Nathan Andrade (Andrade Serie...

By makienza

5.2K 22 3

Nathan Andrade Andrade Series #2 Started: May 1,2020 Completed:July 21, 2020 More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogue
Note

Chapter 13

78 0 0
By makienza

Leigh's POV

"Totoo ba ito anak?" Mabilis akong tumango kay mama. "Naku po! Maraming salamat!" Napayakap saakin si mama dahil sa sobrang saya.

Inalis nito ang pagkakayakap saka tinignang muli ang sulat. Hindi kami makapaniwalang lahat na magkakaroon kami ng gantong biyaya. Kahit hindi ko kasi sabihin sa pamilya ko alam nila na gustong gusto kong bumalik muli sa pag-aaral kaya nga pinagtake nila ako ng ilang scholarship sa iba't ibang school pero hindi kami pinapalad dahil minsan maspinipili ng mga schools ay yung may mga kapit sa school ibigsabihin yung mga taong may kakilalang admin sa school.

Wala kaming sapat na pera para mapag-aral pa ako ng mga magulang ko sa kolehiyo dahil nga tatlo kaming magkakapatid at kahit sa public school lang nag-aaral ang dalawa hindi pa din sapat ang pera dahil may mga masisipag na maningil ng utang dito sa bayan namin.

"Magkaroon kaya tayo ng kaunting salo-salo at yayain natin si Mr.Andrade..." Tumingin saakin si mama at hinintay ang sagot ko. Pumayag naman ako agad dahil kailangan talaga naming pasalamatan si Nathan sa binigay nya saamin.

Lumabas ako ng bahay at naupo sa upuang kahoy na ginawa ng tatay ko. Tumingin ako sa paligid at inisip kung bakit kaya ako ang napili ni Nathan para maging scholar ng negosyo nila?

Dahil gusto nya ako? Hindi ko sya maintindihan.....at bakit naman nya ako magugustuhan ehh napakasimple ko lang namang babae para sa tulad nyang lalaki.

Dahil ba sa nangyari sa opisina nya kaya nya ako napili? Para kapag may sinumbat ako sakanya may maisusumbat din sya saakin dahil nga pinag-aral nila ako?

Yumuko ako at pilit na tinatanggal sa isipan ko ang mga iniimagine ko. Pero kasi mag posibilidad na baka nga ganun ang balak nyang gawin.

"Ehem....lalim yata nyang iniisip mo magshare ka naman..." Tinaas ko ang tingin ko at nakita ko ang lalaking ilang beses na akong binaliw sa maikling panahon. Nakangiti ito sa harapan ko at may dalang.....pagkain?

Inabot nito saakin ang dalang bilao saka tumabi ng upo saakin. Lumayo ako ng kaunti dahil masyado syang dikit na dikit saakin at nararamdaman ko nanaman ang kakaibang nangyayari sa puso ko.

"Ganun mo ba talaga ako kaayaw at nilalayuan mo pa din ako hanggang ngayon? Nakakadismaya naman akala ko miss na miss mo na ako....." Nilingon ako nito nang nakasimangot. Nilihis ko ang tingin ko at hindi pinansin ang pagpapacute nito dahil baka bumigay nanaman ako.

"Bakit ayaw mo akong tignan? Ayaw mo na ba talaga akong makita? Nagsisisi naman ako sa lahat ng ginawa nat----" Tinakpan ko ang bunganga nito para tumigil na dahil baka marinig sya nila mama at papa at malaman nila na may nangyari na nga sa anak nila........

Pinanlakihan ko ito ng mata at buti nalang nagets nya agad kaya tinanggal ko na ang kamay ko sa labi nya at hinayaan itong muli.

Nahihiya ko itong hinarap nang may maalala akong itanong. "Nga pala...yung tungkol doon sa s-scholarship na binigay mo....w-wala naman siguro iyong kinalaman sa nangyari...." Yumuko ako dahil nararamdaman ko nanaman ang pag-iinit ng pisngi ko at ayokong makita nya ako sa ganoong sitwasyon.

Naramadaman ko ang kamay nito na hinawakan ang pisngi ko. "Ofcourse, walang kinalaman iyon....kaya wag kang mag-alala." Buong lakas ko itong hinarap saka nginitian.

"S-salamat."

"You're welcome, Suandei." Yung ngiti ko ay napunta sa simangot dahil sa narinig.

"Ilang beses ko ba sasabihin sayo na wag na wag mo akong tatawagin sa second name ko?!"

"Sorry naman pero gusto ko kasi maiba ako at napansin ko na walang tumatawag sa second name mo kaya iyon nalang ang tatawag ko sayo." Inirapan ko ito saka tumayo na.

Niyaya ko ito sa loob dahil nakakahiya naman kung iiwan ko lang ito sa labas. Nagulat si mama sa pagpasok nya dahil ipapasundo palang dapat sya mamaya kay Laurence pero hindi na natuloy dahil nga nasa bahay na sya. Pinaupo ko na muna sya sa sala at pinaghanda ng maiinom.

"Ayy Salamat pala Mr.Andrade sa binigay mong scholarship para kay Leigh. Matagal na kasing gustong mag-aral nyan pero alam mo naman mahirap talaga ang buhay...." Napailing iling nalang ako sa kadaldalan ni mama. "Ayy oo nga pala, nasarapan ka ba sa biko na dinala ni Leigh sayo?" Nilingon ko si Nathan at tango ito ng tango. "Buti naman....talagang sinarapan ko yun para sayo...."

Lumapit ako kay mama upang tanungin kung nasaan si papa at si Lance dahil kanina ko pa ito hindi nakikita sa loob ng bahay. "Si Lance at papa mo? Nagtext ako kanina sa ama mo na bumili ng Lechong manok sa bayan dahil nasa bayan sya ngayon at kasama nya si Lance." Tumango tango ako saka bumalik muli sa sala.

Hindi ko alam kung ano ang pwedeng i-open na topic dahil hindi pa naman kami ganoon magkakilala....pero nagtalik na....shhhh nubayan! Binubura ko na nga yung ala-alang yun ehh!

"May sarili kang kwarto dito?" Nilingon ko ito at mabilis na tumango.

"Okay. Naririnig ba sa kabilang kwarto kapag nag-iingay ka sa kwarto mo?" Nanlaki ang mata ko dahil sa tanong nito. Saan ba papunta ang usapang ito?

"M-malamang....kahoy lang naman ang harang ng dalawang kwarto...B-bakit mo pala natanong?" Lumunok ako dahil sa binibigay nitong tingin saakin. Nang-aakit ang putek!

"Wala lang...ikaw ahh kung ano-anong iniisip mo.." Kinindatan ako nito na nagpakilabot saakin.

"Leigh!" Agad akong tumayo at pimuntahan agad si mama sa kusina dahil delikado na para saakin kapag tumagal pa ako na kaharap ang malanding iyon.

------------------------

Continue Reading

You'll Also Like

212K 5.4K 30
" If this is the only way para manatili siya sa tabi ko gagawin ko! I can father her child from another man. Kahit masakit, manatili lang siya sa tab...
9.5K 155 43
COMPLETED || Warning: Matured Contents Included!🔞 Charisse Allessana Ferrer Villaromano, never been kiss and never been touch kind of a woman. Chari...
2.5K 76 32
Rough Series 3. Mula pagkabata ay pinangarap na niyang maging isang madre. Kaya yun ang ginawa niya pagtanda niya kahit ang kapalit 'non ay ang pag...
1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...