Selena

By shyeeah

16.5K 468 184

Selena de la Merced😍 More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
CHAPTER 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 21

420 9 7
By shyeeah


Unang araw ko sa pagbalik sa trabaho ng makasalubong ko si Ara kasama si Prince, pigil akong tumakbo lalo na't kasabayan kong pumasok si Grenny. Nasa likod ko siya at naiwan ng mabilis akong naglakad patungo sa matalik na kaibgan.

"Sa office kayo ni Kuya Sirius pumunta, papasok ako doon.." Mahina kong sabi bago pa makalapit si Grenny.

Binati niya si Prince, mukhang kilala niya ito at medyo kinilig pa saharapan namin. Kitang-kita kong paano magselos si Ara pero hindi ko na iyon pinuna pa.

Naunang umakyat sa opisina si Grenny tulad ng utos kong ipunin ang buong team para sa maikling meeting namin, gusto kong personal na marinig ang mga nangyari at updates para sa The Heirs.

"Naks! Ibang-iba na, sanay na sanay na sa trabaho. Malaki na ang sahod." Nakayakap si Prince sa akin kahit nariyan si Kuya Sirius sa harap namin. Natawa naman ako reaksyon ng kapatid ko ng ngumuso ito at nagpipigl nalang.

"Tama na ang yakap, palabasin tayo ni kuya dito eh." Nagtawanan kaming tatlo kasama si Ara maliban sa kapatid kong walang kibo. Hinila ko si Prince sa maliit na sala ng opisina ni kuya. Napataas lang ng kilay si Kuya Sirius sa ginawa ko ngunit hinayaan naman ako.

Alam kong naintindihan nila ni Ara ang sitwasyon ko ngayon, kinuwento ko sa kanila ang buong nangyari. And I swear, sa kanila ko palang sinabi to, nakita ko si Kara sa pinuntahan namin ni Kuya Sirius kung saan nangyari ang palitan ng putok.

Parehong tahimik at mukhang nag-iisip ang dalawa, hindi rin naman agad nagtagal at nagpaalam kami, Pagkabalik ko sa aking opisina ay naroon na si Yvo, nakaupo at sa mismong swivel chair ko pa.

"I'm sorry hindi na kita tinawagan, ang sabi kasi ni Sir Zach ay hayaan ka nalang muna at mukhang may inaasikaso." Si Grenny ng mapansin ang mapagtanong kong tingin.

"I need you now." Yvo said. Parehong nagulat si Grenny at Lucy sa sinabi ng mokong, kahit na ako ay nagtaka.. "Of course para sa trabaho, Nextweek na ang event. Kailangan magdagdag ng mga dessert, hindi pumasa sa team iyong iilang pagkain lang.." Hindi na ako nakasagot ng nauna siyang lumabas sa opisina.

Kailangan ko pa bang magpaalam kay Kuya Sirius? Of course not! This is my work.

Hindi ko na pinansin ang mga namuong katanungan sa isip ng mga kasama ko, maliban kay Honey. "Cancel the meeting.." Bilin ko kay Grenny bago sundan si Yvo. 

Tahimik habang nakapamulsa ng nakabahol ako sa elevator, hindi ko sigurado kung pinatagal niya o nagkataon lang na naabutan ko. Mukhang hindi maganda ang bungad sa akin.

"Galit ka?" Tumunog iyong elevator, may sasakay sana ngunit ng makita na kasama ko si Yvo ay agad din na pinindot ang close button. "Answer me. Di ka masaya nasa trabaho na ako ulit?"

Wala parin akong natanggap na sagot. I let him! Ano akala niya sa akin, basta nalang siya suyuin? Eh hindi ko nga alam kung ano yung nagawa ko eh. Tahimik akong sumunod ng bumukas ang elevator at lumas si Yvo, tumitingin-tingin sa paligid at nag iingat na baka makita ako ng mga bantay ko.

Patuloy ang katahimikan sa aming dalawa hanggang sa binuksan niya ang pinto ng kotse, para akong tuta na sumunod sa gusto niya. 

Inabala ko ang sarili sa paligid habang naipit kami sa traffic, ayoko ngang magmukhang tanga sa kakapilit kay Yvo na pansinin ao kung ayaw niya naman. Sa gitna ng katahimikan ay tumunog ang cellphone ko, hindi ako nagdalawang isip ng makita kung sino ang caller.

"Where are you? Ikaw ba iyong nakita ko kaninang sumakay sa itim na kotse?" Si Prince. NAkita niya ako! Hindi pa sila nakakaalis ng DLM ng bumaba kami ni Yvo sa parking.

"Uhm.. Yeah!" Bahagya akong lumingon kay Yvo at nag-iwas din naman agad ng mahuli ang ginawa ko. "Selena are you crazy? Hindi ka pa ba nadala sa nangyari sayo last time? Where are you?Susunduin kita.." He so serious. Dismayado at sigurado kay Yvo siya nairita at hindi sa akin.

"It's okay.. I'm okay..You don't need to do that. Just enjoy your vacation. Let's just meet tomorrow after work.okay?" Gusto ko na sanang ibaba ang telepono dahil sa gilid ng mga mata ko kita ang matalim na tingin ng kasama ko sa akin. Para bang malaking pagkakamali ang pag sagot ko sa tawag at sa mga sinasabi.

"Who's that?" Ma-awtoridad niyang tanong. Mabuti at hindi naman kinuha ang cellphone ko.

"Prince I'll call you later." Agad kong pinatay ang linya bago pa umalburoto si Price at maisigaw pa ang pangalan ko. Tsaka ko lang nilingon si Yvo ng mapansin na hindi parin kami umaalis kahit na nagsimula ng tumakbo ang mga nasa unahang sasakyan. 

"Magsasalita ka din pala. Sana kanina pa tumawag iyong kaibigan ko." Sarakastiko kong sabi. 

He sighed. Tsaka lang pinatakbo ang sasakyan.. "Sino ba naman ang matutuwa. first day of your work nasa opisina ka ng boss mo?" Nagtaka ako sa sinabi niya. Eh saan ba ako dapat? Sa opisina pa ng mga janitor?  bahagya akng natawa sa naisip na sagot ngunit ng rumehistro ang galit sa mukha niya ay napaayos ako agad.

"I'm sorry.. Eh kasi, san ba ako dapat magpunta? Ilang linggo akong walang trabaho hindi ba dapat mag report ako sa boss?" Palusot ko. Kahit naman hindi trabaho ang pinunta ko sa opisina ni kuya.

Tanaw ko na ang Kanza, ngunit ng muling umilaw ang red light ay nahinto si Yvo. Dismayado niya akong nilingon. "Hindi mo alam ang salitang selos?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Nagbibiro ba siya? Hindi ko talaga inaasahan na sasabihin niya yon.

Araw-araw nalang ay iniisip ko kung paanong biglang nagkaganito kami ni Yvo. Naririnig ko nalang bigla sa isipan ko ang linyahan ni Seiko sa tuwing kinukwento ko sa kanila si Yvo noon. 

"Nangangarap ka? Nang gising? Sige mangarap ka pa Selena." Pero sino ngaba ang umasang sa ganitong paraan ko makikila si Yvo at sa ganitong paraan magsisimula ang relasyon namin. Kahit ako ay hindi ito inexpect. Lahat ng to ay di ko inaasahan.

"Can you stop imagining things? Ano ba ang iniisip mo na nag-almusal ako kasama ang sir ko?" I laughed. Di ko na napigilan ang kilig na tinatago.  He sighed, napakagat sa ibabang labi di alam ang isasagot at mukhang nahiya sa sariling nilalaman ng isip. 

Kinuha ko ang isang kamay niya na nakahawak sa manubela, napatingin siya sa akin. Para akong bata na nag puppy eyes sa kanya. "I didn't do anything. Just work Mr. Sarmiento." Inilapit niya ang kamay ko sa kanyang  mga labi at dinampian iyon ng halik. Wala na yatang mas isasaya pa ang ganitong pakiramdam sa piling ng taong mahal mo sa gitna ng pagsubok na nararanasan sa buhay.

Sabi noon ni Mommy hindi biro ang pag-aasawa, ang pagpili ng pakakasalan at makakasama mo buong buhay ay iyong sigurado ka na sa hirap at ginhawa ay magkasama kayo. Hindi pwedeng sa ginhawa lang. Hindi ka pwedeng umatras kapag nariyan na ang pagsubok, walang aayaw kapag hindi kayo magkaintidhan, higit sa lahat walang iwanan kahit pa gustohin ng lahat.

We need to fight! Iyon ang turo ni Mommy sa akin simula noon, ang lumaban para sa pamilya, at ilaban ang karapatan bilang asawa. Lahat ng iyon ay napagdaanan ni Mommy, para sa amin ni Kuya Sirius tiniis niya ang sakit sa nagawa ni Daddy, pinrotektahan niya ang pamilya namin. 

"Mahal kita.." Sabi ko sabay ganti ng halik sa kanyang kamay. 

Life is full of surprises! Walang ibang makakapagsabi sa kung ano ang pwedeng mangyari sa buhay natin, kaya mas mabuting i enjoy ang araw na masaya kaysa magpadala sa damdamin at habang buhay magpadala sa takot at galit.  Hindi man naging maganda kung paano kami ipinagtagpo ni Yvo ay wala na akong pakialam, ang mahalaga ay ang nakita ko siya at ngayon nakakasama. 

Lahat ng mata ay nasa amin ng pumasok sa Kanza, may ilang tauhan na pamilyar na bumati sa akin habang nakangiti at may iilan din na mukhang nagtataka pa sa presensya ko. 

"Dalhan kami ng breakfast sa office." Kausap ni Yvo ang isang staff.  "What do you want?" Mabilis na nag iwas ng tingin sa akin iyong babae sa tono ng pananlalita ni Yvo. "Uhm.. Orange juice and garlic bread nalang...I ch-check ko lang iyong nasa labas na arrangement. Can I?" 

Pumayag naman si Yvo, hinayaan niya akong tignan ang nasa labas na bahagi ng restaurant, Hindi pa naman ganon karami ang mga kumakain dahil masyadong maaga pa kaya hindi ako nailang sa ginagawa. Hindi ito pagmamay-ari ng kompanya nila Yvo kaya nagtataka ako kung bakit sia ang tumutulong para patakbuhin to? I cant ask him. Magtataka lang iyon kung paano ko nalaman kaya mas mabuti pang isama ko din to sa paimbestigahan, baka para din kay Kara kaya siya ang nandito.

Bago pumasok sa opisina ay mabilis ko munang pinag-aralan ang menu board. "May idadagdag ba kayo Ma'am?" Tanong ng isang staff. Umiling lang ako. "May tinitignan lang.." Sagot ko naman.  Hindi siya pamilyar sa akin. dahil siguro madalas na punta ko dito noon ay tuwing hapon at malapit ng magsara kaya hindi ko gaanong kilala ang mga opening team.

Amoy na amoy ko ang garlic bread ng makapasok sa opisina ni Yvo, nakaharap siya sa laptop habang may mga pinipirmahang papeles. Walang masama kung magtatanong ako, hindi pa sapat ang alam ko dito sa Kanza dahil mas tumagal ako sa DLM Corp. 

"What's that.?" Sumimsim ako sa orange juice, sinubukan tignan ang papel na nasa harap ngunit hindi ko rin naman mabasang mabuti. 

"Ilang papeles na kailangan ko i turn-over kay Kara.. Eat your breakfast first. Kailangan busog ka muna bago pumili ng ilang idadagdag sa buffet." Hindi ko na nasundan iyong iba niyang sinabi dahil naiwan ako sa ginagawa niya? Turn over? Ang alin?

"What do you mean turn over.?" Nag-angat siya ng tingin sa akin. Kita ko ang ibang reaksyon kaya mas minabuti kong kumalma muna bago mag apoy sa kung ano ang marinig, wala akong narinig na ganito sa mga pinsan ko at kay kuya kaya kailangan kong malaman.

Itinabi ni Yvo ang ginagawa at sinabayan ako sa pagkain, sumimsim rin siya sa kape bago muling mag-angat ng tingin sa akin. "Siya ang tagapagmana. Hindi ito pag-aari ng pamilya namin." 

I know Yvo! Pero hindi iyon ang gusto kong sagot mo. Hindi niya naisagot ang tanong ko.

"Narinig ko na yan." Nag-angat ang isang kilay niya, siguro nagtaka pero wala din akong pakialam. " Ang ibig sabihin ibabalik mo na? Siya na ang magpapatakbo..?"

Tumango-tango si Yvo. "Our company needs me.. Hindi ako pwedeng magtagal sa Kanza.." He added.

"Pero bakit si Kara? Paano si..." Hindi ko na sana dudugtungan iyong sasabihin ko ng biglang nag0iba ang reaksyon ng mukha ni Yvo ngunit siya na mismo ang nagpatuloy.. 

"Selena? I don't think  kaya niyang patakbuhin ang negosyo nila... Mas importante si Kara, Hindi ako papayag na sa iba mapunta ang Kanza.." Para akong bata na naagawan bigla ng pagkain at nagsimulang umiyak. Nataranta agad si Yvo, dali-dali siyang napatayo at lumapit sa akin, I can't tell him what is happening pero gusto kong maramdaman niya kun gaano kasakit ang marinig mismo sa kanya ang ganitong salita. 

Paano nalang kapag nalaman niyang ako si Selena? Hindi ko na alam kung gugustohin ko pa bang makilala ng lahat na si Selena kung ang kapalit naman ay ang pag layo ng nag-iisang lalaki sa buhay ko.

Sumunod na ara nagkalat ang larawan ko sa social media. Malabo man ang mukha ay delikado parin ito. Hindi na pumapasok sa DLM si Kuya Ken dahil tapos nariyan na si Kuya Sirius kaya naman wala parin akong choice kundi punatahan si Kuya Sirius umagang-umaga.

"Kuya, ano nanaman to?" I asked him.

"Hindi sila titigil, Eliseo Madrigal!" He mentioned.. Kahit alam ko naman na siya lang ang may kakayahan nito. 

Agad na tinawgan ni Kuya Sirius si Kuya Ken, nagkinig lang ako sa usapan nila. Maya-maya ay dumating si Vinn. Hinalikan niya ako sa noo bago tumungo kay Kuya Sirius, may binulong ito at ng tumango naman si kuya ay lumapit na sa akin si Vinn.

"Let's go Selena.." Vinn ordered.

"Where? Is it urgent? may trabaho pa ako. hindi pa ako nakakapasok sa office ko." Wala namang sinabi si Vinn isang tango lang ay siguradong mas mahalaga ito kaysa sa trabaho ko. 

Pinagtitinginan kaming dalawa ng pinsan ko habang naglalakad sa hallway, may ilang nag bulong-bulongan ngunit hindi na naging iba sa akin. Kailangan ko na talaga yatang masanay sa mga ganitong eksena. Heto na ba ang laging sinasabi ni Mommy na magmumukha akong artista dito dahil sa mga paparazzi. 

Marami ang interesado sa buhay ko, kilala sa pangalan ngunit walang nakakaalam sa mukha. 

"Nakipaglandian naman kay Sir Vinn.." Rinig kong sabi ng isang babae.

"Nakaraan kay Sir Zach, kaya inaway ni Miss Kara.."

"Isali niyo si Sir Keb.. Masyado siyang feelingera.."

Tumigil si Vinn sa paglalakbang. Halos rinig ang sapatos niya sa hulng bagsak dahil sa narinig. Nang nilingon iyong mga nag-uusap ay agad niyang nilapitan.

 "Makakalis na kayo sa kompanya." Galit na tugon ni Vinn sa kanila, kahit ako ay nagulat dahil sa ipanakita niya, ngunit mas makakasama lamang ito sa imahe ko. Agad akong pumagitna, nakahawak sa dalawang kamay niya. "This is not the right time time. Hayaan mo na sila.." Tama lang na siya lang ang makarinig ng sinabi ko. He sighed and walk faster.

Hindi na ako nagtanong pa kung saan kami pupunta o saan niya ako dadalhin, tumigil ang sasakyan ni Vinn sa isang hotel. Agad na pumwesto iyong mga guards ko sa kotse bago pa ako makababa. Sa isnag pribandong kwarto ay naroon si Lola at Lolo, pati narin ang Lolo at Lola ni Yvo. Bahagya akong napangiti ng makita sila bago pa humalik kay Lola..

May mangyayari ba o nangyari na kaya nandito ako? Ang sabi ni Vinn importante.

"Selena umupo ka." Si Lola.. Sinunod ko ang sinabi niya, may mga pagkain ng nakahanda, sunod na umupo si Vinn sa gilid ko. He started to drink alcohol kaya napatingin ako. Hindi siya takot kay Lolo!

Wala pa silang sinasabi ngunit ramdam ko na ang kaba. Lalo na ng hinaakan ni lolo iyong kamay ko, pilit akong ngumiti. Gustong ipakita na kaya ko at matapang ako. 

"May nangyari po ba?" I asked my Grandfather. Nagkatinginan lang silang lahat.

Nalilito na ako, don't tell me may pasabog nanaman kayo. Mababaliw na yata talaga ako.

Naglagay ng pagkain si Vinn sa plato ko ngunit di ko yon pinansin, hindi rin naman ako gutom at lalong wala akong gana dahil sa mga pinapakita nila ngayon.

"Wala naman iha.." Si Lola.. Taliwas sa sinasabi niya ang reaksyon ng mukha ngayon. She looks so scared. "Sabihin niyo na.." Sabat naman ng Lola ni Yvo..

"Totoo bang hinahanap mo si Yvo ang apo namin?" Lolo Leandro assked. Maingat akong tumango. Hindi pa nila alam na nahanap ko na ang lalaking matagal ko ng hinahanap.

Tahimik lang si Vinn, hindi kumakain ngunit patuloy lang sa paglagok ng alak.

"Iha, alam mo bang ikakasal na si Yvo?" Lola Thelma added. Nagkunwari akong walang alam. Umiling lang ako, hindi naman ako naniniwala. Yvo promised me to cancel the said contract wedding proposal. "You should stop looking for her Iha..Kasal na siya, nakaraang araw lang."

Para akong nabuhusan ng malamig na malamig na tubig sa sinabi ng lola ni Yvo.. Natawa ako. Napainom ako ng malamig na tubig, paano mangyayari yon kahapon magkasama kami ni Yvo ngunit wala siyang nasabi na------.

Tsaka lang pumasok sa isipan ko ang kailangan ng i turn-over ni Yvo ang  Kanza sa kapatid ko. Hindi na ako nakapagsalita, nagmadali akong lumabas sa  hotel, Vinn is following me halos madapa na ako sa kakatakbo.. "Where are you going?" He asked, Galit na galit dahil muntikan ng hindi ako maabutan. "Selena ano ba. delikado kang nag-iisa, anytime Madrigal can attack you."

"I don't care Vinn. Ibalik mo ko sa DLM.." Umiiyak kong sabi,




Continue Reading

You'll Also Like

116K 2.5K 38
Happy ending, the word that both of them doesn't believe that exist. Been broken and lost, but what if they are the both changes that they are waitin...
321K 7.7K 54
Engineer Brixnelle Alfonso Madriaga. Ang pinakamakulit at pinakapilyo sa kanilang magkakaibigan. Women for him just come and go. Katwiran niya, hindi...
8.3K 243 32
[Completed] Janelle was out there looking for a job. Maghapon na syang nag apply, bukod sa pagod na, ay gutom pa sya. Nang tumawid sya sa kalsada ay...
2.9M 57.6K 32
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...