DS#2 • daddy's little monster

By theoddeus

233K 4.5K 468

/completed/ by the second chance of fate, can you fall for the same person all over again? - After her parent... More

<daddy's little monster>
fate can do bad things too
larrazabal's mansion
pedophilia
don't cuss, kid
oldest
coping up
foot massage
over my dead body
knight
just because you are old, you should do that!
who is that guy?
change
riot
college boys
vacation
trust
birthday gift
cute and scary
the feeling
jealousy is a disease
dirty liar
grade 11
only u
birthday party
mine
i like u very much
consequences
to pursue my dream
goodbye
new york
coming back
hello again, mister
his girl
remembering something
kids
super sperm
i felt completed
do you love me, baby?
yuan alejandrino larrazabal
</daddy's little monster>

friends

2.9K 84 15
By theoddeus

twenty

"Djanne, napansin kong tingin ng tingin sa'yo si Pio," si Pleya iyon, bumubulong sa'kin.

Siya lang ang naging kaklase ko, at ang iba ay nasa iba't ibang section na. Ugh! Bakit pa kami nagkahiwa-hiwalay?

"Hindi 'yan, ano ka ba," sabi ko.

"Sigurado ako!" she whispered. "Ang pogi niya, oh! Tignan mo. Mukhang may ibang lahi. Ang tangos ng ilong at ang pula ng labi-fuck! Tumingin dito!"

Napasubsob naman siya sa balikat ko noong sinabi niya iyon. Ako naman ay hinagilap ang mga mata kung nasaan si Pio, iyong transferee namin.

Nakita ko ito sa may malapit sa bintana. Nakatingin nga ito sa amin ni Pleya. Ngumisi siya sa akin, kaya naman ngumiti ako pabalik.

"Nakatingin pa?" tanong ni Pleya.

"Hindi na," malumanay na sabi ko. "Mukhang friendly lang naman. Ikaw talaga, ang hilig mong mag-conclude."

"Ay nako, Djanne. Magbobolahan pa ba tayo rito? Alam naman nating isang lapat lang ng tingin sa'yo ay gandang-ganda na kaagad," umirap siya. "Kung kasing ganda mo lang ako, naku! Papalit palit siguro ang boyfriend ko."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Maganda ka naman, ah!" sabi ko.

"Che! Tanggap ko namang hindi talaga ako attractive," umirap siya. "Don't get my hopes high."

This bitch.

"Maganda ka nga!" sabi ko. "You just need to update your style, Pley. I mean, come on. Pink headband? Ano ka, Grade 3?"

"I wanna look bubbly," she pouted. "But it turns out that I'm just ugly. Uy, rhyming!"

Inirapan ko siya.

"Alam mo, you have to be kind to yourself. Lagi mo na lang dino-down ang sarili mo," sabi ko sa kanya.

She sighed, at hindi na lamang sumagot sa aking komento.



Pagkatapos ng first day of school (which is half day lang) ay nagpunta kami nila Yuan at Ylly sa may convenient store. Inilibre kami ni Yuan ng kung ano-ano, kaya bumili ako ng isang bag ng Lay's, a can of soda, at ice cream.

"Djanne, alam mo bang katabi ko 'yung crush ko noong grade 9?!" kinikilig na sabi ni Ylly.

"Sino? Si Calixto?"

"Oo! My God! Hinawakan niya ang kamay ko kanina... we shaked hands-"

"Tigil-tigilan mo 'yan, Ylly," si Yuan iyon. "Uupakan ko 'yan pag nanligaw."

"Kuya!" umirap siya. "I'm sixteen years old! Anong akala mo sa akin, Grade 7 pa rin? Magbo-boyfriend ako ngayong taon. Gusto ko na ma-experience!"

"Hindi," mariin na sambit ni Yuan.

"Che! Basta, kung may manliligaw sa akin, na sana si Calixto, ay sasagutin ko!" she said with dreamy eyes. "Haaaay..."

Umiling naman si Yuan.

"Ikaw, Djanne? Di ba ay may transferee sa inyo? Pio ba 'yon?" tanong sa akin ni Ylly.

"Oo. Gwapo," I said without minding it.

Naalala ko nga palang narito si Yuan sa tabi ko.

"Talaga?" napasulyap ng kaunti si Ylly sa kanyang kapatid. "Nakita ko kanina, pero hindi masyado ang mukha! Ang laki laki ng katawan!"

Humagikhik siya. Alam ko na kung sa'n ito papunta, at kung ano ang gagawin.

"Uhm. Oo," tumango-tango ako, sumasakay sa trip niya. "Parang ang galing bumuhat ng babae."

"Hihi! Crush mo 'no?" sinundot niya ako sa tagiliran, kaya napatawa ako. "Sabi ni Pleya kanina, nakatingin sa'yo!"

"Hindi," deny ko naman. "Pero sinusulyapan ko siya!"

Naghagikhikan kaming dalawa.

Napatingin naman ako kay Yuan na matalim ang mata. Para bang gustong pumatay. Bumaling ako sa kanya.

"Ikaw, nakakita ka na ba ng pwede mong gawing girlfriend ngayong sem?" tanong ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin.

"Hindi ako magi-girlfriend," he said with annoyance.

"Ba't galit ka?" I asked again.

"Tss..." hindi siya sumagot at tumingin na lamang sa ibang bagay.

I looked at Ylly again, at napatawa kami ng walang tunog.



Isang linggo na rin ang nakalipas, at tama nga ang suspetsa ni Pleya. Crush nga ako ng transferee na ito.

Hindi namin iyon napagtanto lang! Kung hindi, pinagkakalat niya talaga na crush niya ako!

"Pio, isang linggo na p're, ah! May natitipuhan ka na ba rito?" tanong ng kaklase naming lalaki.

Hindi ko iyon pinansin dahil nagwawalis ako ng kalat sa upuan ko. Sobrang rami kasi ng papel na nilukot ko kanina gawa ng hindi ko maayos ang proyekto ko sa Arts.

Pagkatapos ko iyong walisin ay dumako ako sa may trash bin, malapit sa mga lalaki, kasama si Pio.

"Meron na."

Naghiyawan naman ang kalalakihan roon. Ibinalik ko sa baul ang walis tambong ginamit pati ang dust pan.

"Sino? Drop the bomb, dude!"

"Oo nga! Ilalakad ka namin."

"Maganda ba iyan?! Baka crush ko rin 'yan, ah!"

Nauna na si Pleya sa may gazebo namin, dahil gagawin pa niya iyong Arts. Hindi siya nakapagpasa kanina kasi pinagaganda niya talaga. That's her passion.

Ako rin naman. I like Arts and Design. Kaya nga gusto kong maging interior designer, e... At siguro para na rin sa pagiging head ng ARC someday.

Inayos ko ang buhok ko, at kinuha ang perfume. Nagpisik ako, at ibinalik ulit iyon sa aking bag.

"Hmm, ayoko," he chuckled. "Andito, e..."

Nanlaki ang mga mata ko.

Oh my God? Don't tell me he's gay? Nagugustuhan niya ang isa sa mga lalaki roon?

Susulyap lang sana ako ng kaunti sa banda nila, ng makitang nakatingin silang lahat sa akin. Tinignan ko ang mukha ni Pio na napakalaki ng ngisi.

Hindi ko napansin na naghihiyawan na pala sila doon. Hindi ko na lang pinansin at lumabas na ng room.

At ngayon, dahil sasabak kaagad kami sa unang luto sa T.L.E., ay narito kaming magkakaibigan sa convenient store.

"Ano bang lulutuin niyo? Pesto ang sa amin! Yuck, hindi ko alam kung bakit gusto nila iyon, e lasa namang damo!" reklamo ni Sasha.

"Sa amin, carbonara!" pagmamalaki ni Marri.

Hindi na ako sumagot, at naghanap ng gatas.

Lasagna ang lulutuin namin. Marunong naman akong mag-bake dahil minsan ay tinuruan ako ni Tita noon. Lasagna rin ang niluto namin noon kaya alam ko na kung paanong steps ang gagawin. Kaya naman na siguro ng grupo ko ang maghugas ng pinaglutuan ko at pinagkainan nila.

Nang makadampot ako ng ilang gatas ay iniwan ko muna sila roon. Pumunta ako sa kung saan may tomato paste. Sa kasagsagan ng paghahanap ko, nahagilap ng mga mata ko ang mukha ni Pio.

Hindi ko na sana papansinin, kaya lang ay siya ang pumunta sa akin.

"Hello, Djanne," bati niya.

"Hello," bati ko pabalik. "Uh... bumibili ka rin ng ingredients niyo para bukas?"

"Hindi... bukas pa ako bibili. Sa isang araw pa kami magluluto."

"Wow. Swerte..."

Hindi ko na alam kung paano dudugtungan iyon. Kasi naman! Bakit ba pinakinggan ko pa ang sinasabi niya kanina.

"Uh," nagkamot siya ng ulo. "About pala sa kanina... sorry, ah? Ang awkward nun."

Napatingin ako ng kaunti sa kanya, at napaiwas ulit. Kunwaring naghahanap ako ng cup noodles na bibilhin dito kahit wala naman.

"Ah, okay lang," I replied. "Hindi naman big deal sa akin 'yun."

He chuckled.

"Ganoon? So... we can be friends, right?" inilahad niya ang kamay niya sa akin. "Pio."

"Oo naman! Sure," tinanggap ko iyon. "Djanne."

"So... can I get your number?" ipinakita niya ang telepono sa akin.

Napakurap-kurap ako sa kanyang sinabi, pero kalaunan ay tinanggap ko rin iyon. Baka sabihin ay snob ako.

"Ayan," marahan kong sabi.

"Uh, sige. Una na ako... baka hinahanap na ako ng driver," he said. "Goodbye."

"Sige, ingat!"

Nakahinga naman ako ng maluwag noon.

Nang mahanap ko na ang tomato paste ay bumalik na ako kung nasaan sila. Tapos na ang mga bibilhin ko, kaya pwede nang umuwi. Ako na lang kasi ang hinahantay nila.

Naroon pa rin sila, kaya lang ay kasama na si Yuan.

His eyes are like daggers. Galit ang mga mata niyang nakatingin sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

908K 40.9K 40
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
29.9K 658 20
Trevor Lawrence adopted a kid when he was 14 years old but he flew to the U.S to study their business. 15 years later he saw his beautiful adopted. M...
122K 3.2K 73
Makabagong pagmamahalan sa makabagong panahon. This is a 31st Century Love Story where everything has changed. Mula sa paligid, sa mga tao, at halos...
13.9K 258 25
Story by: Kit ten A/N: Sa kuwentong ito ay hindi maiiwasan ang paggamit ng mga salitang hindi angkop sa mga batang mambabasa. ~ Ibinaling ko ang ting...