[𝘗𝘢𝘳𝘢 𝘴𝘢 𝘮𝘨𝘢 𝘵𝘢𝘰𝘯𝘨 𝘵𝘪𝘯𝘢𝘥𝘩𝘢𝘯𝘢 𝘱𝘦𝘳𝘰 𝘥𝘪 𝘱𝘪𝘯𝘢𝘨𝘵𝘢𝘨𝘱𝘰] 𝚍𝚒 𝚝𝚞𝚕𝚊𝚍 𝚗𝚒𝚢𝚘 𝚙𝚒𝚗𝚊𝚐𝚝𝚊𝚙𝚘 𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚎𝚛𝚘 𝚍𝚒 𝚝𝚒𝚗𝚊𝚍𝚑𝚊𝚗𝚊
-𝓜𝓷𝓮𝓶𝓸𝓼𝔂𝓷𝓮♡
Napakapayapa dito, ngayon lang ulit ako nakaranas ng ganito yung malayo sa lahat ng gulo at problema. Tanging paghampas lang ng alon sa dagat ang naririnig ko at preskong hanging nadapo sa mukha ko. Pumikit ako upang mas masinghap ang sariwang hangin na malamang pagkatapos ng araw na ito hindi ko na ulit malalanghap.
"Arya, nasaan ka na?" sambit ko sa sarili. Muli kong pinagmasdan ang dagat, hanggang sa hindi ko na matanaw ang araw at ang liwanag na dulot nito ay tuluyan ng nabalot ng dilim. Gabi na pala, mas naging payapa ang paligid ng dumilim ito. Niyakap ko ang mga tuhod, sapagkat naging malamig din ang paligid at ayoko muna bumalik sa kwarto.
"Ang tahimik noh?" biglang may nagsalita sa tabi ko. Hindi gaanong malayo ang distansya ng pagkakaupo namin sa buhangin ngunit sapat na para magkunwaring hindi ko siya narinig. Ayoko ng kausap gusto ko lang mapagisa. Hindi naman sumagot ang huli sa akin at mukhang naintindihan niya.
Sobrang miss ko na siya, ganun din kaya siya?. Nasaan kaya siya ngayon? Sana naiisip niya din ako. Si arya, hindi ko maiwasang mapangiti sa sarili pagsumasagi sa isip ko ang pangalan niya. Siya lang naman ang babaeng minahal ko ng sobra, simula pagkabata siya na ang kasama ko.
●♡🌺♡●
10 years old ako nun, nang napagpasyahan ng mga magulang ko na lumipat nanaman sa ibang lugar. Paulit ulit nalang na ganun, di ko sila masisi dahil yun ang bumubuhay samin at kakaumpisa pa lamang ng negosyo noon nila dad. Nangako naman siya na pag naging stable na lahat di na namin kailangan lumipat lipat pa ng tirahan at mamumuhay na din ako ng normal.
Paakyat palang ako sa kwarto ko upang magpahinga, dahil katatapos ko lang iimpake lahat ng gamit ko at tumulong nadin ako kila mom at dad. Nang may kumatok sa front door. Tinawag ako ni dad para buksan yung pinto, kaya napakamot batok nalang akong bumaba at binuksan ang pinto.
"Magandang umaga, gusto lang sana namin kayo dalhan ng pagkain. Bilang pagwelcome namin sa inyo dito. " sabi ng isang lalaki na mukhang kasing edad lang nila mom at dad. Naramdaman ko sa likod ko sila mom at dad, at sila ang sumagot sa matandang lalaki.
"Maraming salamat sa inyo." sagot ni dad sa kanila. May kasama din ang matandang lalaki na matandang babae at batang babae.
"Ito nga pala ang asawa ko si Evie at ako naman si dylan. Ito ang anak namin si arya. "Pagpapakilala niya sa asawa't anak niya. Tiningnan ko yung batang babae, at tumingin din naman siya sakin sabay binelatan ako. Problema niya? Tiningnan ko siya ng masama.
"Ako naman si Jacob at ito ang asawa ko si Jade at anak naming si James." pagpapakilala samin ni dad.
"Kung pwede kayo mamaya, pwede ba namin kayong anyayahang magdinner dito sa bahay namin, pagnatapos kami dito sa pagaayos, bilang pasasalamat namin sa inyo" nakangiting paganyaya sa kanila ni mom. Nainis naman ako, kase ayoko kasama yung batang babae dito sa bahay lalo na hapag kainan. Mukhang mawawalan ako ng gana mamaya ah.
"Aba syempre naman, asahan niyo ang pagpunta namin" nakangiting sagot naman ng matandang babae at nagpaalam na sila samin.
Natapos ang dinner na yun na hindi kami nagpapansinan nung batang babae. Pake ko naman sa kanya diba? Syempre wala, pero yun ang akala ko. Nakita ko siya nun, umiiyak sa bakuran nila. Alam ko kagagaling niya lang sa school nun kase suot pa niya yung uniform niya at uwian din nun. Pareho kami ng pinapasukang school pero di kami magkaklase, at pag nagkikita kami di kami nagpapansinan.
Pero ngayon di ko maintindihan gusto ko siyang lapitan at aluin. Nakaupo siya sa swing na gawa sa gulong na nakatali sa puno sa bakuran nila. Pinuntahan ko siya at nilapitan.
"Uy bakit ka naiyak? " tanong ko sa kanya.
"Pake mo ba, sino ka ba? Dun ka nga!" naiiyak padin niyang sabi at minudmod at mukah niya sa mga palad niya.
"Syempre wala. Sabi ko nga aalis na ako. " sabi ko, tatalikod at hahakbang na sana ako palayo, pero bigla siyang nagsalita.
"Sila mommy at daddy, bakit kailangan nilang mag-away? " bigla niyang sambit.
"Ganun naman talaga pag mag-asawa. Kahit mom at dad ko nag-aaway din. " sabi ko nalang sa kanya at humarap ulit sa kanya.
"Kung ganun din naman, ayoko nalang mag-asawa. " sabi niya at pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata.
"Ikaw nasayo naman yun eh" aalis na sana ako nang magsalita ulit siya.
"Ikaw bakit ang sungit mo sakin? " sabi niya. Nilingon ko naman siya at nagsalita.
"Eh kase ang panget mo" pero hindi yun totoo sa katunayan, siya na ata ang pinaka maganda na nakita ko. Bigla siyang tumayo sa pagkakaupo at sinugod ako. Simula nun naging magkaibigan namin kami, o siguro nga higit pa dun. Palagi siyang napunta sa bahay para makipaglaro sakin. Maglalaro kami sa psp ko o sa playstation ko, nalaman kong hilig din pala niya yun. Minsan naman dun ako sa bahay nila sinasamahan siya pag aalis yung mom at dad niya o pag aalis sila mom at dad dun nila ako iniiwan.
Pero pansamantala lang yun, hindi naging successful yung business nila dad doon kaya kailangan ulit naming lumipat. Nagpaalam ako kay "ar ar" nun, tawag ko sa kanya yan kase mukha siyng aso at ngawa pa ng ngawa na parang aso. Ayoko sanang umalis pero wala naman akong magagawa, akala ko magiging normal na buhay ko lalo na nung nakikilala ko si arya.
"Babalik ka naman diba?, magkikita ulit tayo?" sabi niya sakin, na halos maluha luha na ang mga mata.
Tumango ako sa kanya at tinaas ang pinky finger ko " Oo promise, hindi ko maipapangako na makakabalik ako dito pero, magkikita ulit tayo okay? Hahanapin kita at dapat ganun ka din." sabi ko sa kanya
"Oo hahanapin kita, kase nakapagdesisyon na ako." nagtatakang tiningnan ko siya, kung anong ibig niyang sabihin. Niyakap niya ako ng mahigpit at gumanti din ako sa kanya ng yakap.
"Hihintayin kita" bulong ko sa kanya, habang yakap yakap parin siya ng mahigpit.
Simula nun hindi na ulit kami nagtagpo ng landas. Saka nalang ulit nung pagkatungtong ko ng senior high school, nakita ko siya sa isa sa mga classroom. At masasabi kong mas gumanda siya kumpara noon. Ibang iba na ang itsura niya sobrang laki ng pinagbago niya. Pero ang nararamdaman ko sa kanya ganun padin. Hinintay ko siya hanggang ngayon, pero parang hindi niya ako kilalang nilagpasan nang magkasalubong kami.
Nagtagal kami ng ilang buwang ganun na parang hindi niya ako kilala. Hanggang sa di ko natiis at hinintay ko mag-uwian, sinundan ko siya. Napansin niya siguro ang pagsunod ko sa kanya kaya napahinto siya at nagsalita.
"James," napahinto ako sa paglalakad at tinitigan ang likod niya.
"Ar ar" lumingon siya sakin, na nangingilid ang luhang nakatingin sakin ng masama.
"Wag mo kong tawagin ng ganyan, arya, arya ang pangalan ko!!" sigaw niya sakin, lumapit ako sa kanya ng unti unti. Pinagmamasdan ang eskpresyon ng kanyang mukha, na parang may malalim na kahulugang di ko maintindihan.
"Arya, hinintay kita, bakit di mo ko pinapansin?" gulat siyang nakatingin sakin, ng makalapit ako sa kanya. Humakbang siya paatras.
"Wag ka lumapit!" saad niya. Huminto ako at tinitigan padin siya. "Nagbago na ako, hindi na ako yung arya na kilala mo."
"Para sakin ikaw padin si a-" hindi pa natapos ang sinabi ko ay tumakbo na siya palayo. Pinagmasdan ko lang siya habang papalayo na siya sakin.
●♡🌺♡●
Pumikit ako at nilingon siya. Nakaupo lang siya sa buhanginan at nakatingala sa buwan. Hinahangin ang malakapeng kulay niyang buhok. Pumikit siya at dinama ang hangin sa kanyang mukha.
"Bakit? " tanong ko, habang nakatingin padin sa kanya.
"Di ko alam" saad niya habang nakapikit padin.
Napatayo ako bigla at humarap sa kanya. "Bakit di ko sinabi sakin, Arya?! " sigaw ko sa kanya. Nanatili lang siyang nakapikit at napansin kong may tumulo sa gilid ng kanyang mga mata. Dumilat siya at tiningnan ako na punong puno ng lungkot sa mata.
"Para saan pa, wala di namang magbabago James. " nakangiting sabi niya sakin, pero natulo padin ang mga luha sa mata niya. "Di pa din naman kita makakasama, kahit gusto ko. Pero gusto ko padin tupadin yung pangako mo sakin, kase sabi mo hihintayin mo ko"
Hindi ako umimik at yumuko nalang habang nakakuyom ang kamay. Pinigilan kong hindi maluha sa harap niya. Naramdaman kong tumayo siya at lumapit sakin.
"Masaya na akong nakikita mo ko" sambit niya. Hindi man ako nakatingin sa kanya pero alam kong nakangiti siya sakin ngayon.
"Ano ng gagawin ko? Iniwan mo na ako Arya." bulong ko sa sarili. Tiningnan ko siya at napansin kong napalis ang ngiti niya sa mga sinabi ko tanging lungkot nalang ang makikita sa buong mukha niya.
"Hindi kita iniwan James, nandito lang ako palagi, hinanap kita." Naiiyak niyang sambit. "Nakapagdesisyon na ako, noon pa na ikaw yung pakakasalan ko. Kung mag-aasawa man ako, ikaw nalang. Para kahit ilang beses tayo mag-away ayos lang sakin. Kase ikaw yung gusto kong makasama. " nakatingin siya ng diretso sakin habang natulo yung mga luha sa mata niya. Nasasaktan akong makita siyang ganyan, ni hindi ko man lang siya mahawakan, mayakap at mapunasan mga luha sa mata niya.
"Wag ka na umiyak, papanget ka lalo sige ka" sabi ko sa kanya. Pero hindi kahit anong gawin niya maganda pa din siya, kahit umiiyak siya ang napakaganda pa din niya, pero di ko kayang makita siyang umiiyak ulit sa harap ko. Lalo na ako yung dahilan. "Mahal kita, Arya. Mahal na mahal, pasensya na kung wala ako sa tabi mo nung mga panahong kailangan mo ko at hanggang ngayon wala pa din akong magawa. " hindi ko na napigilan pang maluha.
Lumapit siya sakin at hinawakan ang pisngi ko, hindi niya alam kung gaano ko siya gustong hawakan ngayon. "Shhh, james..... I'm sorry. " sambit niya. Tiningnan ko siya na sobrang lapit sakin ngayon, at alam kong hindi ko na makikita ulit yun.
Ngayon ko lang nalaman na, wala na pala si arya. Kaya pala noon bihira ko lang siya makita sa school. May mga araw lang siya na kailangan pumunta sa school. Nung araw pala na yun na sinundan ko siya, yun na pala yung huling araw na makikita ko siya. Dahil pagkatapos nun hindi ko na siya makikita pa ulit. Matagal ng may sakit si Arya, ni isa walang nakakaalam kahit pamilya niya siya lang. At nung araw na yun nagpakamatay siya.
"Pahinga ka na Arya" sabi ko habang tinitingnan padin siya.
Tiningnan ko yung baba ng mataas na gusali at inalala ang sinabi ko kay Arya kanina.
"Hintayin mo ko" bulong ko sa kanya. Gagawin ko ang lahat para maging iisa nalang ang hanging hinihingahaan nating dalawa.
Pumikit ako at hinayaang mahulog ang sarili sa mataas na gusali ng building na aking tinutuluyan ngayon, walang nakakaalam na nagpunta ako dito si arya lang.
Pagdilat ko, nakita ko si arya na natakbo papunta sakin, sinalubong ko siya at niyakap ng mahigpit. Natupad ko na pangako ko sayo Arya...
●●●