SPECIAL MILITARY ACADEMY [COM...

By ThelastLannister

52.1K 1.8K 205

Military series #1 When Spoiled brat, Colette Gizelle Coleman was transferred from a private school to a Mili... More

SMA
Teaser and trailer
PROLOGO
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
EPILOGUE
SMA TRIBUTE
SMA TRIBUTE
SMA SONGS
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 3

1.6K 65 14
By ThelastLannister

COLETTE's POV


Hinihimas-himas ko ang alaga kong shihtzu na si Shamie at nakadungaw ngayon sa may bintana ng sasakyan ni tito Albert habang nasa byahe kami papunta sa bago kong school. It's a school in the middle of nowhere. Hmph! Just joking. Malolocate mo pa rin naman ang lugar na iyon sa google map. Crow Valley, Capas, Tarlac.


Sabi ni tito medyo malayo ito sa mga pamilihang bayan, tama nga siya! E paano ba naman, paakyat na ng bundok itong dinaraanan namin. Every two days daw ang marketing nila at may groupings ang mga estudyante sa pamimili.

Ilang oras pa ang lumipas ay natanaw ko na ang malaking gate ng isang military base. Itsura pa lang nito, talagang nakaka-kaba na. Parang isang lumang kulungan na may napakaraming sundalong nagbabantay, lahat sila ay mga armado.

Welcome to SMA!


Ibinaba ni Tito Albert ang bintana ng kaniyang kotse para makita siya. Nang makilala siya, agad itong tumindig at sumaludo.

"Good morning Sir!" Malakas at matikas na pagbati nito saka binuksan ang gate para makapasok kami.


Nanlaki ang aking mga mata at napanganga na lang ng makapasok na kami. Sobrang laki at sobrang lawak ng lugar na ito. Parang isang malawak na kapatagan sa gitna ng kagubatan. Hindi ako nagbibiro.


May iba't ibang obstacle course na nakakalat sa lugar. May mga putikan, may mga bug wire, may mga akyatan at kung anu-ano pa.


"Saaaaay heeyo!" Buong buo ang boses ng lalaking nagcha-chant habang nangunguna sa grupo ng mga sundalong nagja-jogging sa may field.

"HEEYO!" Sabay-sabay namang sagot ng lahat. Topless sila noon kaya naman kitang-kita ko ang matitipuno nilang mga katawan. Kurbang-kurba ang kanilang mga muscles sa braso at dibdib. Maging ang kanilang umaapaw na six packs abs na ngayo'y pawis na pawis na.


Nakasuot din sila noon ng camouflage pants at combat shoes habang sabay sabay ang kaliwa't kanan nilang paghakbang. Kumakalansing din ang nakasuot na dog tag sakanilang mga leeg habang nagja-jogging.


"Anak, what's wrong?" Biglang tanong sa akin ni Mom.


"Huh?" Kunot noo akong napatingin sa kaniya.


"You're drooling," aniya na ikinabigla ko. OH MY GHIE! Agad kong pinunasan ang aking laway. Hindi naman napaghahalataan no Girl?

At para hindi na ako maglaway pa, sa kabilang side na lang ako tumingin. At doon sa kabilang field naman ay makikita mo ang mga sundalong nakafull gear at may hawak na mga aso.

"That is our K9 unit," paliwanag ni tito Albert, napansin kasi niya na nakatingin ako rito.


(K9 unit is the police and military dogs in homophone of 'canine'. The commonly used dogs in K9 units are German Shepherd, Belgian Malinois and Rottweiler.)


"'Wag kang mag-alala, matututo ka ring humawak ng mga K9," saad ni tito na ikinanlaki ng aking mga mata.

"What? But I already have a dog. Right Shamie?" Sumimangot ako at niyakap ko ang aking alagang shihtzu.

Pagdating namin sa isang building ay bumaba na kami dala-dala ang isang maleta at isang bag pack na puno ng mga gamit ko. Hindi pa ito ang lahat, pinili ko na lang 'yung mga talagang kailangan ko tulad ng sinabi ni tito Albert.

"Lette, dito ka muna. May pupuntahan lang kami ng mommy mo sa may office ni General Valencia. Don't worry, may susundo sa'yo rito para ihatid ka sa barracks mo," nakangiting paliwanag ni tito at saka na sila umalis ni mommy. Naiwan akong mag-isa sa harapan ng building na iyon na nakatayo at may hawak na maleta. Wow! Para na talaga nila akong itinakwil.

Nagwait namana ako sa labas ng building just like tito said. Kaya lang... medyo natagalan ang susundo sa akin kaya naupo muna ako sa hagdan ng building. Pinagmasdan ko ang mga nagga-gwapuhang mga lalaki sa may field nang mapansin kong nakatingin silang lahat sa akin.

As in titig na titig sila sa akin na para bang ngayon lang silang nakakita ng isang Diyosa na bumaba sa lupa. Hahahaha! Oo nga naman, minsan ka nga lang makakakita ng babaeng kasing ganda ko.

Nagbeautiful eyes ako, hinawi ang aking buhok, nagcross legs at saka ipinakita ang aking flawless legs.

Maglaway kayo! Hahahahaha!

Maya-maya pa, isang grupo ng mga kalalakihan ang nakita kong naglalakad papalapit sa akin.

Nakasuot sila ng purong puting uniporme na may black bars sa may magkabilang balikat. May gold eagle logo sa magkabilang kwelyo nila, at Nakasuot sila ng black and white na sumbrero na may gold star and wreath sa gitna.

Napakalinis nilang tignan. Sa gitna nang field kung saan napakatindi ng sikat ng araw, nasilaw ako sa liwanag nila. At nang makarating na sila sa aking harapan, mas lalo akong nasilaw sa mga itsura nila. WHAT THE FUDGE! Totoo ba itong nakikita ng mga mata ko?

Ang ga-gwapo nilang lahat. Wala kang maitatapon na kahit isa sa kanila. OH MY! Napahawak ako sa aking dibdib. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Para akong nakakita ng mga anghel. OH Holy mama Mary! Nasa langit na ba ako?

"Are you Ms. Colette Gizelle Coleman?" Tanong sa akin ng lalaking nasa gitna, 'yung pinaka-gwapo sa kanilang lahat. Medyo cold ang tingin niya sa akin and his eyebrows seems like always tense. Ganoon din ang lips niya, parang hindi siya madalas ngumiti. What a serious man here.

"Am.... y-yes?" Nag-aalangan kong sagot. Sino ba siya?

"I'm Captain Axl Kye Valencia, Team leader of team Delta 1st Class," pagpapakilala niya na seryosong seryoso eh hindi ko nga maintindihan ang mga delta delta na sinasabi niya.

"Ah... okay!" Sagot ko. Tumayo ako sa aking kinauupuan upang magpakilala ng maayos. Pumustura ako na pang Cattriona Gray, namaywang at nagtaas ng noo.

"Hello Gentlemen! My name is Colette Gizelle Coleman, 20 years of age, representing, the biggest city in National Capital region, home of 4 million Filipinos, QuuuuEZON CIIITY! and I believe, that when nothing goes right... goooo left!" Masiglang pagpapkilala ko sa kanila na nakataas pa ang kamay. Aba! Beauty queen ata ako ng school namin no.

*Clap! Clap! Clap!*  'yung isang lalaki lang na nasa gilid ang pumalakpak sa akin. 'Yung pinaka-matangkad sa kanila. Pero 'yung mga kasamahan niyang iba, mukhang nawar-shock ata. Hindi ba sila nanonood ng Ms. U?

After that, napatingin ako sa lalaking nagpakilala as Axl. Halatang gulat na gulat din siya sa ginawa ko pero hindi siya kumibo.

"Ang galing" Nakangiting sambit ng lalaking pinalakpakan ako.

"Anong magaling do'n?" Ngumuso 'yung katabi niya.

"Ehem!" Pakunwaring ubo ni Axl upang bumalik ang pansin ko sa kaniya. "Inutusan ako ni General Valencia na ihatid ka sa barracks mo. Maari ko na bang kunin ang mga gamit mo?" Aniya na puno ng galang. Wow! Gwapo na magalang pa.

"Okay!" Sagot ko na lang. Pagkatapos no'n ay kinuha na nang mga kasama niya ang mga gamit na daladala ko.

"Ako nga pala si Terrence Will Ulfido. Will na lang for short! At your service Ms. Coleman!" Pagpapakilala ng lalaking laging nakangiti at parang happy go lucky lang. Sumaludo pa siya sa akin which make him look so cute.

"I'm Kaysen Lucio Montelaba, Kaysen na lang," simpleng ngiting sambit ng isa pa. Sa kanilang apat, siya ang medyo mukhang matino.

"Skyler," pinaka-maikling pagpapakilala naman ng lalaking katabi ni Terrence. Sa kanilang apat, siya ang pinaka-maskulado. Siya 'rin 'yung lalaking pumalakpak kanina sa akin kaya gusto ko na rin siya.

"Ang swerte ko naman at ihahatid pa ako ng mga gwapong katulad ninyo sa barracks ko," nagbeautiful eyes ako with matching pa-cute pa.

"Kahit na ayaw namin, kailangan naming gawin dahil order yun nang General," nakangiting sagot ni Terrence. Hindi ko alam kung matutuwa ako sa sinabi niya o hindi. So 'yun pala ang dahilan.

Habang naglalakad kami papunta sa barracks, isang grupo nanaman ng mga kalalakihan na nakasuot ng puting uniporme ang sumalubong sa amin.

Habang papalapit sila sa amin, medyo nakilala ko 'yung lalaking nasa gitna. Pamilyar siya sa akin. Nakabulsa ito sa kaniyang pants at lumalakad na para bang pagmamay-ari niya ang buong field.

Pinagmasdan kong maigi ang mukha niya. Medyo makapal ang kilay niya, makintab ang mga mata, matangos ang ilong at may sugat siya sa labi.

"Connery," mahinahong tawag sa kaniya ni Axl.

Connery?

"S-si Connery nga!" Mukhang nagulat din sina Kaysen, Terrence, at Skyler sa pagdating nung lalaki.

"Ang tagal nating hindi nagkita ah, Captain Axl," Connery smirked at him. It's like he was mocking him.

"Welcome back to SMA, Captain Connery," nginitian din siya ni Axl pero halatang hindi sila natutuwa na makita ang isa't-isa.

Pero saan ko nga ba nakita ang Connery na ito? Napaisip-isip ako nang bigla kong maalala 'yung nangyari sa may Night-club.

'Y-yung... yung Kiss!

Napatingin ako kay Connery, at sakto namang napatingin din siya sa akin. Nanlaki ang kaniyang mga mata ng makita ako. Mukhang pareho naming naaalala ng malinaw ang mga nangyari nang gabing iyon.

"YOU!" Sabay pa kaming napaturo sa isa't-isa.

"Ikaw nga!" Gulat na gulat na sambit niya. Napatakip pa siya ng bibig at napatawa ng kaunti. Anong nakakatawa?

"Wow! Akala ko hindi na tayo magkikita. Akalain mo nga naman 'yun oh! Pinagtatagpo tayo ng tadhana," nakangiting saad niya. Ano bang pinagsasasabi niyang tadhana?

"Magkakilala kayo?" tanong sa akin ni Axl.

"Kilala mo siya, Boss?" Tanong ng isang lalaking katabi ni Connery. Mukhang ka-team mate niya.

"Hindi naman sa kilala pero nagkita na kami," masayang pagkukwento niya. "'Di ba Miss?" Aniya at saka dalawang beses na itinaas baba ang kaniyang kilay.

"Manyakis!" Mahinang bulong ko sa hangin pero hindi naman gano'n kalakas kaya hindi nila narinig.

"Anong ginagawa ninyo dito sa Area 15? Hindi ba dapat nasa klase na kayo?" Tanong ni Axl kay Connery.

"Yeah I know! Pero inutusan ako ni Lieutenant General Cervantes na ihatid ang anak niyang babae sa Barracks," sagot naman ni Connery.

Lieutenant General Cervantes? Si tito Albert? Ibig sabihin... ako?

"Ikaw? Anong ginawa mo dito? 'Di ba dapat nasa klase ka na rin ngayon?" Balik tanong ni Connery na tinaasan pa ng kilay si Axl.

"Inutusan ako ni General Valencia na ihatid si Ms. Colette Coleman sa Barracks niya," sagot nito. No more no less.

"Colette Coleman? Hindi ba't 'yun ang name ng anak ni Lt. Gen. Cervantes. Don't tell me..." napatingin sa akin si Connery. "Ikaw?" Aniya na mas lalong nagulat nang malamang ako nga.

"Grabeng tadhana 'to no? Obvious na obvious, tayo ang para sa isa't-isa," aniya na nakangiti ng nakakaloko. Grabe siya! Ang harot niya.

"Ako ang inutusan ng tatay niya kaya ako na ang maghahatid sa kaniya," matapang na saad niya kay Axl.

"Pero kami ang nauna!" Sigaw naman ni Terrence.

"Ano naman kung kayo ang nauna, nasa amin ang order!" Sagot naman ng kasamahan ni Connery at saka sila nag-agawan sa maleta ko.

"Akin na 'to" hila sa kaliwa.

"Sinabi ko nang akin 'to!" Hila sa kanan.

"Bitawan mo!" -sa kaliwa.

"Ikaw ang bumitaw!"  -sa kanan.

OH MY GHIE! 'Yung maleta kong napakamahal.

"Sandali nga lang!" Pigil ko sa kanila.

"Alam kong masyado akong magada. Pero hindi niyo ako kailangang pag-awayan. Pwede namang ihatid ninyo akong lahat 'di ba? Para lahat masaya," Nakangiti kong paliwanag sa kanila na napangiwi naman si Connery.

"Tss! Di ko alam na masyado ka pa lang pilingera at swapang," aniya. "O sige! Axl, kayo nang bahala sa babaeng 'to huh!" Aniya at saka humakbang paalis kasama ng mga alipores niya. Aba!

"Hoy teka lang!" Sigaw ko. Ang kapal ng mukha!

"Malapit na ang barracks mo, tingin ko kaya mo nang mag-isa 'yan. Sige, may klase pa kami," paalam naman sa akin nina Axl saka nila ako iniwan sa gitna ng field.

"Hoy! Sandali lang!" Ang daya naman nilang lahat eh.

Continue Reading

You'll Also Like

25.3K 2.4K 50
[COMPLETED] *** Maganda, matapang, malakas at magna; hindi magna cum laude kun'di magnanakaw. Isa siyang babaeng matinik pagdating sa pagnanakaw na n...
6.1M 149K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...
18.3K 1.1K 51
What will happen if a cool and hearthrob man will accidentally open his sixth sense? And he will meet a very weird, unattracted and annoying ghost. M...
2M 52.1K 53
[COMPLETED | UNDER FIRST EDITING] Alphas of Lair 1 Assassin is next to her name. She's merciless, the strongest of their clan, and the most powerful...