Kaibigan
Pagsakay ko sa motor ni Jacob ay agad din namang sumunod si Tita Beth na pumwesto sa likod ko.
"Avery, humawak ka kay Jacob," paalala ni Tita.
"Sige po, Tita."
Ginawa ko naman ang sinabi ni Tita. Pero sa balikat lang ako humawak. Alangan namamg ipulupot ko ang braso ko sa baywang nya? Edi nasabunutan ako ni Tita Beth.
Nang maayos na ang pagkakaupo ni Tita ay pinaandar na ni Jacob ang motor nya.
Nadaanan namin ang palayan kung saan sila nag-aani kahapon. Ang waiting shed. Ang makipot na kalsada palabas ng San isidro at ang kalsadang dinadaan ng mga bus. Parang highway. Nakita ko rin ang mahiyaing bulkan. Nakatago na naman sya sa mga ulap.
Hinayaan ko lang dumampi sa balat ko ang hangin at bahagyang inaangat ang buhok ko.
Napapikit ako at inamoy ang pabango ni Jacob. Grabe ang bango nya. Narealize ko tuloy na ang amoy bata ng mga kaklase kong lalaki sa Manila. Sure bang probinsyano 'tong isang 'to? Not that hindi mababango ang mga taga probinsya. Pero yung pabango nya. Parang hindi ka makakabili nun sa mga probinsya e.
Sa pababang daan ay hindi ko naiwasang isandal ang katawan ko sa likod nya. Grabe ramdam ko yung init ng katawan nya!
"Avery," may diing sabi ni Tita Beth. Tumuwid naman ako ng upo. Di ko alam na conservative pala si Tita parang si Mama!
Nakita ko namang kumurba ang labi nito.
Nang makarating na kami sa People's Market ay pinarada ni Jacob ang motor nya sa parking lot. O terminal yun ng motor? Ang daming motor doon e. Tapos nakatambay lang ang mga may-ari doon sa gilid. May mga nagkukwentuhan sa gilid. May naglalaro ng tansan sa sahig.
"Salamat, Jacob," sabi ni Tita saka nag-abot ng bayad dito. Pero tinanggihan yun ni Jacob.
"Amu na tabi, Auntie."
"Kunin mo na. Naabala ka namin e."
"Di man. Kayun ko man babaklun tabi. Hintayin ko na rin po kayo," alok nito.
Dumiretso na si Tita sa loob ng palengke at sumunod ako. Nakita ko naman si Jacob na tumawid ng kalsada. Saan kaya sya pupunta? Akala ko ba may bibilhin sya? Eh bakit papunta syang Park?
"Manay Beth, sisay kang keba mo?" tanong ng binilhan ni Tita ng karne.
"Si Avery. Akus ni Manay mo Ed at Manoy mo Agosto," sagot ni Tita.
"Aw amu? Pag-una ko kay Alma kang akus. Kawung baga nyang maramay."
"Magayun man baga si Ed."
"Ay amu baga. Magayun man si Manay Ed pero kawung syang maray ni Alma. Pag-una ko tulus kayun nang asawa ni Alma."
"Sus man ika. Di na gayud katud mag-asawa."
"Mamatay na basang di man nadiligan kadtung si Alma."
Saglit pa silang nagkwentuhan ni Tita Beth. Naglibot libot pa kami ni Tita para makabili sya ng ulam. Bumili din sya ng Pancit Bato. Pagtapos sa palengke ay nagpunta kami sa grocery store at bumili ng snacks, biscuits at mineral water. Dumaan din kaming botika para makabilk ng gamot ni Lola.
Pagtapos ay dumiretso na kami sa parking ng People's Market kung nasaan ang motor ni Jacob.
Pagdating namin doon ay wala pa sya kaya saglit pa kaming naghintay ni Tita.
"Nasaan na kaya si Jacob, Tita?"
"Baka may dinaanan lang yun. Baka yung kaibigan nya."
"Lalaki po?"
"Ewan. Siguro."
Maya maya ay dumating na din ito. Tumawid sya habang pinaglalaruan nya sa kamay nya ang susi ng motor nya. Malawak ang ngiti sa labi.
"Mus na kita tabi, Auntie?" tanong ni Jacob kay Tita Beth.
"Amu na kami. Ika? Da neka idtunun?"
"Da naman tabi."
Nilagay nya ang mga pinamili namin ni Tita sa harap nya. Pansin kong wala namang syang binili.
Ini-start na nya ang motor at dinala sa gilid ng kalsada. Sumakay ako doon at sumunod naman si Tita.
Pagdating ng bahay ay nakita ko si Carla na nakaupo sa kawayang upuan. May mga kausap ito na hindi ko kilala. Hinatid kami ni Jacob hanggang sa loob. I mean, sa tapat mismo ng pinto ng bahay ni Lola kaya nalagpasan namin sila Carla.
Pagbaba ay nagpasalamat si Tita kay Jacob. Tinulungan pa nya si Tita na magpasok ng mga pinamili sa loob ng kusina.
"Oh. Jacob. Ika palan naghatid senra," sabi ni Lola na papalapit sa amin nang natanaw nya kami.
"Opo, La."
"Salamat, Jacob."
"Thank you, Jacob," sabi ko naman. Para naman mapansin nya ako di ba?
Ngumiti lang ito sa akin kaya parang nakakita na naman ako ng mga kumikinang na bituin sa mata nito.
Umalis din naman agad ito pagtapos. Si Tita na ang nag-ayos ng mga pinamili namin. Nakita ko naman si Chris na busy sa phone nya doon sa kubo. At dahil malambing sya sa akin, hindi ko sya nilapitan. Bahala sya mag-isa dyan.
Lumabas ako at pumunta kina Carla.
"Be raw kami Kang. Nakita ika namu nakibeli idtu sa akus ni Manoy Pepew," natatawag sabi ni Carla sa babaeng may maikling buhok.
"Nya unu man. Nakibeli man sana. Uru raw kang masama idtu?" sagot naman noong si Kang.
"Carla, sisay kan?" bumaling sa akin ang isa pang babae na may kulot at buhaghag na buhok.
Lumingon si Carla para makita ako sa likod nya. Sinenyasan naman nya akong maupo sa tabi nya.
"Si Avery, pinsan ko. Avery, si Kang, si Dang at si Pang," turo nya isa isa sa mga babaeng kausap kanina.
Triplets kaya sila?
"Hi," bati ko sa mga ito.
Si Kang iyong may maikling buhok na katulad ng kay Dora. Bagay sa kanya ang buhok nya dahil sa maliit nyang mukha. Si Dang iyong may buhaghag na buhok. Si Pang naman ang mukhang pinakatahimik sa magkakaibigan. Maayos na nakatali ang buhok nito at kita mo sa mukha nya ang pagiging mahinhin.
Nginitian lang nila ako at saka bumalik sa pinagtatalunan nila kanina.
"Marami kaming magbabarkada. Mga magkaklase kami nung elementary. Meron pang iba na wala dito. Nasa mga bahay nila o kaya nasa Manila na. Nagtatrabaho. Mga 5 pa silang wala dito. May mga kaibigan din kaming lalaki. Lagi ngang nagagalit si Mama kapag kasama namin yung mga lalaki e. E, kaibigan lang naman. Wala namang masama dun diba?... Ah. Yung lalaki kahapon kasama nung mga nag-aani? Si Tommel. Kaibigan pa namin yun," tuloy tuloy na sabi Carla. Kinukwento kasi sakin yung mga kaibigan nya, mga trip nila noong elementary, pati iyong pinagtatalunan nila kanina.
Hindi ko naiwasang matulala habang nagkukwento si Carla tungkol sa mga kaibigan nya.
Nakakainggit. May naalala ako...
Ramdam ko ang pagyakap ng malamig na hangin sa balat ko. Umagang umaga ay umuulan papasok ko ng school. Mabigat ang dibdib ko dahil narinig ko noong gabi na gusto nang maghiwalay nila Mama at Papa. Nang makita ko ang kaibigan kong si Randell na nakaupo sa bench ng school habang hinihintay ang first class namin ay tinabihan ko sya.
Tinignan lang ako nito at tinaasan ng kilay. Normal na iyon para sa akin dahil ganoon naman talaga si Randell. He's gay. We became friends because I find him funny. Masarap kasama ang mga katulad nya. We're friends... at least sa pananaw ko.
"Randell..." tawag ko dito. Hindi ko napigil ang panginginig ng boses ko dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo.
"Hmmm?"
"Randell... Si Mama... at saka si Papa... Maghihiwalay na daw sila," sabi ko habang pinipigilan ang paghikbi.
Alam kong binigla ko si Randell sa pag-iyak ko. Pero hindi ko na napigilan pa. I need someone to talk to. Someone na makikinig sa akin. Makikinig lang. Ayos na ako. But to my shock... tumawa si Randell.
I looked at him at kinagat ko ang labi ko para pigilan anv sarili sa pag-iyak.
"Girl, ang pangit mo umiyak! Bakit ka umiiyak dyan?" natatawa nitong sabi.
Napaawang ang labi ko sa gulat sa naging reaksyon nya. I just want someone who will listen to me. But I got someone beside me, who laughed when he saw how miserable I am.
Maybe I look ugly crying. Maybe I look like a witch because my wavy hair is down in my face and somehow wet because of the rain.
"I'm sorry..."
He stopped laughing when he heard me say sorry.
"Avery..."
Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya dahil nag-ring na ang bell. Agad kong inayos ang mukha ko. Inipit ko ang buhok ko into bun. And wiped my tears. Baka hindi lang si Randell ang tumawa kapag nakita ako.
Nauna na itong tumayo sa akin. Tumakbo ito papunta sa room at iniiwasan ang mga patak ng ulan. Habang ako, iniiwasan ang pagpatak ng mga luha.
Am I not allowed to cry when I want to breakdown?
Am I not allowed to share my problems to a friend?
Why? Dahil ba sanay silang masaya lang?
I get that some people hate dramas in life. Ayaw nilang problemahin ang problema ng ibang tao. Dahil may kanya kanyang problema nga naman tayo.
But does he really need to laugh?
Is my face a some sort of joke?
No. It's not my face that's hurt. It's me deep inside.
I heaved a heavy sigh at tumayo na rin. I thought of forgetting what happened earlier. Ayokong dagdagan ang problema ko. So I approached Randell and our friends noong lunch time para sumabay kumain.
We ate like normal. Na parang hindi ako nasaktan at parang wala akong problema.
While looking at them, I realized... walang nag-oopen up ng problema sa amin. We all want to laugh at stupid things but we never asked each other how are we feeling. I conclude that our friendship isn't healthy.
And that if you show them kung gaano ka ka-down, you will no longer be part of the circle.
To hide your feelings or to be alone?
Because I am afraid to be alone... I tried my best to pretend the whole time I'm with them. Pretend that I am that jolly person who can fit with them. That's when I learned how to be playful. I mean, I learned how to pretend and hide my feelings.
Kaibigan... How to have a real one?
--
hello. i hope you can vote and comment on this. :)