"Fvck!"
Patay may natamaan ata akooooo.
I'm deaaaad! Mamaaaaaaaa
"Ano bang problema mo?" hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala sya. Malakas nya akong sinigawan kaya nakuha nya yung atensyon ng tao.
Parang biglang umurong yung dila ko hindi ako makapagsalita. Gusto ko nalang tumakbo at umiyak sa isang sulok.
I hate it! ang hirap maging mahina.
"S-sor-ry" kinakabahan at natatakot man ay nagawa ko pa ding bigkasin ng mahina at nanginginig ang salitang yun.
"Siguro sinadya nya yun para mapansin sya ni Tam" narinig kong sabi ng mga nakikiusyoso.
Hindi ko naman sinasadya ah, hindi ko naman alam na may tatamaan ako. Hindi ko nga to kilala e, bakit ako magpapapansin.
"Kawawa naman si ate girl" sabi pa ng isa.
"Tsk" yan nalang yung narinig ko sa lalaking natamaan ko ng bato. Hindi naman malaki yun e kung makapagreact wagas, kala mo namang kay laki laki ng nagawa kong kasalanan hyst.
Binangga nya ako sa balikat dahilan para matumba ako sa lakas ng impact. Napa aray nalang ako sa isip ko at ininda yung sakit ng pagbagsak ko.
"Don't mess up with me again or else." bigla akong nakaramdam ng panginginig. Kahit na nakabagsak ako sa lupa naramdaman kong nanlambot ang mga tuhod ko.
"The nurve of that guy, ang sungiiiit" mahinang sabi ko sa sarili ko. Mahirap na baka marinig ako ano pang gawin sakin.
"Oh bes anong eksena yan? feeling mo ba may photoshoot ka dito?" mapangasar na sabi sakin ni Yne.
"Tulungan mo kaya akong tumayo, ang dumi na ng uniform ko." pagmumuryot ko sakanya. At tinulungan naman nya ako.
"Sino ba kase may sabing umupo ka dyan? aber!?" paninita nya sakin at pumunta kaming locker para naman magpalit ako ng PE uniform. Lunes na lunes naka PE uniform ako. Lagot ako, paktaaaay.
Ganito kase yun, tas kinuwento ko sakanya yung nangyari sakin nung hindi pa sya dumadating.
"My ghad bes hindi mo kilala si Tam? okay ka lang saan kaba galing na planeta at hindi mo sya kilala?" takang takang tanong nya sakin at pinanlakihan ako ng mata.
"Hindi ko sya kilala okay, alam mo namang hindi ako friendly and yung mga kilala ko lang dito sa school natin ay yung naging classmate lang natin." pagpapaliwanag ko sakanya.
Naging magclassmate kase kami nung grade 8 kami then ayun naging friends na din.
Totoo yun, i never make friends to everyone. Pero Yne came into picture, luckily we click clang barabim barabum charooot nudaw?
"Nasa restobar sila kagabi kasama barkada nya." sabi bigla ni Yne pagkatapos kong sabihin yun.
Binalikan ko yung nangyari kagabi kumanta ako tas nagperform tapos
tapos
tapos
...
Flashback
"Ano ba naman miss, di kaba tumitingin sa dinadaanan mo?" matalim nya akong tinignan at nakasalubong pa ang mga mata na halatang iretado sa nangyare.
"Sorry" yan lang ang tangi kong nasabi habang nakayuko
"Bro nandito kana pala" biglang may nagsalita, sa tingin ko kasama to ni mr sungit
"Ohh diba ikaw yung nagperform kanina?" biglang napaangat yung tingin ko. Medyo maamo yung mukha neto kumpara sa nakabungguan ko.
Apat na sila ngayong nakapalibot sakin wews.
Binigyan ko nalang sila ng kabadong ngiti at dahan dahang tumango.
End of flashback
"Alam ko naaaaaaa" napasigaw ako at niyugyug si Yne.
"Hoy bruha ano yun and pwede ba kumalma ka" nagtatakang sabi ni Yne na halatang naguguluhan sa biglang pagsigaw ko.
"Kase" pigil ko sa sasabihin ko
"Kase?" ulit nya sa sabi ko
"Kase sya din yung nabunggo ko kagabi pagbaba ko ng stage kase tumatakbo ako" tuloy tuloy kong kwento.
May sumilay na ngiti sa labi ni Yne na wariy nanunukso. "Ako'y kinikilig tittittit pag ika'y lumalapit akong nanginginig" pataas tas pa yung kilay nya habang kumakanta.
"Stop it! di nakakatuwa" ako na napipikon na sa mga mapanukso nyang tinggin.
"Okay hahahahahha" kung di ko lang to kaibigan nakooooo.
"Tam" biglang dugtong nya at tumakbo kase hinabol ko na sya.
"Ynnneeeee! Wag kang papahuli sakin yare ka talaga." Kunwaring pagbabanta ko at nagtakbuhan kami na
parang mga bata sa oval.
"Bleeeeee" pangaasar pa nya lalo sakin.
Malapit na kami sa room ko ng sinigawan nya ako. "Bes mayang lunch nalang sabay tayo" at nang fying kiss pa nga ang bruha. Napailing nalang ako at naglakad nalang ako kase magmumukhang tanga na ako kase ako lang yung tumatakbo pag nagkataon.
Hindi kami magkaklase, magkabuilding lang kami. Third floor sya at ground floor lang ako. Pabor naman sakin kase di ako mahihirapan sa mga hagdan hahahaha.
Mabilis natapos ang klase, gaya ng inexpect ko pinagalitan ako ng adviser ko. Strict pa naman yun matandang dalaga kase e. Pero mabait naman namimigay ng chocholate pag nakakasagot sa recitation. Pangmotivate ng klase kaya sobrang active ng klase pag sya ang nagtuturo.
Gaya ng usapan sabay nga kaming maglalunch ni bes. Tinext ko sya na mauuna na ako sa cafeteria para makahanap ng spot, siguradong madaming dadagsa pag nagsabay sabay ang mga estudyante. "Okay bb" she replied.
Nilibot ko ang tingin sa loob ng cafeteria then booom may nakita akong spot, pang apatan sya e dalawa naman kami kaya pumunta na ako sobra naman samin yun.
Nagcellphone at nagpatugtog nalang ako habang hinihintay si Yne para magpalipas ng oras.
Konti palang yung tao dito, mabait naman kase si Sir Alfaro kaya pinayagan nya kaming lumabas agad kase nga baka hindi daw kami agad makakaen. Sana all concern e no? hahahaha O baka tinamad lang magturo? who knows? hahahaha.
"Yneeee heree" kinaway ko yung kamay ko ng nakita kong palinga linga si Yne sa entrance.
"There you are." sabi nya pagkadating sa pwesto namin at biglang umupo.
"Ano order na tayo?" yaya ko sa kanya habang dipa nagkakaunahan at nagkakasiksikan.
"Lika na" sang ayon naman nya sakin.
For lunch binili kong ulam ay shanghai egg siomai at hotdog. Ganon lang kase mga ulam e pero kahit ganon binabalikbikan ng mga estudyante. Drinks naman bumili ako ng buko pandan shake. Bumili din pala ako ng okoy na kalabasa sarap nun e nagcrave ako bigla sarap kase ng sawsawan.
Si Yne naman giniling binili nya tas shanghai egg at may pancit canton pa nga. Macha milktea naman yung drinks nya.
"Takaw ah" pang aasar ko pagkalapag ng pagkaen namin.
"Hiyang hiya naman ako sa binili mo." ganting asar nya sakin.
Habang kumakaen kami biglang umingay ang paligid. Anong meron? natanong nalang sa isip.
"Kyaaaaaa! omg ang gwapo nyoooo"
"Iloveyouuuu all"
"Akin ka nalang Tam"
"Hello Vee"
"Pansinin mo ko Tommy"
"Wazzup Zhy"
Ilan lang yan naririnig ko, seryoso "Kelan pa nagkaroon ng hearthrob sa school namin?"
"Last week lang bes" sagot ni Yne habang may pagkaen sa bibig.
"Huh" takang tanong ko
"Diba tinatanong mo." naguguluhang sabi nya, nasabi ko pala ng malakas kala ko sa isip ko lang nasabi.
Napatango nalang ako at pinagpatuloy yung pagkaen ko.
"Cough cough" bigla akong nasamid kase nagtama yung tingin namin ni mr sungit. Diko namalayang nakatingin na pala ako sakanya.
Umiwas ako ng tingin at ininom ko yung buko pandan shake ko
Nakakahiyaaaa