AILEE'S POV
Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga, alam kong tama lang ang ginawa ko para subukin ang kakayahan nila at ang tibay ng loob nila. Ang mga patibong na dinaanan nila ay wala pa sa kung anong maaari nilang pagdaanan sa oras na harapin nila ang mga tauhan ng Phantom. Alam kong matagal na nilang gustong lisanin ang islang ito pero hindi nila magawa. Sa sitwasyon namin ngayon, imposibleng magawa nilang makatakas na hindi nahuhuli.
Katulad ng sinabi ko sa kanila, walang magagawa si Viro o si Carter sa oras na mahuli sila. Madonna will never stand to protect them, they are still in debt to her. They need to work for her and give their loyalty to the Cage. If Madonna wants to help them escape, that should happen along time ago. But they are still here, fighting for their lives.
I also cannot stand to protect them. I sacrifice too much for this mission. There is no room for any mistakes. So, the only thing I can do for them is to teach them how to fight. They need to defend their selves. When the war starts inside this island. The only ones who can defend them are themselves.
Hinarap ko ang malawak na kapatagan sa likod ng gubat. Tahimik ang lugar na ito at walang dumadayo kaya naman magandang gawing training grounds. Nilapitan ko ang mahabang lamesa at kumuha ng isang baril.
Para makaligtas sa islang ito at sa kamay ng Phantom. Kailangan nilang matutong gumamit ng armas. Magaling ang ginawang pagsasanay sa kanila ni Viro pero hindi pa rin ito sapat para magawa nilang makaligtas sa kamay ng Phantom.
Itinaas ko ang kanang kamay kong may hawak na baril at itinutok ito sa target. Pumikit ako at ilang beses na pinaputok ang baril sa iba't ibang direksyon. Kinuha ko ang binoculars at tinignan ang mga target.
Napangisi ako ng makitang lahat ay tumama sa ulo ng target. Hindi naging madali ang naging training ko. Mahirap at masakit sa katawan pero kabila nito na enjoy ko ang bawa't araw ng training dahil natuto ako sa taong maituturing kong pinakamagaling sa pakikipag laban. Noong una hindi ko maintindihan kung para saan ang training na ginagawa naming magkakapatid. Para sa isang bata, hindi normal ang mag-aral ng iba't ibang martial arts. Ang pag hawak ng baril at ibang sandata.
Pero sa pamilyang kinabibilangan ko, isa itong normal na gawain. Kailangan naming matutong makipag laban para magawa naming ipagtanggol ang sarili namin. Hindi sa lahat ng oras nasa tabi namin ang mga magulang namin. Hindi sa lahat ng oras merong taong magliligtas sa amin.
Ang matutong makipag laban ang natatanging paraan para mapanatag ang magulang namin. Mahirap ang training, walang anak at magulang sa mga oras na 'yon. Hindi ko magawang umiyak kahit masakit na, hindi ko magawang magreklamo kahit pagod na. Dahil sa oras ng training isang bagay lang ang alam ko.
"I need to be someone who can protect my family."
Lumaki kaming laging nakabantay ang mga magulang namin. Kahit busy sa maraming bagay, hindi sila nawawalan ng oras ang mga magulang namin para sa aming magkakapatid. Lahat isasakripisyo ng mommy ko para sa aming magkakapatid. Lahat ginagawa nila para masigurong nasa tamang landas kami.
Ibinaba ko ang binoculars at kinuha naman ang isang dagger. Tinignan ko ang talim nito bago hinagis sa isang target habang hindi nakatingin. Isa sa natutunan ko ang makipaglaban na tanging pandama ang ginagamit. Kahit nakapikit ang mga mata ko at walang nakikita, alam kong magagawa kong makipaglaban.
Itinaas ko ang tingin ko sa target. Nakatarak sa gitnang bahagi ng ulo ang dagger na hinagis ko. Ibinaba ko ang tingin sa kanang kamay ko. Isinara at ibinukas ko ito at pinakiramdaman.
"Why can't still feel it?" Mahinang tanong ko sa aking sarili.
Hanggang ngayon, ilang taon man ang lumipas wala pa rin akong maramdaman sa kanang kamay ko. I can't feel anything like it become numb, it was really numb. Naigagalaw ko ito at nagagamit ng maayos ngunit wala akong maramdaman. Kung sino man ang makakarinig ng tungkol sa bagay na ito, hindi kapanipaniwala.
Ilang ulit ko bang sinubukang sugatan ang kamay na ito? Hindi ko na maalala, ang tanging gusto ko lang ang maramdaman ang sakit. Dahil kahit anong gawin ko hindi ko ito maramdaman sa kanang kamay ko. I can feel the pain on different parts of my body except on my right hand. It becomes numb and no doctor can explain why it happened. They think that I had CIP but my right hand is the only one that can't feel pain.
"What are you feeling right now?" My mom asked me while putting pressure on my right hand while cleaning the wound on my palm.
"I can't feel anything." I can't feel the pain in my right hand.
"How about here?" My mom put pressure on my left hand.
"Aww.." She put too much pressure that I can't help but react.
I accidentally hurt my right hand while doing some training on different kinds of knives and katana. I did not notice that I got wounded. I put blindfold to master my senses. I am in the middle of my training when my mom suddenly stops me.
Hinawakan ko ang kanang kamay ko at bahagyang pinisil. Maybe it was a side effect of what happened before. There are lots of side effects that really affect my body. Hanggang ngayon sa tuwing pumipikit ako nararamdaman ko pa rin ang bawat karayom na tumutusok sa kanang wrist ko. Those memories remind me of my dark past.
Kung hindi dahil doon, wala sana ako sa sitwasyon ko ngayon.
"Ailee." I was in deep thought that I did not feel that Carter is here already.
Nilingon ko siya at diretsong tumingin sa mga mata niya. Everything was too much for everyone. Alam kong gusto niyang iligtas silang lahat.
"Sorry about what happened earlier."
"I don't mind. They are free to say whatever things on their mind."
"Still, I want to apologize for what they told you. Nahihirapan lang sila sa sitwasyon nila ngayon."
"Naiintindihan ko sila. But I want to ask you something." Tinignan ko ang target na hinagisan ko ng kutsilyo.
"What is it?"
"Madonna can help them escape this place. Why did she not help them?"
Tumabi sa akin si Carter at nagsimulang mag assemble ng baril.
"She doesn't want to involve herself on that matter. Mas importante para kay Madonna ang Cage. Ipinaglaban ni Madonna ang Cage mula sa Phantom. Hindi isusugal ni Madonna ang Cage para lang makatakas ang mga kaibigan ko."
"But you and your sister were in different circumstances."
"Nagmakaawa si Ian kay Madonna na tulungan kaming makatakas." Natigilan ako sa sinabi ni Carter.
"Madonna take a huge risk on helping us even though she is fighting for the Cage."
"He also begs me to help you and your sister on his deathbed." Sa pagkakataong ito si Carter naman ang natigilan.
"You hated him for deceiving you and your family." I want to see Carters' reaction. We never talked about him since the day I first met him.
"You feel the same, right? You also hated him." Napangisi ako sa sinabi niya.
"I don't hate him. He maybe lies to us and fishes some information. But he still remains a good friend. Wala siyang sinaktan sa amin at alam ko kung anong ginagawa niya."
Mababakas ang gulat sa mga mata ni Carter dahil sa sinabi ko. Sinalubong ko ang tingin niya.
"Alam mong espiya si Ian? Bakit wala kang ginawa? You let him gather information in the Mafia."
"He never gets the real information. The Empress never let anyone knew her plans, even her own council."
She never disclose any information, the only person who knew her plans is the Emperor. She is too smart to tricked by anyone.
"Did the Empress knew about Ian?"
"Yes."
"But why did she let him live?" I can see the curiosity in Carters' eyes.
"I asked for his custody. If he would do something that will harm anyone. I will kill him."
"But why did you did that?"
"Because he has his reason for doing that. He told me that he wanted to save everyone but he does not have the power to do that. Not until he could find people who could help him. He did not directly say who would he save but I know this island is what he meant. He often told stories about his friends that he left. If he would get a chance, he would introduce them to us.".
Until now I cannot still speak his name. It's been years but the memories of that night are still hunting me.
"I'm sorry, Queen. I-I lied to y-you, I betrayed all of you. I a-am a traitor. N-agsinu---
"Stop talking you, idiot. Shut your fcking mouth and rest."
I am trying to put pressure on his wound. My cousin is also putting pressure on his other wound.
"Where is the medics?" I asked while trying my best to stop the bleeding.
"P-please save them. T-they need your help." Nagsimula na naman siyang magsalita kahit na hirap na siya.
"Shut up. You are losing too much blood. Don't waste your energy on talking." Galit na usal ko pero hindi siya nakinig.
"H-here is where they are located." May inabot siyang cellphone. "A-alam kong wala akong karapatang humingi ng tulong mula sa inyo. Pero n-nagmamakaawa ako, Queen. My friends need protection. I-I want to save them."
"For fcking sake, shut your mouth. I will help them after this situation. You are dying now so shut your fcking mouth. You still need to explain why did you do this to us so don't die."
Pinipigilan kong tumulo ang luha ko, masyado ng madaming dugo ang nawawala. My cousin is crying silently while putting pressure on his wound. I can see how her hands are shaking.
"I-I'm sorry for everything. I t-think I could not make it. I leave everything that you want to know in the house where I h-hide them. T-the information you needed would be there. I h-hope it would help you."
"S-stop talking. P-please s-stop." For the first time after we get inside the car, my cousin speaks.
"I-I sorry, Cassy. I f-failed you my Lady"
"Shut your fcking mouth, Ian. I would never forgive you if you die now. So, shut your mouth. We are almost there."
Itinaas niya ang kamay niya at pinunasan ang tumutulong luha ng pinsan ko. Ngumiti siya kahit mababakas ang hirap na dinadanas.
"Forgive me my Lady but I think this is my limit. I-I will always be grateful to you. T-thank you for e-everything."
Halos tumigil ang mundo ko ng bigla na lang nahulog ang kamay niya.
"N-no! Don't close your eyes, Ian. You fcking idiot. I am ordering you to open your eyes."
"Fck! They are here. A-sshole, open your fcking eyes." Uno said while trying to give him CPR.
"The helicopter is here."
Mabilis ang takbo ng sasakyan namin papunta sa medics. Nasa labas na ang stretcher na naghihintay sa amin. Mabilis na huminto ang sasakyan pero hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa kanya. Maputla na mukha niya dahil sa dami ng nawalang dugo. Tuloy tuloy ang pag CCPR sa kanya ni Uno.
Bumukas ang pinto ng backseat, agad akong lumabas para makuha nila si Ian. Meron ng mga doctor na agad na pumalit sa ginagawa namin. Mabilis siyang nilipat sa stretcher at itinakbo papunta sa helicopter. Sumunod kami hanggang sa helicopter hanggang sa loob. Isang doctor at dalawang nurse ang nag-aasikaso sa kanya habang nasa biyahe kami.
Sinusubukan nilang irevive siya pero nanatiling tuwid ang linya. Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. Mas lalong lumakas ang iyak ng pinsan ko sa sumunod na sinabi ng Doctor.
"Time of death, 11:59 pm."
Tumigil ang mundo ko,wala na akong ibang naririnig kung hindi ang tunof ng machine na nagsasabing wala na siya. Ang tanging naramdaman ko na lang ay ang mainit na yakap ng lalaking mahal ko.
I never hated him because I saw the pain he was hiding in every joke he made. The sadness in his eyes whenever he smiled at us. I can feel his pain so I never judge what he did. I want to help him, if only he told me what was happening. Maybe we can avoid everything. Maybe I could still save him from all the pain.
"Magsisimula na ba tayo?" Nabalik lang ako realidad ng marinig ko ang boses ni Wyatt.
Tinignan ko isa-isa ang mga nakatayo sa tabi niya. Lahat sila seryosong nakatingin sa akin na para bang may magbabago kung titignan nila ako.
"Kahit nakakamatay ang training, kakayanin namin." Nakangising sabi ni Rocco.
"When you decide to do this training, there is no turning back." Babala ko sa kanila.
"Let's just start this fcking training." Mababakas pa rin ang hindi pagsangayon sa mga mata ni Olivia.
"Welcome to my Hell." Nakangisi kong usal habang pinagmamasdan sila.
THIRD PERSON'S POV
"Walang titigil sa pagtakbo. Bilisan niyo pa." Malakas na sigaw ni Ailee habang pinagmamasdan ang magkakaibigan na tumatakbo sa malawak na lupain.
Mababakas ang hirap, pagod at sakit sa mga mukha nila, konti na lang meron ng tutumba dahil sa sobrang pagod.
"Hindi tayo sa labanan mamatay." Hinihingal na sabi ni Jade.
"Hindi ko na kaya, parang mapuputol na ang mga paa ko." Nahihirapang sabi naman ni Lora.
"Walang titigil, kailangan nating patunayan sa babaeng yan na kaya natin." Kahit nahihirapan ay hindi pa rin magawang alisin ni Via ang inis niya kay Ailee.
"Tangna, bakit kailangan pang may weights as pagtakbong ito?" Reklamo ni Sancho.
"May suot na leg weights si Ailee tuwing nagwowork out siya." Sabi naman ni Rocco.
"Bilisan niyo pa, ang bagal niyo." Malakas na sigaw na naman ni Ailee.
"Kung tumatakbo rin siya kasama natin para alam niya ang feeling." Inis na usal ni Via.
Bukod sa 1kl na leg weights meron pang tatlong sakong buhangin para a mga lalaki at dalawang sako naman para a mga babae. Kailangan nilang tumakbo ng isang daaang beses paikot ng kapatagan habang hila ang mga buhangin.
"Kailangan ba talagang merong leg weights at buhangin?" Tanong ni Carter habang pinapanood ang mga kaibigan niya.
"My training was worst than this, and also your training inside the Empire U."
"Empire U almost killed me. Hindi biro ang training na pinagdaanan ko sa loob ng limang taon."
"But that training is nothing compared to what I experience." Napatingin si Carter kay Ailee dahil sa sinabi nito.
"What do you mean? Hindi ba ang mommy mo ang nag train sayo?"
"Yeah, the reason why it was worst than this. Sa oras ng training, walang anak at walang magulang. She was my trainer and I am her student. That was our relationship when it comes to training."
"How did she trained you?" Carter's curiosity will kill him early.
"In the wilds." Halos lumaglag ang panga ni Carter dahil sa narinig.
Kahit anong isip niya, para imposibleng gawin yun ng mommy ni Ailee. Hindi niya malaman kung nagbibiro ba ito dahil sa seryoso niyang mukha.
"Are you really curious about how was I trained?" Tanong ni Ailee habang masinsinan pa ring pinapanood ang pagtakbo ng mga kaibigan ni Carter.
"You said in the wilds. Does it mean---" Bago pa matuloy ni Carter ang sasabihin, inunahan na siya ni Ailee.
"I was trained in Nature, meaning inside a forest, up to the mountain, down to the sea. She trained me within nature."
Inaalala ni Ailee kung gaano naging kahirap ang pinadaanan niya bago niya narating ang lahat ng meron siya. Pero sa kabila ng hirap ng training, nan dito siya ngayon madaling tinalikuran ang lahat ng meron siya para sa misyong ito. Madami siyang tinalikuran at sinakrepisyo kaya naman hindi niya pwedeng hayaan na mawalan ng saysay ang lahat sinakrepisyo niya. Dahil sa oras na mabigo siya alam niya wala ng siyang babalikan.
"The training I went through is the reason what I am today. It's not about the strength but the knowledge you will learn. Empire U teaches not only academics but also the importance of fighting to defend not only yourself but also the life of others. Am I right?" Sinulyapan ni Ailee si Carter na napailing na lang.
"Well, that place gives me hope that I can fight to save my friends and this island. And, you are right, I learn a lot while staying there."
"You also gained friends." Napangisi na lang si Carter dahil sa sinabi ni Ailee, he found friends within his stay inside Empire U.
"You are not in good terms with him, right?"
"You can say that but I know I can trust him even though sometimes he is an a-sshole."
Tuluyan ng natawa si Carter dahil sa sinabi ni Ailee. Hindi niya magawang magreklamo dahil ganon naman talaga ang kaibigan niya. Pero isa ito sa naging dahilan kung bakit siya naging malakas. Without his help he probably not the person he was standing right now.
"He still there even after graduating." Komento ni Ailee habang tumatayo mula sa pagkakaupo niya sa damuhan.
"He plans to follow her after graduating but suddenly she appeared in the University. We burn our asses in studying so that we could graduate ahead of everyone."
"How's the feeling of having him as your only classmate?" Nakagising tanong ni Ailee habang nakatingin kay Carter.
"He's a damn genius, I never met someone who could study like him. Nadala lang niya ako sa pag-aaral since kailangan kong makapag tapos agad dahil sa mission."
"But I knew someone who can surpass him aside from me." Tiningala ni Carter si Ailee at napailing na lang.
"That person is a monster. Hindi na ako magugulat kung makikita ko rin siya sa loob ng islang ito." Nawala ang ngisi ni Ailee.
"He'll be here soon. The only person who can read me like an open book."
"Masyado silang busy sa pag-uusap. Nakalimutan na ata nilang tumatakbo tayo rito." Reklamo ni Via. Nararamdaman niyang malapit ng bumigay ang mga binti niya.
"Hindi ko na talaga kaya." Bumabagal na ang takbo ni Lora dahil sa pagod.
Konti na lang bibigay na ang mga binti niya dahil sa panghihina. Nilingon ito ng mga kasama niya, nakailang mura na si Sancho. Pinapalakas naman ni Jade ang loob ni Lora. Ilang takbo na lang maaari na silang tumigil. Lilingon sana si Via sa direksyon nila Carter para sabihing hindi na kaya ni Lora ng bigla na lang may dumaang palaso sa gitna nila.
"Fck! What was that?" Nilingon niya kung saan ito nanggaling at nakita si Ailee na bumunot na naman ng isa pang palaso.
"What the hell are you doing?!" Malakas na sigaw ni Via habang patuloy na tumatakbo.
"Run faster if you do not want to get hit by these arrows."
Isa na namang palaso ang pinakawan nito papunta sa direskyon niya. Mas binilisan nila ang takbo para hindi tamaan ng palaso. Tumingin si Via sa harapan at hindi siya makapaniwala sa nakita. Tumama ang dalawang palaso sa iisang target. Nilingon niya ulit ang kinalalagyan ni Ailee, mas lalong hindi siya makapaniwala na nagawa nitong patamaan ang bullseye mula sa malayong posisyon.
"Who the hell is this woman?" Tanong ni Via sa isip niya habang pinagmamasdan ang target na tinamaan na naman ng isa pang palaso.
Tumagal pa ng isang oras ng pagtakbo nila bago sila hinayaang magpahinga ni Ailee. Nakahiga silang lahat sa ilalim ng malaking puno habang pinapakiramdaman ang namamanhid nilang mga binti. Masakit ang katawan nila na hindi na nila magawang kumilos dahil sa sobrang pagod. Hindi napigilan ni Lora at Jade na tahimik na mapaluha dahil sa pagod. Gustong gusto na nilang tumigil pero hindi nila magawa. Kung may isang titigil madadagdagan ng isang oras ang pagtakbo ng mga kasama nila.
Tumagilid si Wyatt paharap kung nasaan si Ailee at Carter, nagulat siya ng makitang naglalaban ang dalawa. Mabilis ang mga suntok at sipang pinapakawalan ni Carter na walang hirap na naiiwasan ni Ailee. Sa bilis ng kilos nito hindi na nasundan ni Wyatt kung papaano pinatumba ni Ailee si Carter. Nakahiga na si Carter sa damuhan habang nakahawak sa sikmura nito.
"Fck! I think you broke my ribs." Kunwaring reklamo ni Carter.
"I did not even kick you there. Stand up, we are not finished yet."
"I think this is my last day." Napapailing na sabi ni Carter habang tumatayo.
"Any last wish?" Pabirong sabi ni Ailee habang naka fighting position na, hinihintay na lang nitong sumugod si Carter.
"Mas malakas ka pang sumipa kesa kay Ash." Mabilis na kumilos si Carter para suntukin si Ailee pero mabilis itong nakaiwas at sinuntok siya sa mukha. Pumutok ang gilid ng labi niya kaya naman napailing siya.
"I did not even kick you that hard. Baka mabali ko ng tuluyan ang ribs mo."
"You are incredibly strong with that thin body of yours." Manghang sabi ni Carter.
"I am really strong."
Sumugod na naman si Carter, ilang suntok ang pinakawalan niya na mabilis na naiwasan ni Ailee. Sisipain sana niya sa binti si Ailee pero mabilis itong tumalon at sinipa si Carter bago nagbackflip. Nakakamanghang pagmasdan ang gaan ng katawan nito. Natumba si Carter sa pangalawang pagkakataon.
"Fck!"
Usal nito habang nakahawak sa dibdib niya. Hind ito gaano kasakit dahil napakahina lang ng pagkakasipa sa kanya ni Ailee. Para bang ginawa lang siya nitong apakan. Nagulat siya sa ginawa nitong pagsipa sa kanya at pag backflip. Lumapit ito sa kanya at pinag masdan siyang nakahiga.
"Kaya pa?"
"Time first muna. Nagulat ako sa pag backflip mo."
Nagkibit balikat lang si Ailee at naglakad naman papunta sa mga kaibigan ni Carter na nakahiga habang pinapanood silang maglaban. Hindi mawala ang pagkamangha nila sa nakita.
"How can she move flawlessly?" Wala sa sariling tanong ni Sancho.
" That was an impressive backflip." komento naman ni Rocco.
"Still alive?" Tanong ni Ailee habang pinag mamasdan ang mga kaibigan ni Carter.
"I can't even lift my legs." Nakangiwing sabi ni Wyatt.
"Masasanay rin kayo. Stand up and do 50 push-ups and 50 sit-ups for now."
Tumalikod na si Ailee bago pa makapagreklamo ang mga kasama. Napangisi na lang si Ailee habang naglalakad papunta sa long table, inayos niya armas na nasa taas nito. Alam niyang hindi ito magagamit sa araw na ito dahil hindi na magawang gumalaw ng mga kasama nila. Kinuha niya ang dalawang wooden knife bago lumapit kay Carter. Hinagis niya ito sa direksyon nito na agad namang sinalo ni Carter.
"It's been a while." Napangisi si Carter habang pinapaikot sa kamay ang kahoy na kutsilyo.
"I heard you are good at this."
" I can say."
"Let's see."
Nagsimula na naman ang dalawa sa pagsasanay nila habang pinipilit ng mga kasama nila na tapusin ang 50 push-ups at sit-ups.
Hindi nila akalaing nakatagal sila ng dalawang linggo sa ganoong klaseng training. Hindi na nila halos maigalaw ang mga katawan nila dahil sa sobrang sakit pero patuloy pa rin sila sa training. Pero sa kabila nito mararamdaman nilang mas gumaan ang katawan nila sa pagtakbo. Sa loob ng dalawang linggo walang silang ginawa kung hindi tumakbo at mag hardcore excersie sa loob ng kalahating araw habang ang kalahati naman ay tungkol sa pag-aaral. Pag-aaral ng tungkol sa underground world at ang mga kailangan nilang malaman sa labas ng isla.
Hindi sila pwedeng sumabak sa labanan ng walang alam tungkol sa buhay sa labas ng isla. Bukod sa Phantom meron pang ibang kalaban na naghihintay sa kanila. Hindi kikilos ang Phantom ng walang ibang kakampi. For them to defeat the Phantom they need to eliminate every alliance the Phantom had outside the island.
"If there are powerful Mafia behind the Phantom, how could we eliminate them? They will kill us before we can even move."
"That's for me to worry, all you need to do is focus on this mission. After this, you will have your freedom."
"Can we get any alliance aside from Madonna?" Tanong ni Wyatt.
"Maybe but we cannot depend on anyone."
"How did you know everything about the underground society?" Curios na tanong ni Via.
"I grew up there. I knew every Mafia Family that are part of the underground society."
"Then you knew the Empress?" Via wants to know the Empress, minsan na niyang narinig sa mga magulang niya ang tungkol sa Empress na namumuno sa Underground World.
"Everyone in the Underground society knew her."
"Did you get any chance to see her?" Tinignan ni Ailee si Via na mababakas ang kuryusidad sa mga mata.
"Yeah, she's a goddess but she's cold and won't hesitate to kill her enemy."
"If we could get her on our side, could we survive from the Phantom?"
Via heard a lot about the Empress through her parents, they talked about her when she was younger. How powerful the Empress influence in the underground society. If only they could get her on their side, then maybe they have the chance to win against the Phantom.
"Am I not enough for you?" Napatingin ang lahat dahil sa tanong ni Ailee.
"We are just 9, how could we win against the Phantom? Before we could even make a move they probably already killed us." Hindi inaasahan ni Via na tatawanan lang siya ni Ailee. She was laughing like it was a joke that she said.
Natahimik silang lahat habang nakatingin kay Ailee na tumatawa, ito ang unang beses nilang narinig ang pagtawa nito.
"Do you think I would go this far without thinking of how will I win against the Phantom?"
No one answered her question, simula ng makilala nila si Ailee, as nakalipas na dalawang linggo doon lang nila nakita ang kakaibang kakayahan nito. Yes, they know that she's good at fighting, she smart, she can do everything that a normal person cannot do. But for the past two weeks, they were able to see what kind of person she is.
"Before I enter this hell, I am prepared to win against him no matter what will happen. I will use everything I know to get the head of the Phantom with my own two hands."
For the past two weeks, they saw how scary she can be. How merciful she is during their training, and how good she is in handling everything. After their training, Ailee will go do some work for Madonna. They realized that even though there are important things that she needs to take care of, she still here giving them training that will help them improve their knowledge and physical strength.
"I maybe hate her but she is the only one that could save us." Via couldn't help but think this at the moment she saw confidence in Ailee's eyes.
"Let's end this session for now. Rest well because tomorrow you will practice your combat skills."
Tumayo si Ailee mula sa kinauupuan niya at lumabas ng meeting room nila. Walang nagtangkang magsalita kahit si Carter. Tuwing nagiging seryso si Ailee, kahit si Carter hindi magawang magsalita. Malakas buntong hininga mula kay Sancho ang pumutol sa matagal na katahimikan.
"Habang tumatagal mas lalo siyang nagiging nakakatakot." Hindi mabipigilan ni Lora na yakapin ang sarili. Ang malamig na boses at seryosong mga mata ni Ailee ang nagbibigay ng kilabot sa kanya.
"She's become colder as time passes by." Kometo naman ni Wyatt.
"But she is amazing." Nakangiting sabi ni Rocco.
"She really is." Hindi makapaniwalang napatingin ang lahat sa sinabi ni Via. Hindi nito alam na nasabi niya ito ng malakas. Iniisip lang niya ito pero kusang lumabas sa bibig niya.
"Via has this change of heart toward Ailee." Pang aasar ni Wyatt.
"What the fck are you saying?"
"Ailee is amazing, right?" Patuloy na pang aasar nito.
Napailing na lang si Carter na iniwan ang mga kaibigan sa kanilang meeting room. Paakyat siya ng hagdan ng maabutan si Ailee na pababa. Nakapag palit na ito ng damit at handa ng umalis.
"Where are you going?" Takang tanong ni Carter. Ang alam niya ay wala itong trabaho sa Cage.
"Important mission. I'll be back later."
Hindi na niya nagawang magtanong dahil mabilis na naglakad si Ailee palabas ng pinto. Ilang araw na itong laging umaalis na hindi siya kasama. Wala siyang alam kung anong klaseng trabho ang ginagawa nito sa Cage.
---
"I thought you would not come." Nakangising sabi ni Madonna ng pumasok si Ailee sa loob ng mansion niya.
Ang mansion ni Madonna o kilala sa tawag na Cage ay hindi nasa mismong islang tinitigilan nila Ailee. Nasa katabing isla lang ito kung saan nakakulong ang mga taong may malaking kasalanan sa lipunan. Mga taong kailangang maparusahan ng higit pa sa parusang nararapat sa kanila.
"What's with the sudden call?" Umupo si Ailee sa harapan ng lamesa ni Madonna.
"You are doing a good job on hunting those a-ssholes within the island. I think your break is enough."
"Are you sending me outside the island to hunt someone?" Hindi mapigilan ni Madonna na mamangha lamig ng boses ni Ailee. It reminds her of someone she adores so much.
"Not for hunting but for eliminating an enemy."
"Good to hear that you are done on hunting. "
"I've seen your skills so now I think we could use that to eliminate some threats."
"Is this an order from the Phantom?"
"This is your chance after your mission with Ito Genko. This time you will be able to enter the Phantom's Den."
"Who I need to eliminate?"
May inabot na folder si Madonna na naglalaman ng impormasyon ng grupong kailangan niyang burahin para maisakatuparan ang plano niya. Kinuha niya ang folder at binasa ang laman nito, hindi na siya nagulat kung sino ang gustong burahin ng Phantom. Mukhang unti-unti na silang tumatalikod sa kanya kaya gusto niyang mawala na sila sa lalong madaling panahon. She knew them and they are also the enemies she wants to eliminate.
"Looks like the Phantom wants to eliminate his own ally."
"The old man is securing his territory."
"Give me two weeks."
"Are there training is not over yet?" Curios na tanong ni Madonna.
"Their training will continue until they can fight alone."
"You are giving too much effort on them. You can enter the Phantom's Den easily if you will just wish to do it alone. But here you are wasting your time on that group."
"When the war broke out on this island, they need to survive without my help or Carter's help."
"Aren't you afraid to get caught because of them?"
"It can happen but I do not really give a damn about that." Natawa si Madonna dahil sa sinagot nito.
Ailee Vargaz is really an interesting person, she tries to look at every information she could get about her but she cannot find any. Does her team know that even her name is not real? Madonna is really curious about how this Ice Queen can win against the Phantom. When she, the Mistress of the Cage cannot even do anything but to have an agreement with the Phantom to maintain the peace within the Cage.
The island becomes a chaotic place since the Phanton took over the island from the Black Council. Violence is everywhere, you need to kill to be able to survive. This place is a total mess and no one, even a single person can fight back against the Phantom. But this woman appears on this island aiming to defeat the Monster that governs the island.
"Maybe you can be the light for this island."
Mula sa malaking bintana ng opisina niya, tinatanaw ni Madonna ang papalayong sasakyan na maghahatid kay Ailee sa port pabalik ng isla.
CARTER'S POV
Nakahiga lang ako sa couch habang nagpapahinga, ilang oras na ng umalis si Ailee pero hanggang ngayon hindi ko pa rin mapigilang isipin kung anong pinagkakaabalahan niya. Dalawang linggo ng magsimula ang training at masasabi kong napakagaling talaga niya. Malaki ang improvement ang nakikita ko sa mga kaibigan ko. Mas nahasa ang kakayahan nila sa pakikipaglaban dahil sa training ni Ailee. Kakaiba nga talaga siya, walang duda kung bakit hinahangaan siya ng lahat.
Ipinikit ko ang mga mata ko at handa na sanang matulog ng makarinig ako ng ingay mula sa mga kaibigan ko. Bakit ko nga ba rito naisipang matulog? Bumangon ako para tignan ang komosyong nagdala ng ingay.
"Viro? Buhay ka pa pala." Natatawa kong sabi bago tumayo para sana lapitan ang kaibigan kong matagal nawala.
"Gago. Makikita mo ba ako rito kung patay na ako." Tumatawa ring sabi niya.
Lumapit ako sa kanya at bahagya siyang sinuntok sa braso. Ilang buwan din itong nawala dahil sa misyong ginagawa niya. Nawala ang tawa ko ng makita kung sino ang taong nakatayo sa likuran niya. Seryoso itong nakatingin sa akin na para wari mo'y pinapatay ako sa isipan niya. Napansin ni Viro ang taong tinitignan ko. Bahagya siyang umusog para makita namin ito ng maayos. Hindi rin makapaniwala ang mga kaibigan namin sa nakikita nila.
"Guys, this is C.K. From now on he will be part of the team."
"Fck! Biro lang ang sinabi kong 'yon. Bakit naman nagkatotoo?"
Ang matalim na tingin niya ay talaga namang nagbibigay ng kilabot sa buong katawan ko. Nakakatakot ang uri ng tinging ipinupukol niya sa akin, tingin na tanging kay Ailee ko lang nakikita. Isa lang ang hiling ko ngayon, sana hindi niya tapusin ang buhay ko.