HBS 3: My Best Friend's Best...

By _jennex

292K 8.5K 1.1K

Meet Lila Ignacio, certified bisexual. Ang babaeng katatapos lang mag move on sa kanyang Ex-Girlfriend na nga... More

AUTHOR'S NOTE
Introduction
Chapter 1: Three Years Rule
Chapter 2: Hello, My Hometown
Chapter 3: The Two Ex-girlfriend
Chapter 4: New Manager
Chapter 5: Arrogant And Demanding
Chapter 6: At The Devil House
Chapter 7: Night After The Party
Chapter 8: Queen Of Cunning
Chapter 9: Growing Emotions
Chapter 10: The Issue
Chapter 11: Mutual Feelings
Chapter 12: Intensions
Chapter 13: Unspeakable Feelings
Chapter 14: The Ruined Date
Chapter 15: My True Feelings
Chapter 16: Sweet But Naughty
Chapter 17: The Concert
Chapter 18: The Magic Word
Chapter 19: One Beautiful Night
Chapter 20: The Secret Love
Chapter 21: The Orphanage
Chapter 22: What?! Why?
Chapter 23: Doubts And Lies
Chapter 24: It's a Yes!
Chapter 26: Please, Be Mine
Chapter 27: Quality Time
Chapter 28: Michael Knows
Chapter 29: Love And Soul
Chapter 30: The Chaos
Chapter 31: Let's Fight Together
Chapter 32: This Is The Day
Chapter 33: Too Soon But Too Late
Chapter 34: My Love For Her
Chapter 35: Her Memories
Chapter 36: Calmness
Chapter 37: Chasing Her
Chapter 38: You And Me, Together
Chapter 39: Lila's Day
Chapter 40: Our Happy Ending

Chapter 25: Don't Know What To Do

4.3K 155 13
By _jennex

Lila




Hindi ko alam kung mayroong mga natitirang babae pa ba ang hindi nahuhumaling sa karisma ni Sarah. Dahil sa loob ng apat na gabi, palagi itong may inuuwing babae.


Gustuhin ko man na pagsabihan siya, hindi ko magawa. Sino ba naman ako para gawin iyon? Kahit pa naturingang manager niya ako, hindi parin maitatago ang totoong nararamdaman niya para sa akin. At ganoon din ako para sa kanya. Desisyon at kagustuhan parin nito ang susundin niya sa huli.


Kahit na selos na selos na ako, kahit pa nasasaktan na rin ako, kailangan ko iyong tanggapin. At mas piliing itago na lamang sa aking sarili. Kasalanan ko naman kung bakit siya nagkakaganito eh, hindi ba? Dahil ang tanga-tanga ko sa parteng, pumayag sa kagustuhan ni Michael.



Pero anong magagawa ko? Naguguluhan na ako. Sa sarili ko at sa nararamdaman ko. Ayoko lang naman na masaktan ko sila pareho. Pero ang ending, ganon parin. May masasaktan at masasaktan parin pala ako.



Minsan, napapa-isip na ako. Siguro ganito ang nararamdaman ni Catherine noon, iyong mga panahong mahal pa nito si Breeze pero kailangan niyang manatili kay Sarah. Habang ako naman ngayon eh, pinipili kong magsinungaling at hindi magpakatotoo sa sarili ko at pati narin kay Michael, para piliin ang kung ano mang meron kami ni Sarah.



Gusto kong maging maayos kami. At kung kailan naman ngayon ko na napag desisyunan na kausapin siya, doon ko naman ito hindi mahagilap. Hindi rin siya nag pakita sa appointment kanina para sa bago nitong project na pepermahan, kaya ang nangyari, wala akong na pala. Umuwi na lamang ako ng masama ang loob dahil for the first time in record, magmula ng maging manager niya ako, ngayon lang ako na reject ng ganoon.



Paulit-ulit ko siyang tinatawagan sa kanyang phone number, pero kahit na isang beses, hindi niya iyon sinagot. Mabuti na lamang at may nakita akong post sa instagram kung saan naka tag si Sarah. Dahil doon ay nalaman ko kung saang bar siya naroroon.



Pero teka...muli akong napatingin sa litrato na siyang naging dahilan ng ikina-init ng aking ulo.



Hindi man lamang siya nag disguise o kahit na anong bagay na pupweding ipantakip sa mukha niya?! Argh!



Agad na umalis akong muli sa bahay at pinasibad ang aking kotse. Pinatakbo ko ito sa pinakamabilis na kaya ko. Mabuti na lamang din at medyo may kalapitan lang ang bar sa bahay. After twenty minutes ay nakarating na rin ako.



Isa pala itong private gay bar, kung saan mayroong private rooms para sa mga kilalang tao. Kaya kinailangan ko pang isa-isahin ang bawat kuwarto para mahanap lamang si Sarah.



"What are you doing?!" Agad na singhal ko sa kanya ng tuluyan ko itong mahanap. Mayroon siyang kasama na dalawang babae, na halos eh kita na ang kanilang mga kaluluwa dahil sa sobrang iksi ng kanilang suot na damit.



Namumungay ang mga mata na napatingin si Sarah sa aking direksyon. Halatang lasing na lasing na ito. Agad na napatayo siya at lumapit sa akin, habang naka ngisi.



"Ow... You're here." Wika niya at sinipat ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "Want a kiss from me?" Sarcastic na tanong pa niya bago walang sabi na hinila ako at mabilis na hinalikan sa aking labi. Hindi iyon nagtagal dahil agad niya rin akong binitiwan, sabay napa tingin sa aking daliri na mayroon na ngayong suot na singsing.



"Sorry, I forgot. I shouldn't kiss you. Taken women are not allowed here. Only singles." Pahayag niya at tuluyang napa angat na ng tingin para salubungin ang aking mga mata. Seryoso narin ang kanyang mukha.


"What are you doing here?" Tanong pa niya. Hirap na napalunok ako bago nakapag salitang muli.



"I'm here to take you home. And because you're drunk." Sabi ko. Natawa siya ng mahina habang iiling-iling.



"I'm sorry again, but I don't want to hear anything from you." Mapakla na sabi nito.



"In fact, I think you've made a mistake. Hindi ba dapat ang FUTURE HUSBAND mo ang inaalagaan mo ngayon? Hindi ako."  Hindi rin nakaligtas sa akin ang pag galaw ng kanyang mga panga. Halatang pinipigilan nito ang sarili na huwag akong masigawan sa harap ng iba.



"Sarah...hayaan mo naman akong---"



"Go home." Putol nito sa akin at muli na namang gumuhit ang lungkot sa kanyang mga mata. Ngunit mabilis niya rin niyong naitago mula sa akin.




"Please Lila, go home." Pag ulit pa nito sa kanyang sinabi habang hindi inaalis ang kanyang mga mata sa aking mukha.




"I'm just hurt, Lila. You hurt me. Hayaan mo nalang muna ako na maging masaya..." Napahinto siya bago ako ibinigyan ng isang mabagal na ngiti. "Kahit kunwari."



Kahit na ayoko man siyang sundin, napatango na lamang ako bago napayuko. "Alright, I'll see you at home." Paalam ko sa kanya at tumalikod na.



-------




Kinabukasan, sinubukan kong tignan si Sarah sa kanyang kuwarto, umaasa na makikita ko ito o nagbabakasakaling makakausap ko na siya ng tuluyan...pero bigo parin ako. I don't think na umuwi ito kagabi. 


Malungkot na napa buntong hininga na lamang ako. Ano nalang kaya ang mangyayari sa career niya ngayon? Ang dami nitong schedules na kanselado dahil sa ganitong kalagayan namin.


Isang ideya ang biglang pumasok sa aking isipan noong mapahawak ako sa aking cellphone. Kakailanganin ko yata ng tulong mula sa isa kong kaibigan. Hayyyy. Bahala na, kahit na isa rin siya sa mga bigo ngayon pagdating sa pag-ibig. Hindi naman siguro ako nito tatanggihan, hindi ba?



Agad na tinawagan ko ang number nito, nakaka-ilang ring pa lamang iyon ng sinagot niya. Ibig sabihin, naka save parin ang phone number ko sa kanya.



"Billyyyyy!" Medyo napalakas ang aking boses dahil sa excitement. Narinig ko pa ang mahinang pagreklamo nito mula sa kabilang linya.



"What?" Singhal naman niya sa akin. Napa hinga ako ng malalim, kinakabahan din.



"Tulungan mo naman ako oh! Inis na inis na kasi ako, hindi ko alam kung paano paamuhin si Sarah." Agad na paliwanag ko sa kanya, kahit na hindi naman nito alam ang tungkol sa aming dalawa. Si Michael lang kasi ang tanging nababanggit sa kanya nina Breeze. Ewan ko lang ngayon.



Sandali naman na, na tahimik ito sa kabilang linya. Halatang nag-iisip. "What do you mean, Sarah? Is it Sarah Rodriguez?"



Innnkk. Sabi ko na nga ba at magugulantang ito eh. Sabi ko sa aking sarili.



"Uhmmm..y-yes. K-kilala mo naman na kung sino 'yon, hindi ba?" Medyo kinakabahan na pag-amin ko sa kanya. Napapakamot din ako sa aking batok, as if naman na nakikita niya.


"No..fcking way." Hindi maka paniwala na sambit nito.



"Don't tell me...you like her?" Tanong nito bago napatawa ng malakas sa kabilang kinya. "Hey, don't forget you have a boyfriend Lila. And a kind one. Huwag mong sasayangin ang pagkakataon na binigay sayo para lang sa isang tao na wala ka namang kasiguraduhan." Dagdag na payo pa niya sa akin.



Tutulungan ba ako nito o hindi? Isa pa, kaibigan ko ba siya o hindi? Hmp!



Isang malutong na pagmura naman ang natamo nito mula sa sakin, dahilan upang matigilan siya.



"Napaka mo talaga. Bakit ba sayo ko pa na isipang magtanong?! Eh wala naman akong makukuha na magandang sagot sayo. Tss!" Masama ang loob na sambit ko rito bago napa nguso. Again, as if naman na nakikita niya.



May katagalan bago siya muling nagsalita. Ganon ba kahirap iyong hinihiling kong gawin niya para sa akin?



"Alright, what do you want me to do then?---" Hindi pa man siya tapos sa pagsasalita ng bigla na lamang akong napapatili dahil sa walang humpay na saya.


I knew it! Alam ko naman na hindi niya ako matitiis.



Naririnig ko pa ang mga pagmamaktol niya sa kabilang linya. Hahaha! Eh sa masaya lang ako eh. Hmp! Hanggang sa hindi ko alam eh binabaan nalang niya ako ng telepono.



Ang sungit naman 'non! Reklamo ko pa. Ngunit mabilis din na muling napangiti ng maalala ang pagpayag ni Billy.




-------




Pagkatapos kong mapapayag si Billy kanina para tulungan ako kay Sarah. Bigla namang dumating itong si Alice para yayain akong lumabas. At take note, isinama pa talaga niya si Sarah na hindi ko alam eh, sa kanyang unit pala natulog kagabi.



Great!


It was another awkward moment, which I had to endure until I got home.



"So...anong feeling ng mayroon ng singsing na suot kamay?" Biglang tanong ni Alice sa akin. Halatang kinikilig.



Napayuko ako at tinignan ang aking daliri na mayroon ng suot na singsing bago muling ibinalik ang mga mata sa mukha ni Alice.



"Fine." Tipid na sagot ko sa kanya at napa tingin sa direksyon kung nasaan si Sarah, habang may kausap itong babae, na halatang kinikilig pa at kung makatawa naman eh wagas, may pahampas pa siyang nalalaman sa braso ni Sarah. Hindi ko tuloy mapigilan ang hindi mapa irap.



Tss! Eh kung tusukin ko kaya iyong ngala-ngala niya? Naiinis na sabi ko sa aking isipan.



"Fine? What do you mean, fine?" Rinig ko na muling pagtanong pa ni Alice. Halatang hindi na satisfied sa isinagot ko sa kanya.



"Fine. I mean, he proposes to me, so it means, we're getting married." Sagot kong muli sa kanya atsaka napahinga ng malalim.

Minsan na kasing sumagi sa isipan ko kung sasabihin ko na ba sa kanya ang tungkol sa amin ni Sarah. I mean, kaibigan namin siya pareho, deserve naman niya siguro ang malaman ang lahat, hindi ba?



Pero sa tingin ko, hindi parin ako handa na malaman nito ang tungkol sa amin.



"Yeah, I know that. Pero ang ibig kong sabihin, eh kung masaya ka na rin ba sa naging desisyon mo?" Bigla akong napa-isip sa muling itinanong niya.



Napakurap ako ng maraming beses atsaka muling ibinalik ang aking mga mata kay Sarah at sa kaharutan nitong babae. Hindi ko mahanap ang tamang sagot sa katanungan ni Alice, dahil iyong saya, mararamdaman ko lamang iyon kapag kay Sarah.



"No." Tugon ko at muling sinalubong ang mga mata ni Alice. "I-I...uhmm...I think I'm kind of confuse." Bago ako napayuko habang napapakagat sa aking mga labi.



Rinig ko ang paghinga ng malalim ni Alice. Marahan na iniabot nito ang aking mga kamay at ikinulong iyon sa kanyang mga palad.



"You're confused, yes. But Michael, he is so sure of you. A hundred percent. And he loves you, Lila." Pahayag niya.



Napakunot ako ng aking noo. Bago napailing habang parang magnet naman na muling ibinalik ko ang aking mga mata kay Sarah. At this time naiinis na ako, dahil para bang sinasadya na talaga niya ang makipag landian sa harapan ko.



Kusang dumaloy at umakyat ang aking dugo papunta sa aking mukha noong mapansin na nag-eenjoy pa ang haliparot na babaeng iyon sa ginagawa ni Sarah.



Agad naman na nagpakawala ng isang malutong na tawa si Alice, noong mapalingon din ito sa gawi nila.



"Sarah is having a good time." Komento nito habang natatawa pa.


Awtomatikong napatayo ako mula sa aking kinauupuan. "No. This isn't good, Alice. I need to talk to her." Pagkatapos ay mabilis ang mga hakbang na nagtungo ako sa dalawa.



"Sarah!" Pagtawag ko sa kanyang pangalan ng makarating sa tapat nila.


"We need to talk." Sana naman this time, makinig na siya at kausapin na niya ako.



"I'm sorry Lila, but I'm busy right now, don't you see?" Naka ngiting sabi nito na halata namang pinagseselos lang ako.



Pinagseselos ka ba o ikaw lang itong selos ng selos? Tuyo ng aking isipan.



"Makikipag-usap ka ba sa akin o kakaladkarin kita palabas ng lugar na ito?"



Mapagpasensya na tinitigaan ako nito ng maigi sa aking mga mata. Sandaling napa sulyap siya aking likuran bago muling ibinalik ang mga mata sa akin.




"Go back to Alice. Before she knew about us." Pagtatabuyan nitong muli sa akin.


"Sarah---"


"SHE...is our best friend, Lila. We can't hurt her." Putol nito sa akin.



Napa lunok siya at muli akong tinalikuran, upang ipagpatuloy ang kung ano mang ginagawa nila ng kanyang babae. Habang ako naman, sandali ko pa siyang tinitigan at muling bumalik narin pagkatapos ng ilang segundo kung saan ang pwesto namin ni Alice kanina.


She's right. Alice is our best friend, and we can't hurt her. That's it!

Continue Reading

You'll Also Like

246K 8.5K 45
Rae Lewis, nagmula ito sa isang mayaman na pamilya, isang sikat at kilalang celebrity sa buong bansa. Hinahangaan ng nakararami, mapababae man o lala...
137K 5.3K 44
She is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, m...
113K 5.5K 42
Meet Ivy, the independent and simple woman who grew up in the Province. The woman who loves without equal and boundaries, the girl who will fall in l...
541K 8K 34
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...