Magíssa: Elemental Sorceress

By MikkaEllanne

319K 10.7K 3K

[ COMPLETED ] Si Charlotte ay isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang sa isang pribadong high school. Isa... More

Magíssa: Elemental Sorceress - Copyright Notice
𝐑𝐄𝐀𝐃𝐄𝐑𝐒, 𝐃𝐎𝐍'𝐓 𝐒𝐊𝐈𝐏
Dedication
Mga Tauhan
Talaan ng Nilalaman
𝐏𝐀𝐍𝐈𝐌𝐔𝐋𝐀
Ika-1: Butterfly
Ika-2: Savior
Ika-3: The Imperial Prince
Ika-4: Distrusted
Ika-5: Truth Revealed
Ika-6: Our Deal
Ika-7: Ball Party
Ika-8: The Parade
Ika-9: The Imperial Shaman
Ika-10: Being a Magíssa
Ika-11: The Knight of Magíssa
Ika-12: Leaving the Palace
Ika-13: Rebel's Captive
Ika-14: The Temple of Zelion
Ika-15: The Worried Knight
Ika-16: The Real Intention
Ika-17: Leaving Agua
*Mga Tauhan*
Ika-18: The Tribe of Poulí
Ika-19: The Poulí Tribe Leader
Ika-20: The Tribe of Lykos
Ika-21: Poulí vs. Lykos
Ika-22: The Leaders' Feud
Ika-23: Attack of Lykos
Ika-24: The Real Reason
Ika-25: Saving Charlotte
Ika-26: Confession - Leaving Poulí
Ika-27: The Village of Goiteia
Ika-28: Attack of Fidi
Ika-29: The Temple of Maia
Ika-30: Magíssa vs. Her Knight
Ika-31: Despoina
Ika-32: The Power Within
Ika-33: Magíssa of Fire
Ika-34: Goddess of Goiteia
[ MAGÍSSA: ELEMENTAL SORCERESS ]
Ika-35: Welcome Back to Stavron
Ika-36: Battle of Love
Ika-37: Royal Rivalry
Ika-38: Feelings and Confession
Ika-39: Someone from His Past
Ika-40: The Prince's First Love
Ika-41: End of a Dream
Ika-42: The First Magíssa
Ika-43: Being with Her
Ika-44: Regime of the First Magíssa
Ika-45: The Ill-fated Love
Ika-46: First Fall of Snow
Ika-47: Captive
Ika-48: The Knight of Fire and Ice
Ika-49: The Fraud Gem
Ika-50: Deucalion Empire and The Twin Prince
Ika-51: The Twin's Rivalry
Ika-52: The Unexpected Guest
Ika-53: The Intruder
Ika-54: The Feast of Calidan
Ika-55: Calidan's Annual Battle
Ika-56: Magíssa vs. The Assassin
Ika-57: Knight vs. Knight
Ika-58: The Assassins Tribe
Ika-59: The Empire of Cascadia
Ika-60: The Princess' Secret
Ika-61: Calliah and Rastus
Ika-62: The Face-off
Ika-63: The Two Magíssa
Ika-64: Baltsaros Crown Prince
Ika-65: The Empress' Favor
Ika-66: The Missing Prince
Ika-67: The Fortune Teller
Ika-68: The Revelation
Ika-69: I'm Home
Ika-70: The Prince of Stavron in Calabarzon
Ika-71: A Sweet Vacation
Ika-72: Jealousy - The Concert
Ika-73: Promise, my love
Ika-74: The Man from My Past
Ika-75: The Bored Prince
Ika-76: A Day With You
Ika-77: The Last Gem
Author's Note
Ika-79: The Last Hope
Ika-80: Magíssa Supremo
Ika-81: The Evil Emperor
Huling Kabanata
𝐖𝐀𝐊𝐀𝐒
COMPLETE SET OF CHARACTERS
Photo Gallery ft. Prince Alexeus
Extra Chapter 1: Special Thanks
Extra Chapter 2: The Making
Extra Chapter 3: The Message
READERS CORNER

Ika-78: Danger

854 29 2
By MikkaEllanne

Ikapitompu’t-walong Kabanata
Danger

Naglalakad na ‘ko ngayon pauwi sa’min. Pagkatapos ng naging laban namin ni William, o Kokkinos ay bigla na lamang siyang naglaho. Marami pa sana akong gustong itanong at malaman mula sa kanya.

Ilang sandali pa ay narating ko na rin ang bahay namin. Pumasok na ‘ko sa gate. Tapos ay dumeretso na ako sa sala pagpasok ko sa pinto.

“Mama! Tita Yvonne!” tawag ko. Ngunit walang sumasagot. Nilibot ko ang buong bahay. Nagpunta ako sa garden, sa kusina, tapos ay bumalik ako sa sala.

“Ate Lina? Ate Cely? Manang Lorna?” Nakakapagtaka. Nasaan ang mga tao?

“Kamusta, Magissa?”

Halos lumuwa ang mga mata ko sa aking nakita.

“O-Orien? Despoina?” Nakita ko silang bumaba mula sa hagdan.

“A-anong ginagawa niyo rito? Paanong…? N-nasaan ang mga tao rito? Anong ginawa niyo sa kanila?!” marahas kong tanong. Gumagapang ang kaba sa aking dibdib sa mga oras na ‘to. Halos nakikita ko na ang pag-angat ng aking dibdib dahil sa mabigat kong paghinga.

“Kalma lang, Magissa. Wala kaming ginawa sa mga kasama mo sa bahay. Pero,” sambit ni Despoina. May bigla na lamang itinapon si Orien sa harapan ko.

“Alexeus!” Agad akong yumuko upang tingnan si Alexeus. Hinawakan ko siya at inilagay ang ulo niya sa aking kandungan. Nanginginig ang aking buong katawan at pakiramdam ko’y may nakabara sa aking dibdib dahil sa nakikita ko.

“Alexeus, gumising ka! Anong nangyari sa’yo?” maluha-luha kong sabi.

May bakas ng dugo mula sa kanyang labi. May mga paso ito sa katawan at tadtad ng saksak ang katawan. Namumutla na rin si Alexeus. Wala na siyang pulso at hindi na siya humihinga.

“Alexeus…” Niyakap ko ang kanyang walang buhay na katawan at kumawala na ang mga luha sa aking mga mata.

“Huwag ka nang malungkot, Magissa. Dahil susunod ka na sa kanya,” sambit ni Despoina tapos ay narinig ko silang tumawa na talaga namang nakakapagpanginig ng laman.

Dahan-dahan kong inilapag ang ulo ni Alexeus sa sahig. Tumayo ako sa binigyan sila ng matalim na tingin.

“Fotia!”

Ilang sandali ay parang walang nangyari. Nagtaka ako.

“Aqua!”

Ngunit wala pa ring nangyari.

“Geo!”

Tiningnan ko ang mga palad ko. Wala talagang nangyayari. Wala akong nararamdamang kapangyarihan at hindi rin nagbabago ang aking anyo.

“Bakit?” bulong ko.

“May inilagay akong makapangyarihang harang na aking binuo gamit ang aking salamangka. Ang harang ay hindi nakikita ng sino man at nakabalot ito sa buong pamamahay na ito. At dahil sa harang na aking ginawa, hindi ka makakagamit ng iyong kapangyarihan bilang Magissa. Ganoon din ang nangyari sa iyong kabalyero kaya’t wala rin siyang nagawa,” sambit ni Despoina.

Napagkuyom ko ang aking palad. Ano nang gagawin ko ngayon?

“Mamamatay ka na rin ngayon gaya ng iyong kabalyero at mapapasaamin na rin ang iyong mga kosmima!” sambit pa niya tapos ay binato niya ako ng bolang apoy na kulay itim.

Napasigaw ako sa sakit at napaluhod ako sa sahig.

Mayamaya’y bigla na lang may humila ng marahas sa aking buhok. Sa pag-angat ng ulo ko ay nagtagpo ang mga mata namin ni Despoina.

“Matagal kong hinintay ang pagkakataong ito. Ang makaganti sa’yo!” sambit niya na punong-puno ng galit. Tapos ay hinawakan niya ang magkabilang braso ko. Napasigaw ako ng buong lakas dahil sa boltahe ng kuryenteng dumadaloy sa buo kong katawan.

Nang binitiwan niya ako ay hinang-hina akong humandusay sa sahig. Halos hindi ako magalaw. Nananakit ang buong katawan ko at mahapdi ang balat ko.

“Paalam na, Magissa.”

Pagkatapos ay may naramdaman na lang akong bumaon sa aking likod. Hinabol ko ang aking paghinga tapos ay sumuka ako ng maraming dugo. Sa tingin ko’y sinaksak niya ako ng espada sa aking likod tagos sa baga at puso ko.

Unti-unti nang nanlalabo ang aking paningin. Tapos ay nakita kong kinuha ni Despoina ang aking Stefani na siyang sisidlan ng mga kosmima. Hindi ko na alintana ang pag-agos ng luha sa aking mata.

Nanghihina na ang buong katawan ko at malapit nang bumigay ang aking sistema. Bigla namang lumitaw sa aking ala-ala ang araw mula nang sinundan ko ang pulang paruparo hanggang sa mapadpad ako sa Stavron at nakilala ko si Alexeus.

Lahat ng mga pinagdaanan naming pagsubok, parang panaginip na nagpapakita sa isip ko. Hanggang dito na nga lang siguro ang lahat. Nabigo ako. Patawad.

Hanggang sa nagdilim na ang lahat.

---

Nasa lugar ako kung saan walang makikitang kahit ano. Parang isang kawalan na puro kulay puti lamang ang makikita. Patuloy lang ako sa paglalakad kahit hindi ko alam kung nasaan ba ako.

Ano nga bang nangyari sa’kin? Ah, oo. Pinatay na nga pala ako ni Despoina.

Mayamaya’y may nakita akong tao na nakatayo at nakatalikod ito sa akin. Dahan-dahan akong lumapit. Puting pantalon at puting damit na may mahabang manggas ang kanyang suot.

“Paumanhin,” sambit ko sa lalaki.

Nabigla ako nang Makita ko ang kanyang mukha matapos niya akong harapin.

“W-William?”

“Charlotte,” sambit niya.

“A-anong ginagawa mo rito? Anong lugar ‘to?” usisa ko.

“Narito tayo ngayon sa hangganan ng buhay, at bukana ng kabilang buhay,” sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko sabay napalunok sa kanyang sinabi.

“Patay ka na, hindi ba? Narito ako ngayon upang sunduin ka at ihatid sa lagusan ng kabilang buhay ng inyong mundo,” sambit niya.

“S-si Alexeus? Nasaan na siya?” tanong ko.

“Patay na rin siya. Hindi ko na maramdaman ang kanyang presensya kaya’t sa tingin ko’y nakatawid na siya sa kabilang buhay,” sagot niya.

Parang piniga ang puso ko sa aking narinig.

“Itatawid na kita sa kabilang buhay. Ngunit bago ‘yon, may nais muna akong ipakita sa’yo,” sambit niya. Tapos ay inilahad niya ang kanyang palad sa akin.

“Sumama ka sa’kin.”

Tapos ay iniabot ko na rin ang kamay ko sa kanya.

Sa isang kisap-mata ay nagbago ang hitsura ng paligid. Nilibot ko ang aking paningin. Sira-sira at tila giniba ang mga gusali sa paligid. Naglakad-lakad pa ako at nakita ko ang mga tao sa sulok-sulok na tila may tinataguan at takot na takot.

May tumatakbo namang isang batang babae papunta sa akin. Ngunit nang mabangga niya ako ay parang hangin lamang ako na tumagos sa kanya. Mukhang hindi rin niya ako nakita. Siguro dahil ako ay isang kaluluwa na lamang. Sinundan ko siya ng tingin at nakita kong pumasok siya sa isang sira-sirang bahay.

Nagkalat rin ang mga bangkay sa paligid. Mga ordinaryong tao, ngunit karamihan ay mga kawal ng imperyo. Nagkalat ang dugo sa paligid.

Halos hindi na makilala ang lugar dahil sa sinapit nito.

“Nasaan tayo?” tanong ko kay Kokkinos.

“Narito tayo ngayon sa Agelaus, ang kabisera ng Deucalion,” sagot niya.

“Heto na ngayon ang Deucalion?” sambit ko na tila hindi makapaniwala. Ang dating masigla at masaganang imperyo ay halos maging abandonado at patay na.

“Ganyan ang halos sitwasyon ng buong imperyo ng Deucalion, Charlotte,” sambit niya.

Hinawakan muli ni Kokkinos ang aking kamay at pinitik niya ang kanyang daliri.

Napunta na naman kami sa ibang lugar. Sa pagkakataong ito, mukha itong isang silid sa palasyo.

“Ama!” Napatingin ako sa nagsalita na tila naiiyak.

“Magpakatatag ka, Ama. Pakiusap…”

Pakiramdam ko’y nadurog ang puso ko sa aking nakikita. Nakaratay sa kama ang Emperador ng Deucalion. Mukhang may sakit ito at nasa tabi nito ang kanyang mga anak na sina Aristaeus at Erasmus.

Bakas ang labis na pag-aalala ng kambal na prinsipe sa kanilang Ama na tila mahina na.

“Aristaeus…Erasmus…” sambit ko sabay may pumatak na luha sa aking mata.

Hinawakan muli ni Kokkinos ang aking kamay at muling pumitik. Napunta na naman kami sa ibang lugar.

Iginala ko ang aking paningin. Isa itong lugar kung saan ginagamot ang mga sugatang kawal at mga taong may sakit. Sa dami nila ay halos magsiksikan na sila sa lugar. Natataranta na rin ang mga manggagamot kung sino ang kanilang uunahin.

Napalingon naman ako sa mga humahagulgol. Nang aking usisain ay namatayan pala ang mga ito.

Napalingon naman ako sa pintuan at nakita kong may pinapasok na mga kawal na sugatan.

“Nasaan naman tayo ngayon?” tanong ko.

“Sa Ezio, ang kabisera ng Cascadia,” sagot niya.

Hinawakan niya ‘kong muli at pumitik. Nag-iba na naman ang paligid.

Nasa gitna naman kami ngayon ng sagupaan ng mga kakaibang nilalang sa Hagnos at ng mga kawal na nakaitim na baluti.

“Ang mga nakaitim na baluti na iyan ay mga kawal na ginawa ni Skotadi,” sambit bigla ni Kokkinos.

“Hindi ako papayag na sakupin ninyo ang aming lugar!”

Napatingin ako sa sumigaw na iyon. Si Pinunong Aviar. Nakikipaglaban siya sa mga kawal ni Skotadi kasama ang kanyang mga katribo.

Ganoon din ang mga nasa tribo ng Lykos at tribo ng Fidi. Nakikipaglaban sila sa mga ‘di mabilang at halos hindi maubos na kawal ni Skotadi.

Muli na namang hinawakan ni Kokkinos ang aking kamay at pumitik. Napunta na naman kami sa ibang lugar.

Napunta na naman kami sa gitna ng mga nagsasagupaan. Ngunit sa pagkakataong ito, mga kawal ng Baltasaros ang nakikipaglaban sa mga kawal ni Skotadi.

Sa gitna ng madugong labanan, nakita ko si Calisto na kasama rin sa nakikipaglaban sa mga kawal na nakaitim na baluti.

“Anong ginagawa ni Calisto ro’n?” pag-aalala ko.

Dapat nagtatago siya kasama ng kanyang ina at kapatid na si Adara. Bakit narito siya at nakikipaglaban? Maaari niyang ikapahamak ang kanyang ginagawa!

Mayamaya ay nagbago na ang paligid. Mukhang bumalik na kami si Kokkinos kung saan kami nanggaling kanina.

“Ganoon ang sitwasyon ng buong Aglaea mula nang mapadpad kayo ni Prinsipe Alexeus sa inyong mundo,” sambit ni Kokkinos.

Halos hindi ako makahinga. Nadudurog ang puso ko. Bumigat ang aking dibdib. Nag-iinit ang aking mga mata. Napalunok na lang ako sabay buntonghininga ng malalim.

“Paumanhin. Nabigo ako bilang ang hinirang na Magissa,” sambit ko.

“Hindi, Charlotte. Ako dapat ang humingi ng paumanhin dahil ginulo ko ang tahimik at normal na buhay mo sa iyong mundo. Hindi ko naman akalain na ikaw ang mapipili ng banal na espiritu ng aking ama. ‘Yong pulang paruparo,” sambit niya.

“Tatlong taon na ang nakararaan nang ipadala ako sa inyong mundo ng aking ama upang hanapin ang susunod na hinirang, dahil nararamdaman na namin ang muling paggising ni Skotadi. Nag-anyong tao ako at kinuha ang katauhang William Salazar at nagpanggap na isang mag-aaral. Sa ganoong paraan, mas madali akong makakakilos sa inyong mundo. Taglay ko ang kosmima ng kidlat kaya’t nakapasok ako sa inyong mundo. Ngunit sa kasamaang palad ay nawala ko ito.”

“Ngunit sabi ng aking ama ay huwag daw akong mabahala. Sapagkat ganoon daw talaga ang mangyayari dahil hahanapin iyon ng mapipiling Magissa,” sambit niya.

Hinawakan niya ang aking mga kamay. “Paumanhin, Charlotte. Sa pagdamay sa’yo sa lahat ng kaguluhan dito sa Aglaea,” sambit niya.

“Pero, Kokkinos. Ako ang hinirang. Kaya’t pagkakamali ko rin ito kaya ganito ang sinapit ng Aglaea,”sambit ko.

“Si Skotadi ay makapangyarihan din gaya ng aking ama. Siya ay isa ring diyos kaya’t maaari niyang baguhin ang propesiya. Nasa kalaban na rin ang mga makapangyarihang kosmima. Hindi na namin alam kung ano pang magagawa namin,” sambit niya.

Tumingin si Kokkinos sa kanyang kaliwa. At nakita namin ang isang lagusan na nagliliwanag.

“Ayan na ang lagusan papunta sa kabilang buhay ng inyong mundo. Maaari ka nang tumawid. Maraming salamat sa lahat, Charlotte,” sambit niya.

Hindi ako makapaniwalang patay na ako at tatawid na ako sa kabilang buhay. Marami pa akong pangarap at gustong gawin sa buhay. Nais ko pang makasama nang matagal ang pamilya ko. Ngunit kung heto talaga ang kapalaran ko, kailangan ko na lamang itong tanggapin.

Bago pa man ako humakbang papunta ro’n ay napansin kong tila yata unti-unting naglalaho ang aking katawan.

“A-anong nangyayari, Kokkinos?” sambit ko habang pinagmamasdan ang sarili ko.

“Nararamdaman kong nabubuhay ang iyong pisikal na katawan, Charlotte,” sambit niya. Nagkatinginan kami.

“May bumubuhay sa iyong katawang-lupa,” sambit niya.

---

Biglang dumilat ang aking mga mata. Pinagmasdan ko ang aking sarili at kinapa ang aking pisngi. Nilibot ko ang aking paningin. Nasa isang malaking silid ako sa halos itim lang ang iyong makikita at tanging liwanag lamang mula sa malaking hugis-arkong bintana na katabi ko ang nagsisilbing ilaw ng silid.

“Mabuti’t gising ka na.”

Napalingon ako sa nagsalita. At halos lumuwa ang mga mata ko sa kung sinong nakita ko.

Continue Reading

You'll Also Like

572K 19.3K 90
Highest rank achieved #7 in Humor Thanks to @StunnLynn for making the aMAEzing Book Cover! So love it bebe! Love ya! 💙 Sabayan at samahan niyo akong...
432K 12.9K 46
He is Asher Ruiz. Mayaman. Gwapo. Sikat. Name it, he has it. Pero sa paningin ni Athena Miguele Hizon, he's nothing but a mere weirdo. She doesn't wa...
2.2M 93.4K 60
Maging Maid? Ayos lang naman. Pero kung yung 'mga' babantayan mo ay kasing edad mo pero, malala ang ugali! Mayayabang, Mapanlait, Sige na Gwapo na -_...
106M 2.1M 51
LIMITED TIME: Read now for a chance to win Coins! See full details in the newest chapter. Marriage is normally one's happily ever after in the movies...