"Kailangan na natin ng bagong Alpha, Luna." sabi ng isang pack Warrior nila, "Sino ka para sabihin sa akin yan?" tanong ng kanilang Luna.
"GAMMA!" sigaw na tawag ng kanilang Luna.
"Yes Luna? Bakit po?" tarantang sagot ng Gamma nila, "Idisiplina mo nga ang mga alaga mo! Nasaan ba ang asawa ko?" tanong ng Luna.
"Luna kakailanganin na natin magpalit ng Alpha," sagot ng Gamma. "At bakit? anong nangyari kay Almandro?" naluluhang tanong ng Luna.
"Natalo po si Alpha sa labanan nila sa kabilang kampo, at susukob na po ang nakatalo kay Alpha."paliwanag ng Gamma. "Hindi, hindi pwede.." naiiyak na sabi ng Luna nila. " Ang batas ay batas, Luna. Kung sino po ang makatalo sa Alpha ay sya ang papalit sa pwesto, Luna sabihan nyo na si Tyson---" napatigil ang Gamma sa pagsasalita ng sumabat agad ang Luna nila.
"Anong sasabihin ko?"nangangambang tanong ng Luna. "Kailangan matalo ni Tyson ang pumatay sa Ama nya, Luna yun lang ang tanging magagwa natin para mapanatili na angkan nyo ang mamuno." paliwanag ng Gamma.
"Masyadong bata pa si Tyson para sa labanan na ganito Gamma, ang Beta? si Anderson? nasaan? Bakit hindi na lang sya ang lumaban at pumalit sa pwesto?" sunod-sunod na tanong ng Luna.
"Luna, wala na po si Anderson, sumama ppo sya sa labanan ng kabilang kampo," sagot nito. "Eh bakit hindi ikaw?" tanong naman ng Luna rito. "Tagapagmana po si Tyson, Luna" sabi nya.
"Nasa wastong edad na po si Tyson para makuha ang manang pwesto," dagdag pa ng Gamma nila, "Ano ba ang plano ng kabilang kampo?" garalgal na tanong ng Luna. "Kakailanganin po ng panibagong Luna, ang pahayag nila ay ganito.....
'Kung sino ang maka-dalawang puntos sa labanan ay sya ang papalit. Unang laban, kung sino ang mananlo sa pisikal na labanan ay mapupunta ang isang puntos at ang pangalwang kailangan ay ang unang makahanap ng kanya-kanyang mate nila ay sya ang panalo.'
Luna kasing edad ni Tyson si Cole Garrette Greyson, ang tumalo sa Alpha natin, Ama ni Tyson at Asawa nyo." paliwang ng Gamma.
******
By WOWDYOSA