A/N: Shoutout sa bebe kong madaldal loveblueviolet sa twitter hahahahahah
~~~~~~~~~~~~
Eli POV
Kakadating ko lang sa bahay ng tumunog ang cellphone ko. Hindi ko naman agad iyon nasagot kasi umiinom ako. Sobrang init sa labas. Summer ba ngayon? Tss! Ber months na ah.
Umupo muna ako at saka ko kinuha sa bulsa ang cellphone. Si tukmol pala ang tumatawag. Kaso sasagutin ko na sana ng bigla naman siyang nawala.
Bakit kaya tumawag ang tukmol na yun? Sabi ko sa kanya wag nya akong iistorbohin e. Teka.. baka di na nakayanan ang selos kaya napatawag. Gusto ng makakausap.
'Matawagan nga.. hahahah!'
Nagcall back ako sa kanya. Hindi naman nagtagal yung pagriring at sinagot din niya yun.
"Bakit?"
Wala naman akong nakuhang sagot sa kanya.
"Hoy tukmol!" Tatawag-tawag sa akin tapos hindi magsasalita.
"Bakit ka napatawag?" tanong niya sa akin.
"Hoy tukmol ikaw yung unang tumawag! Sasagutin ko na sana pero bigla ka namang nawala,"
"Ahh.. ako ba? Hehehe,"
"Letse ka! Di ba sinabi ko sa na sayong wag mo akong iistorbohin??"
Bwisit talaga ang lalakeng ito. Akala ko pa naman magrereklamo sa akin dahil sa kasweetan ni Amity at ni Seb. Mukhang gusto lang talaga ata akong istorbohin e.
"Sorry na.. Napindot ko lang, hehehe."
"Tss!"
In denial kang hinayupak ka!
"Wag ako tukmol! Anong nangyari dyan? Patay na patay ka na ba sa selos ha at napatawag ka saken?? Hindi mo na ba kayang makita si Amity at si Seb?? Hahahahah,"
Sinimulan ko syang asarin. Naiimagine ko na pagmumukha niya habang nakikita ang pagmamabutihan nung dalawa. Deny deny ka pang kupal ka! Kuuu! Pasalamat ka at wala ako dyan kundi talagang pagtatawanan naman kita.
"Ewan ko sayo! Hindi ka na ba busy?"
Iniba nya ang topic. Tss! Walang kwenta talaga 'tong kausap.
"Hindi na! Kakahatid ko lang ng kotse ni Sir Badi sa kanila,"
"Natapos mo na yung kotse nya?"
"Oo,"
"May mga iuupgrade ka pa ba ngayon?"
"Wala naman na! Pahinga na lang,"
Nga naman. Nag-uusap kami ng matino ngayon.
"Baka naman pwede kang sumunod dito? Sa Calatagan lang naman ito e,"
Hindi ko naman inaasahan ang sunod niyang sinabi. Gusto nya akong pasunurin dun.
"Hanggang bukas pa kami dito kasi tapos magkakaron kami ng Bbq party mamayang gabi.. maganda dito promise! Marerelax ka dito,"
Mukhang magandang idea nga.. tamang-tama wala pa naman akong sunod na gawa ngayon. Masyado din akong napagod sa huling sasakyang inupgrade ko. Sobrang demanding ni Sir Badi. Tss! Tss! Tss!
"Hmmnnn.."
Makapagbakasyon muna kaya kahit hanggang bukas lang. Isasara ko muna itong talyer.
"Sige na nga! Wala din naman akong gagawin e,"
Pumayag ako sa alok niya.
"Itext mo na lang sa akin kung anong address nyan, mag-waze na lang ako! Ge," at binaba ko na ang tawag. Hindi ko na siya hinintay na magsalita pa.
Hindi ko maintindihan pero parang naeexcite akong sumunod sa kanila. Hindi dahil sa tukmol na yun.. kundi dahil sa dagat. Matagal na din akong hindi nakakaexperience magdagat.
Hindi motor ang dala ko ngayon kundi kotse. Hassle pag nagmotor ako. Ang payapa naman ng pakiramdam ko habang nagdadrive. Yung nakabukas ang bintana tapos hinahayaan ko lamang ang hangin na pumagaspas.
'Sarap ng buhay kapag malaya ka..'
Hindi ko naman maintindihan kung bakit biglang pumasok ko si tukmol. Parang nakikita ko sa isip ko yung mukha niyang nakangiti na nakakaasar naman.
Naalala ko na naman yung nangyari sa amin sa party.
Sobra yung pagkabwisit ko sa kanya nun, sabihan ba naman akong nakikipaglandian sa harap ni Sir Daniel. Nakakahiya dun sa tao. Buti napigilan ko talaga ang sarili kong sapakin siya e. Kung hindi talagang nakagawa kami ng eksena dun.
Nakakadagdag pa sa kabwisitan ko ang suot kong sandals. Kaya nagpaa na lang ako nun e. Wala na akong pakielam basta gusto ko ng umuwi nun. Hirap pa ng sasakyan, hindi tuloy ako agad nakasakay tapos ayun naabutan nya ako.
Bakit kaya niya nasabi yun? Nagpapanggap lang naman kami sa harap ni Amity e. Bakit kelangan niyang magreact ng ganun ng makita nyang magkausap kami ni Sir Daniel?? Galit na galit.. Hmmnnn..
Tapos biglang bait nung naabutan ako. Hinugasan pa ang mga paa ko. Pero hindi naman ako magpapakaplastic na sabihing hindi ako kinilig sa ginawa niya. Medyo kinilig ako. Slight lang naman. Kasi nakakaasar pa din talaga pagmumukha niya.
Hindi naman pala siya 100% balasubas, may 5% pa din naman na pagkacaring ang hayup na yun! Tapos 10% kabaitan kasi nung mga nakaraang araw parang napapansin ko na bumabait siya sa akin. Kahit 10% lang yun, napapansin ko pa din. Para kasi siyang nag-iba e. Tss!
'Teka! Teka!'
Wala sa oras na nakapagpreno ako.
'Hindi kaya..'
Umiling-iling ako.
'Naknampucha naman o! Sinabi ko na sa kanyang wag syang magkakagusto sa akin e!'
Muli kong pinaandar ang sasakyan. Salubong ang kilay na nakatingin sa unahan.
'Hoy tukmol! Kelangan nating mag-usap! Sinasabi ko sayo, hindi ka pwedeng magkagusto sa akin! Tangina!!'
Pinaharurot ko tuloy ang sasakyan.
Wala sa oras na napahinto ako sa harapan ng rest house nila Blaze sa biglaang pagsulpot ni Rain sa harapan ko. Hindi ko maintindihan kung anong mararamdaman sa nakikita kong itsura nya ngayon.
Hindi ko na nagawang bumaba dahil sumakay na siya agad sa kotse ko.
"Umalis na tayo dito."
Hindi na ako nagtanong at muling binuhay ang sasakyan. Tahimik na nagdrive akong palayo sa rest house nila Blaze.
Malayo na ang natatahak namin pero walang nagsasalita sa aming dalawa. Sinulyapan ko na si Rain at nakatulala lang sya. Sobrang sabog ng itsura niya. Halatang halatang galing siya sa pag-iyak.
Muli akong tumingin sa unahan. Napakapit ako ng mahigpit sa manibela. Muling bumalik ang dating Rain. Bumalik na si Nagame.
'Anong nangyari..? Nakita mo na ba ang hinahanap mo kaya naman andito ka na.. Nagame?'
Aelius POV
"Ang tagal naman ata ni beshie?" tanong ni Amity habang inaayos nya ang mga naluto ng bbq.
"Sunduin mo na nga, Blaze! Baka maya nyan, nakatulog na pala yun,"
Tinanguan ko naman sya. Naglakad na ako papasok ng bahay. Dinaanan ko siya kanina pagkapalit ko ng damit. Nakailang katok nga ako sa room nila pero hindi siya sumasagot. Nakalock pa yung pinto kaya umalis muna ako. Baka di pa siya tapos magbihis.
Nakangiti ako habang papunta sa room nila. Naeexcite akong makita ang Ulan ko. Ano kayang suot nya? Panigurado ang ganda-ganda na naman niya. Sobrang saya lang nitong out of town namin. Sobrang worth it lang para sa lahat ng nangyari sa amin.
Tumigil ako sa paglalakad ng may biglang pumasok sa isip ko.
'Magsstargazing pala kami mamaya.. Pero kami lang dalawa. Hehehehe.'
Naiisip ko pa lang na masosolo ko siya mamaya, kinikilig na ako! Hahahah.
'Di ko tuloy mapigilang mapakanta dito oy! Lakas talaga ng tama ko sayo Ulan! Hahahah!'
Tumigil ako sa harapan ng room nila. Inayos ko muna ang damit ko pati na ang buhok ko. Sinipat ko pa ang sarili ko sa cellphone para siguraduhing ang gwapo ko. At napangiti naman ako lalo kasi ang gwapo ko talaga. Hahaha.
Kumatok na ako.
"Ulan?" tawag ko sa kanya. Naghintay ako ng pagsagot nya pero wala. Muli akong kumatok at tinawag ang pangalan niya. Inilapit ko pa ang tenga ko sa pinto para pakinggan ang pagsagot niya.
Pero wala pa din. Hindi siya sumasagot sa akin.
'Baka nga nakatulog siya..'
Tinry kong hawakan ang door knob. Ayun, hindi na siya nakalock. Pinihit ko ang door knob.
"Ulan.." Pumasok na ako sa loob.
Akala ko makikita ko siyang nakahiga sa kama pero walang nakahiga sa dalawang kamang naroroon.
"Ulan, andyan ka ba?" Lumapit ako sa cr at binuksan ko iyon pero wala siya doon.
Nagtataka naman ako kasi wala siya dito sa room nila.
Lumabas ako ng kwarto. Kinuha ko ang cellphone at triny siyang tawagan pero unattended ang phone niya.
'Asan kaya yun..?'
Nagsisimula akong kabahan pero bakit naman ako kakabahan? Baka may pinuntahan lang sya o baka andun na siya sa pool area. Nagkasalisi lang kaming dalawa.
Muli akong bumalik sa pool area. Lalong kumunot ang noo ko dahil wala siya dun.
"Si Rain?" tanong ni Amity.
"Hindi ba nagpunta dito?" balik-tanong ko sa kanya.
Kumunot ang noo nito.
"Hindi. Kaya ko nga siya hinahanap sayo e," sagot naman niya.
"Wala kasi siya sa room nyo e,"
"Baka naisipang maglibot," ani Larkin habang tinitikman ang mga nakahaing pagkain.
"Tawagan mo," wika pa ni Amity.
Sinunod ko naman ang sinabi niya pero katulad ng una ay unattended pa din ito.
"Unattended ang phone niya e,"
Lahat sila ay tumingin na sa akin. Nagsisimula na akong kabahan. Imposible namang maglilibot si Rain ng hindi man lang nagpapaalam sa akin.
"Hahanapin ko lang sya ha?" agad ang naging pagtalikod ko at sinimulan ko na nga siyang hanapin.
Nalibot ko na ang buong rest house pero hindi ko nakita si Rain.
"Manang Chel!"
"Juskupurude! Nanggugulat ka naman dyan, ser!" ani Manang Chel ng puntahan ka siya sa may kusina.
"Manang, napansin nyo po ba si Rain??"
Nag-isip si Manang pero agad din siyang umiling.
"Hindi po ser e! Kanina pa po ako dito sa kusina pero hindi ko naman siya napansin dine,"
Umalis na agad ako at lumabas ng bahay. Wala si Rain sa loob. Napansin ko si Kuya Julius. Tumakbo akong palapit sa kanya.
"Ser!" nakangiti niyang bati sa akin.
"Kuya Julius, napansin nyo po ba si Rain??" Ang bilis na ng tibok ng puso ko.
Please.. sana napansin mo siya.. please..
"Naku ser! Hindi ko naman siya napapansin e!"
Bumagsak ang balikat ko.
"Kuya, pwede mo ba akong tulungang hanapin siya? Wala po kasi siya sa loob ng bahay!"
"Ay sige po ser!"
Iniwan ko na siya at pupunta ako sa may dalampasigan. Dun ko siya hahanapin. Baka naman naglalakad-lakad lang sya dun.
"Blaze!" napalingon ako kay Larkin. Lumapit ito sa akin.
"Hindi mo pa din nakikita si Rain?"
Umiling ako.
"Larkin, tulungan mo akong maghanap sa kanya! Sinabihan ko na din si Kuya Julius, hindi din kasi niya napansin si Rain kahit si Manang yun din ang sinabi sa akin," sobrang kabado na talaga ako.
Tumango siya sa akin.
"Sige pre! Wag kang mag-isip ng kung ano-ano ha? Baka kung san lang yun nagpunta.. tinatry na ding tawagan ni Amity yun! Naghahanap na din sila,"
"Sige pre! Salamat," at naghiwalay na kaming dalawa.
Hindi na ganung kaliwanag sa may dalampasigan dahil nakalubog na ang araw.
"Rain!!!" sinisigaw ko ang pangalan niya para marinig niya ako.
Ayokong mag-isip ng hindi maganda pero hindi ko mapigilan. Lalo pa at baka may kinalaman dito ang taong bumaril kay Axel. Hanggang ngayon pa din kasi ay hindi namin nahahanap ang taong yun.
Baka nasundan niya kami dito at ang tinarget niya ay si Rain.
Nagtagis ang aking mga bagang.
'Hindi pwedeng may mangyari sa kanya.. Hindi ako papayag!'
Ang layo na ng narating ko pero hindi ko pa din talaga siya nakikita. May ilang residente na akong napagtanungan ng tungkol sa kanya pero hindi naman nila nakikita si Rain.
'Rain.. asan ka na ba?? Sobra na akong nag-aalala sayo..'
Napapitlag ako ng tumunog ang cellphone ko. Agad ko yung sinagot sa pag-aakalang si Rain yun pero muli na namang bumagsak ang mga balikat ko dahil si Amity ang tumawag.
Pinababalik na niya ako sa rest house. Hindi naman niya sinabi sa akin kung bakit kaya naman dali-dali na akong bumalik.
Pero napatigil din ako sa pagmamadali ko. Baka naman pakana lang lahat ito ni Rain. Palabas lang ang pagkawala niya para hanapin ko siya tapos may gagawin pala sila. May pasuprise sila ganun.
Naglaho ang kabang nararamdaman ko. Imposible naman kasing may mangyari sa kanya. Iyon pa. Tama tama! Alisin ang negativity.
'Patay ka sa aking Ulan ka! Pinakaba mo ako!'
Sa room nila ako nagdiretso. Naabutan ko dun sila Amity at Sav pero wala si Rain. Lumingon ako sa paligid.
"Hoy, Amity! May pasurprise ba sa akin si Rain ha?? Grabe kayo ha? Pinapakaba nyo pa ako!" natatawa kong wika sa kanila.
Nakatingin lang sila sa akin.
"Ano na? Asan na ba yung bubwit na yun?? Patay yun sa akin!" muli akong tumingin sa paligid.
"Blaze.."
Natigilan ako sa malungkot na boses ni Amity. Tiningnan ko siya.
"Sorry pero walang surprise.. wala talaga si Rain.. lahat ng gamit niya wala na.." malungkot nyang wika.
"Anong ibig mong sabihin.. umalis siya..?" Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan niyang umalis. Wala akong maisip na dahilan para umalis siya. Hindi naman kami magkaaway. Ayos na ayos pa nga kami kanina e.
Tumango si Amity sa akin.
Ang labo.. bakit naman siya aalis..??
Baka may kumuha sa kanya?? Hindi yung aalis siya!
Tinalikuran ko silang dalawa. Lumabas ako ng kwarto at muli siyang tinawagan. Hindi ko na napigilang magmura dahil hanggang ngayon ay hindi ko siya makontak.
Lumabas ako ng bahay.
Saan ko siya hahanapin???
Wala na akong maisip na lugar kung saan siya hahanapin dito. Agad akong pumunta sa sasakyan ko, baka naman sa ibang lugar ko siya mahahanap.
Hindi pa ako nakakasakay ng kotse ay humahangos na lumapit sa akin si Kuya Julius. Umaasa sa maganda niyang balita.
"Ser, pasensya na po pero nasuyod ko na ang buong lugar natin dito, di ko po talaga makita si Mam Rain," pagbabalita niya sa akin.
Lalong sumidhi ang takot ko. Baka kung ano ng nangyari sa kanya.
"Blaze!" Lumapit sa amin si Larkin. Kasunod niya si Seb maging ang dalawang babae.
"Pasensya na pre.." bad news din ang dala niya.
Hindi na ako nagsalita at binuksan ang pinto ng sasakyan.
"San ka pupunta pre??" agad niya akong pinigilan.
"Hahanapin ko si Rain baka nasa ibang lugar lang siya! Please lang Larkin, wag mo akong pipigilan!"
Hindi na niya ako nagawang pigilan pa. Umatras siya at hinayaan niya akong makasakay. Mabilis kong pinaandar ang kotse para hanapin si Rain.
'Asan ka na ba, Rain?? San ka nagpunta?? Bakit kailangan mong umalis?? Anong nangyari??'
Ang daming tanong sa isipan ko pero wala man lang akong makuhang sagot kahit isa man. Sobra sobra na akong kinakain ng malaking takot.
Bakit biglang ganito ang nangyari?? Ang saya pa namin kanina.. Sobrang saya..
'Love.. hindi mo naman ako kayang iwan di ba? Hindi mo yun kayang gawin..'
Mahigpit kong hinawakan ang manibela at pilit nilunok ang nakabarang ano man sa lalamunan ko.
Normal POV
Ilang oras na naghanap si Aelius kay Rain pero hindi niya ito nakita. Tinulungan na din siya nila Larkin at Seb sa paghahanap. Malalim na ang gabi ng bumalik silang tatlo. Nagpunta na din sila sa police station pero ang sabi sa kanila, after 24hrs pa daw magiging missing person si Rain.
Kinatok ni Larkin si Aelius sa kotse nito. Hindi kasi ito bumababa. Nakatungo lang ito sa may manibela nito.
Bagsak ang balikat na bumaba si Aelius ng sasakyan.
"Pre, wag ka mag-alala kapag naka24hrs, tutulungan na din tayo ng mga pulis para maghanap kay Rain okay?"
Hindi nagsalita si Aelius.
"Tsaka hindi naman ito ang unang beses na nawala siya di ba? Kaya naniniwala ako na babalik din agad siya.. babalikan ka nun!" pagpapalubag-loob ni Larkin sa kaibigan.
Ngunit wala pa din itong nakuhang sagot mula kay Aelius. Para siyang zombie dun na naglalakad papasok sa loob ng bahay. Kasunod naman niya ang dalawa.
Sinalubong sila nila Amity at Sav. Pero nilagpasan lang ni Aelius ang dalawa. Dire-diretso siya sa kwarto nya.
"Anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Amity.
Umiling si Larkin.
"Hindi talaga namin siya mahanap.. lumapit na din kami sa mga pulis pero after 24hrs pa nila kami tutulungan sa paghahanap kay Rain,"
"Ano ba naman yan?! Paano kung may nangyari na pala sa kaibigan natin ngayon!! Kailangan pa bang maghintay ng 24hrs??" Bumugso ang galit ni Amity.
"Amity.. walang nangyari kay Rain okay? Baka marinig ka pa ni Blaze," suway naman ni Larkin.
Tumahimik naman si Amity.
"Si Axel?" tanong ni Larkin.
"Nakatulog na siya.. pero iyak siya ng iyak kanina," si Sav ang sumagot sa tanong niya.
Napabuntong-hininga naman si Larkin.
"Ano bang nangyari?? Nakita nyo bang nagkaaway yung dalawa??"
Umiling ang dalawang babae. Maging si Seb ay umiling din.
"Nakita ko pa silang masaya kanina habang nagsashower e.." mahinang wika ni Sav.
"Ano kayang nangyari?? Sa palagay nyo ba may kumidnap kay Rain??" nababahalang tanong ni Larkin.
"Imposibleng mangyari yun," ani Seb. Lahat ay tumingin sa kanya.
"Kung kinidnap siya bakit kailangang pati mga gamit niya nawala?"
"May point si Seb," sang-ayon naman ni Amity.
"Magpahinga muna siguro tayo.. sana lang bukas maging maayos na ang lahat,"
Tahimik silang bumalik sa kani-kanilang kwarto.
Nakaupo lang naman si Aelius sa kanyang kama. Natutulog na si Axel sa tabi niya. Nanghihinang humiga siya ng nakatagilid. Pumikit siya.
'Panghahawakan ko yun.. panghahawakan kong babalik ka.. dahil alam kong hindi mo din kaya na mawalay sa akin ng matagal.. babalikan mo ako.. siguro may kailangan ka lang gawin.. katulad ng dati.. maghihintay lang ako kasi alam kong babalikan mo ako..'
Maaga silang umalis ng rest house. Sobrang tahimik nilang lahat. Kahit ang batang si Axel na kahit hindi niya naiitindihan ang mga nangyayari ay tahimik lang din.
Gustong magtanong ni Axel sa kuya niya kung anong nangyayari pero hindi niya magawa. Nakikita pa lang nya ang itsura ng kuya niya kung gaano ito kalungkot ay napipipi na siya.
Inihatid lang ni Aelius si Axel sa bahay at agad din siyang umalis. Pupuntahan niya si Rain sa bahay nito. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya makontak ang nobya.
Nabuhayan siya ng loob ng makita si Shiver sa garahe. Mabilis siyang bumaba. Nakalock ang gate.
"Rain! Andyan ka ba??" sigaw niya.
"Rain!!"
Ilang beses niyang tinawag ang pangalan nito. Halos gibain na nga niya ang gate. Hindi siya umaalis dun. Halos mawalan na siya ng boses pero wala pa ding lumalabas sa bahay nito. Mukhang walang tao sa loob.
Pumasok siya sa loob ng kanyang sasakyan at dun naghintay.
Tinawagan siya ni Larkin dahil nakalipas na ang 24hrs. Tinatanong siya nito kung asan siya at magrereport na ulit sila sa police station.
Nagkita na lang sila sa Police Station. Kumilos naman na din ang mga ito para tulungan sila sa paghahanap.
"Pre, mahahanap natin si Rain ha? May mga makakatulong na tayo,"
Hindi siya sumagot sa sinabi ng kaibigan. Tahimik siyang lumapit sa kanyang kotse.
"San ka pupunta?"
Hindi na naman ito sumagot.
"Teka Blaze! Nalimutan natin si Eli! Baka may alam siya!"
Nabuhayan ng pag-asa si Aelius ng marinig iyon mula sa kaibigan. Nalimutan niya si Eli. Hindi pa nila ito nakakausap.
"Alam mo ba kung asan siya??"
Tumango naman si Larkin sa kanya. Agad silang sumakay sa kani-kanilang sasakyan at pinuntahan ang taong baka makatulong sa kanila.
Larkin POV
Bakit ba hindi ko agad naisip ang panget na yun? Baka may alam siya kung asan si Rain. Siya lang naman ang ibang kaibigan nito e.
Sa sobrang bilis ng pangyayari, hindi ko na naalala na hinihintay ko nga pala siyang dumating kahapon. Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang hindi niya pagdating dahil sa pagkawala ni Rain.
Bakit kaya hindi yun nagpunta? Hindi man lang siya nagtext o tumawag para sabihin kung bakit di siya nakapunta.
'Tss! Paimportante ang panget! Di man lang mag-update saken, di ba nya naisip na hinintay ko siya kahapon?? Lagot siya sa akin pag nagkausap kami!'
Sa bilis ng pagmamaneho namin ay nakarating kami sa talyer ni Eli ng mahigit 30minutes lang.
Nauna ng bumaba si Aelius. Agad naman akong sumunod.
Nakita ko agad si Eli na nakahiga sa ilalim ng isang sasakyan.
"Eli!" tawag ko sa kanya ng pumasok kami sa talyer niya.
Pinaandar nito ang hinihigaang de gulong at lumabas siya mula sa ilalim ng sasakyan.
Hindi naman siya nagulat ng makita kaming dalawa.
"O? Napadpad kayo dito?" tanong nya ng makatayo siya at makalapit sa amin.
'Napakawelcoming talaga niya. Kaasar!'
"Eli.. please tell me, alam mo ba kung asan si Rain??"
Napatingin ako kay Blaze. Umaasa talaga siyang may malalaman kami kay Eli. Nasasaktan na naman ako para sa kanya. Ganitong-ganito siya nung tumawag siya sa akin noon para magpatulong na hanapin si Rain.
'Hayyy.. bakit ka ba laging nawawala Rain..?'
"Si Rain? Bakit anong nangyari?" tanong na naman ni Eli.
"Bigla na lang kasi siyang nawala kahapon sa rest house! Hindi namin alam kung san siya nagpunta! Hindi namin alam kung umalis ba siya o.. o may kumidnap sa kanya..! S-sobrang nag-aalala na ako sa kanya..!" medyo pumiyok si Blaze dun. Pinipigilan niya ang sariling umiyak.
"Ha?? Nakidnap??" nagsalubong ang mga kilay ni panget.
"Imposibleng mangyari yun! Hindi yun basta-basta makikidnap," Hindi ko naman ito kitaan ng pag-aalala.
"Pero E-eli.." muli na namang nabasag ang boses ni Blaze.
"Hinanap na namin siya kahapon pero hindi namin siya makita.. nag-aalala na talaga ako sa kanya.."
Potek! Naiiyak na talaga ang bestfriend ko. Wala akong magawa para sa kanya. Maging ako nahihirapan sa nakikita ko sa kanya.
"Ganun ba?" muli kong tiningnan si Eli. Bakit ba parang hindi ito nag-aalala e kaibigan nya yung nawawala?? Tss! Walang puso!
"Pasensya ka na Blaze pero wala akong alam e! Hindi nyo naman ako kasama kahapon tsaka hindi din napapadpad dito si Rain,"
Nakita ko kung paano bumagsak ang mga balikat ni Blaze. Mabilis niyang pinahid ng braso ang kanyang mga mata. Muli siyang tumingin kay Eli.
"If ever Eli pumunta siya dito o nalaman mo kung asan siya, pwede bang pakitawagan ako? Pleaseee! Please, Eli!"
"Oo naman! Kokontakin kita agad,"
Napabuntong-hininga si Blaze.
"Thank you," tipid siyang ngumiti pero sobrang lungkot pa din ng mukha niya.
Tumalikod na ito.
"Ah Blaze!"
Nilingon siya ni Blaze.
"Wag kang mag-alala kay Rain okay? Hindi yun kinidnap o ano pa man.. siguro may pinuntahan lang yun tapos di lang nakapagpaalam sayo.. babalik din yun, si Rain pa ba?"
Tumango lang si Blaze at tuluyan ng lumapit sa kotse niya. Hindi na nga ako hinintay e. Iniwan na niya ako.
"O ikaw? Ano pang ginagawa mo dito?"
Nilingon ko si panget. Ang taray naman nito ngayon.
"Hoy panget! Hindi mo ba talaga alam kung asan si Rain??" wika ko na may pagdududa sa kanya.
Nagsalubong ang mga kilay niya.
"Anong makukuha ko kung magsisinungaling ako kay Blaze ha?" halatang asar siya sa tinanong ko.
"Tss! E bakit parang hindi ka nag-aalala dyan?? Kaibigan mo yung nawawala!"
"E wala naman akong dapat ipag-alala kasi di naman siya nawawala! Malaki na si Rain, alam kong may pinuntahan lang yun! At wala na ako dun para alamin pa kung san siya pumunta!"
"Sama talaga ng ugali mo!"
"Lalo ka na!"
Hindi naman siya nagpapatalo sa akin. Lumalaban pa siya sa pakikipagtitigan sa akin. Inirapan ko siya tapos tiningnan ko siya sa gilid ng mga mata ko.
"Bakit hindi ka pumunta kahapon ha??"
Tinaasan naman niya ako ng kilay tapos tinalikuran lang ako. Lumapit siya dun sa mga gamit nya at may kung anong hinahanap.
'Abaaa.. pinipikon talaga ko ng panget na dragon na ito!'
"Hoy panget!!"
"Tinamad ako e kaya di na ako tumuloy," sagot nya sa akin habang lumapit ulit siya sa sasakyang ginagawa nya. Muli siyang humiga dun sa higaang de gulong tapos lumusot na naman sa ilalim ng sasakyan.
'Tinamad???? Ibang klaseng dahilan!!'
Tuluyan na talaga akong naiinis sa kanya. Sa inis ko, hinawakan ko ang binti niya at hinila siya palabas.
"Tangina!!" sigaw niya sa akin. Nagulat siya sa ginawa ko pero ang sama na ng tingin niya sa akin. Agad siyang tumayo.
"Tanga ka ba?? Bakit mo ako biglang hinila?? Paano kung nauntog ako dun??"
"Dahil nakakainis ka! Tinamad ka?? Bakit di ka man lang nagsabi ha?? Ang daling magtext o tumawag!!"
Nagsisigawan kaming dalawa dun.
"E bakit naman kita itetext o tatawagan?? Ano ba kita?? Tangina!"
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dun. Biglang nawala ang inis ko.
Oo nga pala.. ano nga ba nya ako??
"Pwede ba umalis ka na?? Nakakaistorbo ka e! Wala dito si Amity kaya wag kang mag-astang syota ko! Baka nakakalimutan mong nagpapanggap lang tayo?? At ipapaalala ko lang ulit sayo, hindi mo ako pwedeng magustuhan! Kaya kung ano man yang nararamdaman mo patayin mo na dahil tangina wala kang mapapala sa akin!"
Muli siyang humiga at pumunta sa ilalim ng sasakyan. Pinagpatuloy na niya ang pagkukumpuni niya.
I tried to calm myself. Ilang beses akong lumunok habang nakatingin sa kanya. Napapailing na napangisi na lang ako sa mga sinabi niya.
Hindi na ako nagpaalam sa kanya at umalis na doon. Pabagsak kong sinara ang pinto ng sasakyan ko at mabilis na pinaandar iyon.
~~~~~~~~~~~
A/N: Yung kahit malungkot 'tong chapter na ito masaya pa din ako hahahaha. e kasi naman gawa ni rekdipards alco! ang lakas lang ng The Four Wings! Sharlene, Maymay, Loisa at Maris! Tapos ang lupet pa ng mga ideas niya! Riot e! hahahaha. Nararamdaman ko na ang SharDon maaaaaaaa (ಥ﹏ಥ)