INNOMINATUS: SOS

By Vyyourluve

1.8K 171 16

INNOMINATUS SERIES 1 [COMPLETED] ••• Primadine Adelaide or SOS, the Sex Offender Slayer of Innominatus. "We a... More

MUST READ!
PROLOGUE
2. SOS / Sex Offender Slayer
3. Sunako, her new cognomen
4. School Trepidation
5. Don't mess up with the quietest maiden
6. Annoying Dickheads
7. He's in the Island
8. Copycat Murder
9. Just gonna LASH your prick
10. One Night Camping
11. The beauty behind the thick bangs
12. She found out
13. Lite is Missing
14. The Blood Stain
15. The Suspects
16. He's missing too
17. Dark and Her genuine smile
18. What really happened
19. Rooftop History
20. Sweet Escape
21. Perplex
22. Her Weakness
23. Hellish Past
24. First Kill
25. Surprise
26. Profecta
27. On his place
28. They are lying
29. Must Kill Him
30. Frightened
31. Accepting Weakness
32. Beauty in genuine smile
33. Chose her happiness
34. The feels of jealousy
35. Bitch corpse on the beach
36. Is a Woman
37. Coincidence or Not?
38. Painful Imputation
39. White Rose Ripper
40. Felicia Marie
41. The Family Vergara
42. Gloomy Escape
43. The goody guy's flaws
44. The two biggest serial killer's identity
45. Kidnapped by the unexpected person
46. Let's die together
EPILOGUE
NOTE

1. Weird Lady In Black

138 11 0
By Vyyourluve

I dedicate this story to my favorite author NoxVociferans

◆01: Weird Lady In Black◆

“Hindi ko pa naranasan ang makapag-aral,” mahinang sagot niya nang tanungin siya ng mga magulang kung ano na ang natapos niya o kung ano'ng baitang na ba ang natapos niya sa paaralan.

Sandaling natahimik ang mga magulang, saka malungkot ang mga matang nagkatinginan, bago 'yon binasag ng kakambal na matamis nanamang nakangiti sa kaniya.

“Of course you already did, don't you remember? Magkaklase tayo before, and I remember how smart you are, mas nauna ka pa ngang natutong magbasa ke'sa sa 'kin,” nakangiting saad ng kakambal.

“Hindi ko na maalala,” tipid na sagot niya, dahilan para matigilan ito. Wala siyang pinakitang kahit ano'ng emosyon sa mga ito, dahil kahit ang pagkakaroon ng emosyon ay hindi niya na rin maalala kung paano.

Simula nang masaglak siya sa impiyernong buhay na 'yon, at mailigtas ni Shadow at gawing miyembro ng organisasyon ay hindi niya na muling naranasan pa ang makaramdam ng kahit na ano'ng emosyon.

“Kung gano'n kailangan mong mag-aral, Anak, i-e-enroll kita sa susunod na pasukan,” maya-maya'y saad ng Daddy niya.

“That's right, ako na ang bahalang mag-tutor sa 'yo, tapos ikukuha kita ng exam para makatungtong ka na kahit sa high school,” pag-sang-ayon ni Primo na mahahalata ang pagka-exited sa tono ng boses.

Ano pa ba ang magagawa niya? Wala naman siyang magagawa kun'di ang makisama habang naglalagi siya dito sa puder ng mga ito. Kailangan niya lang ang magtiis, dahil kapag natapos niya na ang misyon niya sa lungsod na 'to ay siguradong ililipat nanaman siya ni Shadow sa ibang lugar.

Kaya naman heto na siya ngayon, deretsong nakaupo sa passenger seat, katabi ang nagmamanehong si Primo. Suot niya na ang senior high school uniform ng Emerral Central State University o ECSU, dahil ngayong araw na ang unang araw ng pasukan.

Pumasa siya sa kinuha niyang Exam, sa katunayan nga niyan ay papasa siya sa college, pero napagdesisyon ng mga magulang niya na dumaan muna siya ng high school para maranasan niya raw ang buhay teen ager sa high school, kaya naman ngayon ay grade 11 student palang siya, samantalang si Primo ay second year college na sa kursong psychology.

Nang mai-park na ng kakambal ang kotse nito sa parking lot ng college department ay agad na siyang bumaba.

Paglabas niya pa lamang ng kotse ay naramdaman niya na agad ang tinginan sa kaniya ng mga estudyante, at nang lumapit na sa kaniya ang kakambal ay do'n na siyang nagsimulang makarinig ng mga bulungan.

“Who the heck is she? Bakit magkasama sila ni Primonite?”

“Oh My God! Don't tell me girlfriend niya 'yang girl na 'yan?!”

“She looks weird; bakit ganiyan ang bangs niya? Nakakakita pa kaya siya?”

“High school 'yan, naka-senior high uniform ehh.”

“OMG! Bakit umakbay sa kaniya si Primonite?! Sino ba ang babaeng 'yan?!”

“Transferee siguro, ngayon ko lang nakita 'yan ehh.”

“Ang lakas ng loob niyang lumapit sa Baby Primo ko! How dare she?!”

“Siguro pangit siya kaya tinatakpan ang muka niya hahaha!”

“She really looks weird.”

“Don't mind them,” nakangiting saad ni Primo sa kaniya na nakaabay pa rin sa balikat niya habang naglalakad sila papasok, dahil ihahatid raw siya nito sa department niya at sa classroom niya.

Hindi na siya kumibo pa't nagdere-deretso lang sa paglalakad, walang pakialam sa paligid, at sa mga matang nananatiling nakapakat sa kanilang dalawa.

Sanay na siya sa mga ganiyang tingin sa tuwing lumalabas siya ng may liwanag; she looks weird ang parating salitang naririnig niya, kaya naman nagbibingi-bingihan na lamang siya.

She hates radiant, kaya naman hanggang ilalim ng mata ang pantay na bangs niya, and yes, halos hindi niya na makita ang paligid niya dahil sa kapal ng bangs niya, pero 'yon ang gusto niya, matagal na panahon rin naman siyang namuhay sa dilim, kaya naman sanay na siya; kayang-kaya niyang makiramdam at gumalaw kahit nakapiring pa ang mga mata niya.

Itim ang paborito niyang kulay, kaya naman medyo ayos sa kaniya ang uniform niya dahil itim ang palda, necktie, at ang blazer coat nito na ipinatong sa white long sleeve, 'yon nga lang ay naliliitan siya sa palda nito na above the knee. Itim na itim ang pantay na hanggang baiwang niyang buhok, at tuwid na tuwid ang kaniyang tayo habang walang emosyon na deretsong naglalakad katabi ang ang mukang sikat sa iskuwelahan na kakambal niya.

“Nandito na tayo, Prima, ready?” nakangiting tanong sa kaniya ni Primo nang huminto sila sa tapat ng nakasarang pinto ng classroom. Maaga pa kaya naman nagkalat pa ang mga estudyante sa paligid, at ramdam na ramdaman niya ang tingin ng mga ito sa kanila; particularly, sa kaniya.

Tango lang ang itinugon niya sa kakambal, kaya naman nakangiti na itong kumatok, bago binuksan ang pinto ng classroom.

“OMG! Si Primonite nandito!!!” rinig niyang tilian ng ibabang babae sa loob. Mukang sikat na sikat nga ang kakambal niya sa iskuwelahang ito para tilian ng mga babae.

“Good morning,” nakangiting pagbati ng kambal sa mga ito, at saka siya iginiya patungo sa harapan, dahilan para matahimik ang kanina lang ay mga nagtitilian.

“Hi, this is my long lost twin sister, Primadine Adelaide, and she will be your new classmate for this sem, or for the whole year, and I hope maging mabait rin kayo sa kaniya, she's my princess, at ayo'kong may nananakit sa kaniya; are we clear?” Mahinahon ang boses ng kakambal, pero ramdam niya ang pagbabanta sa tono nito, kaya naman agad na nagsitugunan ang mga magiging kaklase niya ng oo.

Nakangiting humarap sa kaniya si Primo. “Pumili ka na ng upuan mo, Prima, kailangan ko na ring pumasok sa klase ko,” saad nito, at muli ay tanging pagtango lang ang naging tugon niya dito, bago dere-deretsong naglakad patungo sa pinaka likurang upuan; ramdam niya ang pagsunod ng tingin ng mga kaklase niya sa kaniya, pero wala siyang pakialam, naupo siya sa pinakalikod at pinakasulok na puwesto.

“Iiwanan na muna kita, Prima, call me if something happen, babalikan kita before lunch,” muling saad ni Primo na hindi niya na binigyang tugon pa, kaya naman nagpaalam na rin ito sa mga kaklase niya at tuluyan nang nilisan ang classroom nila.

Muling naging maingay ang paligid nang makaalis ang kakambal niya, pero ramdam niya pa rin ang tinginan sa kaniya ng mga kaklase niya.

“Kaya pala sabi ng ate ko may nakita raw siyang kasama ni Primonite sa parking lot ng college, kapatid naman pala.”

“Gosh, I can't believe na may nawawala palang kakambal ang prince charming ko. Kailangan ko siyang maging friend para maging close na rin ako kay Primonite my love.”

“Landi mo! Look at her, ang weird kaya niya, nakakakita pa kaya 'yan? Super haba naman ng bangs niya.”

“Siguro ang ganda rin niya, guwapo ng kambal ehh.”

“Lapitan mo, tanungin mo kung bakit tinatakpan niya muka niya.”

“Ba't ako? Ikaw nalang! Nakakatakot siya, para siyang binabalutan ng itim na aura.”

Tahimik lang siya habang deretsong nakaupo sa napili niyang upuan, hindi binibigyang pansin ang mga naririnig na usapan sa paligid niya.

Ang kailangan niyang intindihin ay ang misyon niya; ang misyong linisin ang lungsod na ito. Nakapagsimula na siya, at ngayon ay laman nanaman siya ng balita. Hindi na bago 'yon, at siguradong tutugisin nanaman siya ng mga alagad ng batas.

Pero kahit ano naman ang gawin ng mga ito ay hinding-hindi siya mahuhuli ng mga ito. Ano ba ang alam nito sa kaniya maliban sa bansag sa kaniyang SOS? Wala na, hindi alam ng mga ito ang identity niya, at maliban kay Shadow ay wala nang iba pang nakakakilala kay SOS.

SOS is stands for Sex Offender Slayer, at ang mismong organisasyong kinabibilangan niya ang nagbigay sa kaniya ng bansag na 'yon.

Ang Innominatus, ay ang organisasyong pinamumunuan ni Shadow, na siyang taong nagligtas sa kaniya sa impiyernong kinasakdalan niya. Walang nakakaalam sa identity ni Shadow, tulad nalang ng pagiging walang alam ng mga alagad ng batas tungkol sa nabanggit na organisasyon.

Oo pumapatay sila ng tao, pero hindi kasamaan ang hatid ng Innominatus, dahil binuo ang organisasyon para puksain ang lahat ng masasama, at sang-ayon siya sa layunin ng samahan, dahil gusto niya ring lupigin ang lahat ng demonyo dito sa mundong ibabaw, para wala nang makaranas pa sa impiyernong dinanas niya ng maraming taon.

Kaya naman handa siyang pumatay, maisakatuparan lamang ang layunin ng samahan; handa niyang ubusin ang lahat ng mga taong sumisira sa puri ng kapwa nila tao, at 'yon ang misyon niya sa lungsod na ito, ang patayin at lupigin ang lahat ng mga kriminal na bastos, sexual harasser, lalo na ang mga walang awang rapist.

Kaya nga naging SOS ang bansag sa kaniya, dahil mga rapist ang biktima niya.

Kinuha niya mula sa loob ng itim na bag niya ang black hoody jacket niya, saka ito sinuot kahit pa doble-doble na ang suot niya dahil sa uniform niya, saka niya rin isinuot ang hood sa ulo niya't yumuko.

Sobra na ang ibinibigay na atensiyon sa kaniya ng mga tao sa paligid niya, wala siyang pakialam pero hindi niya ito nagugustuhan, lalo na nang may mga lumapit na sa kaniya para magpakilala at makipagkaibigan, na karamihan ay mga babae na siguradong gusto lang siyang gamitin para mapalapit sa kakambal niya.

Pathetic people.

***

'San n u??? D2 n me.'

“Gago,” naiusal niya matapos mabasa ang text sa kaniya ni Zerwin; barkada niya na nakilala niya lang last year nang mag-transfer siya dito sa ECSU.

Hindi na siya nag-reply dahil sayang lang sa load, kahit pa naka-register naman siya sa unli all-net text promo. Dali-dali na siyang bumaba ng jeep nang huminto na ito sa tapat ng unibersidad na pinapasukan niya.

Nang makapasok sa loob ng campus ay dumeretso siya sa may fountain na siyang tambayan nilang magbabarkada, pero nasa may quadrangle palang siya'y may humarang na sa kaniyang apat na clown. Taena heto nanaman sila.

“Hi, Felix, long time no see, na-miss mo ba 'ko?” malanding tanong ni Lite, ang masugid niyang haliparot na stalker, at siyempre kasama nito ang tatlo nitong alalay na mukang mga espasol sa puti ng mga muka dahil sa kapal ng foundation.

Matamis siyang ngumiti dito. “Siyempre…” Lumiwanag ang muka nito kaya agad siyang bumusangot. “Hinde, asa ka namang ma-miss kita, asiwang-asiwa na nga 'ko sa pagmumuka mo, lumayas ka nga sa harapan ko,” dugtong niya, saka na nilagpasan ang mga ito.

“Mapapa-sa-akin ka rin, Felix, tandaan mo 'yan!” sigaw nito sa kaniya, pero hindi niya na pinansin pa. Mga panira ng araw tss.

Nang makarating siya sa fountain ay nando'n na ang apat niyang barkada. Siya nalang pala ang hinihintay.

“Ba't ang tagal mo?” kunot noong tanong sa kaniya ni Wilmart na tinago na ang cellphone sa bulsa nito.

“May humarang sa 'king mga takas sa circus ehh,” sagot niya, saka patalong naupo sa gilid ng fountain.

“Tss, ayaw ka pa rin talagang tigilan ni Lite ahh, lakas ng amats sa 'yo ng babaeng 'yon hahaha!” nakatawang saad ni Zerwin, kaya napangisi na lamang siya. Hindi niya naman masisi ang babaeng 'yon, sa sobrang guwapo niya ba naman kasi kahit lalake na-o-obsess sa kaniya.

“That woman is creepy, obsess na yata 'yon sa 'yo ehh,” saad rin ni Dexter, ang natatanging rich kid sa kanilang limang magbabarkada. Sa lalakeng 'yan kami nangungutang kapag ubos na ang laman ng pitaka namin; marunong naman kaming magbayad, pero minsan wala nang bayaran buwahahaha!

“Oo nga, katakot, mamaya psycho pala ang babaeng 'yon, tapos bigla ka nalang kidnap-in, tapos gagawin kang sex slave, tapos to-torture-in ka kasi hindi mo maibalik ang feelings niya, tapos makikita ka nalang namin sa ilog na palutang-lutang at putol na ang dalawang ulo--- aray!” Binato niya ng sapatos si Chollo na tumama sa ulo nito dahil sa mga pinagsasabi nito.

“Kung ano-ano'ng sinasabi mo, kakanood mo 'yan ng Netflix!” bulalas niya dito, sabay salo sa sapatos niyang binato pabalik ni Chollo sa kaniya.

“Oo nga! Sana all may Netflix!” segunda ni Zerwin na siyang pinaka-maloko sa kanilang lima, though maloko naman silang lahat, kaya nga nagkasundo silang lima ehh.

Magbabarkada na talaga 'tong apat na 'to nang makilala niya last year, palibhasa mga naging kaklase niya, kaya hayan nahawa na siya sa mga kaabnoyan ng apat.

“Bakit? Malay niyo naman 'di ba? Katakot kaya 'yang mga ganiyan,” dipensa ni Chollo, kaya nailing na lamang siya.

“Ano oras pasok natin?” sa halip ay tanong niya na lamang, hindi niya kasi tinignan ang schedule niya, pero alam naman niyang magkakaklase pa rin silang lima kaya hindi na siya nag-abala pa.

“Mamaya pang seven, kaya tambay muna tayo dito; siguradong puro introduction nanaman tayo nito maghapon tss,” si Dexter ang sumagot.

“Pinag-practice-an ko na 'yan sa bahay hehe,” nakangising saad ni Wilmart, saka tumikhim kaya tumuon ang atensiyon nilang apat sa lalake. “Hi beautiful ladies.” Sabay kindat. “I'm Wilmart Ignacio, and you can call me yours.” Sabay kindat uli. “18 years of age, single, and ready to mingle.”

Napangiwi silang lahat habang nakatingin kay Wilmart na nagtataas-baba ang kilay habang nakangisi ng nakakaloko.

Sandaling katahimikan ang namayani sa paligid, bago sila sabay-sabay na nagsitayo at iniwan si Wilmart na sinisigaw na ang mga pangalan nila at mabilis na humabol sa kanila, kaya dali-dali silang nagtakbuhan.

“Hoy hintayin niyo 'ko!!! Sa'n kayo pupunta?!” sigaw nito sa kanila habang tumatakbo na rin pahabol sa kanila.

“Papasok na!” pasigaw niya ring sagot habang patuloy pa rin sa pagtakbo. Pinagtitinginan na sila ng mga estudyante pero wala silang pakialam, sanay na ang mga ito sa kanila, gawain na talaga nila ang pagtakbo sa corridor kahit pa ilang beses na silang napagagalitan dahil bawal.

“Pero maaga pa!” sigaw nanaman ni Wilmart.

“Hoy gago dito tayo!”

“Aray ko puta!” bulalas niya nang hilahin siya ni Zerwin nang akma siyang aakyat sa hagdanan patungong second floor. Malay niya ba'ng sa first floor lang ang classroom nila tss.

“Ke'sa naman makinig sa mga ka-abnormal-an mo!” si Chollo ang pasigaw na sumagot kay Wilmart.

“Pare-pareho lang tayong mga abnormal mga gago!”

“Hoy kayong lima nanaman kayo! Tumigil kayo sa pagtakbo!” Ayan na ang dragona.

“We miss you too, Mrs. Dullano!” sa halip na huminto ay sabay-sabay na sigaw nila dito, saka nagsitawanan. Kilalang-kilala na sila niyang si Mrs. Dullano, dahil suki na sila nito sa guidance office dahil sa dami ng mga kalokohan nila.

Hinihingal silang huminto sa pagtakbo nang marating ang magiging classroom nila, pero sa kabila ng pagod nila sa pagtakbo ay hanep pa rin sila sa pagtawa.

Nag-aasaran at nagtatawanan silang pumasok sa loob ng room, pero napahinto sila nang makitang may pinagkukumpulan ang mga kaklase nila sa likod.

“Ano'ng me'ron? May namimigay ba ng libreng pagkain sa likod? Tara makisali tayo.”

Binatukan niya si Zerwin, at saka inaninag ang pinagkukumpulan ng mga kaklase nila.

“Hoy ano'ng me'ron?” maangas na tanong niya sa lalakeng pinakamalapit sa kanila.

“Transferee, kakambal ni Primonite kaya pinagkakaguluhan,” sagot nito, dahilan para mangunot ang noo niya.

“'Yon ba 'yong sikat na psychology student sa college? 'Yong nag-special guest sa JS last year?” kunot noong tanong niya sa mga kasama.

“Yup, si Primonite Adelaide, investor ni Daddy ang parents niya, pero ang alam ko nag-iisang anak lang siya, hindi ko alam na may kakambal pala siya,” sagot ni Dexter, kaya napatango-tango sila.

“Baka tinago? Pero bakit naman nila itatago?” tanong ni Chollo.

“Baka pangit hahaha!” sagot ni Zerwin kasunod ng malakas nitong paghalakhak, dahilan para makuha nila ang atensiyon ng mga kaklase nila, pero hindi nila pinansin ang mga ito. Napangisi na lamang siya dahil nagsimula nang magtilian ang mga babae na kanina lang ay nakakumpol sa transferee student nang makita sila.

“OMG! Kaklase natin sila Felix!”

“Sisipagin na 'kong pumasok araw-araw my gosh! Ang suwerte naman natin! Kyaaaa!!!”

“Kailangan kong magpaganda araw-araw, sana naman mapansin na nila tayo ngayon.”

“Kakambal ni Primonite, kaya malamang maganda 'yan,” nakangising saad ni Wilmart, saka tinignan ang transferee na ngayo'y hindi na nahaharangan ng mga estusyante, kaya naman kitang-kita na nila itong nakayuko habang nakasuot ng hoody jacket kaya hindi nila makita ang muka nito.

Sabay-sabay silang naglakad palapit dito, at habang naglalakad sila ay tinitigan niya ang kabuuan nito.

Napangisi nalang siya nang makitang mula ulo hanggang paa'y nakaitim ito, maliban lang sa medyas nitong kulay puti; maski ang kulay ng kuko nito sa kamay ay itim, musta naman kaya ang muka nito? Hindi na siya magugulat kung naka-lipstick din itong itim at makapal na eyeliner. Black lady amputek pft.

“Hi, Miss transferee, I'm Wilmart Ignacio, you can call me yours, 18 years of age, single, and ready to mingle,” malanding sambit ni Wilmart sa ka-abnormal-an nito, sabay lahad ng kamay sa harapan ng babaeng itim, pero sabay-sabay silang humagikgik nang hindi manlang ito nag-angat ng tingin, kaya napapahiyang ibinaba ni Wilmart ang kamay nito.

“Ayan ang landi kase hahaha!” pang-aasar ni Zerwin, pero hindi ito pinansin ni Wilmart, sa halip ay pilit nitong sinilip ang muka ng babae.

“Hey, Miss transferee, ano'ng pangalan mo? Pansinin mo naman ako.”

Nagulat sila nang bigla na lamang itong tumayo, kasabay ng pagtingin nito sa kanila at paglaglag ng hood nito sa ulo, kaya naman kitang-kita na nila ngayon ang muka nito.

Napaawang ang labi nila nang makita na ang muka nito. Mahaba ang itim na itim at deretsong buhok nito na umabot sa baiwang, makapal rin ang bangs nito na natatakpan ang dalawa nitong mga mata. Nakakakita pa kaya siya niyan? Pero pantay ang kulay ng maputi nitong kutis, at hindi ito naka-black lipstick, sa katunayan ay parang natural pinkish ang manipis nitong labi.

Hindi ito nagsalita at basta na lamang naglakad palabas ng classroom.

“She's weird,” naiusal niya habang nakasunod ang paningin sa babae.

“True, para siyang si Sunako,” pag-sang-ayon ni Chollo sa kaniya, pero nangunot ang noo niya dahil sa binanggit nitong pangalan.

“Sino'ng Sunako?” kunot noong tanong niya.

“Taena 'di mo kilala si Sunako Nakahara? 'Yong do'n sa Yamato Nadeshiko Shichichuchuness, pinanonood ko 'yon no'ng bata ako,” natatawang saad ni Zerwin. Hindi niya alam 'yon, hindi naman kasi siya mahilig manood ng kung ano-ano magmula no'ng bata pa siya.

“Yamato Nadeshiko Shichihenge 'yon!” pagtatama ni Chollo kay Zerwin. “Favorite kong anime 'yan mula noon hanggang ngayon hehe.”

“Ako din, pinanonood ko din 'yan no'ng bata ako.” Wilmart.

“Me too, naaalala ko 'yang anime na 'yan, 'yong scary girl na tumira sa isang bahay kasama ang apat na lalake, I remember that.” Dexter.

So siya lang pala ang hindi nakakaalam sa palabas na 'yon. Edi kayo na tss!

“Ehh pa'no mo naman nasabing para siyang si Sunako?” muling tanong niya. “Bakit? Muka ba siyang anime character?”

“Scary, weird, pati 'yong bangs, parang Sunako talaga pft,” sagot ni Zerwin.

“Wow, me'ron na tayong real life Sunako, ang astig!” Chollo.

“She's creepy, siguradong magiging center of the eye nanaman sa buong campus 'yan, lalo na sa mga bullies.” Dexter.

“Pero sigurado akong maganda 'yan, ganda ng lahi nila ehh,” nakangising saad rin ni Wilmart na mukang paiiralin nanaman ang kalandian.

Pero naku-curious siya sa anime na 'yon. “Ano nga uli 'yong title ng anime na 'yan? Parang gusto kong panoorin,” tanong niya, saka tumingin sa pintuan kung sa'n lumabas ang weird transferee slash black lady na 'yon.

TBC

Bangs ni Prima.
↓↓↓

Enjoy reading!♡

Continue Reading

You'll Also Like

11.1K 275 9
D.O is a typical millenial who moved from Korea to Philippines just to chase his modeling career suddenly woke up one night in a situation he never e...
48K 1.1K 39
|Complete| Bodyguard series She's my Bodyguard Book 1 She's my Girlfriend Book 2 He's my Fiance Book 3 Wherever you are, i will find you till the da...
1.4K 1.8K 57
Do you once imagine a place where there's a high paying job but cheap prices of supplies and low bills of rent, water and electricity? Sitio De Villa...
124K 2.4K 41
[Written in TAGALOG] MWS #1 EASTERN MAFIA WORLD