Hack.
Geno's Pov.
"Why did you do that Geno! Huh, Anlaking kahihiyan ng ginawa mo!" Sigaw ni daddy sakin.
"I'm sorry dad." Tanging nasabi ko habang naka yuko dahil wala akong maiharap pang mukha sa kanila, ayoko di naman sabihin na si Andrea ang kasama ko 'don dahil mas magagalit lang sila.
"Who's that girl Eugene?" Tanong ni mommy.
"It's just a random girl mom, I'm really sorry po." Pagsisinungaling ko.
"Kausapin mo yang anak mo Eula at hindi ko alam kung anong pwede kong gawin jan!" Galit na sabi ni dad, saka umakyat sa taas.
"Mom..I'm sorry."
"Geno naman, malaki kana, alam mona ang tama at mali, alam kong lalaki ka at walang mawawala sa 'yo kung sakaling magbunga ang ginawa niyo ng babaeng 'yon, pero maling mali 'yun lalo pa't sa school niyo ginawa. I'm so dissapointed Eugene."
"Ang buong akala ko'y desiplinado kana, pero heto't pinapapunta pa kami para sa eskandalong ginawa mo." Dugtong pa ni mommy.
Hindi kona nagawang magsalita pa at umakyat narin si mommy sa taas. Habang nagiisip ako para bukas, ganon nalang din kabilis pumasok sa isip ko yung mga nangyari samin ni Aes.
Pagkatapos ko malaman na kumalat na sa buong Miontè ang video namin ni Andrea, kahit kabado ako ay pumunta padin agad ako sa school para sana magpatulong mapatigil yung pagkalat ng video.
Pero bago pa man ako pumunta doon ay naimbestigahan na pala agad nila kung saan galing at sino ang nag upload ng video, sabi sakin ni Reiven na siyang kumausap sa invetigator ng Miontè ay galing daw sa account ng isa sa mga estudyante dito sa school ang nag upload ng video at ikinalat pa sa lahat, pinatanong ko ulit kung sino ang walanghiyang estudyanteng 'yon at nagulat akong sinabi sakin ni Reiven na si Aes daw ang may gawa.
Ganon nalang ang galit ko nung malamang siya ang nag upload ng video, hindi ko din napigilang isipin na siya din malamang ang nag video sa amin.
Wala na akong ibang inisip pa kundi siya nga, dahil alam kong may galit din siya sakin at minsan niya na din kaming nakita sa Cr, siguro kumukuha lang siya ng ebidensya para malakas ang laban niya kung sakaling magsumbong siya sa office.
Sabi sakin ni David ay nakita daw niya si Aes kasama si Jenny sa quadrangle, kaya agad akong pumunta doon para komprontahin siya.
Masyadong eskandaloso kung doon ko siya gigisahin kaya pinasunod ko siya sa likod ng College building sa construction site.
Nakita kong malakas ang loob na kala mo walang kaalam-alam at walang kasalanan siyang humarap sakin, tinanong ko siya kung bakit niya inupload pero hindi niya daw alam, pinakita ko ang video sa kaniya pero pansin kong nasaktan siya sa pag-abot ko dahil tumama yon sa dibdib niya, pero ganon nalang din siya kagulat nang mapanood niya yon.
Hindi padin ako naniniwala sa mga sinasabi niyang wala siyang alam kaya ganon nalang ang pagtaas ng galit ko maging ang boses ko sa kaniya, pero pilit niya pading sinasabi na wala siyang kaalam-alam dito.
Pansin ko ang sinseridad sa kaniya lalo sa pag-iyak niya pero hindi padin ako ganoon kakumbinsido dahil sa imbestigasyon na nangyari at siya ang lumalabas na may gawa, alam kong kasalanan ko 'yon, pero hindi naman 'yon kakalat at malalaman ng iba kung hindi niya inupload.
Hindi ko na nasabi pa ang bagay na 'yon sa kaniya dahil mas pinili ko nalang siyang paalisin dahil mas umiigting pa ang galit ko pag naalala ko ang kumpiramasyon na dala ng imbestigasyon na siya ang gumawa.
Kinabukasan maaga akong pinapasok nina sir Peralta at Dean at matinding parusa ang ginawa sakin dahil sa pagdungis ko sa pangalan ng Miontè at buong Maritime Department.
Hindi nako nagulat sa bigat ng pinagawa nila gaya ng pagbilad sakin sa mock bridge, pag push up na walang bilang na depende sa kanila kung kailan nila ako pahihintuin, ganon din ang Duck walk sa gilid ng mock bridge at ibat-ibang mahihirap pang parusa.
Nakatulog na ako sa pagiisip at kinabukasan ay alas singko na ako ng umaga nagising, na ligo na ako nag ayos ng sarili saka bumaba para kumain.
Naabutan kong nasa hapagkainan na sina mommy at daddy kaya't nakisalo na din ako, walang imik kaming kumain hanggang sa nagsalita na si mommy.
"Mauna kana sa Miontè at may pupuntahan lang kami ng daddy mo." Sabi niya saka tumayo at umakyat sa taas ganon din si daddy.
Nung matapos na akong kumain, nag ayos na ako ng sarili saka inumpisahang mag drive at pumasok sa school.
"Hay buti nga sa kaniya!"
"Ay siya ba yung nag kalat ng video?"
"Oo siya yun sis!"
Kakababa ko palang ng sasakyan nang marinig kong nag-uusap ang mga estudyanteng babae na kakadaan lang sa hallway.
Alam kong si Aes ang pinaguusapaj nila dahil kalat na sa buong Miontè na siya ang nag upload ng video.
Dumeretso ako sa quad para tignan siya pero nagulat akong may dalawang lalaking binubugbog ang tatlong Maritime student na halos magutay-gutay na ang uniform nito, nilibot ko ang mata ko saka ko nakita si Aes na punong puno ng itim na pintura na siyang hawak hawak naman ni Jenny.
"Geno Come here, Dalhin mo na kami ng daddy mo sa director's office." Nauntag ang isip ko nang marinig ko ang tawag nina mommy sa likod ko.
Masama padin ang tingin ni daddy sakin at halatang mainit padin ang ulo. Dinala ko sila sa director's office pero wala pa 'don si Mr, Miontè at tanging ang Head coordinator palang na si Ms, Soquite ang nasa loob.
"Hi, goodmorning Mr and Ms Villapeña, maupo ho muna kayo habang iniintay natin si Mr, Miontè." Bati ni Ms, Soquite.
"Okay, thankyou!" Sabi ni mommy saka umupo, habang di naman nagsasalita at deretsong umupo lang si daddy sa masungit na mukha.
Ilang minuto lang ang inintay namin saka naman pumasok si Mr, Miontè at kasama nitong asisstant.
"Goodmorning. Wala pa ba ang parents ni Velasco?" Tanong nito kay Ms, Soquite.
"Wala pa ho sir!"
"Okay, kailangan po natin intayin ang Parents nang nag upload ng video para makapag usap ng maayos, gaya po ng sabi ko sa inyo sobrang laking eskandalo po ng ginawa ng anak ninyo." Sabi ni Mr, Miontè.
Maya-maya pa ay biglang pasok naman ni Aes na maayos na ang suot na damit pero may konti pading bahid ng pinturang itim, kasunod niya ang parents niyang galit na galit kasama ang tatlong bading na nakita kong nagbuhos ng tubig sa kaniya at tatlong kapwa ko maritime student na bugbog sarado at punit punit ang damit at nandito din ang dalawang lalaking bumugbog dito na sa palagay ko ay kapatid ni Aes.
"Dra, Amianda at Dr, Haries ano po at naparito kayo?" Gulat na bati ni Mr, Miontè.
Kung hindi ako nagkakamali sila ang parents ni Aes at pareho pang doctor ang mga ito, hindi ko lubos maisip na bakit nag papakahirap pa siya kung mukang mayaman naman sila base sa mga nakikita ko sa parents niya, mayos ang suot ng mga 'to, lalo ang nanay niya sa makikintab na alahas at pati ang tatay niya na nakakurbata pa na may apelyido nilang pamilya.
"Hindi mo alam Mr, Miontè ang ginawa ng mga estudyante mo dito sa bunsong anak ko? Look at my son, puro pintura na kagagawan ng mga estudyante niyo, Ilan libong estudyante ba ang pinag-aaral ko dito sa eskwelahan niyo? Huh? At para ang nagiisang anak ko na pumapasok sa eskwelahan nyo ay hindi naging maayos ang kalagayan!" Galit na sabi ng mommy ni Aes kay mr, Mionté
"At kayo, anong karapatan niyong saktan ang anak ko, porket hindi pumapatol sainyo sinasamantala niyo na ang katahimikan at kabaitan ng anak ko, Kayo...kayong lahat, hindi niyo ba alam na kaya ko kayong patalsikin sa eskwelahang 'to ngayon mismo, dahil sa ginawa niyo sa anak ko?" Dugtong pang galit nito.
"Mom, tama na po!" Pagpipigil ni Aes.
"Ms, soquite, kunin ang mga pangalan at ID ng mga 'yan at ipatawag ang magulang para sa expulsion!" Biglang sabi ni Mr, Miontè, saka sila pinalabas.
"Dra, Amianda, Dr, Haries, humihingi po ako ng despensa sa mga nangyari po sa anak ninyo, pero gaya po ng sabi ko sainyo, may eskandalo po na nakasangkutan ang anak ninyo--"
"Tungkol diyan sa eskandalo na ipinararatang niyo sa anak ko, 'wag kayo mag-alala at pinagawan kona ng paraan para malinis ang pangalan ng anak ko, kilala ko ang anak ko at alam kong wala siyang maling ginawa!" Matapang nitong sabi.
Nakita ko si Aes na tumitingin sa akin pero yumuko ulit at siyang himas naman sa ulo niya ng mga kapatid niya.
"Aeshim, tawagan mo na yung hinire kong professional IT para matunton kung sinong tunay na may sala ng eskandalong 'to!" Sabi ng galit paring nanay ni Aes.
"Malapit na daw po siya mom!" Sabi ng kuya ni Aes.
Kung hindi si Aes, isa nalang ang sa tingin kong may gawa ng lahat ng 'to, maging ako ay gusto kong malaman kung sino talaga ang nag video at nag upload para sa kalinawan ng lahat.
Maya-maya pa dumating na ang IT na hinire daw ng mommy ni Aes at ngayon ay may konkreto nang kasagutan sa lahat.
"Goodmorning po Dra, Amianda, good news po dahil wala pong kasalanan si sir, Aes, ang account po niya ay na hack po gamit din po ang isa pang account, nilocate ko po ang account na 'yon maging ang gadget na ginamit niya at nakumpirma ko pong wala po siya dito sa bansa natin at nasa America na po, naisip ko po na i-compare ang nalocate kong account sa list ng mga portal account ng mga students dito sa school at ang lumalabas pong tunay na nag hack ng Email account ng anak po ninyo ay si Andrea Dellacorte po!"
"What? Pano nangyaring si Andrea ang may gawa ng lahat?" Gulat na sabi ni mommy.
Nakita ko ang pagkagulat ni Aes sa isinawalat nang hinire nilang IT, hindi na ako masyadong nagulat dahil ngayon ay tama nga ang aking hinala na si Andrea ang nag upload ng video gamit ang hinack niyang account ni Aes.
"Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo!" Mariing tanong ni mommy sa nag investigate.
"So kilala niyo ang may kagagawan ng lahat ng 'to sa anak ko?" Mataray na tanong ng mommy ni Aes.
"Oo, at hindi ko alam kung 'panong nangyaring nasangkot siya dito!" Sabi ni mommy.
"Kung may problema kayo sa pamilya niyo 'wag niyo kaming idamay lalong lalo na ang anak ko!" Mataray na sabi ng mommy ni Aes.
"Eugene...Diretchohin mo nga ako, si Andrea ba ang kasama mo sa video?" Galit na tanong sakin ni mommy.
Diko alam kung sasabihin ko ba o hindi pero bago pako magsalita ay siyang tayo na ni mommy.
"I can't believe Eugene!" Sabi nito saba'y alis.
"Mr, Miontè....I'm so sorry po sa nagawa ng anak ko, Mr, and Ms, Velasco I am very very sorry po 'wag ho kayo mag-alala gagawin ko ang lahat ng makakaya ko mapabura lang ang kumalat na video!" Sabi ni Daddy saka lumabas.