Bumped
Isa nanaman to sa mga araw na nakatunganga ako, hindi ko nanaman alam kung anong article ba ang isusulat ko, I can't even think of a concept.
"Carey ano ba! Lahat ng article/works mo kung hindi bitin na walang sense, tragic naman. Ano, balak mo bang palitan si Edgar Allan Poe?"
"Pasensya na Clo, siguro dahil gusto ko mameet ang deadline, di ko na napaghahandaan ang conclusion."
"Ayusin mo yan Carey, ano papalitan na ba natin ang label mo as Bitter Literary Editor ?"
"Sorry Clo, palitan ko nalang, bye" At nagmadali nakong lumabas ng pinto ng office ng publication.
Magaling naman daw ako, yung mga article may it be poems o short stories inaabangan nila. Kahit news article nga ata basta gawa ko. Hindi ko din alam, nawala nalang din bigla, siguro kasi yung unang taong nakakita ng talento ko, hindi na muling nagbasa ng mga sulat ko.......
I was writing for hours already, puno na ang trash bin ko ng mga crampled papers na pinagsulatan ng mga palpak kong tula. Ewan ko ba sa teacher ko at nagpagawa ng tula , wala na atang maipagawa kaya pati tula pinapatos na.
Lumabas ako ng bahay para itapon ang laman ng trash bin ko. Tinaktak ko sa basurahan at agad pumasok sa loob ng bahay.
Magsisimula na sana ulit ako pero nawawala ang lucky pen ko. Of course, walang magic pero pakiramdam ko lang pag yun ang gamit ko nagiging magaling ako. Hinanap ko na pati kama ko halos baliktarin ko na para mahanap lang yung ballpen na yun pero wala talaga.
Binalikan ko lahat ng napuntahan ko at naalalang nagtapon ako ng basura, nagmadali akong balikan ang basurahan, pero pag tingin ko sa labas ng bahay. May lalaking nakatalikod sakin at narinig kong nagsasalita
"For years, darkness is what I see
I'm not blind, I guess I'm just free
I can see everything from afar
As if ....."
"Excuse me" mahinang tawag ko sa lalaki
Lumingon sya at nagtaas ng kilay
"I think those words are mine"
"ah so ikaw pala to Carey Joshan" maangas na basa nya sa papel kong halata mong tinanggal lang mula sa pagkakagusot.
"Ah, oo pwede akin na yang papel ko" mahinahon kong paalam.
"bakit? Sa basurahan na to ah, ibig sabihin tinapon mo na" nagtataka nyang tanong.
"oo, tinapon ko na pero tula ko pa din yan kaya pwede ba wag mo ng basahin?" mahinahon pero halatang nagtitimpi ko ng tugon.
"Bakit di mo na ito tinuloy?"
Hindi na ako sumagot at naalala ang hinahanap ko nga palang ballpen kaya nag abalang hanapin ito sa basurahan at nang makita ay nagmadali ng tumalikod at umalis. Pero narinig ko syang magsalita
" As if someone's giving me chance to see it...
I think you can end that line with it, but it's up to you, I don't even know what is this all about, freedom? patriotism? "
Nilingon ko sya at nakitang nakaabang din sa isasagot ko. Pero bago pa ako makapagsalita nagsimula na syang maglakad paalis. Nagtaka ako at dala nya pa din ang papel ko.
Ipinagkibit balikat ko iyon at agad ng umakyat sa kwarto ko para maituloy ang tula.
"For years, darkness is what I see
I'm not blind, I guess I'm just free
I can see everything from afar
As if someone's giving me chance to see it"
At namalayan ko nalang ang sarili kong sinusunod ang sinabi nya. Napailing ako pero totoong nagustuhan ko ang ikaapat na linya ng tula, hindi tugma pero pakiramdam ko tama.