Moonlight Goddess

By Rovs_25

2.5K 273 89

Luna Armani, a spoiled-brat daughter of Chris and Reya Armani who owns Armani Hospital that is one of the big... More

Introduction
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapfer 28
Author's Note
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33

Chapter 27

33 5 0
By Rovs_25

Chapter 27 : New Generation

"Eh anong nangyari sayo nang natagpuan ka namin ni Saliya?" Tanong ko kay Josiah. Bitin maman kasi ang kwento niya.

"Sinundan ko ang mga itim na diwata."

"Ha? Bakit?" gulat kong sigaw.

"Aray ha ang sakit sa tenga." Reklamo niya  kaya't nanahimik na lang ako para mapagpatuloy ang kwento niya.

"Hindi ko nakontrol ang damdamin ko noong mga oras na iyon, dahil sa pagkasawi ko sa pagkamatay ng aking ina. Galit at paghihiganti lamang ang laman ng isip ko noong panahon na iyon." Pagpapatuloy ni Josiah at nagsimulang magtubig ang kanyang mga mata.

"Sinundan ko sila, gusto kong ipahiganti si ina. Wala na akong pakealam noon kung mamatay man ako dahil naisip ko na wala na rin ang aking ina kaya't ano pang saysay kung mabhbuhay pa ako."

"Palihim akong sumunod sa kanila habang naglalakad. Hanggang sa makarating sa isang portal. Isa-isa silang pumasok don at naglalaho. At nang isa na lang ang natira. Ginamit ko ang kapangyarihan ko at mabilis na tumakbo papunta doon at hinila siya papalayo doon. Matagumpay ko siyang nailayo sa portal na iyon dahil sa aking bilis at liksi. Medyo nagakot pa ako sa itsura niya, isang tao na may pakpak. At hindi lang iyon, ang balahibo niya ay yari sa matigas na metal."

Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Josiah. "Tapos?"

"Mabilis akong lumapit sa kanya at sinapak siya, mabilis rin naman akong nakalayo. Hindi niya ako mahuli dahil sa bilis ko kaya't paulit-ulit komg ginawa yon. Sapak sabay layo. Ngunit nagulat ako nang paglapit kong muli ay nahuli niya ako. Hinawakan niya ako sa leeg at inangat. Lumipad pa siya kaya't lalo akong hindi makahinga. Bakas sa mukha niya ang inis sa akin. Bumunot siya ng kanyang balahibo at walang ano-anong sinaksak sa aking tiyan at tanging sinambit sa akin ay 'lapastangan'. Pagtapos non ay binitawan niya ako kaya't bumagsak ako sa isang bahay na nasusunog. Nanghihina man ako ng sobra, ngunit ginawa ko ang lahat upang makalabas ng tahanang iyon. Nang makalabas ay diko na nakayanan ang panghihina kaya't bumagsak ako, at doon niyo ako naabutan..."

"Ibig sabihin, ang punyal na iyon ay galing sa nakalaban mo?" Gulat kong tanong at tinuro pa ang natanggal kong punyal sa akin kagabi.

Tipid siyang tumango. "Oo, kaya't malaki ang pasasalamat ko sa inyo ni Saliya. Malamang ay namatay na rin ako kung hindi kayo dumating."

"Wala iyon ano ba, ano pang silbi ng pagkakaibigan natin,"

Napalingon kami nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang pawis na pawis na si Saliya.

"Oh anong nangyari sayo? Nagmarathon ka?"

"P-inapatawag kayo ng mga mahal na d-diwata." Ani niya habang habol-habol ang hininga.

"Sino sa amin?"

"Kayong tatlo."

"Ha? Kaming tatlo."

"Hmm pinapatawag sa isang pagpupulong ang mga anak ng diwata." Ani nito at nagkatinginan kami nina Josiah at Alvaro na bakas ang pagtataka.

Mabilis kaming nagtungo papunta sa palasyo. Nagtataka pa rin ako at paano nagawa ni Josiah na makalad ng maayos na parang hindi siya nag-aagaw buhay kahapon. Anong ginawa ni Alvaro?

Habang naglalakad ay nadaanan namin ang kalunos-lunos na nangyari sa bayan. Ngayon ay mas malinaw ko nang nakikita ang sinapit nito. Mga taong nag-iiyakan dahil sa pagkasawi ng kanilang mga mahal sa buhay, mga ari-arian na sinira. Walang magawa ang mga tao. Mga walang puso, paano nila nagawa ito sa mga inosenteng mamamayan.

Pagkarating sa palasyo ay agad kaming nagtungong tatlo sa silid ng konseho gaya ng sabi ni Saliya.

Pagpasok namin ay tumambad sa amin ang mga nakaupong diwata. Nakakapanibago dahil mas kaunti na silang tignan. Namataan ko na nakatayo roon si Marikit katabi sina Lazaro at Hiraya? Whoa! Isa rin pala silang mga anak ng diwata? Bat hindi man lang nakwento ni Lazaro?

Tumabi kami sa kanila kaya't anim na kaming naroon.

"Isa na lamang ang kulang, maaari na tayong magsimula." Saad ni Diwatang Magayon.

Ang mga mukha ng mga diwata ay mga walang reaksyon. Naiintindihan ko sila dahil napakahirap ng kanilang sitwasyon ngayon. Nalagasan sila ng mga kasamahan ngunit wala silang oras ngayon na magdalamhati, sapagkat mayroon silang responsibilidad na dapat gampanan, ang protektahan ang lahat.

Teka, sino pang hinihintay?

Maya-maya lang ay bumukas ang pinto at nanlaki ang mata ko nang makita si Apolo na papasok ng silid. Isa rin siya sa amin? Omg I feel so betrayed! Ang mga kasama ko palang ito ay mga anak ng diwata rin.

Sinundan ko lamang siya ng tingin habang naglalakad papalapit at tumabi sa akin. Sinulyapan niya lang ako ng isang beses at umiwas din ng tingin. Teka, bat ang sama ng mukha nito?

Tumayo na si Diwatang Magayon at humarap sa amin.

"Ngayong kumpleto na ang lahat, maaari na tayong magsimula."

"Batid niyo ang mga naganap habang wala kayo rito. Batid niyo na ring patay na si Barangaw at Adlaw. Apat na diwata ang nalagas, hindi namin kayang protektahan ang buong Ilaya ng kami lamang."

"Nagbibigay ng babala si Sidapa. Binigyan kami ng oras upang makapagdesisyon na umanib sa kanila at sila ang maghahari sa buong Ilaya."

"Kung gayon ay papayag kayo na makipagsanib sa mga masasamang diwatang iyon?" Tanong ni Josiah.

Marahan namang ngumiti ang diwata. "Hindi Josiah, hindi namin papayagang maghari ang kasamaan."

"Kaya't ating sasamantalahin ang binigay nilang oras. Lilinlangin namin ang mga kaaway habang kayo ay mag-eensayo at hahasain ang inyong mga kapangyarihan upang maging isang ganap na ring mga diwata na tutulong sa pagpuksa ng kasamaan."

"Magbalot na kayo ng inyong mga gamit, sapagkat ngayong gabi din kayo ay maglalayag at magtutungo sa isla ni Apok."

Bumukas ang pinto at lahat kami ay napabaling rito.

"Krisan! Anong ginagawa mo rito!" Saad ng Diwatang Magayon sa pumasok na bata. Actually di naman siya ganon kabata. Siguro sa tingin ko ay mga 13 years old na 'to.

"Ina, nabalitan kong ipinatawag niyo raw lahat ng mga diwani. Ngunit bakit ako'y hindi nasabihan?"

"Krisan, masyado ka pamg bata upang--"

"Gusto kong tumulong ina. Sa tingin ko'y handa na rin ako para dito."

"Sa tingin ko'y mas makabubuti kung papayagan mo ang iyong anak Magayon." Singit ni Lihangin.

"Sang-ayon ako, mas marami ay mas malakas na pwersa ang magagawa natin." Dagdag pa ni Dalikmata.

Wala nang nagawa pa si Diwatang Magayon sapagkat sumang-ayon ang lahat ng mga kasamahan niyang diwata.

Pagtapos ng pag-uusap ay isa-isa na kaming lumabas.

"Psh, May problema ba?" Bulong ko kay Apolo na dire-diretsong naglalakad.

Tumigil siya at lumingon sa akin.

"Wala naman..."

"Eh bat ganyan ang mukha mo?"

Tipid siyang ngumiti. "Ayos lamang ako. Magbalot ka na ng iyong gamit, magkita na lamang tayo mamaya rito." Marahan niya pang tinapik-tapik ang ulo ko na parang bata saka umalis.

Hays, ang cute.

Nagtungo na ako sa silid ko. Pabagsak akong humiga roon at dinama ang napakalambot kong kama.

"Whoa! Namiss ko 'to,"

Bumukas ang pinto at pumasok sa silid si Saliya.

"Luna, magbalot ka na ng iyong mga gamit."

Ani niya at kumuha na ng aking mga damit sa kabinet.

"Teka? Nasaan nga pala yung mga damit natin?"

"Hindi ba't naiwan natin iyon sa lugar kung saan natin natagpuan si Josiah? Pagbalik ko ay wala na roon. Malamang ay may nagnakaw na nito, ang lahat ng tao ay naghihirap na ngayon Luna. Kaya't mag-ensayo kang mabuti upang maging magaling kang diwata." Sagot niya habang inaayos ang mga damit ko.

Tumango-tango naman ako dahil sa pagsang-ayon. Kailangan kong maging magaling na diwata upang maipagtanggol ko ang mga tao.

"Sino nga pala si Apok, Saliya?"

"Si Apok ay isang imortal na nilalang na nag-eensayo sa lahat ng mga nagiging diwata."

"Ibig sabihin siya rin ang nag-ensayo kila Diwatang Magayon?"

Tumigil siya at tumingin sa akin. "Ano sa tingin mo Luna?"

"K." Sagot ko na lamang sa pagtataray niya.

"Malayo ba ang isla ni Apok?" Tanong ko ulit.

"Hindi ko alam. Hindi pa naman ako nakakapunta roon sapagkat hindi naman ako isang diwata. Ngunit sabi nila'y lubhang malayo ang isla na iyon."

"Tapos na." Ani niya at pinagpagan lalagyanan ng damit na gawa sa banig. "Mag-iingat ko roon, huwag kang magpapalipas ng gutom at... galingan mo. Naniniwala ako sa kakayahan mo Luna."

Ngumiti na lang ako sa mga bilin ni Nay Saliya.



Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 189K 211
Online Game# 2: MILAN X DION
1M 62.4K 78
I have always seen myself as a savior from the depth of the sea--a place that I have long conquered. But when you appeared right before my eyes, I re...
24.6M 990K 41
Napansin agad ni Laura Arden ang mga kakaibang bagay sa bayan ng Van Zanth sa unang araw niya pa lamang dito. Lalo na noong nalaman niyang sa isang l...
11.8M 519K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...