Maalinsangan at mausok sa kahabaan ng EDSA. Kung paanong ang mga sasakyan ay tila ba walang humpay sa pag-usad habang ako'y tahimik na nakaupo sa pinakamaliit na espasyo na nagsisilbing tahanan ko sa halos sampung taon mula nang ako'y iwan ng aking ina. Tunay na hindi madali ang paninirahan sa kalsada. Lalo na sa mga oras na umuulan o kaya'y halos mamalimos na ako kapag walang nahahanap na maaaring pagkakitaan. Subalit sa katagalan na rin ng panahon ng masalimuot na buhay ay nagagawa ko na ring maging masaya kahit minsa'y isang beses na lamang sa isang araw nakakatikim ng pagkain ang mura kong tiyan , kung minsan pa nga'y tira tira pa.
Sa loob ng sampung taon ay malimit rin kaming guluhin ng mga tao sa aming munting tahanan. Nariya't walang awang hinuhuli at sinasakay sa puting van ang mga batang paslit na kagaya ko
.At iyon na yata ang pinakanakakatakot na pangyayari sa aming buhay.
At ang mataray na babaeng may kolorete sa mukha ang pumapangalawa. Halos araw-araw yata itong dumadaan sa aming puwesto. Malimit niya kaming kutsain o kaya nama'y saktan sahalip na tulungan kaya naman gayon na lamang ang pangamba namin sa tuwing mapapadaan siya.
"Ano ba yan! Ang babaho ninyong mga paslit kayo! Alam nyo bang pabigat lang kayo dito sa lipunang ito! Nakakapwerwisyo pa kayo mga bwisit!"
aniya habang tinititigan kami ng masama. Kami nama'y mapapatahimik na lamang sa isang tabi.
Isang araw ay muli na naman kaming inabutan nang pangamba nang masilayan ang isang puting van na huminto sa tapat ng espasyong aming tinutulugan. Lulan niyon ang mga lalaking sa tingin ko'y trenta ang edad. Naku, ano na naman kaya ang kanilang pakay.
Sa takot nami'y agad kaming nagsitakbo palayo roon upang hindi kami abutan. Nagpalakad lakad na lamang kami sa buong kahabaan ng EDSA habang hinihintay ang gabing nagsisilbing payapa sa aming buhay, huwag lamang umulan.
Sa pagsapit ng gabi ay muli na kaming bumalik sa aming espasyo . Umaasang wala na roon ang mga lalaking mukhang may balak na naman kaming guluhin. Mabuti naman at hindi kami nabigo dahil wala na sila.
Masaya na lamang kaming mahihiga sa lumang karton habang hawak ang tiyang ni hindi man lamang nasidlan. Kagaya ng dati, tulog na lamang ang magiging tulay upang makalimutan ang gutom na kanina pa lumalatay.
Kinabukasan ay halos magpanting ang aking taynga sa ingay na aking narinig. Umaga na pala at muli na namang nag-ingay ang buong kalye. Napabangon ako at sa pagmulat ng aking mga mata ay mukha ng isang babaeng puno ng kolorete sa mukha ang aking nakita.
Napatigil ako. Nakangiti siya sa akin hawak ang kaniyang kumikintab na pitaka.
Teka. Bakit parang may mali?
"Magandang umaga sainyo! I know na hindi pa kayo kumakain kaya eto oh. Paghatian nyo na yan lang afford ko eh. Tsaka what if kontakin ko ang DSWD para naman malaman nila kalagayan nyo at matulungan nila kayo. *.
Hindi nga ako nagkamali at siya ang babaeng halos pagtabuyan na kami sa tuwing siya'y mapapadaan sa mausok na kalye. Ngunit iba ang araw na ito. Tila yata naging anghel siya sa kaniyang mga salita.
Nabalot man ng pagtataka ang aming buong katawan ay agad na lamang naming kinuha ang dalawang paper bag na may lamang tinapay at mineral water.
Ngumiti na lamang kami bilang pasasalamat sa kaniya . Natatawa na lamang ako sa tuwing iisiping .. nagbago na siya.
Sa kaniyang pag-kaway paalis ay agad na napako ang aking tingin sa kulay puting bilog na nakatapat na nakakabit sa bandang taas malapit sa poste na animo'y kamera.
Napakamot na lamang ako ng ulo. Napakunot.
At inamoy ang masarap na amoy ng ensaymadang walang asukal.
Mga Dagli
By venusreid
Dagli More