After a long hours of drive, narating ko din ang address na binigay sa akin ni Pauline. Binaybay ko ang loob ng isang exclusive subdivision na iyon at hindi ko maiwasang mamangha sa nag lalakihan at nag gagandahan bahay na nakikita ko.
Huminto ako sa isang black na gate. Tapos bumaba ako ng kotse para i check kung tama ba yung address.
"Ito ang bahay ni Kurt?" Hindi ko maiwasang ma-amazed. Napaka laki at napaka ganda ng bahay na nasa harapan ko ngayon.
Hindi lang pala may kaya ang pamilya nito kundi mayaman pala ito.
Tapos may nakita akong babae na lumabas mula sa bahay.
"Excuse me Ate!" Tawag ko dito.
Nakangiti iyong lumapit sa akin.
"Ano po iyon?" Magalang nitong tanong.
"'Hi!" Ngiti kong bati dito. "May hinanap kasi akong tao. Kaso di ko alam kung dito sya nakatira." Medyo alanganin kasi ako. "I'm looking for Kurt?, Kurt Alvin Ortega"
"Ah! Si Sir Kurt po." Sabi nito sabay ngiti. "Wait lang po ha. Tatawagin ko lang po si Sir." Sabi nito saka tumalikod na.
Napangiti ako. Hindi ko maiwasang matuwa. Sa wakas, I found him!
Gusto ko sanang imemorya ang sasabihin ko dito but I decided not. Dahil mas gusto kong sabihin dito kung ano yung nilalaman ng puso ko.
I will speak with my heart!
At habang inaantay ko si Ate naisipan ko munang mag libot-libot may nakita kasi akong hardin sa kanang bahagi ng kabahayan.
"Ang ganda naman dito"
Nag lakad pa ako ulit at biglang napahinto. Meron kasi akong nakitang tao doon. Mula sa kinaroroonan ko, isang lalaki ang nakita kong nakaluhod at sa harapan naman nito ay may nakatayong babae.
Infairness sa girl, maganda ito. Yung guy hindi ko makita yung mukha kasi nakatalikod iyon. Pero for sure naman na gwapo din ito.
Napansin kong may kinuha na kung anong bagay ang lalaki at iniabot sa babae.
"Oh my god!" Narinig kong sabi ng babae. Natutop pa nga nito ang bibig saka masayang kinuha ang bagay na binigay sa kanya ng lalaki. At kitang-kita ko sa mata nito ang sobrang kaligayahan.
Tumayo yung lalaki at saka masaya syang niyakap ng babae.
Nangiti ako. Did I just witness a marriage proposal!?
"Wow!" Sabi ko and I feel so happy for that couple.
Tapos si Ate na kausap ko kanina biglang sumulpot sa eksena.
Tinawag nito yung lalaki. "Sir Kurt!"
Natigilin ako at halos hindi naka kilos. Tama ba ang narinig ko. Si Kurt iyon?
Whats happening here? I just saw him proposing with that girl right in front of my eyes!
Nang mga sandaling iyon feeling ko may kung anong bagay ang tumarak sa puso ko and I suddenly feel the pain. Hinawakan ko yung dibdib ko para kasing hindi ako makahinga.
"'Ouch!" Ah, ganito pala kasakit yung makita mong ang tao mahal mo may nakakuha ng iba!
"'Yes Ate Beth?"
"May nag hahanap po sa inyo--" sabi nito.
Bigla akong tumalikod saka nag mamadaling umalis. Mabilis akong pumasok sa kotse ko saka napayuko ako sa may manibela.
May fiancee na ito at ikakasal na!
Naiiyak kong sabi saka inis kong ibinaksak ang kamay ko sa manibela ang kaso nadiinan ko yung busina kaya bigla iyong tumunog, nakuha ko tuloy ang atensyon ng mga iyon.
Nakita kong napatingin ang mga iyon sa direksyon ko.
"Oh my god!" Taranta kong sabi saka mabilis kong pinaandar ang kotse ko at pinaharurot iyon palayo.
Hindi ako pwedeng makita ni Kurt!
Hindi ako nito pwedeng makitang luhaan!
Ah, this is so embarassing!
"Ahhhhhh! Mission failed!! " Pinag handaan ko pa naman ang sandaling ito. Ready pa naman akong aminin dito ang tunay kong nararandaman. Pero yung pain....hindi ako ready for that!" Inis kong sabi habang palabas ako ng subdivision. "Saan ako pupunta ngayon?" Naiiyak kong sabi. Hindi pa naman ako pamilyar sa lugar na ito at saka pagabi na!
Habang nag da drive ako may nakita akong mga Bar.
Napaisip ako. Sa sitwasyon ko ngayon parang isa lang ang kailangan ko ngayon. Yung makakapag palimot sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
Ipinarada ko ang kotse ko sa isang Music Bar at saka pumasok doon. Medyo marami nang tao at may bandang kumakanta sa may stage. Nag hanap ako ng table na nakapwesto sa bandang sulok. Saka nag order ako ng pagkain saka beer.
"Ikakasal kana. Iiwan na akong nag iisa---"
Kanta ng vocalist ng banda. Napa simangot tuloy ako.
"Nananadya ba sila!" Ingos ko saka tinunga ko ang isang bote ng beer.
Ewan ko ba kung bakit puro pang heartbroken ang mga kantang naririnig ko mas lalo tuloy napapalakas ang inom ko saka inilapag ko ang bote ng beer na wala nang laman.
Ipinaparamdam ba nito sa akin na yung taong gusto ko, hindi ako gusto. Yung taong gusto kong makasama, may kasama nang iba.
"Yung happy pill ko.....happy na sa piling ng iba!---" halos maiyak-iyak kong sabi.
Itinukod ko ang siko ko sa mesa saka hinawakan ko ang nananakit kong ulo at pumikit ako.
Parang nararamdaman ko na ang epekto ng alak sa akin. Nahihilo na kasi ako.
Tapos biglang nag ring ang phone ko.
"Sissy!!!" Umiiyak kong sabi dito.
"Are you okay?" Halata sa tinig nito ang pag aalala.
"No! Hindi ako okay! Wala na. I totally lost him." Saka napa hagulgol ako ng iyak na parang bata.
"Where are you? Hello? Hello?" Naririnig ko naman iyon kaso lang tila wala na akong lakas para sagutin pa iyon.
"Hello Sir?"
"Hello?"
"Hello Sir. Pasensya na po. Mukhang pong lasing na si Maam"
"Okay. Saang place yan? I will pick her up."
"Sige po Sir-"
"Hello--"
"Yes Sir?"
"Can you please take good care of her until I çome--"
"Sure po Sir. Wala pong problema."
"Thank you--"
Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakayuko sa may table. Nakapikit lang ang mga mata ko.
I dont even know how I looked like but for sure, nakakatawa!
"Ember---" narinig kong may bumanggit sa pangalan ko tapos hinawakan nito ang likod ng ulo ko.
Dahan-dahan kong iniangat ang ulo ko saka tinignan iyon bagamat hindi ko masyadong maidilat ang mga mata ko.
"Bakit ngayon ka lang---" sabi ko sabay napahagulgol ako ng iyak. "I feel so alone. I have no one here--" saka niyakap ko iyon. Para akong batang nakahanap ng kakampi dito.
Niyakap din ako nito saka tinapik-tapik ang likod ko. "Tahan na." sabi nito. "Sorry. But I'm here na" hindi ko alam kung gaano ako katagal nag iiyak basta yakap yakap lang ako nito hanggang sa kumalma ako. "Are you okay now?" Tanong nito.
Tumango ako.
"Lets go home---" narinig kong sabi nito.
Muli akong tumango saka inalalayan ako nitong makatayo hanggang sa marating namin yung naka parked kong kotse.
"'Take a rest--" sabi nito saka iniayos ang upuan ko. Waring siniguro nito na magiging komportable ako.
"Thank you---"saka hinawakan ko ang mukha nito. "love mo talaga ako!" nakangiti kong sabi dito saka hinalikan ko iyon sa pisngi. "Buti na lang nandito ka!" Sabi ko saka ipinikit ko ang mata ko. "Sleep na ako---"
Narinig kong bahagya iyong natawa gusto ko sana iyong tignan kaso hindi ko maidilat ang mga mata ko dahil sa sobrang antok.
Naramdanan ko ang pag haplos nito sa ulo ko.
At ewan, basta I feel so calm.
That touch makes me feeling at ease and safe!