His Damn Trick (COMPLETED)

By MissNobody_2

18K 1.2K 131

Napagbintangan na nagdudruga ang pinsan ni Martha Delucia sa syudad kaya ipinadala ito sa kanilang nayon. Isa... More

Prologue
His Damn Trick
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Epilogue

Chapter 5

787 72 5
By MissNobody_2

"SALESMANSHIP is the art of convincing and persuading people to buy the product,  while selling is just transferring the title in goods, services, or idea with a valuable consideration. That's the difference between salesmanship and selling."

"But how about the personal and Non-personal selling, Sir?"

Naglakbay ang paningin ng propesor sa kanyang estudyante upang pumili kung sino ang sasagot sa tanong ng isang estudyante. Napatigil ang mga mata nito kay Martha na nakatunghay. Mukhang malayo na naman ang isipan nito.

"Ms. De Macaya please answer the question of your classmate."

Malambot

Masarap

Parang nasa ulap ang pakiramdam!

"Are you daydreaming at my class, Ms. De Macaya?"

Ang higpit ng yakap niya.

Nakakalunod ang halik na iginawad niya.

Parang ayaw ko nang bumitaw, pero—

"What are you thinking, Miss?"

"Ang halik niya..."

"Unforgettable huh.."

"Yes, it's very unforgettable...his soft lips..and his—"

"Stop daydreaming! You're at my class!"

Oh sheyt!

Narinig na lamang ni Martha na pinagtatawanan siya ng kanyang mga kaklase. Ang kanyang propesor naman ay nasa harapan niya nakatayo at iling-iling na umalis upang tumungo sa unahan.

Did she just confessed her first kiss in the midst of class?!

Mas lalong namula ang pisngi niya. Ang iba ay pasipol-sipol na para bang nasakisihan nila ang isang katangahan. At si Rosing na kanyang kaibigan ay hindi alam kung ngingiti ba ito o ngingiwi.

"Answer the question of your classmate."

Napatanga siya, "W-what question, Sir?"

Mas lalong umingay ang klase dahil sa sinabi niya. At ang ending, natapos ang klase na kulay kamatis na ang mukha. Sa isip niya, wala siyang ibang sisisihin kundi ang lalaking gumugulo ang isip niya.

Hays! Gusto kong mainis sa kanya pero.. kinikilig ako!

"Hoy! Hoy! Ano na naman ang ningingiti mo diyan? Baka nakalimutan mo at napahiya ka sa klase?" Ungot na sabi ng kanyang kaibigan.

Hindi niya ito pinansin. Masaya siya pero may bahagi sa kanyang utak ang palaging sinasabi ng kanyang pinsan. Kailangan niyang mag-ingat. Hindi siya dapat magpatangay sa gumigising niyang damdamin sa lalaking kakilala pa lang niya. Hindi maaaring maloko siya ng kung sino lang!

Dumating siya sa kanilang bahay. Nakita niya si Mario na mukhang malalim ang iniisip. Agad niya itong kinamusta bago umupo sa tabi nito.

"Bakit niya tinatanong sayo kung sino ako, Lucia?"

Napabuntong-hininga siya. Sinabi niya rito ang kuryusong pagtanong ni Vince tungkol dito. Kahit siya ay wala ring mahanap na dahilan kung bakit nagtatanong ito gayung hindi naman ito interesante sa pinsan niya. Hindi na siya magdududa, napatunayan niya na lalaki nga ito.

"Hindi ko rin alam, pinsan?"

"Sigurado ako. May kakaiba sa kanya. Hindi ko talaga gusto ang presensya niya."

Sumang-ayon siya sa sinabi nito. Oo, tama ang pinsan niya. Pero ang traidor niyang utak ay nag-uudyok sa kanya na walang mali sa lalaki. Siguro...siguro sadyang kuryuso lamang ito sa pinsan niya at wala nang ibang dahilan.

"Nag-iba na ang isip ko, Lucia?"

Napabaling siya dito, "Anong ibig mong sabihin, Siraulo?"

"Puwede ba! Hindi nga ako siraulo!" Eksaheradong sagot ng pinsan niya.

"Oh, eh ano nga?"

"Kailangan mong makipaglapit sa kanya. Kilalanin mo siya. Dapat malaman natin ang totoo niyang pakay..ang totoo niyang pagkatao."

"What?!"

Pero malaking pabor naman. Kasi may chansa!

Napailing na naman siya sa munting sabi ng isipan niya.

"Oo. Pero hindi ko sinasabi na dapat mainvolve ang puso mo sa plano nating ito. I know you're fragile, cuz. Gwapo siya pero mas mas gwapo ako sa kanya ng isang paligo kaya alam ko na hindi mahirap na paibigin ka niya. Or..ikaw ang unang magpapansin sa kanya."

Binatukan niya si Mario. Kahit kailan talaga hambog at siraulo ang pinsan niya.

"Aray! Kahit kailan talaga. Ang bigat ng kamay mo!"

"Seryoso nga kasi!"

"Seryoso ako. Please cuz, do it for me. But always bear in your mind that you should be careful. I don't want to see you hurt."

"Howaw! English 'yun ah!"

"Baliw!"

Ngumiti siya dito. Mahal niya ang pinsan niya kaya kailangan niyang gawin iyon. Poprotektahan niya ito sa abot ng makakaya niya. Kahit alam niya na delikado.

But seeing herself with that man...hayss! Nakakatunaw! Nakakabaliw..nakakakilig..

Sana nga tama ang sinasabi ng traidor niyang isipan– na walang hidden agenda ito. Kasi hindi niya maimagine na makikita niya ang pagbagsak ni Mario sa kamay ng hinahangaan niyang lalaki.

Sana nga..

"Mga anak! Inanyayahan ko pala si Sir Vince na dito siya maghahapunan." Bungad sa kanila ni Mang Mateo.

Nagkatinginan silang dalawa. Agad ngumiti si Mario at kumindat na may bahid na panunukso. Feeling ko babaliktad ang lahat. Feeling ko may gagawin na namang kabaliwan si—

"Magandang hapon, Sir Vince. Natatandaan niyo po ba ako? Isa po pala ako sa nakibahagi ng proyekto niyo at ng barangay." Inilahad nito ang kamay, "Ako nga pala si Mario." At ngumiti ng malapad.

"Pamilyar ka nga sa akin." Banayad na saad ni Vince.

Hala! Ang galang nila sa lalaking ito pati na si Tatay! Pero ako...well!

"Halika! May tuba kami dito. Inom muna tayo." Anyaya ng kanyang pinsan.

Tumango si Vince. Si Tatay naman ay natuwa sa dalawa. Lumabas si Nanay sa kusina upang batiin ang gwapo naming bisita. At sa huli, pinaluto ako ni Tatay ng kanilang pulutan.

"Sang ayon ako sayo. Maganda nga anv iyong pinsan."

Dinig ni Martha mula sa bibig ni Vince. Naningkit ang mata niya dahil hindi nga siya nagkakamali ng akala–sinisimulan na ni Mario ang kagustuhan nito.

Ewan na lang sa pinsan niyang siraulo. Mukhang pagtutulakan nito ang lalaki para sa kanya.

Nagsisimula na siyang maglakad patungo dito dala ang kanilang pulutan. Wala ang tatay niya. Siguro pansamantalang iniwan ang dalawa kaya kung ano-ano naman ang pinagsasabi ng pinsan niya.

"Crush mo ba?" Lokong tanong ni Mario dito.

Mas lalong ngumisi ang siraulo nang makita siya na papalapit sa mga ito. Napatigil siya sa paglalakad nang sinyasan siya nito na tumigil muna at huwag maingay gamit ang daliri nito.

"Yeah.."

Nakita niya ang nakakalokong ngisi ng pinsan niya. Parang nagtagumpay sa karera dahil sa ngiting demonyo nito. Pero ang mas nagpakabog sa kanya ng husto ay ang sagot ng lalaki.

Crush niya ako?!

Muntik niyang mabitawan ang pulutan na kanyang hinahawakan sa pagkatulala. Parang napako na siya dahil sa emosyon sa kalooban niya. Sa lahat ng lalaki na nagsabi na crush siya, si Vince ang makalaglag panty sa lahat. Ayan na naman! Nangangamatis na naman sa pula ang mukha niya.

"What else? Ano pa ang nagustuhan mo sa kanya bukod sa...crush mo siya?"

"Her hair.."

Kumidat ang pinsan niya, "Uhuh.."

"Her eyes.."

"Her voice.."

"Interesting, right?" Saad pinsan niya.

Alam niya na siya ang tinatanong nito. Pero mukhang hindi parin siya napapansin ng lalaki na ilang pulgada lamang ang pagitan nila. Nasa likuran lang naman siya ng lalaki.

"Pero ano ang mas nagustuhan mo sa kanya?"

"Her lips..her soft lips."

What the?!

Naningkit ang mga mata ng pinsan niya na parang nadakip siya sa kasalanang kanyang nagawa. Nalasing na nga yata si Vince dahil sa tuba. Pero alam niyang sinadya ng pinsan niya!

"Oh, hija, bakit hindi mo pa dinala ang pulutan sa lamesa?" Tanong ng tatay niya. "At bakit parang natuka ka ng ahas diyan?"

"Ah, eh..opo! Opo!"

"Aba! Eh mukhang nilasing mo na ang bisita natin, Mario." Saad ng tatay niya sa pinsan niya.

"Hindi lang siya sanay sa tuba, chong."

"Mukha nga."

Sa huli, palihim siyang umalis na may kaba sa dibdib. Naiinis siya sa dalawang lalaking iyon!

Ang pinsan niyang siraulo at ang bisita nilang ibinuking ang itinatago niyang lihim!

Pero hindi niya maiwasan na isipin ulit ang sinabi nito.

"Her lips..her soft lips."



















Continue Reading

You'll Also Like

902K 3K 5
( COMPLETED ) Isang simple at payak na pamumuhay lang naman ang gusto ni Sofia Charistina. Isang pamumuhay na malayo sa kinagisnan niyang karangyaan...
459K 6.8K 49
[Completed] I'm exclusively his and he's exclusively mine.
44.5K 850 17
Certified Player. Katawagang nakadikit na sa pangalan ni PRINCE SAN AGUSTIN. Numero unong pabling at palikero. Ngunit dahil sa isang halik mula sa es...
122K 1.1K 37
having a strong bond and luck on it..