Ano nga ba ang PAG-IBIG? May mga magsasabi ng walang kamatayang motto na "Love is blind.", "Love is like a rosary that is full of mystery." o "Love is in the air." Iba iba man ang ating pagpapakahulugan, nagkakaisa naman tayo sa ating nararamdaman. Pero paano nga ba natin nasasabi kung PAG-IBIG ang ating nararamdaman at hindi isang PAGHANGA o CRUSH Lamang?
May kasabihan nga na "Crush is paghanga, sometimes nawawaLa." at may taliwas din naman dito "Crush is paghanga, sometimes lumalala." Marami tayong pamantayan o dahilan kung bakit natin hinahangaan ang isang tao—maaaring dahil maganda/gwapo/cute siya, sexy o macho, matalino, mabait at kung anu ano pa. Tuwing nakikita natin sila ay tuwang-tuwa na tayo at kinikilig pa (Lalo na sa mga babae). Kaunting pansin o ngiti lamang mula sa taong hinahangaan ay buo na ang araw mo.
ANG TANONG: CRUSH MO LANG BA? O MAHAL MO NA?
MahaLagang alamin at timbangin natin nang mabuti sa ating sarili kung ano ang tunay na nararamdaman natin. Mahirap magsisi sa huli, na kung kailan minahal ka na din niya ay doon mo pa maiisip na "Ay! Hindi ko pala sya mahal, crush ko lang pala."
Kadalasan, nagkakamali o nagkukulang ang mga tao sa pagtitimbang sa MAHAL o PAGHANGA, GUSTO o KAILANGAN LANG, IIWAN o IPAGLALABAN, PATATAWARIN o HAHAYAAN NA LANG. Kaya nagkakaroon ng tampuhan, di pagkakaunawaan, at mas masaklap—nauuwi sa hiwaLayan. Dulot nito ay may taong paniguradong masasaktan.
Sa PAG-IBIG, hindi laging tayo ang hari o reyna, prinsipe o prinsesa. Minsan, kailangan din nating bumaba para maabot tayo ng mahal natin nang sa gayon ay maramdaman nilang mahal natin sila. Darating din ang panahon na tayo naman ang kailangang matutong sumunod at hindi lang tayo ang laging nasusunod.
Hindi laging tayo ang bida sa isang fairytale o pelikula, hindi laging masaya ang wakas ng istorya.
Darating din ang panahon na iiwan tayo ng mahal natin o hindi nila tayo ipaglalaban, di gaya ng mga nangyayari sa fairytale o pelikula.
Maaaring hindi lamang talaga sila ang tinatawag nating "PRINCE CHARMING".
Tandaan nating hindi lamang naman 'Love Story' ang tema o uri ng kwento o pelikula—mayroon din namang komedya, aksyon at trahedya.
Hindi laging tayo ang may hawak ng maraming buhay para manalo sa isang Laro.
May pagkakataon din mararanasan nating matalo at mawalan.
Iyon nga lang, minsan kung kailan malapit o nandoon ka na sa mataas na level, doon ka pa natalo o na-GAME OVER.
Sadyang mapaglaro ang pag-ibig, kung kailan nag-e-enjoy at masaya ka na, doon ka pa matatalo at mawawalan, kaya naman nayayamot at nagsisisi ka dahil babalik ka na naman sa Level One.
Hindi laging tayo ang gagamit ng kompyuter sa isang computer (rental) shop. Kahit gaano pa natin gustong tumagal, darating at darating ang oras na may taong papalit sa pwesto mo.
Hindi laging tulad ng matayog na paglipad ng saranggola sa himpapawid ang pag-ibig.
Darating ang panahon na mawawalan ito ng kontrol at tuluyang babagsak sa lupa o dili kaya ay ang taong nagpapalipad o humahawak sa saranggola ang mapapagod at susuko.
Hindi laging masaya. May kasama din itong sakit at lungkot.
Laging may DALAWANG MUKHA ang PAG-IBIG-- SAYA at LUNGKOT, LIGAYA at SAKIT, PAGPAPATAWAD at PAGPAPALAYA, PAGLABAN at PAGSUKO.
Sabi nga sa isang kanta:
"I HATE LOVE"
sa isa namang kanta:
"ALL WE NEED IS LOVE."
at idudugtong ko ang isang pang kanta na ang sabi:
"maybe sometimes Love just aint enough."
taliwas naman ng isang kanta:
"when were hungry love will keep us alive"
pero sabi naman ng isa pang kanta dito:
"LOVE HURTS."
Kung minsan dumarating tayo sa sitwasyon na nakakaramdam tayo ng dalawang emosyon.
"MAHAL mo eh KAHIT NASASAKTAN ka na."
"NASASAKTAN ka na PERO MAHAL mo siya."
Iba-iba man ang pagpapakahulugan natin sa PAG-IBIG, malinaw na may dalawang panig o mukha itong pinapakita at ipinararamdam sa atin. Nasa atin na lamang kung ano ang MAS paiimbabawin natin sa ating puso at damdamin.
Hindi ko ito nilikha dahil hindi ako naniniwala sa PAG-IBIG. Gusto ko lamang imulat ang ating sarili sa isang bagay...
"PAG-IBIG ANG PINAKAMASARAP NA PAKIRAMDAM SA MUNDO PERO ITO DIN ANG PINAKAMASAKIT."
-Monica Brown