Tulala lang ako nung asa sasakyan na kami. Hinatid kami ni Ruan sa bahay at siya narin ang nagsabi kay nanang. Nagsorry siya at nagpasalamat naman si nanang sakaniya.
Dumiretso naman agad ako sa kwarto ko dahil wala na ako sa mood sa lahat. Ang tamlay ng katawan ko dahil sa pag iyak ko kanina. Para bang naubos ang buong lakas ko.
Naligo ako at nagpalit ng damit. Hindi na ako kumain dahil wala akong gana. Humiga ako sa kama ko at inabot ang phone ko. Nagpatugtog ako ng pang pakalmang music para man lang marelax ako. Pero bigla itong tumunog hudyat na mayroong nag text saakin.
*Unknown Number*
Hey... Are you okay? You can talk to me if need mo ng kausap.... I'm here. By the way this is Ruan, Im sorry if I texted you without your permission. Well uhmm, I'm just really worried about you :(
Napatitig ako sa text ni Ruan saakin. At some point i felt at ease... Nawala ng kaunti ang pangyayaring yon sa isip ko. I dont know how did he get my number pero Im glad that someone gave it to him.
After staring the text message a long time, I decided to text back.
*Quianna*
Hey where did you get my number?
Matagal kong pinagisipan iyon dahil wala talaga akong masabi sakaniya!
I was overwhelmed!
Nilapag ko ang phone ko sa kama at tumingala sa may kisame, habang inaantay ko ang reply niya.
This is unusual for me huh. Kelan ko pa inantay ang text niya??
My phone blinged. Hudyat na nagtext muli siya.
*Ruan*
Hey! Ang tagal tagal kong pinag isipan na itype yan tapos 'where did u get my number' lang sasabihin mo. HMP. Im very very very hurt.
I bursted out a loud laugh. Habang binasa ko ang text niya, i felt happiness.
My phong blinged again.
*Ruan*
Btw, I got your number from Ada hehehe.
Dapat ko bang pasalamatan si Ada bukas??? HAHAHA
*Quianna*
Joker ka pala???
Yun nalang ang tinext ko, pang aasar ko sakaniya.
*Ruan*
Natawa ka ba?
Yun ang nireply niya saakin. I smiled sa text niya. Nagtuloy tuloy ang nag uusap namin ng siguro 30 mins din pero hindi namin pinag usapan ang pangyayari kanina. Buti nalang at hindi niya na yun inopen at nagpatuloy lang siya sa pagiging joker niya.
After ng huling text ko sakaniya ay biglang nag ring ang cellphone ko.
Ruan Calling......
Bigla akong nataranta at napatayo sa kama ko. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba ito o hindi.
After four rings, sinagot ko na rin ito.
"Hello?" bungad ko sakaniya.
[Hey....] ramdam ko ang ngiti sa boses niya ng sinabi niya ito.
"Hello." i said and let out a soft chuckle.
[Its late, hindi kapa ba matutulog?]
"Tatawag tawag ka tas papatulugin mo ko?" sabi ko sa masungit na boses.
[Sungit ka ghorl.] sabi niya saakin sa babaeng boses.
Bigla akong napatawa dahil sa sinabi niya.
Mahabang interval ang nangyare ng bigla siyang nagsalita muli.
[You go get some sleep okay? Its late na. And I'll pick you up tomorrow okay?] malambing niyang sabi saakin.
Pupunta ba kaming muli sa bayan? Nako hindi ko na isasama si Qlein! Hindi na pupwede!
"Sige hindi ko na isasama si--" hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pinutol niya iyon.
[Gusto mo pumunta sa bayan?] tanong niya saakin.
Eh saan ba kami pupunta? Ang buong akala ko ay sa bayan kami pupunta.
"Eh saan nga ba?" makahulugan kong tanong.
[Secret walang clue.] pang aasar niya saakin.
Pumayag na rin akong sumama sakaniya at binaba na niya ang tawag para makatulog na kami. May dadaanan lang daw siya sa kabilang bario.
Kung kelan gabi na ay tsaka maglalalabas.
Pagkatapos namin mag usap ay mabilis din naman akong nakatulog hindi ko alam kung bakit. Siguro din nakuha na lahat ni Ruan ang iniisip ko at pinalitan iyon ng masasayang pangyayari.
Tanghali na ng magising ako dahil madaling araw na rin pala ng matulog ako. Naghilamos akoat nagmumog para makababa na. Alas dos ng magising ako.
Nang naglalakad ako papuntang kusina ay biglang bumukas ang cr doon. Niluwa nito si Ruan!
"Ay bundat ka!" sabi ko dahil sa gulat kong lumabas siya roon. Tinignan niya ako at saka tumawa. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad papuntang lamesa.
Aba't puro Ruan nalang laman ng isip ko, pati pamamahay namin!
Inangat ko isa isa ang takip ng mga mangkok roon at nakita kong may laing at pinritong isda. Tamang tama makakakain na ako!
"Gising prinsesa ah." rinig kong bulong nung kabute sa likod ko. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa lalagyan ng plato para kumuha ng plato at kubyertos ko.
Nang makabalik sa mesa ay nakita ko siyang nakaupo roon. Kumuha ako ng kanin ko ay inilapit ko ang mangkok na may lamang laing. Nilagyan ko ang kanin ko ng ulam para makapag simula ng kumain.
Hindi na ako nakakaramdam ng hiya sakaniya. Pwera nalang ng maalala ko ang usapan namin kagabi! Pang normal na magkaibigan ba iyon?
"Psssst!" tawag niya saakin. Tinignan ko siya sa blankong expression at bumalik rin agad sa pagkain ko.
Tumawa na lamang siya at pinanood ako sa pagkain.
"Nandito ka nanaman ha." sabi ko sakaniya ng matapos akong kumain. Pinanood niya lang akong kumain kanina.
"Diba nga sabi ko susunduin kita? May pupuntahan nga tayo!" sabi niya ng nagagalak saakin.
Aba oo nga pala at aalis kami nito! "Saan tayo pupunta?" tanong ko sakaniya ng maalala na hindi pala niya sinabi saakin kung san ako dadalhin nito.
Mamaya kung saan ako dalhin nito at mapahamak pa ako ano! "Bahala ka di ako sasama sayo." masungit kong sabi sakaniya.
"Edi hindi ako aalis, dito nalang tayo. Its better to stay here with you." sabi niya at umupo na sa sofa namin. Hindi ko na rin narinig ang huling pangungusap na sinabi niya dahil humina ito ng paupo na siya sa may salas.
Nag make face ako sakaniya at pumunta na sa lababo pag katapos kong uminom ng tubig. Teka nasaan pala si nanang at si Qlein??
"Nasaan sila nanang?" tanong ko sakaniya ng matapos akong maghugas at papunta na sa sofa may dalang baso ng tubig at chips.
Tumingin siya saakin, at inabot narin ang remote ng tv. Para bang sinasabing buksan ko na ito. Wow ha feel na feel niya tong bahay namin ha! Kala mo bahay niya e! Pinabuksan pa ang tv.
"Umalis sila, dinala ni Tita Qleid si Qlein sa dagat. Para naman daw hindi maisip at malungkot ang nangyare kagabi." sabi saakin ni Ruan.
At pumayag naman si nanang na si Ruan ang makasama ko dito ngayon sa bahay ng wala sila??????? Ano bang tumatakbo sa isip neto ni nanang! Talaga nga naman oh!
"At pinagkatiwala ako ni nanang sayo??" harap ko sakaniya ng mabuksan ko ang tv.
"Oo at bakit naman hindi? Alam naman ni Tita na wala akong gagawing masama sayo ah!" pagtatanggol niya sa sarili niya.
Bakit ba ngayon ko lang naisip na ang feeling close neto ni Ruan e mag tatatlong buwan palang naman kaming magkakilala! Mabuti nga't hindi siya naliligaw ng papunta dito e halos mag iisang buwan na simula nung niyaya siya dito ni Andre. Sabagay lagi nga itong nandito e!
Hinampas ko sakaniya ang remote pagkatapos niyang sabihin yun. "Ewan ko sayo." yun na lamang ang nasabi ko sakaniya.
"Mapanakit ka ghorl ha!!" maarte niyang sabi. Tumingin ako sakaniya at umirap na.
"Antayin lang natin sila nanang bago tayo umalis ha?" sabi ko sakaniya ng mapatingin ako sa orasan. alas tres na kasi at wala pa sila nanang.
Tumango lang siya saakin at nagpatuloy sa panonood ng tv, nasa kanya na rin ang isang bowl ng chips ko ngayon at nakataas na rin ang paa niya. Aba! HAHAHAH bahay niya talaga to e.
Mukhang mahilig rin siya sa volleyball. Hmmm magkakasundo tayo jan kapatid.
Hindi rin nagtagal nakauwi rin naman sila nanang at naligo na ako pag dating nila. Nagulat pa nga si Ruan dahil nakapatong ang paa niya sa sofa e. Binati lang ako ni nanang at tumayo nako para maka diretso sa kwarto ko at makaligo na.
Habang naliligo ako ay iniisip ko kung anong susuotin ko ngayon dahil hindi ko talaga alam kung saan kami pupunta. Naisip ko nalang mag suot ng black high waist short na pinagbibibili saakin ni nanang, nag suot muna ako ng cyclings sa loob non at isang knitted top na kulay blue. Binili din to saakin ni nanang, ewan ko ba pa sexy lahat ng binibili niya saakin.
Minsan ko lang naman iyon isinusuot dahil hindi naman ako mahilig sa mga iyon. Nang makatapos akong makapag bihis, kinuha ko ang suklay ko, isang sling bag na may lamang wallet saka cellphone ko at bumaba na. Hindi na ako nagpatuyo ng buhok dahil nakita kong mag aalas kwatro na, though hindi naman siya basang basa.
Kumuha ako ng isang sandals sa may tabi ng hagdanan. "Tara na." sabi ko at napalingon saakin si Ruan.
"Sasabihin ko sanang mag dress ka o mag palda kanina e, Pero ayos nayan kaysa sa pantalon, Hindi bagay sa pupuntahan natin." sabi niya saakin ng nakasimangot. Mabuti nalang at nag short ako. Saan ba kami pupunta? At mas gusto niya ang shorts kaysa sa pants? Teka baka mamanyakin lang ako nito ha!
"Nako dami mo palusot e baka mamaya manyakin mo lang ako! Kaya mo ako gustong mag short!" pang aasar ko sakaniya bago ako magpaalam kay nanang na nasa paburito nyang spot sa bahay. Ang dining table.
"Bye nanang! Uuwi agad ako ha?" paalam ko kay nanang. Napansin kong wala si Qlein dito, baka nasa kwarto na nila ni nanang natutulog.
"Nako basang, Ayos lang kahit bukas kana umuwi!" sabi ba naman saakin ni nanang! At nakatawa pa.
Aba bakit ba gustong gusto ni nanang na wala ako rito ha? Siguro ay may nobyo na siyang bago!
"Aba nang! Bakit mo ako gustong gusto nasa labas ha. Hindi mo na ata ako mahal e." sabi ko sakaniya at sumimangot. Narinig ko namang tumawa ang panget sa likod ko. Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.
Tumawa rin si nanang. "Natutuwa lang ako anakko, dahil nakikitungo kana sakanila at sumasama ka na din kapag niyaya ka sa labas!" sabi niya ng nagagalak.
Sumimangot ako. "Tara na nga Ruan." sabi ko sa mababang boses. "Alis na kami nang! Mag iingat kayo dito ha?" paalam kong muli kay nanang.
Sinuot ko ang sandals ko bago lumabas ng pintuan namin. Habang naglalakad ako ay naririnig kong may tumawag may Ruan. Malayo siya saakin dahil asa may pintuan palang siya ng mismong bahay, ako ay narito sa gate sa labas.
Inantay ko siya sa may gate dito sa labas namin, nakita kong papalapit na siya pero may katext din siya.
"San ba tayo pupunta ha?" tanong ko sakaniya pag sakay namin dalawa sa sasakyan niya.Syempre sa shotgun seat ako nakaupo. Bigla akong na aching pag katapos kong sabihin yun.
Ang tapang naman ng pabango niya rito! Hindi ako sanay sa matatapang na amoy dahil may allergies ako doon.
"Ang tapang naman!" sabi ko at bumahing akong muli.
Bigla siya nataranta sa pag sunod sunod na bahing ko kaya binuksan nya ang aircon at maya maya ang binta. Para daw lumabas ng kaunti ang amoy. Sus hindi naman lalabas yon e, echos si Ruan.
"Are you okay na?" tanong niya after 5 mins na natigil ang pag babahing ko. " I'll open the windows so you could smell some air sa labas." sabi niya at inistart na ang sasakyan. Bumusina siya kahit wala naman nang nag aantay na umalis kami, senyas para malaman ni nanang kahit nasa loob sya na aalis na kami. Paalam ba ganun.
Habang nag da drive siya ay naisip ko na alam ko ang daan na tinatahak niya. At papunta iyon sa dagat! Sabi ko na magdadagat kami e! Tumingin ako sa oras, mag aalas singko narin, sakto malapit na ang sunset! Maganda ang tanawin sa dagat lalo na talaga kapag papanoorin mong lumubog ang araw.
"We're gonna watch the sunset." sabi niya saakin ng hinila niya ang handbrake at tumingin saakin. Lumawak naman agad ang ngiti ko. Bukod kasi sa ulan, gustong gusto ko din nakikita ang pag lubog ng araw. Narerelax kasi ako don, ewan ko ba kung bakit.
Bumaba na ako sa sasakyan at dumiretso sa malapit sa mismong dagat, si Ruan naman ay nagpaalam na may kukuhain lang daw sa compartment ng sasakyan niya.
Namangha ako kay Ruan. Dahil hindi niya na ako kinausap patungkol sa nangyare kahapon at dinala niya pa ako sa lugar kung saan makakapag pahinga ang utak ko sa mga pag iisip ng mga bagay bagay. Sobrang saya at thankful ko ng dinala niya ako dito.
Napalingon ako sa likod ko ng makita ko siyang naglalatag ng picnic mat. Nilagyan niya ng bato yung apat na gilid na iyon para hindi liparin. Teka saan to nakakuha ng bato hmmm.
Inalis niya ang kanyang sapatos at umupo sa inilatag niya. Tinapik niya ang tabi niya, senyas niya saakin na umupo ako. Umupo naman ako agad sa tabi niya at niyakap ko ang mga tuhod ko matapos kong alisin ang sandals ko. Masayang pinanood ang pag lubog ng araw.
Nakita kong nilabas niya ang phone niya para picturan ang dagat, pati narin ang paligid. Nagpatuloy lang ako sa panonood ng magandang view. Nilibot libot ko rin ang tingin ko,sa kaliwa't kanan. Pati narin ang likod namin hahahaha.
"First time mo?" tanong ko sakaniya sabay lingon rin sakaniya.
"Nope, actually this is my favorite place, The beach, the sound of the waves gives a satisfying feeling for me." pagpapaliwanag niya saakim, ramdam ko ang saya niya doon. Napangiti ako sa sinabi niya. Tinago niya ang phone niya at nagsalita ulit. "Uh sorry wala akong dalang meryenda here ah?" malungkot na mukha niyang sabi.
"Ano kaba ayos lang yon! Tsaka di pa naman ako gutom e." ngiti ko sakaniya. Para naman gumaan ang loob niya ng kaunti. Biglang nagbago ang expression ng mukha niya nung ngumiti ako. Napangiti rin siya.
Binalik ko ang tingin ko sa dagat. Inilabas ko din ang phone ko para kuhaan ng litrato ang paligid. Nakita kong pasado 5:30 na. Thirty minutes na rin kaming nandito, hindi ko namalayan ang oras. Nagsimula akong kuhaan ng litrato ang sa kanan ko, Sa harap at pati narin dapat sa kaliwa ko ngunit si Ruan ang nakuhaan roon ng tignan ko ito, Nakaharap sakaniyang phone at nakakunot ang kanyang noo.
"Lets go na. I have still have something for you." nagulat ako ng bigla siyang magsalita kaya't nataranta ako at bigla kong insinuksok ang phone ko sa bag ko.
"Uh sige...." yun na lamang ang nasabi ko dahil sa gulat ko. Narinig ko naman siyang tumawa nanaman pero mahina yun. Sapat na para marinig ko.
Tumayo na ako para suotin ang sandals ko at para tulungan sana siya magligpit nung inupuan namin pero naligpit niya na iyon. Nagsimula na rin siyang maglakad pabalik ng sasakyan niya.
"San nanaman tayo pupunta Ruan." tinaasan ko siya ng kilay pag katapos kong sabihin iyon. Hindi ko alam ng ruta na dinadaanan namin pero pamilyar eto saakin. Mukhang napadaan na ako dito noon.
"Secret walang clue." tumingin siya saakin at bumelat. Inirapan ko lang siya at humarap na sa bukas na bintana. Ang sarap ng simoy ng hangin doon. Fresh at walang masyadong usok. Puro puno na rin kasi rito.
"We're here!!" sabi niya saakin ng tumigil ang pag andar ng sasakyan. Teka anong gagawin namin sa mapunong lugar na ito.
"Hoy hindi mo naman ako balak i rape ano?!" sigaw ko sakaniya at tinakpan ko ang parte sa may dibdib ko.
Narinig kong tumawa lang siya. "Ofcourse not! Im not that type of guy you know?" pag mamayabang niya pa. Umirap nalang ako sakaniya at bumaba na ng sasakyan.
Inayos ko ang shorts ko at binaba iyon dahil umangat ng kaunti. Nakita kong naglalakad na si Ruan papasok sa mapuno at malubak na lugar. Nagsimula akong kabahan pero sinundan ko parin siya. May tiwala naman ako sakaniya kahit papaano.
Lumingon siya saakin ng nakita niyang hindi ako malapit sakaniya. Lumapit siya saakin at kinuha niya ang kamay ko,, nanaman.
Naglakad pa kami ng kaunti at nakakita na kami ng falls at ng mga madaming tao! Nang lumapit kami roon nakita ko talaga na madaming tao roon. Para bang mga bisita sa isang party.
"Surprise! Happy Birthday to me!!" sigaw ni Ruan saakin at ngumiti. Tumingin ako sakaniya ngunit hindi ko mahanap ang mga salitang gusto kong iparating sakaniya. Sapagkat inilibot ko nalang ang tingin ko sa paligid.
Namangha ako sa ganda ng view at linaw ng tubig na mayroon dito sa talon. Katamtaman lang ang taas ng falls dito sa mismong sahig niya. Malaki at malawak ang espasyo at may mga puwesto na pupwede mong upuan, masarap din ang simoy ng hangin dito.Kapag tumingim ka naman sa bandang kaliwa sa taas ay makikita mo na ang buwan na nagsisimula ng lumitaw.Ang tagal tagal ko na rito sa Vigan pero ngayon ko lang nalaman na mayron palang ganto kaganda na lugar rito.
"Ang ganda ano?" pag kakausap niyang muli saakin. Humarap naman ako sakaniya at ngumiti tsaka tumango tango sakaniya. "This is supposed to be a surprise for me, but those idiots." Turo niya sa bandang kanan at nakita kong naroon si Andre! Nakita ko rin si Ada at iba pa niyang mga close friends. "Narinig kong pinag uusapan nila ito kaya napag isipan ko na ikaw nalang ang isurprise." sabi niyang muli saakin.
"Huh? Eh pero bakit? Pano? Bakit naman ako?" sunod sunod na tanong ko sakaniya. "Tsaka birthday mo to, dapat special to ano! Para sayo to e!" sabi ko sakaniya sa mataas na boses.
Tumawa siya sa mga tanong ko at saka sa sinabi ko at nagsalita. "It is special 'cause you are here. Your smile made it more special for me Quianna."
****************************************************************************