, ang pinaplano niyo ay hindi oobra sa kanya.” paliwanag ni Precious sa lahat.

“Bakit hindi natin ipakuha ang visa niya at tanggalan siya ng karapatang gumamit ng panghimpapawid na sasakyan. Para hindi siya makauwi dito sa Pilipinas?” tanong ni Nahzury sa lahat.

“Paano?” tanong ko sa kanya. “Ako na ang bahala.” nakangiti niyang sabi.

Pagkatapos ng plano ay nagsibalikan na rin sila sa mansion at kami naman rito ay nagsimulang umakto na normal lang ang nangyayari.

Si Magnus ay lilipad papunta sa Amerika bukas ng umaga para gawain ang plano.

Si Howard naman ay lilipad sa HongKong at Dubai para ayusin ang plano doon, ako at ang mga tao dito ay aakto na parang walang nangyari sa paligid.

Pumasok ako sa kwarto naabutan ko si Ashanti na nakaupo na sa kanyang higaan. “Manang?” napaatras ako sa takot na masaktan niya ako. “May kilala ka bang Ashlyne?” tanong niya sa akin.

Agad akong ngumiti sa kanya at katulad ng sinabi ni Nahzury ay ginawa ko ang pagsasarado ng emosyon at isip.
Lumapit ako sa kanya. “Iha si Ashlyne ay ang kapatid mong nawala na.”

“Yun bang?” hindi ko na pinatapos ang pagsasalita niya at agad na sumagot sa kanya. “Oo Iha.” pagkasabi ko noon ay tumayo siya sa kanyang kama at mabilis na hinitak ang dextrose na nakakabit sa kamay niya at mabilis na tumakbo sa banyo para manligo.

Inasikaso ko ang dextrose niyang may dugo sa kanyang carpet at agad na nilagay ang dextrose sa basurahan at inalis ang carpet na may tulo ng dugo nito, at lumabas na ng kanyang kwarto sa labas ay nakaabang si Oliver na nakabantay sa pintuan.

“Kamusta siya?” tanong niya sa akin.

“Ihanda mo ang sasakyan, may pupuntahan kayo ni Miss.” pagkasabi ko noon at agad naman siyang tumalima sa utos ko, at binigay ko naman ang carpet sa mga maids na naglalakad sa labas humawak ako sa hagdan ng maisip ko ang nangyari kanina.

Takot akong mamatay, pero mas natatakot akong mamatay sa kamay ni Ashanti. Tumingin ako kay Oliver na naglalakad sa first floor, kasama siya sa pag-alis ni Miss Ashanti sa Amerika.

Ipapabanned din ang visa niya at inaalis na ng mga tauhan ng mansion ang sasakyang panghimpapawid at pandagat ng mga Lane at Sy sa Amerika para hindi sila makatakas.

Nasa plano na ang lahat- lahat at sana naman ay makisama samin ang panahon para matapos na ang gulong ito na dati pang pinaghahandaan ng lahat. Ang gulong ito sa pagitan ng isang kaibigan at isang kaibigan.

Matagal ng nakaplano ang lahat ng ito, pero hindi namin alam na ang anak pala ng mga Lane at Sy na si Ashanti ang gagawa ng plano na ito.

ASHANTI’S POV

“Siya ba?” tanong ko kay Mister Santiago na ang tinuturo ang ay mukha sa lapidang pinuntahan namin. “Siya nga Iha.” nakangiti niyang sabi. “Sinasabi mo na maaring buhay siya?” tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin.

“Paanong ang patay ay mabubuhay pa?” tanong ko sa kanya. Ngumiti siya sa akin. “Sa inyong mga Lane at Sy ay walang paano Iha, kaya kita hinanap ay para tulungan ako sa gusto ko at ang gusto ko ay ang tinatanong mo.” naguluhan ako sa sinabi niya.

“Gusto mong buhayin ko ang patay?” tanong ko sa kanya, at ngumiti siya sa sinabi ko. “Baliw ka ba? Nilason ba ni Montellier utak mo? Nagiging bobo ka ata Santiago.” natatawa ko sa kanya.

“Pagdating ng panahon malalaman mo rin.” nakangiti niyang sabi.

“Ang dami niyong sinasabi na pagdating ng panahon, pagdating ng panahon. Kailan ba panahon na iyon? Pag patay na ako?” pabiro ko sa kanyang sabi. Natawa siya sa akin.

“Napaka mapagbiro mo talaga, hindi na ako magtataka kung bakit matalino ka, kasi kasing talino ka ng iyong ama.” nakangiti niyang sabi.

“Kamusta kamay mo? Naigagalaw mo na ba?” tanong niya sa akin, tumawa ako sa kanya. “Paanong igagalaw ko ito ay natagpyasan ng buto.” natatawa ko sa kanyang sabi.

“Maayos din iyan wag kang mag alala-Ashanti. “ nakangiti niyang sabi sa akin.

“Oo nga pala iyong sinasabi mong Axe at sinasabi ni Montellier na Axe Sy parang nakita ko na siya, hindi ko lang matandaan kung saan.” pagkasabi ko noon, ay tumalikod ako sa puntod na pinuntahan ko at tumingin sa malayo at inisip kung saan siya nakita. “Saan? Tandaan mo, maaring magkita muli kayo Iha.”

Tumingin ako kay Santiago nang matagal at napatingin sa bulaklak na nasa puntod na kanina pa narito bago kami magpunta. “Rito.”

“Ano?” tanong niya sa akin.

Lumingon ako sa kanya at tinuro ang puntod na pinuntahan namin. “Rito, dito kami nagkita. Nagpakilala siya sa akin at kilala niya pangalan ko. Oo tama, noong araw na nagpakita si Ashlyne sa panaginip ko nagpunta ako rito at nakita ko siya na pumunta rin rito sa puntod na ito.” paliwanag ko sa kanya.

“Kung ganoon, patay na talaga ang kapatid mo.” sabi niya sa akin, nanlaki ang mata ko sinabi niya. “Ilang ulit ko bang sasabihin kapatid siya nina Howard at Astrid hindi ako.”

Pagkasabi noon ay lumayo na kami sa puntod at naglakad papaalis. “Ano nga palang pakay mo sa akin at pinapunta mo ako rito Miss?” tanong niya sa akin.

“Gusto kong tulungan mo ako, pupunta ako sa America bukas na bukas para asikasuhin ang mga taong konektado kay Montellier. May kutob akong may gagawin ang pamilya ko para hindi ako makaalis ng America.” seryosong sabi sa kanya habang patuloy kaming naglalakad.

“Paano mo nasabi?” tanong niya sa akin.

“Nakita ko kanina sa sofa sa living room ng mansion ang isa sa mga hikaw ng aking ina. Alam kong pipigilan niya akong gawain lahat ng gusto ko. Inalis na ako sa posisyon ng pagtratrabaho kay Montellier galing sa Master. Halatang dito palang may ginagawa ng aksyon ang Org para wala na mawala ang atensyon ko sa kasong ito.”

“Pero malaki ang kasalanan sa akin ng Montellier na iyon kaya hindi ko siya tatantanan hanggat hindi ko siya napapatay.”

Naiintindihan ko Miss ang galit mo, ako rin ay galit na galit sa kanya dahil nawala ang nag-iisang pamilya ko. Anong kailangan mo Miss?” tanong niya sa akin.

“Gusto kong kapag nasa America na ako ay magpadala ka ng isang helicopter sa lugar na malayo sa paningin ng mga Lane at Sy. Kung di man ako makauwi ng ayos ay makakauwi ako gamit mo Santiago. Gusto kong lahat ng mga negosyo ni Montellier ay unti-untiin mong pabagsakin. Ang mga taong kasabwat niya sa lahat ng negosyo niya ay isa-isahin mong puntiryahin. Alam kong magagawa mo lahat ng ito Santiago. May tiwala ako sa talino at kakayahan mo. Naibigay ko na ang kompanyang gusto mo. Ngayon ibigay mo sa akin ang gusto ko.”

“Ang mawalan ng paa at kapangyarihan si Montellier.”

Continue Reading

You'll Also Like

58.3K 1.5K 61
hindi alam ni girl na ang boss niya ay ang kaniyang ex nagulat ang boy na bumalik ang ex niya ulit then nainlove sila ulit happy ending aldub alden r...
41.5K 1.3K 52
Isang jolly na babae at isang bitter na lalaki....ano kaya ang mangyayari kung maging sila? O magiging sila nga ba? Do you want to know the reason be...
16.6K 396 48
" Pay yourself for being my Girlfriend." Sa hindi inaasahan lilitaw ang Estranghero at Misteryosong lalaki kay Darlyn. sa halip na Pera, gagawin siy...